NASAAN NA
Nasaan na ang rosas na hinangaan ng lahat
Ang bango niyang sa dugo'y nagpabilis ng daloy
Hindi nakapagtataka na ginawa kang obra ng mga pintor
Na hindi lang paru-paru ang sa'yoy suminta...
Nasaan na ang bandilang iyong iwinagayway
Ang ginawang simbolo ng iyong inipong galit
Umalab ka na sing init ng haring araw
Wala kang alintana lagutan man ng hininga ang yong buhay...
Nasaan na ang sumulat ng makabagbag damdaming tula
Na siyang umantig sa puso ng maraming prinsesa
Doon mo isinalaysay ang iyong hinanakit
Doon mo inilantad ang iyong pag-ibig...
Nasaan na ang nakalipas na naghatid sa ngayon
Babalik pa ba siya pagdating ng panahon
Nalanta ang rosas, naanay ang bandila; ang makata'y nawalan ng hininga
Hangin alam mo ba kung saan sila napunta?
Original date: Oct. 1, 2002 @ 8:35 AM
nom de plume's: Agilang Ligaw, Simplyfred & Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro