Munting Tula
Sa inyong mga bukod tangi
Aking inaalay itong tulang munti
Oo, kayo riyang sa luha'y pumahid
At nagbigay ng ligayang walang patid
Sa mundo na kung saa'y pagsubok di mabilang
Kung walang kawangis ninyo'y naligaw na'ko sa parang
Aking magulang, kapatid at mga tunay na kaibigan
Kayo ang dahilan kung ba't di ako nawala sa panig ng katuwiran
Kung babalikan kong tunay aking dinaanan
Sa katigasan ng bunbuna'y muntik nang masagasaan
Ngunit nar'yan kayo't di ako pinabayaan
Kaya marapat lamang na tulang ito'y kayo ang pag-alayan
10-xx-2016
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro