Kabiguan Ng Manunulat (Ikatlong Pahina)
Letrang pinanday mo'y sumalamin sa panahon
Panahon hindi hadlang upang iyong ikahon
Ikahon ang panitik na sa isip mo'y bumabaon
Bumabaon na galit sa matalim na salita mo inipon
Inipon hadlang may di mabilang na kanyon
Kanyon ma'y humarang ikaw pari'y mahinahon
Mahinahon ngunit pangil ng panulat nagbabadyang tumilapon
Tumilapon sa mga mapang-api't mandarambong
Mandarambong at mapagkunwari sa maraming isipan na nalason
Nalason ma'y handa mong bigyan ng pagkakataon
Pagkakataon upang yumuko't manalangin sa panginoon
Panginoon naging anyo nilang sumamba sa milyon
Milyon na sulatin mo sana'y higit pa ang halaga
Halaga ay nanumbalik sa di makitang wala
Wala sapagkat mga letra mo'y pumanaw
Pumanaw di man lang nabasa ng iba.....
written: July 16, 2014 @ 8:26 am
Alay sa mga manunulat na hindi man lang naipamahagi ang kanilang sulatin...
At sa mga sulatin ko dati ...
mga sulatin na nawala, nasunog at naanay na.... sayang, di man lang nabasa ng iba...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro