Kabiguan Ng Manunulat (Ikasampung Pahina)
Muli mong inihalik ang lapis sa papel
Pinaharap sa dambana't benindisyonan ng mga anghel
Pinagniig ang mga ito't pinagyakap nang labis
Mula roo'y sila'y nagsilang ng wikang may saya't may tangis
Manunulat ano nga ba ang hangarin mong tunay
Nag akda ng mga sulatin na binuhusan mo ng husay
Ang kuminang bang katulad nang di mabilang na bituin
O kaya'y mga titik mo'y pangarap mong ilakbay sa iba-ibang lupain
Pinaahon mo ang titik sa pinakailalim nang karagatan
Inabut kaisipan ng ulap, araw, buwan at lahat ng nasa kalangitan
Ano bang tagumpay ang nais mong makamit
Datapuwat alam mong sa mundo ng wika'y kadalasay hikbi't gutom ang kapalit
Ngunit patuloy mong pinahalik ang lapis sa papel
Pinaharap sa dambana't benindisyonan ng mga anghel
Pinagniig ang mga ito't pinagyakap ng labis
At mula roo'y sila'y nagsilang ng wikang may saya't may tangis
written: Nov. 10, 2014 @ 7:15 p.m.
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro