Kabiguan ng Manunulat [Ikalabing Dalawang Pahina]
Sa pagtatahi ng mga letra lubos kong inunawa
Sa bawat nahahabing kwento at tula
Mga emosyong isinuot ng manunulat at makata
Sa pamamagitan ng lapis at papel nasalamin ang isang hubad na kaluluwa
Galit man o pagmamahal ang ating binurda
Nararapat lamang na itoy bigyang halaga
Ito ay ang tanging ambag natin sa kultura
Magbibigay kasuotan na magpapaningning sa ating literatura
Kabiguan ng manunulat ang siyang nakatatak na pamagat
Ngunit sana'y hindi lamang kabiguan ang inyong naaklat
Kundi ang bawat aral na nais imutawi ng isang simpleng manunulat
Hindi ang dumi sa kanyang damit, hindi ang nagmantsang dugo mula sa kanyang sugat
Sa paglalakad ng palabirong panahon
Iba't-ibang kulay na kasuotan, samu't saring damit ng emosyon
Mabuhay ka manunulat, naiburda mo sa papel ang bawat naranas
Nakahabi ka ng sining na isusuot parin hanggang bukas, panahi man nati'y magwakas...
Isinulat: Disyembre 18, 2014
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro