Kabiguan Ng Manunulat (Ikaapat na Pahina)
Nagsimula siyang mangarap at tumingin sa bituin
Maging tanyag ang pangala't sinulat ay magningning
Positibong pananaw niya'y isang matibay na dingding
Katuparan sa pangarap tila kay daling abutin
Bitbit niyang mga letra'y kumpleto ang sangkap
Nobela niya'y di malayong sa telebesyon ay lumabas
Namumukod tangi ang kanyang mga tula
Punong-puno ng emosyon at nakalakip ang diwa
Ngunit katotohanay malayo sa ilusyon
Ang konting lakad na akala'y ang layo'y daang milyon
Bagamat magaling na tunay mahirap ang kanyang misyon
Marami mang napahanga sa wika ngunit di siya binigyan ng atensyon
Tunay ngang mahirap maglayag kung wala kang kapitan
Kung walang direksyong tatahakin maliligaw ka sa parang
Dekada na ang binilang lapis niya ay pumurol
Positibong pananaw ay naging walang ilaw na parol
Manunulat na ang lapis ay daliri't ang tinta ay dugo
At sa huli gumawa nga s'ya ng isang napakalaking kwento
Malaking pangalan niya'y nasa unang pahina ng dyaryo
Munting manunulat na naglaslas ng sarili niyang pulso...
written: July 18, 2014 @ 9:13 pm
Di malayong mangyari sa katotohanan...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro