Kabiguan Nang Manunulat [Ikalabing-isang Pahina]
Sulat pa rin panulat, lumipad sa malayo at muling iulat
Ang mga bagay na nagaganap sa paraisong hindi tunay
Mga pangyayaring naglalaro sa isipan, sa mga letray iyong bigyang saysay
Sulat pa rin panulat, pilitin mong imulat
Ipangalandakan ang poot sa mga taong hustisya'y di pantay
Idalangin sa mahabaging Poon na masamang ugali nila'y humandusay
Sulat pa rin panulat, pag-ibig bigkasin sa mga pangungusap
Ang paghanga mo sa prinsesa, sa kanyang kagandahang taglay
Na tinatangi mo siya't nais makapiling hanggang kabilang buhay
Sulat pa rin panulat, ipamahagi kung paano ka nagwagi
Mga pagkakataon na kinang ng bituin ay iyong hawak kamay
Ikuwento sa iba kung paano ka nagtagumpay
Sulat pa rin panulat, ilantad ang iyong hikbi
Ang mga kasawiang sa labi mo'y dumapi't humanay
Mga nag-unahang luhang nakipaglibing sa iyong lumbay
Manunulat sadyang namumukod tangi ang iyong talento
May halaga kaya sa iba ang iyong talentong binigay ng mga anghel
O kaya'y mga sinulat mo'y mantsa lamang sa makinis na papel
November 19, 2014
Naubusan na ako ng bala sa librong ito... he he...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro