Kabiguan Nang Manunulat (Dignidad Sa Pagsulat)
Mga MAGALING sa panulat ay NAGKAKASAKIT
MATA na kanilang inaasaha'y tila NAKAPIKIT
Kwento't tula nila'y MABAGAL pa ang usad sa PAGONG
Kaya't nawalan ng TIWALA sa sariling DUNONG
Kasi sadyang mapapaMURA ka sa kumakalat na uso
PagmaMAHAL sa sining tila nawawaglit ng puso
Mga may gatas pa sa labi nalinlang nang HALAGA nitong kasikatan
PATAWAD ang panulat ko'y LIBRE ninyong MABIBILI ang di kailangan
Mga kabataang kayang ipagpalit ang BUTO sa boto
Na kung itinanim sana lalago't MAMUMUNGA ng ginto
Ngunit SINUNGKIT n'yo ang HILAW upang magkaroon kayo ng bilang
NAPAKABATA pa upang MAHINOG, ngunit pinili ninyong maging MAGULANG
Kung nabubuhay pa si Rizal sa ganitong PANAHON
Papawisan s'ya sa INIT at mapapatanong
Kabataan pa nga ba'y PAG-ASA ng bayan
Bubuhos ang puting butil, kanyang mata'y dadalawin ng TAG-ULAN
written: May 28, 2015 @ 3:50 PM
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro