Ganyan Lang Yan (Old Stuff)
Sa oras ng katahimikan, biglaan na lang tayong tatamaan
Napano na ang sarili mo
Kahapon lang eh alam kong kinabagan ka sa tawa
Bakit ngayon di maguhit ang iyong mukha
Ganyan lang yan ang masakta'y kasama sa buhay
Hayaan mo kasama mo naman ako sa hirap at ginhawa
Alam mo giliw na ako'y handang dumamay
Handang umalalay sa iyo sa paglakad
Halika na makinig tayo sa musika ng ulan
Papawi sa luha mo
Kadalasan ako'y nahihirapan din sa kamalasan
Subalit ito pa rin gumagala
Ganyan lang yan ang lumuhay parte ng buhay
Hayaan mo may bukas pa, baka sa'tin naman ang tagumpay
Alam mo ba sinta ko, narito lamang ako
Laging aalalay sa'yong pagtayo
Halika na tayo'y magtampisaw
Ganyan lang yan kaya tayo'y magsayaw
Halika na tayo ay magtawanan
Ganyan lang yan kaya tayo'y magkantahan...
Written: Sept. 29, 2002
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro