Dalawang Ibon
Dalawang ibo'y lumipad sa himpapawid
Ang isa'y tila masayang patungo sa planadong daan
Ang isa nama'y masayang patungo sa kawalan...
Isang ibong puno ng palamuti
Mga mamahaling alahas
Sa kabila nama'y isang ibong payak
Walang suot na mahalaga kundi ang sarili
Itong ibong maraming pananalapi'y
Nakangiti ngunit halata sa matang malalim
Kadalasa'y umiiyak itong palihim
Isa siyang langgam na buong buhay nagsipag
May pagkain nga siya sa hapag
Ngunit walang dalang kwento
Kundi kung paano sya nagpawis sa paglalayag
Ito namang ibong may buhay na payak
Ang ngiti ay tunay
Luntian kanyang kulay
Isang tipaklong na palundag-lundag
Kwento niyang dala'y
Buong silid aklatan
Dalawang ibo'y lumipad sa himpapawid
Ang isa'y parang buo ngunit kulang
Sa kabila nama'y kulang tignan ngunit buo
Oo itong isang ibong tila matagumpay
Ngunit may hangganan ang kanyang lipad
Saranggolang may tali sa mga paa
At isang ibong animo'y bigo
Ngunit wala kang maaaninag na pagsisisi
Dahil walang nakagapos sa kanyang tanikala
����������������
Feb. 24, 2017
Ano nga bang mahalaga
Ang may pera ka
Na di ka masaya
O Masaya ka
Ngunit wala kang pera...
�� �� �� �� �� �� �� ��
Mysterious_aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro