Boses ng Isang Sundalo
Damang-dama ko pa rin ang mga pangyayari
Ang nangangatog kong tuhod
Mga alingawngaw ng balang samu't sari
Ang patak ng ulang sa pisngi ko'y lumulunod
Muli kong binalikan ang tunay kong hangarin
Ang maitawid ko ang pamilya sa gutom
Ako'y nagkaunipormi upang malunasan ang kahirapang suliranin
Nang di na kudkudin ng aking angkan ang bawat natitirang tutong
Datapwat labag sa kalooban na itutok ang baril
Sa kapwa Pilipino, sa kaparis kong may pamilya
Lakas loob kong gantilyo'y pinisil
Kundi kapalit nito'y pagkapundi ng sarili kong bumbilya
Sana dumating ang panahong di na galit ang damhin natin sa isa't isa
Pag-ibig at kapayapaan katoliko man tayo o muslim ang s'yang magreyna
Sana mga lunggati tup'din ng dakila nating Ama
Upang di na tayo magpaikot-ikot sa sirkulo ng giyera
Dama ko pa rin ang mga nangyari
Ang nangatog kong tuhod
Mga alingawngaw ng balang samu't sari
Patak ng ulang sa pisngi ko'y lumunod
Sana mahanap nila ako sa kinalalagyan kong lubak
Upang ako'y makabalik sa aking pamilyang naghihintay
Na di sana maunang magpiging ang mga uwak
..... Sa malamig pa sa yelo kong bangkay....
written: February 4, 2015 @12:30 pm
Para sa mga sundalong nag-alay ng kanilang buhay....
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro