Ama Nasan Ka
Oh! Ama nasan ka?
Itong anak ay nakahanda na
Tuliro sa ikot ng buhay
Nais na itong wakasa't ialay
Kanyang malaput na dugo
Nais nang ipatak sapagkat bigo
Mapaglarong tadhana ay
Kasiping lagi't kaakbay
Pagod na sa dagok na dumadatal
Lahat ng pasakit sa puso'y pumapantal
Masisisi mo ba kung maaga siyang uuwi
Umaasang sa'yong tahana'y sugat niya'y mapapawi
Oh! Ama iyong dinggin
Nakikinig lang ba'y hangin
Sa bawat pagsapit ng dilim
Nakatago'y milyong lihim
Maaring bang iyong anghel
Yakapin itong bawat may-ari ng papel
Pagkat daang kanilang binabagtas
Taliwas sa sinulat mong batas
Oh! Ama nasan ka?
Pawiin ang sugat nitong mga aba
Mata nila'y hapo na sa paglalakbay
Sa dagat na puro alat ang taglay
Dalhin sila sa dalampasigan
Bigyan ng sagot kanilang katanungan
Upang sa kahuli-hulihan
Mawari nila ang kagandahan nitong buwan
Oh! Ama nasan ka?
4-26-2016
8:06 pm
Mysterious_aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro