Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🐯TASK RULES🐯

Ito ang RULES sa gagawing TASK dito sa tambayang ito.

🐅 Bawat isa na kasali sa activity ay naatasang i-follow ang kapartner o ka-grupo dahil magiging permanente mo silang kapartner o kagrupo unless gusto nilang mag-quit dito.

🐅 Ang bawat kasali ay naatasang bumoto sa tatlong (3) kabanata ng kwento ng kapartner o kagrupo.

🐅 Maliban sa pagboto, naatasan din ang bawat isa na magkomento sa tatlong (3) kabanata ng kwento ng kapartner o kagrupo.

🐅 Sa paggawa ng komento, kailangan ay makagawa ng limang (5) komento sa bawat kabanata na binubuo ng tatlong pangungusap na may dalawampung (20) salita. Maari ding gumawa ng isang buong komento na may dalawang (2) talatang binubuo ng tig-lilimang pangungusap na maglalaman ng walumpung (80) salita.

🐅 Bibigyan kayo ng isang linggo para matapos ang inyong gawain.

🐅 Magkomento ng "task complete" with @username ng kapartner o kagrupo kapag nakumpleto na ang inyong gawain.

🐅 Titingnan ko at dadaan sa beripikasyon ang bawat gawain nakumpleto upang malaman ko kung nagawa ba ng maayos ang takdang Gawain ng bawat isa.

🐅 Lahat ng kasali ay kailangang tumugon sa beripikasyon na gagawin ko at pupwedeng magpahayag ng inyong damdamin ukol sa ginawa ng inyong kapartner o kagrupo.

🐅 Siguraduhing nasunod ang mga alituntuning ito at maari kayong magtanong kung may hindi naintindihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro