Wakas
"Architecture ang kukunin kong course sa college," sabi ni Aivee, isa sa mga kaibigan ko.
"Ako naman, I want to be an Engineer!" Mella said dreamily. Nakangiti pa ito sa kawalan na animo'y ini-imagine na isa na siya sa pinapangarap niya. "Ikaw, Jovani?"
"Ako? Huh! Simple lang naman ang pangarap ko, eh. 'Yong sa inyo, masyadong matataas at magastos! Hindi ko ma-reach!" Jovani exclaimed and shook his head.
My forehead knotted innocently at him. "Bakit? Ano bang pangarap mo?"
"Pangarap kong maging non-showbiz boyfriend–"
Binatukan siya ni Aivee at sinamaan ng tingin. "Tangina naman, oh!"
Jovani roared a laughter and pinched Aivee's cheek. "Ikaw naman cutiepie, masiyado na namang mainit ang ulo mo sa 'kin."
"Heh! Anong cutiepie ka riyan? Baka gusto mong blackeye? Sabihin mo lang!" Itinapat nito sa mukha ni Jovani ang nakakuyom na kamao.
Ngumuso ako at napailing na lang sa kakulitan nilang dalawa.
"Ikaw, Luke? Anong gusto mong kunin na course sa college?"
Lumingon ako kay Mella. Ang nag-aasarang si Jovani at Aivee ay tumigil at kuryoso na ring tumitig sa 'kin.
I smiled and simply answered. "I want to be a teacher."
Kumunot ang noo nila sa akin, naguguluhan.
"Kung gusto mo pa lang maging teacher, bakit nandito ka sa STEM?" tanong pa ni Jovani.
"My Mom didn't allow me to take my dream course. . ." I simply answered.
All my life I have done nothing but to follow the decisions and commands of the people surrounding me–particularly my Mom. Tila isa akong ibon na nakakulong sa hawla at isang malaking kasalanan kapag sinubukan kong lumabas dito. My Mom decides what I should use, for the clothes I should wear, kung sinong mga kakaibiganin ko and even the profession I wanted to take.
Nakakasakal but I couldn't say no. I am afraid to say no to her kaya naman kung anong gusto niya ay sinusunod ko na lamang. Kung anong sabihin niya ay walang pagdadalawang isip kong ginagawa.
"You will take Civil Engineering in college, iyon ang pangarap ni Lucan noon kaya ikaw ang tutupad niyon ngayon," Mom said using a stern tone.
"But Mom, I want to be a teacher," maliit ang boses kong sagot sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman napalunok ako at napayuko na lamang sa sobrang kaba.
"You will be an Engineer, Luke. That's final," matigas at desido nitong saad. "Kung hindi dahil sa kapabayaan mo, hindi sana mawawala ang kapatid mo. This is all your fault! Sana ay ikaw na lamang ang nawala at hindi si Lucan!"
Kung puwede nga lang, Ma. Sana ginawa ko na. Hindi ako magdadalawang isip na gawin ang bagay na 'yon kasi tama ka. It was all my fault. Kasalanan ko kung bakit nawala ang kapatid ko. Kasalanan ko kaya dapat lamang ay pagbayaran ko ang lahat ng iyon.
Walang gabi na hindi ako umiyak at humingi ng tawad sa kaniya. Tama naman si Mommy na kasalanan ko nga ang lahat kaya bilang kabayaran ay handa akong magsunod-sunuran kay Mommy. That was why my decision depended on what makes her happy. I became dependent to her that I already forgot my own happiness.
I don't deserve it, anyway.
But when I met her, everything changed.
"Nawawala wallet ko, shit!" Kinapa ko ang aking bulsa at itinaktak ko na rin ang laman ng bag ko, nagba-baka sakaling naroon lang pero wala. Bagsak ang balikat kong lumingon kay Jovani na pinapanood lang ako. "Pre, nawawala wallet ko!"
"Oh? Sinong tanga?"
I glared at him. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag at bumalik sa canteen. Nakakainis dahil tatawa-tawa lang si Jovani sa likod ko! Hindi 'yon puwede mawala dahil mapapagalitan ako ni Mommy! Naroon ang mga debit and credit cards ko. Pagkarating ko sa canteen na kung saan ako bumili ng tubig kanina ay agad akong nagtanong-tanong sa mga tindera ngunit sa kasamaang palad ay wala raw silang nakita o napansin.
Kung sino man sana ang makapulot niyon n ay ibalik niya sana sa 'kin dahil kung hindi, sana sumakit ang tiyan niya! Sinusumpa ko, sasakit ang tiyan niya!
Pero agad ko ring binawi ang sumpa na iyon kinabukasan.
"Luke, halika! Nasa akin na wallet mo!" Aivee shouted.
"Huh?" I curiously muttered. Nagningning ang mga mata ko nang kunin ko kay Aivee ang wallet at i-check. Okay, kompleto naman. Wala namang kinuha o nabawas. "Sinong—"
"Alis na 'ko." A woman's voice filled my ears.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakatalikod na siya sa akin kaya naman hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya para hindi siya tuluyang makaalis.
When our gaze met, my breath hitched and my heart started to beat rapidly. With her intimidating and strong aura, a round black eyes, pointed nose, thin lips, and short curly hair. Mukha siyang anghel na ibinagsak sa lupa dahil pasaway. Buong akala ko ay sa pelikula lamang nangyayari 'yong magslo-slowmo iyong paligid mo kapag tinamaan ka.
Oo, tinamaan agad ako sa kaniya.
Sa tuwing nakikita ko siya ay dumudoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Palagi akong kinakabahan at hindi ako makatingin ng tuwid sa mga mata niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko and I always messed up whenever I saw her.
Our closeness started when I had a fake interview with her. Oo, fake lang 'yon. Gawa-gawa lang nina Aivee iyong tanong. Isang paraan ko na rin iyon para magkalapit at magkaroon kami ng picture dalawa.
Sa kaniya ko naransan ang lahat ng first time. She even made me realize so many things. Kaya ko palang maging masaya. Puwede pala. Hindi pala masama na tumayo at gumawa ng desisyon para sa sarili ko.
Kapag kasama ko siya, malaya akong nagagawa ang bagay na gusto kong gawin. Parang laging sasabog ang puso ko sa sobrang saya.
When she said that she loves me too, doon ay mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipaglaban ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipaglalaban ko ang kasiyahan ko. Kahit ito lang. . . Kahit si Rose lang, masaya na ako.
But just like any other relationship, we've been through a lot. Seeing her kissing her friend really hurt me and my ego a big time that was why we broke up. Pinaniwala ko ang sarili ko na niloko niya 'ko kaya sinubukan ko ring makipagkilala sa ibang mga babae. Gusto kong malaman niya na kung kaya niya akong ipagpalit, kaya ko rin. I explored so many things. Lumawak ang circle of friends ko and I even joined the pageant here in our campus.
But I didn't know na mayroon pa palang mas malalim na dahilan kung bakit niya nagawa iyon.
It was my Mom's fault.
"Wala siyang kasalanan," Damian said then puffed in his cigarette.
Tinakpan ko kaagad ang ilong ko para hindi ko malanghap ang usok noon. Umarko ang kilay niya sa akin kasabay ng nang-uuyam na ngisi sa labi.
"Walang kasalanan si Rose. Kung may dapat kang sisihin, ako 'yon. Ako ang humalik sa kaniya," aniya at nagkibit balikat. "Well, I'm just helping her to break up with you. Kung may dapat ka mang sisihin sa nangyari sa inyo, walang iba kundi ang nanay mong tinalo pa 'yong Nanay ni Dao Ming Si sa Meteor Garden sa sobrang pagiging kontrabida. Tsk, akala ko sa tv lang may ganoon, eh. Sa totoong buhay din pala." He roared with laughter.
Nanatili akong tulala at hindi man lang nag-abalanag makitawa sa kaniya. Naiinis pa rin ako, hindi ko lang matukoy kung kay Damian ba, sa Mommy ko o sa sarili ko?
Bakit kasi hindi ko muna inalam ang lahat?
I should've asked her. I should've listened to her. Hindi ko dapat siya pinabayaang mawala sa akin ng gano'n-gano'n lang. Pero habang kausap ko si Kuya Damian, may isang tanong pa rin na patuloy na gumugulo sa isipan ko.
"Do you love her?" walang paligoy-ligoy kong tanong kaya natigilan siya sa pagtawa.
He shifted his seat and bowed his head. Tumitig siya sa sigarilyong hawak niya at pagak na tumawa.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Ano? Walang wala ka na ba?"
"Sagutin mo na lang—"
"Putangina, oo. Mahal ko siya pero alam ko namang wala akong pag-asa. Ikaw ang gusto no'n kaya hindi na ako umaasa pa." He chuckled bitterly. "Tangina, swerte mo nga, eh. Samantalang ako hanggang kaibigan lang. Ano bang nagustuhan no'n sa kagaya mong mama's boy at walang bayag, eh di hamak naman na mas gwapo pa ako sa 'yo?"
Umismid ako at napailing sa mga sinasabi niya.
God has been good to me because we became okay again. . . as a friend. A friend with benefits, sabi nga nila. Mahal namin ang isa't isa pero mukhang nasanay kami sa ganoong klaseng set-up at hindi namin naisip agad na maaari itong magbunga. When I found out that she was pregnant, naghalo-halo ang emosyong naramdaman ko. Saya, kaba, at excitement. Wala akong naramdaman na pagsisisi bagkus ay naiyak pa ako sa sobrang tuwa but noong araw din na iyon ay ang araw kung kailan sinabi sa amin ni Mommy ang kalagayan niya.
She had a heart problem.
Hirap na hirap ako noong panahon na iyon. Hindi ko alam kung sinong uunahin ko sa kanilang dalawa. My Mom needed me as well as Rose. Madalas man kaming mag-away ni Mommy dahil gusto niyang ipalaglag ang anak namin ni Rose pero kahit na hindi maganda ang gusto niyang mangyari ay nanatili pa rin ako sa tabi niya.
Aaminin kong mas pinili ko siya noon kaysa sa mag-ina ko. Rose never demand on me pero kitang kita ko ang disappointment at lungkot sa mga mata niya sa tuwing magkasama kami ngunit kailangan ko siyang iwan sa kalagitnaan dahil kailangan din ako ni Mommy.
"If you choose that woman over me, kakalimutan ko nang anak kita," pagbabanta ni Mommy sa 'kin.
I felt so bad that time but I am already sure with my decisions. Ayaw kong umabot pa sa puntong tuluyan nang mawala ang mag-ina ko bago pa ako matauhan. Nang manganak si Rose ay ipinangako ko sa kaniya na babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko. I don't want them to feel that they are just my obligation because they're not. I love them both and this time. . . I was really sure that I am going to choose them over my mother.
Gagawin ko ang lahat para sa kanilang dalawa ni Lucas.
Pagod ako sa maghapong trabaho ngunit ang lahat ng iyon ay napapawi sa tuwing nasisilayan ko ang magandang ngiti sa akin ni Rose at ng anak naming si Lucas.
"Magtatapos pa rin tayo ng pag-aaral kahit may Lucas na tayo. Mag-aaral pa ako nang mabuti para mas mabigyan ko kayo ng magandang buhay ni Lucas. Hindi na baleng magkandakuba-kuba ako sa pagtratrabaho at pag-aaral, basta para sa inyo, gagawin ko ang lahat." I hugged her tightly and kissed her forehead.
But for the nth time, I broke my promises again.
"Leave that woman! She's cheating on you!" Binato sa akin ni Mommy ang isang brown envelope. "Open that! And you'll see kung gaano karuming babaeng ang kinakasama mong 'yan!"
"Hindi totoo 'yan, Mom! Kung pinapunta mo lang ako rito para siraan na naman sa akin ang asawa ko, pwes, nag-aksaya ka lang ng oras! Kilala ko siya at alam kong hinding hindi niya magagawa sa akin ang bagay na ibinibintang mo—"
"Then, open it! I dare you to open that freaking envelope! Tingnan natin kung masabi mo pa rin yang mga salita na 'yan kapag nakita mo na ang larawang nasa loob niyan!" Buong tapang niyang hamon sa 'kin habang bakas ang nang-uuyam na ngisi sa labi.
My jaw clenched when I slowly pulled out the pictures from the envelope. Nanginig ang sistema ko habang iniisa-isang tingnan ang mga pictures na hawak ko. Kumibot ang labi ko at awtomatikong kumuyom ang kamao.
Muli kong nilingon si Mommy gamit ang madilim at nag-aalab sa galit na mga mata. "Tell me this is not true! S-Siguro pinipilit mo na naman kaming siraing dalawa! Kailan mo ba kami titigilan, huh?!" I shouted at the top of my lungs.
Ang ilan naming mga kamag-anak ay pilit akong pinapakalma ngunit nagpupumiglas ako sa tuwing sinusubukan nila akong hawakan. My mother clutched her chest dramatically, habol ang kaniyang hininga ay bigla itong natumba at nawalan ng malay.
Napakurap ako at napaatras nang magkagulo sila. Mabilis na binuhat ni Daddy si Mommy at isinakay sa kotse para dalhin sa hospital. Sumunod ang iba naming kamag-anak, may ilan ding naiwan at lahat sila ay bakas ang disappointment sa akin.
"Pinatay mo nga si Lucan. . . tapos ngayon, ang Mommy mo naman ang inilagay mo sa kapahamakan?" one of my relatives muttered coldly.
Yumuko ako dahil hindi ko kayang suklian ang nanlilisik niyang tingin sa akin.
"Masiyado ka nang baliw diyan sa maduming babaeng kinakasama mo. If something happens with your Mom, hinding hind ka namin mapapatawad."
Natakot ako at nanginig ang sistema ko sa narinig. Habang lumilipas ang oras at bawat minuto ay mas lalo akong kinakain ng guilt. . . mas lalo akong naguguluhan. Fuck!
Sa sobrang gulo ng isip ko ay nakagawa ako ng maling desisyon.
I left with Lucas without Rose even knowing. Habang nakasakay sa private plane ay gusto kong bumaba at huwag na lang sumama pero kapag nakikita ko si Mommy ay mabilis na bumabalik sa utak ko ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito.
I was guilty. So damn guilty. Hindi ko kakayanin kapag nawala rin si Mommy dahil na naman sa kagagawan ko.
Sinulyapan ko ang anak kong nakatitig sa akin.
Huwag kang mag-alala, anak. Kapag na-operahan na agad si Lola mo, uuwi na tayo. Uuwi na agad tayo kay Mommy.
I kissed his forehead and I tried to stop my tears. Natatakot ako pero kailangan kong tapangan ang loob ko. Hindi ako puwede maging mahina lalo pa't kasama ko ang anak ko.
Sorry, Rose. Sorry...
Akala ko noong una ay magiging maayos lang ang lagay namin sa America pero dumating sa punto na halos maubos na ang mga gamit at property namin kakabenta sa mga ito dahil patagal nang patagal ay mas lalong lumalaki ang gastos naming para sa operasyon ni Mommy.
Akala ko ay magiging okay na ang lahat at makakabalik na kami sa Pilipinas pero the day before the operation, mom died. Hindi iyon matanggap ni Daddy, kitang kita ko sa mukha niya ang sakit at hindi niya matanggap ang pagkawala ni Mommy. Palagi ko siyang dinadamayan at umiiyak din ako parati. Palagi kong sinasabi sa kaniya na malalampasan namin 'to pero ang daya lang kasi wala pang isang buwan ang pagkawala ni Mommy ay si Daddy naman ang nawala.
He killed his self.
Takot na takot ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at paano ako babangon lalo na noong palayasin kami ni Lucas noong kamag-anak namin dahil wala na rin naman daw ang mga magulang ko.
Habang nakaupo sa isang sulok ng madilim na kalsada ay umiyak ako nang umiyak habang yakap ang anak ko. Nanginginig ako sa lamig at gutom at alam kong ganoon din ang nararamdaman ng anak ko.
"Rose. . . Rose. . . ayaw ko na rito. Uwi na 'ko sa 'yo, please. . ." paulit-ulit kong sinasambit sa kabila ng mga hikbi.
Naaawa na ako sa kaniya. Galit na galit ako sa sarili ko kasi kung alam na ganitong buhay pala ang nag-aabang sa akin dito ay sana hindi ko na lamang isinama ang anak ko.
Kaya kong tiisin ang gutom, lamig at hirap na nararamdaman ko pero ang hindi ko kayang makita ay ang nahihirapang si Lucas. Alam kong gutom na gutom na siya pero wala ako ni isang piso sa bulsa ko. Masakit na rin ang paa ko dahil malayo ang nalakad ko. Inaalo ko si Lucas na kanina pa umiiyak at ayaw tumahan.
"Wait lang, anak. Gagawa ng paraan si Papa, huh? Gagawa ng paraan si Papa, huwag kang mag-alala."
Nangingilid ang luha kong inilibot ang tingin sa buong paligid at nang makita ang isang convenient store na wala masyadong customer ay may pumasok na ideya sa utak ko at napalunok. I've never done this in my whole life but I need to do this. . . for my son.
Pumasok ako sa loob at sinulyapan ang anak kong tumahan na at mukhang napagod na yata sa pag-iyak. Tipid akong ngumiti sa kaniya at pinatakan siya ng halik sa pisngi.
Inayos ko ang pagkaka-kalong ko sa kaniya at gamit ang isang kamay ay pasimple at maingat akong kumuha ng biscuits at gatas at inilagay iyon sa ilalim ng hoodie ko.
"Oh man, what do you think you're doing?"
Natigilan ako at umawang ang labi sa sobrang gulat. My heart skipped as I looked at the old woman standing in front of me. Her eyes fixed to my hoodie while her eyes furrowed.
"Do you want me to call a cop—"
"Ma'am, please no!"
I almost begged and cried in front of her.
Kung ano-anong pangako ang sinabi ko para lang hindi siya tuluyang tumawag ng pulis at kalaunan ay mukhang naawa naman ito sa akin.
Tita Annaliza saved us from darkness.
Akala ko noong una ay katapusan ko na ngunit mali ako. She became my guardian angel. A heavenscent from above.
Tinulungan niya ako sa lahat.
She gave us home, she gave me a job, and she even became my second mother.
Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko na alam kung anong maaaring mangyari sa amin ng anak ko. Dahil sa kaniya kaya ako nakabangon at nakabalik ng Pilipinas para muling makita at makasama si Rose.
Lahat ng pinagdaanan ko ay buong lakas kong sinabi sa kaniya. Malaki ang kasalanan ko at handa akong pagsisihan habang buhay iyon. Alam kong mahirap ang pinagdaanan ko sa ibang bansa pero alam ko ring mas mahirap at mas masakit ang pinagdaanan ni Rose dahil lamang sa hindi ko pinag-isipang desisyon.
Kaya naman kahit mahal na mahal ko siya ay tinanggap ko ang desisyon niyang huwag muna akong balikan. . . dahil tama naman siya.
We both need to grow more. We both need to heal separately.
I need to be a better man.
Ayaw ko nang maging Luke na duwag, walang paninindigan at padalos-dalos kung magdesisyon. Marami pa akong kailangang ayusin sa aking buhay at gagawin ko ang lahat para mapatunayan muli ang sarili ko sa kaniya.
Handa akong maghintay kahit abutin man ako ng habambuhay.
I know waiting is not easy, but I'll spend as much time alone as I have to, if that means getting to spend the rest of my life with her.
9x – 7i > 3 (3x – 7u)
9x – 7i > 9x – 21u
-71 > 21u
71 <21u
i <3 u, Rose. . .
You are not just my liability. . .
You are my eternity.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro