Chapter 9
"So anong balita? Nagustuhan ka naman ba no'ng Mommy ni Luke?" usisa ni Joana at tamad ko siyang nilingon.
"Sa tingin mo? At saka wala naman akong pake kung magustuhan ako o hindi," I frankly answered and rolled my eyes.
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong mangyari iyong birthday party ng Mommy ni Luke. Wala namang espesyal na nangyari roon. Noong lingunin niya ako, binigyan niya lamang ako ng isang pekeng ngiti at muling itinuon ang atensyon sa mga amiga niya. Mabuti na lamang sa buong gabi na 'yon ay hindi ako iniwan ni Luke at mga kaibigan niya. Umaalis lamang siya sa tuwing tinatawag siya ng magulang niya para ipakilala sa mga kung sino-sinong taong naroon.
Ang mahalaga naman sa 'kin ay nabusog ako nang bongga dahil talagang pang-mayaman ang mga pagkaing nakahain, pero iyon na rin yata ang pinaka-boring na party na nadaluhan ko sa tanang buhay ko. Ang boring ng party ng mga mayayaman. Wala kang ibang maririnig sa kanila kundi pagyayabang at pagfle-flex ng mga ganito at ganiyan nila. Nakakasuka.
"Tss! Kami lang pala ni Joana ang walang alam about doon kay Luke? Nauna mo pang sabihin kina Dammy at Miguel. Kung hindi pa namin nakita sa facebook iyong mga pictures noong birthday party ni Mayora, hindi pa namin malalaman," mahabang litanya ni Thanika sa akin.
"Ah–"
"Ni hindi nga kami aware na close pala kayo no'ng anak noong gwapo niyang anak na si Luke!" Joana giggled.
"Eh–"
"Pakilala mo naman kami! Ang gwapo no'n tapos mukhang good boy pa! Anong cellphone number no'n? O kaya name sa fb? Twitter? Instagram?" Thanika giggled too.
"Ih–"
I was about to answer but I was cut off for the nth time when Joana spoke again. Ang with that, tuluyan na ngang naubos ang pasensyang kanina ko pa tinitimpi.
At saka ano sila? Sinu-swerte? Puwede ko silang ipakilala kay Luke but not over my sexy body, hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang numero ng lalaki!
Walang kaibigan, kaibigan dito! Pumila sila roon sa likod!
My forehead knotted at them. "Tangina naman, hindi ba kayo tatahimik?!"
Nabitin sa ere ang sinusubo nilang banana cue habang ang mga mata ay nanlalaki sa gulat sa biglaang pagsigaw ko. Pati sina Damian na kasalukuyang nagluluto ng aming merienda ay natigilan din.
"Bakit g na g ka riyan, Mare?" Miguel innocently asked.
Pasimple pa itong dumadampot sa french fries na nasa bowl. Nakita iyon ni Damian kaya agad niyang hinampas ng shanse ang kamay ng lalaki at pinandilatan pa ng mata. Miguel frowned and shook his hand in pain.
Nang makita niyang hindi na nakatingin si Damian sa kaniya ay mabilis siyang dumakot ulit sa bowl ng french fries at sinubo iyon lahat.
Muling inamba ni Damian iyong shanse kay Miguel. "Siraulo ka ba San Miguel? Hindi pa nga naihahain sa lamesa, nangahalati na kaagad."
Umiwas naman si Miguel at bahagyang lumayo sa kaibigan. "Tangina mo, Damian. Hindi pinagpapala ang madamot. Tandaan mo 'yan!" Miguel mouthed with conviction and pointed his finger at Damian's face.
"Sige Damian, suntukin mo! Away lang kayo, dito lang ako," pangungunsinti pa ni Josh habang nakaupo sa isang gilid.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha mula sa bulsa ng aking gray slacks. Nang makita ang pangalan ni Mama na tumatawag sa messenger ay walang pagdadalawang isip na kinansela iyon. Nang akmang isisilid ko na iyon sa bulsa ay muli na naman itong tumunog. I stopped myself from rolling my eyes when her name flashed on the screen again, but now, it was a chat.
I let out a lazy sigh as I opened the message. Hindi mapigilan ang unti-unting pagguhit at paglalim ng gatla sa aking noo nang mabasa ko ang kaniyang pinadalang mensahe. Ilang beses kong sinubukang basahin nang mabuti sa pagbabakasali na mayroon pang mabago, ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagkirot at pagkawasak ng aking puso.
Buong akala ko ay matatag na ako. Na hindi na ako mahina. Na hindi na ako masasaktan. Noon pa man ay natutuhan ko nang tanggapin na wala nang ama't inang gagabay sa akin. Na matagal nang sira ang pamilyang binuo namin. . . ngunit ang lahat pala ng iyon ay akala ko lang.
Dahil nang mabasa ko ang mensahe ng aking ina na tuluyan na niyang pinuputol ang ugnayan namin dahil mas pinipili na niya ang bago niyang pamilya, doon ko napagtanto ang lahat ng sakit at galit na kinimkim ko sa loob ng napakahabang panahon.
"Rose, anak, sana maintindihan mo itong sasabihin ko sa 'yo. Nalaman ni Marion ang tungkol sa iyo at gusto niya akong hiwalayan. Ang tanging paraan na lamang upang manatili siya sa tabi ko ay ang itigil ko ang pagbibigay ng sustento sa 'yo. Anak, hindi ko siya kayang mawala at sana maintindihan mo ako. Masiyado nang mabigat ang responsibilidad ko sa aking bagong pamilya at hindi ko na kakayanin kung dadagdag ka pa."
Gusto kong murahin si Mama. Gusto kong magbitiw ng mga masasakit na salita, hindi ko magawa. Hindi ko ginawa. Dahil bukod sa malayo siya, kahit sobrang hapdi ng sugat na idinulot niya, hindi ko pa rin iyon magagawa.
At alam ko rin naman na dadating ang araw na malalaman ni Marion ang tungkol sa akin at batid kong hindi talaga ako ang gugustuhing makasama ni Mama kung sakaling papiliin man siya ng kinakasama. Masaya na siya sa bago niyang buhay at pamilya kaya ba't pa niya ako pipiliin, hindi ba?
Suminghot ako at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagkawala ng isang hikbi. Pasimple akong tumingin sa mga kaibigan kong masayang nagtatawanan. Ayaw kong umiyak. Hindi ako puwedeng umiyak sa harapan nila. Hindi nila puwedeng malaman na nasasaktan ako at higit sa lahat ay ayaw kong makita nilang mahina ako.
Kilala nila ako bilang matapang at kailangan kong panindigan iyon.
So instead of bothering them with my problems, I just found myself bidding my goodbyes at them. Nagtataka man ay hindi na silang nag-abala pang usisain ako. Paglabas ko ng bahay nina Damian hanggang sa makauwi sa dorm ay lumilipad ang aking utak. Mabuti na lang ay tulog na si Ate Nez nang dumating ako. Matapos kong maligo ay nagdesisyon muna akong lumabas at tumambay sa balkonahe dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok.
I stared at my phone and for the second time, I found myself dialing the number of the first person popped up in my mind.
It was late in the evening and I don't have any idea if he was still awake. . . but then, I still tried my luck.
Napatuwid ako ng upo nang wala pang tatlong ring ay sinagot na niya iyon.
"Hmm?" said by a voice from the other line.
It was a little bit husky, marahil ay naabala ko ang kaniyang pagtulog.
Tanging isang malalim na buntonghininga lang ang isinukli kong tugon. Nang maramdaman niya ang pananahimik ko ay muli siyang nagsalita.
"Rose, what happened? Are you alright?" Panic was evident in his voice.
Ang tanong niyang iyon ay naging hudyat upang tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"L-Luke..." I uttered between my sobs.
Sandali siyang natahimik bago suminghap. "Damn, y-you are not okay. What happened?"
A painful smile plastered on my lips as I shook my head eagerly–as if he could see me.
He took a soft sigh.
"Hindi mo kailangang magsalita, Luke. Gusto ko lang umiyak kasi ang bigat bigat na. Gusto kong maging mahina, kahit ngayon lang, kahit ngayong gabi lang. . ."
"Then, do it. Cry, be weak, and I'll be just right here. I'll listen without any judgement, Rose," he muttered in a low tone.
He then did what I've said. Sa buong oras na umiiyak ako ay wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Ni hindi siya nagtanong kung anong problema ko o kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. Tanging mabibigat na paghinga lang niya ang nararamdaman ko at ayos lang iyon sa 'kin. Napakalaking bagay na sa akin na maramdaman na may isang presensyang nariyan at hindi ako hinuhusgahan.
Mugto na ang aking mga mata nang tumahan ako at magaan na rin ang pakiramdam ko.
I heard Luke cleared his throat from the other line. "Feeling better po?" maingat niyang tanong.
Suminghot ako at bahagyang natawa. "Hmm, yes. Thank you, Luke." I then glanced at my wristwatch.
Saka ko lang napansin na ala-una na pala ng madaling araw.
"You're always welcome, Rose," he replied and I can't help myself to smile again.
I shook my head aggressively as I noticed that I was like an idiot. Ano ba 'to! Para naman akong tanga! Kanina ay humahagulgol pa ako ng iyak tapos ngayon ay pangiti-ngiti ako na parang baliw, ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang ngiting iyon ay unti-unting nawala at napalitan ng pagbilis ng tibok ng puso nang magsimula siyang kumanta.
Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at literal na napaawang ang mga bibig ko sa pagkamangha. I never thought. . . I never thought that he could sing this well. Sa lamyos at lamig ng tinig nito, pakiramdam ko'y dahan-dahan akong lumulutang sa alapaap. Tila isa akong bata na hinehele ng anghel na pilit pinapawi ang bawat sakit at kirot sa dibdib. Pilit na binubuo at hinihilom ang sugatan kong puso.
Gano'n ang mahikang dulot nito. Nakakapanindig balahibo. Nakakawala sa wisyo. At dahil nga roon ay hindi mapigilang kumalabog nang husto ang puso ko.
The way he uttered every word of the song, it made my knees tremble in an unknown feeling. Thousands of butterflies were flying inside my stomach.
Ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang labi ay tila ba mayroon pang mas malalim pa na kahulugan.
I gasped out loud as he continued singing. Hanggang sa matapos siyang kumanta ay nakatulala lang ako sa kawalan. Shit, hindi naman ako mangmang para hindi mahulaan kung ano 'tong nararamdaman ko at kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya. Hindi na bago sa akin ito. Hindi ito ang unang beses na tumibok nang husto ang puso ko pero. . . ito ang unang pagkakataon na makaramdam ng ganito katinding emosyon.
I know that this love that I feel was deeply intense.
Love, huh.
"L-Luke,"
"Rose, I can't promise to fix all the problems, but I can promise that you won't have to face them alone. . ." He stopped so I clenched my fist. "You know why?" namamaos niyang tanong.
"W-Why?"
"Because I'm falling in love with you. . ."
Tuluyan na akong naubusan ng mga salita. I couldn't find the right words to say.
"And you know what's worse? When I fall in love, it will be forever. . ." patuloy niya gamit ang paos na boses.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro