Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakasakay sa loob ng kotse ni Luke. Kumakalabog ang aking dibdib at hindi ko magawang makapagsalita. Tahimik lamang kaming dalawa. Ang buong atensyon niya ay nakatuon sa kalsada, ngunit bahagya itong sumusulyap sa akin bilang pag-alalay. Gamit lamang ang isang kamay niya sa pagpihit sa steering wheel habang ang kabilang siko niya ay nakapatong sa bintana, ang daliri ay hinahaplos ang kaniyang pang-ibabang labi.

Mabilis ang pintig ng aking puso at napra-praning ako na baka sa sobrang tahimik namin ay naririnig niya iyon. I cleared my throat to ease the awkwardness between us. Maamo ang mukha niyang lumingon sa 'kin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Are you okay?" he asked me softly. Worrying was evident in his eyes.

Tipid akong tumango at saka umiwas ng tingin. Ibinaling ko ang ulo ko sa bintana at narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang naglilikot sa isip ko ang napakaraming katanungan.

What if ayaw sa akin ni Lucas?

What if galit siya sa akin at hindi na niya ako tanggapin bilang Mommy niya?

Naiisip ko pa lamang iyon ay kumikirot na ang puso ko pero hindi ko maipagkakailang mas nangingibabaw pa rin ang saya at excitement dahil sa wakas. . . after four years ay makikita ko na ang anak kong si Lucas.

Hindi na ako nananaginip o nangangarap lang.

Tumuwid ako ng upo nang pumasok kami sa isang subdivision. Naging alerto ako at mas dumoble pa ang kalabog ng dibdib ko lalo na nang tumigil kami sa tapat ng maganda ngunit hindi masyadong kalakihang bahay. Dalawang palapag iyon at halatang katatayo pa lamang.

"We're here," Luke muttered after a long silence.

Sunud-sunod akong tumango at lumunok habang nakatingin pa rin sa bahay. Mukhang naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko kaya naman dahan-dahan niya iyong ginagap at hinawakan nang mahigpit.

"L-Luke, what if–"

Luke cut me off. "Stop your what ifs, Rose. Trust me, okay?" He gave me a reassuring smile.

Tumitig lamang ako sa kaniya bago marahang tumango. Kahit anong pampakalma ang sinasabi niya sa akin ay hindi iyon umeepekto bagkus ay mas lalo pang tumitindi ang kaba ko habang papalit kami ng papalapit sa pinto.

Luke opened the door slowly at ang unang bumungad sa amin ay dilim. May natatanaw akong kaunting liwanag mula sa dulong bahagi na sa tingin ko ay kusina. When he turned on the lights, nakarinig ako ng matinis na boses ng bata, dahilan para agad manginig ang mga labi ko sa nagbabadyang luha.

"Yaya, nandiyan na po si Papa Pogi ko!" the child cheered at ilang sandali lamang ay may narinig na akong yapak ng mga paa papalapit sa amin. "Papa's here! Papa's here!"

Napaawang ang labi ko nang sumulpot ang isang batang lalaki na tumatakbo papalapit sa direksyon namin. Batang animo'y photocopy ni Luke magmula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong, mapulang labi, matambok na pisngi at makapal na kilay. He has a soft feature like his father. Maputi at makinis ang balat nito na para bang hindi nasusugatan o nadadapuan ng lamok. Kasunod nito ay isang matandang babae na sa tingin ko'y nag-aalaga kay Lucas.

Her lips parted when she saw me, like she saw a ghost of from the past. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa anak kong ang mga mata ay naka-focus lang sa kaniyang Papa.

His eyes twinkled when he saw his father. Idinipa nito ang mga braso at agad naman siyang niyakap at kinalong ni Luke.

He kissed the child's forehead.

Luke gave him a small smile and pinched his cheeks. "How's my baby boy? Bakit gising ka pa, hmm?"

"Kasi Papa, 'di ba sabi mo po may gift ka sa akin kaya hindi muna ako nagsleep." Lucas pouted and stared at his father. Inilahad nito ang maliit niyang palad sa kaniyang Papa. "Nasaan na po gift mo, Papa?" inosenteng tanong pa nito.

Luke smiled then glanced at me. Kumalabog ng husto ang puso ko nang unti-unting ilipat sa akin ng anak ko ang kaniyang tingin. Ang singkit at kulay itim nitong mga mata ay biglang nanlaki nang magtama ang aming mga mata. Napanganga siya at kumurap-kurap na para bang nakakita ng isang napakalaking himala.

Agad din niyang ibinalik ang nagtatanong na tingin sa kaniyang ama.

"P-Papa?" Lucas whispered.

Makahulugang tumango sa kaniya si Luke at dahan-dahan siyang ibinaba mula sa pagkakakarga. He then nodded at me, na parang sinasabi niya na lapitan ko na ang anak namin kaya iyon ang ginawa ko.

Nanginginig ang tuhod kong humakbang patungo sa anak kong nakatingala sa akin at walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha kaya mas lalo akong kinabahan.

Galit ba siya sa 'kin? Hindi ba siya masaya na nakita niya ako o baka naman hindi niya ako kilala?

Lumuhod ako upang magpantay ang tingin naming dalawa.

I caressed his soft and fluffy cheeks as I stared lovingly at him.

Bawat sulok ng mukha nito ay hindi ko pinalampas na pasadahan ng tingin.

"Anak. . ."

I gasped when a tear fell from his left eye.

"M-Mama ko. . ." He sobbed and suddenly, his tiny arms wrapped around my neck.

Sumubsob siya sa aking balikat habang paulit-ulit na binibigkas ang salitang 'Mama' sa pagitan ng kaniyang paghagulhol.

Buong pananabik ko siyang niyakap pabalik. Tila ayaw nang pakawalan pa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang magsimula ng magbagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Dinama ko nang husto ang mainit naming yakap sa isa't isa.

Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin at kahit na ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko sa bandang balikat dahil sa mga luha niya ay wala akong pakialam.

Lumulundag sa saya ang puso ko at pakiramdam ko'y awtomatikong nawala ang lahat ng sakit at lungkot na nanirahan sa dibdib ko sa halos apat na taon naming pagkakahiwalay. Ito lang naman ang gusto ko, eh. Ito lang naman 'yong palagi kong hinihiling.

May punto si Damian. Paano kung tinapos ko nga ang buhay ko noon? Eh 'di sana ay hindi ko nahahawakan at nayayakap nang ganito ang anak ko ngayon.

Wala akong ideya kung gaano katagal kaming nag-iyakan ng anak ko. Basta maya-maya na lamang ay nakarinig na ako ng cute at mahinang hilik. Nakatulog na pala siya. Kinuha siya sa akin ni Luke at natatawang kinarga. Ako naman ay napapangiti habang pinupunasan ang natuyong luha sa pisngi ni Lucas. Dinala siya ni Luke sa sarili nitong kwarto, inihiga sa malambot na kama at saka kinumutan hanggang leeg. Tumatambol ang puso ko habang pinapanood siyang asikasuhin ang anak namin. Para bang sanay na sanay siya at kabisadong kabisado na niya ang pag-aalaga kay Lucas samantalang ako'y heto. . . nangangapa.

Nang matapos ay umayos siya ng tayo at tumingin sa akin.

"Dito ka na lang magpalipas ng gabi," aniya.

Saglit akong nag-isip at kalaunan ay tumango na rin. Bumaba si Luke para maghanda ng pagkain habang ako naman ay naiwan sa kwarto ng anak ko. Marahan akong umupo sa kaniyang tabi at sinuklay ang kaniyang buhok. I am smiling like an idiot while tracing his pointed nose using my index finger. Kumunot ang noo niya at tinampal ang kamay ko.

I shook my head and chuckled. "Mahal na mahal kita, anak. . ." bulong ko habang mataman siyang pinagmamasdan.

Sinuklay ko ang buhok ni Lucas gamit ang aking daliri at nagsimula na namang mangilid ang luha ko. Marahan akong humiga sa kaniyang tabi at niyakap siya. May ngiti sa labi kong ipinikit ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako nang pakiramdam ko'y mayroong mabigat na nakapatong sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata at unti-unting dumilat.

Tumambol nang husto ang aking dibdib nang bumungad sa akin ang inosenteng mukha ng anak ko. Nakadapa ito sa akin at pinapanood yata ang pagtulog ko. Nang magtama ang mga mata namin ay awtomatiko siyang ngumiti at pinatakan ng halik ang iba't ibang parte ng mukha ko.

"Good morning, Mama ko!" puno ng energy niyang sabi.

Hindi ako makapagsalita at awang lamang ang labing nakatitig sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala. . . Is this really happening?

"Mama ko, akala ko nagdream lang ako kagabi na nakita na kita tapos kanina po pagwake-up ko nakita ko po ikaw nagsleep sa tabi ko. . ." He sniffed and his eyes started to water.

"A-Anak," mahinang bigkas ko at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"M-Mama, hindi na ako nagsleep kanina ulit kasi takot ako na baka dream ko lang pala ikaw. . ." he cried.

Mabilis ko siyang kinabig papalapit sa akin at niyakap. "Sorry, anak. Sorry, sorry. Promise, hindi na mawawala si Mama sa tabi mo. Sorry, Lucas. . ."

He circled his arms around my neck and stared at my eyes. "Tama po si Papa."

"Huh?"

"Tama po si Papa Pogi na mas pretty po kayo sa personal kaysa po sa picture. . ."

Umawang ang labi ko at agad naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Lucas chuckled and kissed my cheeks.

"I love you, Mama ko," he emotionally whispered and it truly melted my heart

"I love you too, Lucas. Mahal na mahal ka ni Mama."

That morning, we ate breakfast like a happy family. Napapangiti at napapailing na nga lang sa amin si Luke dahil hindi kami mapaghiwalay dalawa ni Lucas. Kung nasaan ako'y naroon din siya. Palagi siyang nakakandong at nakayakap sa akin. Walang paglagyan ang saya sa puso ko lalo na noong nag-request siya na kung puwede kaming pumuntang Enchanted Kingdom ngayon din, siyempre hindi ako nagdalawang isip na pumayag. Ganoon din naman si Luke.

"Yeeey!" He cheered and clapped his hands. "Mama, isusuot ko po 'yong mga gift mo sa akin na damit po, huh?"

I blinked tenderly and creased my forehead. Taka akong tumingin sa anak kong may malapad na ngiti pa rin sa labi. "H-Huh? What gift, baby?"

"Luh, si Mama naman! Old ka na po ba kaya hindi mo na maalala mga gifts mo sa akin na damit at toys tuwing birthday, Christmas and New Year at saka kapag may special occasion po. . . inaabot po sa akin ni Papa Pogi, galing daw po sa inyo mga gift po."

"Di 'ba po noong last birthday ko nag-give kayo sa 'kin ng–"

"Lucas, anak, finish your food muna para makaligo ka na at makaalis na tayo." Luke cut him off. Namumula ang tainga at pisngi nito, hindi makatingin sa akin.

Tila naging bato ako sa aking kinauupuan habang nakaawang pa rin ang labi. Nang magkatinginan kami ni Luke ay nasamid siya sa iniinom niyang gatas dahilan para mas lalong mamulang parang kamatis ang mukha nito.

So all this time na magkahiwalay kaming dalawa ay binibilhan niya ng regalo si Lucas at sinasabi niya sa bata na galing iyon sa akin? Does my child know me ever since? Hindi niya ako itinanggi o nilihim doon sa bata? As he should, of course. Hindi ko lang talaga maiwasan ang magulat at magreact sa nalaman.

Hindi na ako nagkaroon pa ng oras na itanong iyon sa kaniya dahil matapos maligo at mag-ayos ng mag-ama ay umalis na kami. Kasama rin namin si Ate Tess, iyong matandang babae na tagapag-alaga ni Lucas. Dumaan muna kami sa apartment namin ni Bluie para ako naman ang makaligo at makapag-ayos. Kukuha rin ako ng ilang mga damit dahil gusto ni Luke at Lucas ay doon muna magstay para mas magkaroon pa kami ng time sa isa't isa. Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko naman iyon.

"Mama, house mo po ito?" tanong sa akin ni Lucas habang kuryosong nakatitig sa apartment namin.

"Yes, baby. Kasama ko rito sa house ang Tita Bluie mo. Ipapakila ko siya sa 'yo, huh? Kapag nakita ka no'n, tiyak na matutuwa 'yon." I kissed his cheeks.

"Hindi ko lang po alam kung matutuwa ako sa kaniya, Mama." He pouted his lips while my jaw dropped.

Luke chuckled and glanced at me in the rear mirror. Amusement was evident in his eyes.

"He got my looks. He got your attitude," natatawang saad ni Luke at maging si Ate Tess ay natawa rin.

I smirked at him. At least, kahit papaano ay may nakuha pa rin si Lucas sa akin. Ang daya naman kung lahat na lamang ay nakuha niya kay Luke.

"Bakit sa dami-dami ng puwede mong mamana sa 'kin, ugali ko pa, huh? Kawawa ka naman," nagbibirong tanong ko kay Lucas kaya natawa ulit si Luke.

Hawak-kamay kami ni Lucas habang naglalakad patungo sa apartment. Si Luke at Ate Tess naman ay nakasunod lamang sa amin. Tinatamad akong kunin ang susi sa bag ko kaya kumatok na lang ako. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang pangit na mukha ni Bluie.

"Rose! Ano ka ba naman! Saan ka ba galing, huh?! Kagabi pa kita tinatawagan–"

"Hi po, Tita! Good morning!"

Natigilan si Bluie at umawang ang labi. Dahan-dahanng bumaba ang mga mata nito sa kamay kong nakahawak sa maliit na kamay ni Lucas. Nanginig ang kaniyang labi nang ilipat ang tingin sa batang nakatingala sa kaniya at halos ay mapunit ang labi sa lawak ng ngiti.

"L-L-Lucas. . . p-paano. . ." she whispered.

Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Laking gulat ko nang bigla itong lumuhod at sinunggaban ng yakap ang anak kong nagtatakang tumingin sa akin. Sinenyasan ko siya umiyak na lang din at dahil masunurin ang bata ay umiyak nga siya at niyakap din pabalik si Bluie.

"Lucas ko. . ." atungal ni Bluie na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Lucas creased his forehead and looked at me again. Ikinumpas ko lamang ang kamay ko at agad siyang tumango.

"Tita ko. . ." mas exaggerated na atungal ni Lucas ngunit bakas pa rin ang pagtataka sa mukha.

Napatawa na lamang ako dahil uto-uto ang anak ko, mana sa tatay niya. Iniwan ko na sila roon para makaligo at makapaggayak na rin. Matapos kong gawin ang mga ritwal ko ay nagsilid na ako ng mga damit at gamit sa duffle bag ko. Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Bluie na namumugto ang mga mata.

She helped me fix my things.

"Si Luke at Lucas?" tanong ko sa kaniya.

"Naroon sa salas," she answered then stared at me.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakikita ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin at itanong sa 'kin.

"Spill it,"

She heaved a sigh and shook his head. "Wala lang. Masaya lang ako para sa 'yo."

Binitawan ko ang hawak kong damit at pabagsak na umupo sa kama sa tabi niya. We were both staring at the emptiness.

"Bluie, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. . ." Nangingilid ang luha kong ngumiti sa kawalan. "Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya dahil ang tagal kong hinintay at hiniling na sana ay makasama ko na ang anak ko. . . at heto na 'yon."

"So, it means, okay na rin kayo ni Luke?"

I shrugged my shoulders. "We haven't talked about it yet."

"Hindi pa? Kailan niyo balak pag-usapan?"

I laughed a bit. "May dapat ba kaming pag-usapan, Bluie? Ang mahalaga sa 'kin ngayon ay ang anak ko–"

"But Lucas needs a complete and happy family, Rose. H-Hindi mo ba naiisip 'yon?"

Complete and happy family. Naisip din kaya iyon ni Luke noon bago siya umalis nang walang paalam?

I chewed my lower lip as I nodded my head in response. "Alam ko naman iyon, Bluie."

Naranasan ko ang lumaking walang magulang at hindi madali para sa 'kin. Ayaw kong maranasan din ng anak ko ang bagay na iyon but it was hard to stay in the relationship if you just need to, not because you want to.

Hindi ko naman sinasabi na wala na akong pagmamahal kay Luke. Naguguluhan din ako kung mahal ko pa rin ba siya dahil sa tuwing nakikita ko siya ay mas nangingibabaw pa rin ang sakit sa dibdib ko.

Kung hihingi man siya ng panibagong tiyansa, sa tingin ko'y hindi ko pa iyon maibibigay sa kaniya. Hindi ko pa kaya. Hindi ko na kaya.

"Rose, why don't you forgive him na? It's been a long year and nakikita ko naman sa kaniya ngayon na mahal ka pa rin niya. Maybe he has a reason kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. . ." She heaved a sigh.

"Hindi sapat ang mahal lang para mabura ang lahat ng sakit, Bluie. I understand what you're trying to say, but please, don't invalidate my feelings too. Hindi ko pa kayang magpatawad. Hindi agad-agad."

Tumango siya sa akin at mapait na ngumiti. "Well then, kailangan nyo pa ring mag-usap. Ayusin nyo kung kaya niyo pang ayusin dahil hindi lamang kayo ang nakasalalay sa desisyon na gagawin niyo. . . mayroon nang Lucas. . ." mahabang litanya niya.

"Kung tutuusin, madali namang magpatawad, eh. Ang mahirap lang ay 'yong magtiwala ulit. . ." I uttered using a small voice. Yumuko ako at pinaglaruan ang nanlalamig kong mga kamay.

I can forgive him but I couldn't trust him the way I trusted him before. Posibleng maibalik ang pagmamahal na nawala, ang mahirap ay ang ibalik ang tiwalang nasira. Hindi ko naman isinasara ang puso ko para sa kaniya pero sa tingin ko'y hahayaan na lamang namin na tadhana ang magdesisyon para sa aming dalawa.

Malay natin, 'di ba? Sa paglipas ng panahon, kapag okay na ako, kapag okay na kami, kapag kaya ko na ulit, kapag maaayos pa naming talaga, baka maaari pa.

Marami akong ibinilin kay Bluie bago umalis. The travel went smoothly. Sa buong biyahe ay tahimik lamang si Luke at tila malalim ang iniisip. Pa-minsan minsan ay sumusulyap ito sa amin at nakikisali sa usapan. Si Ate Tess naman ay tulog. Mabuti na lamang ay madaldal si Lucas, ang dami niyang kinu-kwento at kahit minsan ay hindi ko namintindihan ang sinasabi niya ay nakangiti pa rin akong pinapakinggan at pinagmamasdan siya. Nang makatulog ito sa bisig ko ay saka ko lamang naramdaman ang matinding awkwardness sa pagitan namin ni Luke.

Sumulyap siya sa akin sa rear mirror. "You can sleep. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo."

"Hindi na." Umiling ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Hindi naman ako inaantok."

"You sure? May dala akong mga pagkain diyan sa likod–"

"I'm fine, Luke. Thanks."

He heaved a deep sigh before nodding his head. Ako naman ay umayos at tumuwid ng upo. Tumikhim ako kaya napasulyap ulit siya sa akin. May gusto sana akong itanong sa kaniya pero nahihiya ako. Baka sabihin niyang chismosa ako, eh, hindi naman kami close na dalawa.

"What? May sasabihin ka ba? Common, spill it." His deep chuckle echoed in my ears.

I licked my lower lip before speaking. "Gusto ko lang malaman kung hindi ba magagalit ang Mommy mo–n-nevermind." I gulped and shook my head aggressively when I noticed that his body went stiff.

Napansin ko kasi ang pagtiim bagang nito nang banggitin ko ang Mommy niya. Ang bobo ko ro'n sa part na 'yon. Sinasabi ko na nga ba't hindi ko na dapat pa tinanong 'yon. Masiyado naman kasi talaga 'tong bunganga ko, dapat dito binubusalan, eh.

"Masiyado yata akong chismosa. Uhm, okay lang kung hindi mo sagutin. P-Pasensiya ka na, Godbless–"

"They're gone," he cut using a small voice, but enough for me to hear.

Napaawang ang labi ko, kumurap-kurap at naguguluhang tumitig sa kaniya mula sa rear mirror. "Huh? They're what?"

"They're already died. . . four years ago," pag-uulit niya na tila ba walang mababakas na kung anong emosyon sa tinig.

Muntik na 'kong mahulog sa upuan sa sobrang gulat. Literal na parang kwago ang mga mata ko sa sobrang laki, pati ang ilong ko ay nanlalaki rin dahil hindi talaga ako makapaniwala sa narinig.

Four years ago?! It means. . .

"P-Paanong. . .nangyari. . ."

"I'll tell you later. Sa ngayon, gisingin mo na ang anak natin dahil nandito na tayo." Lumingon siya sa akin at halos mawala ang mga mata nito sa sobrang lawak ng ngiti. "Let's just enjoy this day, hmm?"

Wala sa sarili akong tumango, nililipad pa rin ang isip ko sa napakaraming tanong.

As expected, maraming tao ngayon dahil weekend. Tumatalon ang puso ko habang pinagmamasdan si Lucas na bakas na bakas ang kaligayahan sa mukha. Ang isang kamay niya ay hawak ko at ang isa naman ay hawak ni Luke. Mukha kaming happy family. Nasa likod namin si Ate Tessa na halatang nag-eenjoy din naman.

We took a lot of pictures. Sumakay din kami sa mga rides maliban sa mga extreme rides dahil hindi pa 'yon kaya ni Lucas, baka mamaya ay gutay na gutay na siya mamaya kapag sumakay siya roon. Halos mangawit ang panga ni Luke sa kakatawa dahil sa kalokohan namin ni Lucas. Kung saan-saan din kami kumain at kulang na lamang ay pumutok na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.

Sa sobrang saya namin ay hindi namin namamalayan na malalim na pala ang gabi. Ni hindi ko man lang naramdaman ang matinding pagod at pananakit ng paa ko. Nang may makita akong bench ay agad akong tumakbo at umupo ro'n. Umusog ako nang kaunti para makaupo si Luke sa tabi ko.

"Papa Pogi at Mama Ganda, gusto ko pa sumakay sa carousel!" energetic na wika ng anak namin at nagawa pang magpacute.

Naiiling na tumawa si Luke. Pinaupo sa isang hita niya at saka pinupog ng halik sa pisngi. "Aren't you tired, baby? Nakailang sakay ka na sa carousel, ah?"

"I wanna pee rin po, Papa. . ." Ngumuso si Lucas.

Ngumisi ako at nanggigigil na pinisil ang pisngi niya. "Gusto mo samahan ka ni Mama, 'nak? Pagod na yata si Papa." Akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Ate Tess.

"Ako na ang sasama sa kaniya!" pigil ng babae at makahulugang tumingin sa amin ni Luke. "Hindi pa naman ako pagod kaya ako na muna bahala rito kay Lucas."

"Sure po kayo, Lola Tess? Hindi po ba sasakit ang knees niyo kasi 'di ba po old na kayo?" inosenteng tanong ni Lucas sa kaniya.

I pushed my tongue against the inside of my right cheek to suppressed my laugh. Masyadong honest naman 'tong bata na ito. No wonder, anak ko nga siya!

"Hindi, apo! Malakas pa ang tuhod ko. Gusto mo maglakad pa tayo pabalik ng Maynila, eh!" pagyayabang pa nito.

Sunud-sunod ang pag-iling ni Lucas. "Ikaw na lang po, Lola Tess kasi may car naman po si Papa Pogi kaya ba't ako mag-walk pauwi? Hindi po namin ikaw pigilan Lola kung gusto–"

"Susmaryosep na bata ka! Saan ka ba nagmana? Tama na, tama na! Masyado ka nang maraming sinasabi!" Ngumiwi si Ate Tess at hinila na palayo ang anak namin.

Natatawa ko silang sinundan ng tingin. Nang ibaling ko ang mata ko kay Luke ay nahuli ko itong nakatitig sa 'kin. Nagulat siya sa biglaang paglingon ko sa kaniya at tumikhim tapos ay pasimple na iniwas ang mga mata.

I saw how his cheeks and ears turned red like a tomato.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago tumingin sa madilim at mapayapang langit. I've never felt this happy for a long period of time. Parang kahapon lamang ay umiiyak pa ako at halos hindi na makabangon ngunit ngayon ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya.

Akala ko ay sa panaginip ko na lamang mahahagkan, mayayakap at makakasama ang anak ko.

"Luke. . ." tawag ko sa kaniya, nakatingin pa rin sa langit. "Paano mo ako ipinakilala kay Lucas? Paano mo sinabi sa kaniya na ako ang Mama niya?" Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatingala rin siya sa langit ngunit atentibo ang mga taingang nakikinig sa akin.

Matagal siya bago nakasagot.

"He knows you. . . ever since," sagot niya at gulat akong napalingon sa kaniya.

Umangat ang sulok ng labi niya sa reaksyon ko.

"S-Seryoso?"

"Uh-huh. Noong nagkaroon siya ng muwang at unang beses siyang nagtanong kung mayroon ba siyang Mama, ipinakita ko kaagad sa kaniya ang pictures mo. . . pictures natin. I told everything about you. Kahit alam kong hindi pa niya masyadong naiintindihan ang mga sinasabi ko, interesado pa rin siyang nakikinig."

Tumikhim ako nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko.

"Tapos? Hindi ba niya tinanong kung bakit wala ako sa tabi niya?"

"He asked and sinagot ko siya nang totoo. I told him that we left you. Hindi ko alam kung tamang desisyon bang sabihin ko sa anak natin iyon pero 'yon ang mas madali para sa 'kin, eh. Ayaw kong lumaki siyang sinungaling kaya bilang Papa niya, ayaw ko rin siyang lumaki sa kasinungalingan."

"You left me. . ." mahinang saad ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko.

Pinilit kong patatagin ang loob ko at huwag umiyak ngunit nabigo ako. A tear fell from my eyes. Isang patak ng luha hanggang sa nasundan ng mas marami pa.

"B-Bakit nga ba, Luke? Bakit mo nga ako iniwan ng gano'n-gano'n lang?"

I saw how his lips protruded. Lumingon siyang muli sa akin. Ang mukha ay punong-puno ng pagkabigo, sakit at hindi ko maipaliwang na emosyon. Ang singkit at itim nitong mga mata ay kumikislap dahil sa mga nagbabadyang luha na alam kong pinipigilan din niya.

"Mom has a heart disease. Matagal na pala niyang alam na may sakit siya pero hindi niya sinabi sa amin ni Daddy. She kept it for years. Wala rin naman kami idea about that because she seems so healthy. . . nalaman lang namin ni Dad iyong kalagayan niya noong umamin siya sa amin. Same day noong nalaman kong buntis ka. I took care of her that I almost lost my time for you. Napabayaan kita habang nagbubuntis ka. Gusto ko siyang alagaan dahil mahal ko siya pero noong pinapili niya 'ko sa inyong dalawa, pinili kita. . . pinili ko kayo ni Lucas." He smiled, nakatulala siya sa kawalan na para bang inaalala muli iyong mga nangyari sa mga nagdaang taon.

"Masaya ako kahit simple lang ang buhay natin. Masaya ako kahit na hindi ganoong buhay ang nakasanayan ko. Kahit kapos tayo sa pera, feeling ko ang yaman yaman ko kasi mayroon akong Rose at Lucas. Sa 'yo ko naramdaman ang totoong pakiramdam ng tahanan." He painfully chuckled. "But do you remember the time I went for our family dinner? That was when my Mom and I fought because of the pictures she gave me. . ."

"Iyon ba 'yong pictures ko na–"

"Yes." He clenched his jaw and looked away. "I didn't believe her. Malinaw sa akin na gusto niya lang tayong sirain kaya nakapagbitaw ako ng masasakit na salita then later on, she had a heart attack. All of my relatives pointed their fingers at me. Kasalanan ko. . . kasalanan ko raw kaya inatake siya. Nawala na nga si Lucan dahil sa kapabayaan ko, pati ba naman si Mommy mawawala rin?"

"Kinain ako ng guilt, Rose, pero at the same time galit din ako. Hindi ko lang alam kung sa sarili ko ba? Sayo? O kay Mommy? Gulong gulo ako noong mga oras na 'yon. Mom's on critical stage but she was stable. Iyong pagpunta nila sa ibang bansa na dapat ay medyo matagal pa ay mas mapapaaga. Dad forced me to come with them. . . which was I declined. I couldn't leave you here. Hindi ko kaya. But when my Mom woke up, bigla na lang niyang sinabi na hindi siya magpapa-opera kapag hindi kami kasama ni Lucas. . ." He gasped and bowed his head. I saw how he tried to swallow the lump on his throat. "Hindi ako pumayag kaya mas lalong nagalit sa akin ang mga kapatid niya at iba pa naming kamag-anak. Pilit nilang isinusupalpal at isiniksik sa utak ko na marumi ka raw na babae hanggang sa hindi ko na maintindihan. . . gulong gulo ako at naniwala na lang. How stupid." He shook his head and laughed bitterly.

"Sumama kami ni Lucas sa America n'on without you even knowing. Ang nasa isip ko n'on galit ako sa 'yo pero hindi rin naman kami magtatagal doon dahil pagkaopera ni Mommy ay mauuna na kaming umuwi. Alam mo bang nagkanda-utang utang kami dahil sa laki ng gastusin namin sa hospital? Naubos na rin ang mga property namin dahil halos naibenta na lahat ni Daddy. Even our phones, ibinenta rin namin kasi walang-wala na talaga kami. Nakituloy lang kami sa isang relative namin na roon nakatira. Ang sabi noon namin ni Daddy, ayos lang 'yon. Mababawi namin lahat 'yon kapag naoperahan at gumaling na si Mommy. . . but shit happened. The day before the operation, Mom had a heart attack again and she didn't survive it."

Natutop ko ang aking bibig at hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay. He looked at it and held my hand tightly. Nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan siyang tahimik na tumutulo ang luha. Napapatingin sa amin ang ibang tao pero wala akong pakialam. Maki-iyak din sila kung gusto nila, wala akong pakialam.

"Akala ko roon na magtatapos ang kamalasan ng buhay namin pero ang hindi ko alam ay mas ilulupit pa pala dahil wala pang isang buwan ay si Daddy naman ang nawala. Hindi niya matanggap ang pagkawala ni Mommy that's why he ended his life. Ang sakit sakit, Rose. Ang sakit sakit!" He sobbed like a kid. "Takot na takot ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Matapos mawala nina Mommy at Daddy, pinalayas na rin kami noong relatives ko."

"Kung ganoon, saan kayo tumuloy?" tanong ko sa kabila ng matinding pagbabara ng aking lalamunan.

"Streets. Kung saan kami abutin ng gabi. Naiiyak na lang ako sa tuwing pinagmamasdan si Lucas na umiiyak dahil sa gutom. Wala akong magawa. I couldn't give him anything. Galit na galit ako sa sarili ko dahil kung alam ko lang na ganito ang dadanasin namin, sana iniwan ko na lang siya sa 'yo."

Nanatili akong walang kibo habang patuloy ang pag-agos ng mga luha. Naririnig ko pa lamang ang kwento ay nadudurog na ako. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang pinagdaan nilang dalawa roon. Hindi ko kayang isipin. Nasasaktan ako.

"But a guardian angel saved me." He smiled weakly.

My forehead knotted in confusion. "Guardian angel?"

He nodded his head and hummed a little. "Wala akong pera ni piso noon at gutom na gutom na si Lucas kaya wala akong ibang choice kundi. . ." he trailed off, "m-magnakaw sa convenient store."

My jaw dropped as my eyes widened. "What?!"

"Desperado na talaga ako n'on kasi gutom na si Lucas pero hindi naman natuloy!" depensa niya agad.

Bumuga ako ng hangin at napahawak sa dibdib kong sobrang bilis ng tibok. Putangina, kinabahan ako r'on, ah.

"Nahuli ako noong isang customer. She's half Italian and half Filipino."

"Oh tapos? Naging kayo?"

Nasamid siya sa sariling laway at nakasimangot na hinampas ang braso ko. "Rose naman! Matanda na 'yon, eh. Mas matanda pa sa Mommy ko." Ngumuso siya.

I then roared with laughter.

"Then ayon, nagmakaawa ako sa kaniya na huwag akong isumbong ako sa mga pulis. I told her my story and she helped me. She offered a house to stay. Ipinasok niya rin ako bilang waiter doon sa Pizzeria na pagmamay-ari niya hanggang sa lumipas ang panahon at napromote ako nang napromote tapos noong pinatigil na siya sa pagtra-trabaho ng mga anak niya, ibinigay niya sa akin iyong Pizzeria."

"You mean the whole restaurant?!" I exclaimed.

"Yes! But she died last year kaya ibinenta ko na rin iyon at iyong pera na napagbentahan ay ginamit namin ni Lucas pauwi rito sa Pilipinas. . . balak ko rin sanang ipagpatuloy ang pag-aaral ko." Lumiit ang boses niya nang banggitin ang tungkol sa pag-aaral na siyang ikinabigla ko nang sobra. "And of course, the main reason why we went back here is I want to get you back and I want us to be a family again."

"L-Luke-"

He shook his head to stop me from explaining. Namumungay ang mga matang tumitig sa akin bago sumilay ang isang malungkot na ngiti sa labi.

"I know, Rose. I know. I was an asshole and I'm still an asshole. Bumalik ako na parang wala lang ang lahat. Out of nowhere, bigla na lamang akong sumulpot sa harapan mo at sinabing sumama ka sa 'kin kung gusto mong makita ang anak natin." Yumuko siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. "Sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, hindi ko naisip na sobrang nasaktan ka at nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon."

I heaved a sigh. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi pa rin magsink-in sa akin ang lahat ng sinabi niya. Akala ko'y ako lamang ang nahihirapan noong panahon na iyon ngunit ang hindi ko alam ay mas matindi pa pala ang pinagdaanan niya kaysa sa akin. Me, I have my friends beside me. Kahit mamatay-matay na ako sa sakit na nararamdaman ko noon ay mayroon pa rin akong mga taong nasasandalan at natatakbuhan, pero siya? Wala. He only has Lucas.

But does that mean that I forgive him already after knowing his reasons? Hindi, masakit pa rin, eh.

Kung sinabi niya sa akin noon ang mga pinagdadaaanan niya ay maiintindihan ko naman siya. Bukas ang aking dalawang tainga para makinig sa mga problema. Hindi makitid ang utak ko. Kung iyon ang kahilingan ng Mommy niya, maiintindihan ko at buong puso akong papayag. But what did he do? Nagdesisyon siya para sa sarili niya at hindi man lamang kinonsidera ang maaaring maramdaman ko.

Tumingala muli ako sa madilim na kalangitan at saka mapait na ngumiti. Tila nawala ang mabigat na nakapatong sa dibdib ko sa matagal na panahon. Ngayon ay malinaw na sa 'kin kung saan kami nagkulang dalawa noon. . .

Communication and trust.

Masiyadong immature at mababaw ang pagmamahal namin noon sa isa't isa. Masiyadong toxic. Kapag may problema kami, hindi namin pinag-uusapan at hinahayaan lang. Akala ko okay lang ang ganoon pero hindi pala. Mas nagiging dahilan pala iyon para lumaki ang lamat sa pagitan naming dalawa.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at bahagya pa akong nagulat nang mahuli itong nakatitig sa akin. His soft eyes were filled of sadness, longingness and love. Unti-unti kong inangat ang isang kamay ko para punasan ang mga luha niya.

I smiled weakly at him. "I love you, but I'm still not ready to accept you in my life again, Luke."

Hindi sapat ang isang sorry, mahabang paliwanag at matinding pagsuyo para lang mabura ang lahat ng pait ng pinagdaanan ko. Anak ko ang pinag-uusapan dito.

Suminghap siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Tumango siya at malungkot na ngumiti.

"Stop pursuing me for now, Luke. I think this is still not the right time for us. Alam kong gusto nating bigyan ng kumpleto at masayang pamilya si Lucas pero paano natin gagawin iyon kung tayong mga magulang niya ay hindi pa rin kumpleto at totoong masaya? Ayaw kong ipilit natin ang bagay na ito dahil lang sa kailangan nating magampanan ang mga obligasyon natin. I want a relationship that stays because we both wanted to stay, not because we just needed to. We both need to grow, Luke. We both need to be healed so we can be whole again as a person."

"But we can grow together, Rose. We can grow together, right? Puwede naman 'yon–"

"Then how can you call it self-growth if you depend on someone?" I held his chin and made him look at me.

Hilam na ang mga luha sa kaniyang mata. "Be whole, Luke, and I will do that too. So when the right time comes, we can already share our wholeness to each other and to our child."

Ngumuso siya at nagpacute sa akin kaya natawa ako at pinitik ang noo niya. Umusog siya papalapit sa akin at humilig sa balikat ko. Pareho kaming tumingala sa langit na mayroon ng malaking ngiti sa labi.

"Mag-aaral ako ulit, Rose," pno ng determinasyon na sabi niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Tapos kapag nag-graduate na ako, magre-review ako para sa board exam tapos kapag pumasa na at naging Engineer na 'ko, liligawan ulit kita. Alam kong hindi ko na mababalik at mababawi iyong mga maling desisyon na nagawa ko. Alam kong malabo na tayong bumalik sa dati kaya willing akong bumalik sa umpisa at magsimula ng panibago kasama ka."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. I bit my lip to suppressed my smile. Nangunot ang noo ko nang tumayo siya sa harapan ko at ngayo'y nakatingala na ako sa kaniya. His eyes shined when he standed straight to introduce himself.

Ano na naman kayang pakulo 'to?

"Hi, I'm Luke! May pick-up line sana ako sa 'yo, Miss."

"Ano 'yon?" I lazily asked.

"Accounts receivable ka ba?"

I laughed and looked at him with disbelief. "Saan mo naman nalaman 'yan?"

Sumimangot siya at nagpapadyak sa inis. "Ih! Tanungin mo na lang ako kung bakit!"

"Oh sige nga, bakit?"

"Because you're outstanding," aniya at kinikilig na pinisil ang pisngi ko.

Umasim ang aking mukha at napailing. Nang may maisip na akong mabagsik na pick-up line ay napangiti ako.

He eyed me suspiciously. "Anong iniisip mo, huh?"

"Luke, accounting ka ba?" malambing kong tanong. Napansin kong natigilan siya at namula.

Umawang ang labi niya at kumikislap ang mga matang tumitig sa akin. "Talaga? Bakit?"

"Ang sakit mo kasi sa ulo!" Tumayo ako at bahagya siyang itinulak, natatawa. "Tara na nga, hanapin na natin si Lucas at Ate Tess! Tumanda ka nang corny!"

Nagsimula na akong maglakad palayo pero rinig ko pa rin ang pagmamaktol niya kaya napahalakhak ako.

I shook my head once again and sighed.

Ilang beses akong nagbalak na sumuko. Ilang beses akong nawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung ilang balde na ba ng luha ang ibinuhos ko. Ilang beses akong nagmakaawa at humiling sa Diyos. Muntik ko na siyang talikuran dahil pakiramdam ko'y hindi naman Niya ako pinapakinggan. Muntik na akong magalit at isisi sa Kaniya ang lahat kasi sa dinami-rami ng masamang tao sa mundo. . . bakit ako pa?

But now, malinaw na sa akin ang lahat. Akala ko noon na ang pag-iyak ay simbolo ng pagiging mahina pero mali pala ako. Crying didn't mean you were weak. It means you've been strong for too long. Tears were a sign of strength. Nonetheless, God would never give us a burden that we couldn't bear. You would never know how strong you are until being strong was the only choice you have. Sometimes we were tested not to show our weaknesses but to discover our strengths.

I've also realized that love was not just about making your heart beat fast. It was not just about the butterflies you felt inside your stomach. It was not just about happiness and kilig. Love is also about disappointment, sadness, pain, and hurting.

Nagkahiwalay man kami at bumitaw kapit ng kamay namin sa isa't isa, alam kong sa dulo ay magtatagpo pa rin kaming dalawa kapag puwede na. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro