Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"Pucha ang tagal! Anong oras na oh! Hindi pa ba magsisimula ang parade?" naiirita kong tanong sa kaklase namin.

Na-ba-badtrip na ako, ah! Nakipag-unahan pa ako sa paggamit ng CR kanina kay Ate Nez dahil medyo na-late ako ng gising. Malawak ang kwarto pero kami pa lamang ang rumerenta roon at sana nga ay huwag muna kaming madagdagan dahil ang hassle no'n.

"Hintay pa tayo kaunti," one of my classmates muttered, which made my eyes roll heavensward.

Busangot na busangot na ang mukha ko dahil sa sobrang pagkainip. Opening kasi ng intramurals ngayon at before 7 am ang call time para sa parade pero mag a-alas nueve na ay nandito pa rin kami. Nag-aabang. Nakatayo sa ilalim ng tirik na tirik na araw.

Hindi rin naman kami aware kung ano na ang nagaganap dahil nasa pinakadulong bahagi kami ng pila. Dito rin lamang naman sa loob ng campus gaganapin ang parade kaya hindi ko ma-gets kung bakit ang tagal. Anak ng tinapa, oh!

Pinunasan ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa noo ko habang panay pa rin ang pagkibot ng labi. "May pa-call time call time pa kasi hindi naman pala nasusunod," I uttered under my breath.

"Sinabi mo pa! Pumunta ako rito ng fresh tapos hindi pa nagsisimula ang parade haggard na 'ko," pagrereklamo rin ni Joana kaya naman matunog akong ngumisi.

"Ay bhie kahit mag ayos ka, haggard ka pa rin."

Nanlaki ang butas ng kaniyang ilong at nakasimangot ang mukhang hinampas ako sa braso.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo, Rosas!" aniya dahilan para humagalpak ako ng tawa.

Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang parade. Kasama namin ni Joana ang iba pa naming ka-blockmates pero naghiwa-hiwalay na rin agad kami matapos magsign ng attendance sa secretary namin. Actually, wala naman akong pakialam sa intrams. Simula't sapul ay hindi ako naging interesado sa ganiyang bagay. Dalawang rason lamang naman kung bakit ako napilitang dumalo rito. Una ay para sa attendance at pangalawa naman ay para maghanap ng pogi.

Dumiretso ang mga estudyante sa Activity Center ngunit dahil siksikan na sa loob ay hindi na kami pumasok pa ni Joana. Tumambay na lamang kami sa ilalim ng puno na malapit lamang din sa AC.

Kaming dalawa lamang ang magkasama dahil si Thanika ay naroon at nakikihalubilo sa mga bago niyang kaklase at kaibigan. HRM ang kursong kinuha niya. Habang sina Miguel, Allen at Damian naman ay kasama ang mga kapwa nila sa Criminology. Samantalang si Josh ay kasama ang mga kaklase niyang mga Civil Engineering.

Ngumuso ako habang sinusundan ng tingin iyong magandang babae na dumaan sa harapan namin ni Jo. Nakasuot ito ng kulay orange na sports attire at mayroong light make-up sa mukha.

Ang ganda niya, ah! Muse siguro 'to!

"Girlfriend 'yan ni Miguel," Joana wrinkled her nose without leaving her gaze at the woman also.

My lips parted while nodding my head, a bit startled with that small information.

At nang makabawi nga ay muli akong tumawa. "Ang ganda niyan, ah? Pinatulan si Miguel?" I asked.

She roared with laughter. "Grabe ka sa kaibigan natin! Gwapo naman si Migs ah?"

"Saang parte? Bakit hindi ako na-inform?" pagbibiro ko pa at tanging isang malakas na hampas sa braso na naman ang natanggap ko sa kaniya.

Siyempre gwapo naman iyong mga kaibigan kong 'yon lalo na si Miguel pero hindi ko na sasabihin pa dahil tiyak na mas lalo lamang lalaki ang mga ulo ng mga 'yon. Buti sana kung ulo sa baba ang lumaki pero kung ulo sa taas, huwag na lang.

To be honest, I've never felt out of place when I'm with them. Kahit ilang buwan pa lamang naman kaming magkakakilala ay nagkaroon na sila ng malaking bahagi sa puso ko. Ni isang beses ay hindi nila ipinaramdam na ako baguhan pa lamang ako sa samahan nila.

Since I met them, they never failed to include me with their plans and gimmicks. For the first time, I somehow felt a feeling of belonging and acceptance.

Sa kabilang banda, mula sa malalim na pag-iisip ay napabalikwas ako nang tumili nang napakalakas si Joana habang hinihila ang braso ko. Dumaing ako sa sakit at pilit tinanggal ang kamay niya.

"Aray ko! Anak ka ng tinapa! Ano bang problema mo?!" singhal ko habang pilit nilalayo ang sarili sa kaniya.

"Ay bhie tingnan mo 'yon, ang gwapo!" Itinuro niya iyong mga kalalakihang sa tingin ko ay mas matanda pa sa amin ng dalawang taon.

Ngumiwi ako at ikinaway ang kamay ko bilang hindi pagsang-ayon.

"Pass! Masiyadong matanda, busy na 'yan sa buhay."

"Lah eh anong gusto mo? 'Yong mas bata sa atin gano'n? 'Yong tipong naglalaro pa at pinapatulog pa ng nanay sa tanghali?"

"Gago eh 'di hindi." Maloko akong ngumisi at bumaling sa kaniya. "Gusto mo ba akong makulong?"

Umingos siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Base sa paraan ng pagtingin niya ay para bang isang napakalaking joke ng sinabi kong iyon.

"Ano ka ba? Mas masarap magmahal ng medyo mas matanda sa atin. Masarap kaya sa feeling 'yong para kang bine-baby. Gets mo?"

"Oo gets kita pero ayaw ko nga no'n." I scratched my head and looked around the place as a sign that I'm apathetic with the conversation.

Nalukot ang kaniyang mukha at pilit pa ring pinagpipilitan ang gusto niya. Hinayaan ko na lamang siyang kumuda riyan sa isang tabi. Masyadong paulit-ulit, eh. Nakakaumay.

Nilibang ko na lamang ang sarili sa pagmamasid sa buong paligid. Marami akong nakikitang gwapo pero hindi ko naman natitipuhan ng bongga. Hindi ko nga kasi talaga trip iyong mga lalaking mas ahead sa akin ng ilang taon.

"Luke, ano? Hindi ka na naman ba sasama sa amin?"

Napukaw ang atensyon ko ng isang barkadahan na nakatambay sa ilalim ng punong katabi lang ng sa amin.

Based on their uniform, they were from Senior High School.

"Hindi nga guys. Next time na lang kasi baka pagalitan ako ni Mommy," mahina at mahinahong sagot noong lalaki.

Ang cute naman ng boses niya. Inosenteng-inosente ang dating!

Out of curiosity, mas hinabaan ko pa ang leeg ko para makita iyong lalaking nagsasalita pero sa kasamaang palad ay hindi ko talaga makita dahil natatakpan siya noong dalawang babaeng kausap niya.

"Ano ba 'yan! Binata ka na takot ka pa rin sa Mommy mo." pang-aalaska pa ng isa niyang kaibigang babae.

Bahagya akong natawa roon, naaaliw sa kanilang usapan.

"Huwag niyo na kasing pilitin si Luke. Kayo rin, baka pagalitan tayo ni Tita kapag pinilit na naman natin 'yan." ani pa ng isang lalaki.

Unti-unting nawala ang atensyon ko sa kanila nang magbukas si Joana ng panibagong usapan. Nang muli akong bumaling sa kinauupuan ng barkadahan kanina ay wala na sila roon.

Sayang! Hindi ko man lamang nakita iyong itsura no'ng lalaking may cute na boses. Pakiramdam ko ang gwapo no'n! Sa tono pa lamang ng pananalita ay ulam na.

Sa kabilang banda, marami akong nakilala sa ilang araw na ginanap ang intramurals. Kahit nakakatamad at nakakainip panoorin ang ibang programs at laro ay pinilit kong pumasok, hindi para sa baon kundi para lamang talaga sa attendance.

In college, attendance is a must. Kahit bumagyo, lumindol o bumaha kailangan mo pa ring pumasok para sa attendance. And I fucking hate that fact.

"Kumusta naman ang pagiging entrep student?" Damian asked while we were eating lunch at Jeboy's.

Mayabang akong ngumisi. "Chill lang."

Totoo naman kasi. Sa ngayon ay wala pa kaming masiyadong ginagawa. Dahil nasa first year college pa lamang ay halos puro recalls o di kaya'y introduction ang ginagawa ng ibang subject lalo na sa Accounting.Ang hirap pala kapag hindi inline sa strand ang kursong kinuha. Para akong nangangapa sa lahat ng bagay. Napakahirap mag-adjust.

"Hope all!" Miguel commented and pouted his lip.

Hay naku! Feeling cute si tanga.

"Bakit? Nahihirapan na kaagad kayo?" Joana's brows furrowed.

Humagalpak ng tawa si Allen at makahulugang tumingin sa kaibigan. He then pointed his fingers to Miguel's face.

"Ito kasing kupal nating kaibigan, ilang beses nang nahuhuling tumatawa sa klase tas minsan humihikab. Wala yatang araw na hindi nag-push up 'yan,"
"Bakit nag-pu-push up? Para saan?" Joana curiously asked.

"Eh ganoon kasi 'yon. Bawal humikab at tumawa sa loob ng classroom. Kapag nahuli ka ng Prof, may parusa ka." Damian explained and I nodded my head in response though I am not interested with the conversation.

Hindi na kasi bago sa akin ang usapin na iyan dahil araw-araw naman yatang nangyayari iyon sa kanila. Halos paulit-ulit na reklamo na nga ang kanilang idinadaing at sa totoo lamang ay malapit ng marindi ang tainga ko.

"Tanga ka, Damian. Puwedeng tumawa ah basta hindi nakalabas ang ngipin. Bobong 'to!" pang-a-alaska pa ni Miguel.

"Gago ka pala, eh. Sige nga, subukan mong humalakhak nang hindi nakalabas ang ngipin? Siraulong san miguel light 'to!" Josh fired back.

Sasagot pa sana si Miguel kaso tinakpan ko na ang bunganga niya. Ewan ko ba sa mga lalaking 'to, palaging walang gustong magpatalo. Pare-pareho namang bobo! Kung mag-usap pati ay akala mo'y palaging naghahamon ng away. Nakakahiya sa ibang taong nakakarinig.

Pagkatapos kumain ay bumalik na rin kami kaagad sa school. Pinauna ko sa room si Joana dahil dadaan pa ako sa BAO para i-follow up iyong inorder kong P.E. uniform. Nak ng, magdadalawang buwan na wala pa rin. Ang kahulugan ng BAO ay Business Affairs Office. Doon bumibili ng mga books, ID Lace, tela para sa mga uniforms, shirts like; department shirts, university shirts and P.E uniforms pati na rin school supplies at iba pang pangangailangan sa school.

Ngunit sa kasamaang palad ay large pa lamang ang available size na mayroon sila. Nakasimangot tuloy akong lumabas ng BAO. Gustuhin ko mang magreklamo pero alam ko namang wala na akong ibang magagawa kundi ang maghintay.

Dumiretso na lamang ako sa Canteen para bumili ng tubig. Pagpasok ko sa loob ay siya namang paglabas ng isang SHS na lalaki. May hinugot siya sa kaniyang bulsa dahilan para mahulog ang wallet niya. Mukhang hindi niya iyon napansin dahil tuloy tuloy lamang siya sa paglalakad.

Mabilis akong yumuko at dinampot iyon. "Toy nahulog–"

Balak ko pa sanang habulin ang lalaki kung hindi lamang mayroong humawak sa aking braso. Bumagsak ang aking balikat at inis na nilingon kung sinuman iyong talipandas na pumigil sa akin.

"Saan ka pa pupunta? Nasa room na si Sir," Joana uttered.

I pursed my lips in annoyance as I heaved a deep sigh.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango sa kaniya. Magkasabay kaming bumalik sa classroom. Panay ang talak ni Joana habang naglalakad kami ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Iniisip ko kasi kung paano ko maibabalik itong wallet. Nakakatakot namang buksan o pakialaman dahil baka kapag mayroong nawala ay sa akin pa iyon isisi.

Sa kabilang banda, pagkarating namin sa room ay naroon na ang Professor namin. Kararating pa lamang din n'ya kaya hindi pa rin nagsisimula ang klase. At isa pa, mabait si Ma'am Tiburcio. Aniya'y hindi na naman kinakailangan pang magpaliwanag o magpaalam sa kaniya. Matatanda na raw naman kami kaya kami na ang bahala sa buhay namin. Basta siya'y gagawin lamang ang trabaho niya.

Sabagay, may punto naman siya roon pero para sa akin ay parang mali ang gano'n. Hindi ba't parang nakakabastos naman 'yong nagtuturo ka sa unahan tapos may biglang tatayo at lalabas ng classroom ng walang paalam?

Nang matapos ang klase at makauwi sa dorm ay napagpasyahan kong buksan ang leather at kulay itim na wallet na aking napulot kanina. Ang angas ah! Ang daming laman na pera at may mga card pa!

Siguro mayaman ang may ari nito? Bigla tuloy akong nahiya sa laman ng wallet ko, nak ng. May nadukot pa ako na SM advantage card, doon ko nga nalaman ang pangalan ng may ari nitong wallet.

Luke Abaricia.

Wow! Pangalan pa lamang ay tunog mayaman na. In fairness, he has a nice name, huh? And I think it was familiar. Parang narinig ko na siya somewhere na hindi ko lang maalala kung saan.

However, instead of making it a big deal I just shrugged my shoulders. Ibabalik ko na lamang ito bukas kahit na hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang may-ari nito. Masiyado kasing malawak ang LSPU at nakakalat pa ang building ng SHS. Kung paano ko siya mahahanap? Ewan. Good luck na lamang sa akin.

Kinabukasan, nakasalubong ko si Miguel sa main gate. Nagsabay na kami papasok sa loob ng campus. Magkalapit lamang din naman ang building namin kaya walang problema. Habang naglalakad, pinag-uusapan naming dalawa kung saan kami tatambay mamaya. Maaga pa naman kaya hindi nakakabiglang nagkalat pa ang mga tao sa paligid at karamihan na roon ang mga SHS student, dahilan para maalala ko ang wallet na napulot ko kahapon.

"Wait lang. May tatanong nga pala ako sa 'yo." Tumigil ako sa paglalakad at hinawakan ang braso ni Miguel.

Kumunot ang kaniyang noo nang tumigil at humarap sa akin. Exaggerated na lumipad ang kaniyang palad sa nakaawang niyang labi at ang isang kamay naman ay sa kaniyang dibdib.

"Whooooa! Huwag mong sabihin na magco-confess ka sa 'kin at tatanungin mo kung pwede mo akong ligawan?" parang tangang tanong niya bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Sorry pero alam mo namang friendship lamang ang kaya kong i-offer sa iyo–"

Nakasimangot kong pinutol ang sinasabi niya. "Gago, hindi kita type! Ang kapal naman ng mukha mo!" Inis ko siyang binatukan.

Ngumiwi siya at napakamot sa ulo habang may binubulong na kung ano sa sarili. Umirap naman ako at binuksan ang bag upang kunin iyong wallet na ipapakita sa kaniya.

Muli na namang nagsalubong ang kilay niya sa labis na pagtataka. "Ano? Snatcher ka na ngayon? Alam mo kung gipit ka puwede ka namang magsabi sa 'kin."

"Bakit? Pauutangin mo 'ko?" I smirked devilishly.

"Hmm." He shook his head. "Tutulungan kitang mag-snatch."

Mas lalo lamang nalukot ang aking mukha at kinagat ang labi bilang pagtitimpi sa kalokohan ng kaibigan. "May kilala ka bang Luke Abaricia?"
"Ay gago parang pamilyar. Teka, isipin ko lang." Inilagay niya ang hintuturo sa baba na para bang nag-iisip.

I let out a mocking laugh. "Ay wow mayro'n ka pala no'n?" pang aasar ko.

"Oo naman! Gusto mo bigyan kita para ma-experience mo naman?" he fired back.

Muli siyang tumingila at nag-isip. "Ay naalala ko na! Kung hindi ako nagkakamali, anak yata 'yan ng dating Mayor dito sa Laguna? Hindi ko sure, tanong mo ro'n para mas sigurado." Tinuro niya iyong mga SHS na naglalakad bago sumulyap sa kaniyang wristwatch. "Hindi na kita masasamahan, pre. Male-late na ako, eh. Ingat ka ah, tanga ka pa naman."

"Mag ingat o hindi, tanga ka." I tapped his shoulders and walked away.

Kagaya ng sinabi ni Miguel ay lumapit ako roon sa dalawang babaeng nakatambay sa labas ng Activity Center. Pamilya sila dahil malinaw pa sa alaala kong sila iyong nakita kong barkadahan noong intramurals.

"Hey!" Pagkuha ko sa atensyon nila.

Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin.

"Bakit po?" the girl with blonde hair asked. Confusion was written in her eyes.

"May itatanong lang sana ako," mahinahon kong saad at ipinakita sa kanila ang wallet. "Baka mayroon kayong kilalang Lu-"

"Kay Luke 'to ah? Bakit nasa 'yo?" she cut me off. Inagaw niya sa 'kin iyong wallet at tinitigang mabuti.

I then pursed my lips before nodding my head. "Yeah nahulog niya iyan sa canteen."

Muli siyang umagat ang mapupungay niyang mata sa 'kin. Bahagya pa niyang itinagilid ang kaniyang ulo bago sumagot. "Kaibigan namin si Luke. Salamat dito–" Natigil siya sa pagsasalita nang dumako ang tingin niya sa likuran ko. "Ayan na po pala si Luke. Luke halika! Nasa akin na wallet mo!"

"Huh?"

Umawang ang aking labi nang marinig ang mahinhing boses ng lalaki. Tila nablangko ang aking utak at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nakasunod lamang ang paningin ko sa lalaki. Lumapit ito sa kaibigang babae at kinuha ang wallet.

Nais ko pa sanang pagmasdan ang kaniyang maamong mukha kung hindi ko lamang naalala na malapit nang magsimula ang klase! Shit late na 'ko!

"Sinong–"

"Alis na 'ko." I took a quick glance at Luke before giving them all a small smile.

Akmang tatalikod na ako nang hawakan ni Luke ang aking pala-pulsuhan para pigilan. My forehead knotted as I looked back at him with full confusion in eyes. Umawang naman ang kaniyang labi na sinabayan pa ng pamumula ng magkabilang pisngi. Pabalik-balik ang mga mata ko sa kaniyang mukha at sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"Yes? May kailangan ka pa ba?"

I felt something weird inside my stomach but I just shrugged it away.

Mabilis akong kumalawa mula sa pagkakahawak niya nang maramdaman ang tilang kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang pumulupot ang kaniyang mahahabang daliri sa aking braso.

"Huy! May kailangan ka pa ba?" tanong kong muli pero kagaya kanina ay mukhang hindi pa rin siya nakikinig. Nakatulala lamang ito sa akin habang nakaawang ang labi.

My brows furrowed in annoyance because in all honesty, he and his action was really weird.

Ewan! Mukhang na-love at first sight yata sa akin, ah?

I pursed my lips again as I stared at him. Matangkad at maganda ang bulto ng kaniyang pangangatawan kaya hindi mo mapapagkamalang nasa SHS pa lamang siya. He also has a soft feature. Singkit ang kaniyang itim na mata, matangos ang ilong, tila hugis puso ang kaniyang pula at mamasa-masang labi.

Tangina! In short, ang gwapo!

But the admiration that I'm feeling burst like a bubble when his friend uttered an awkward laugh that made me come back to my senses.

"Ah, pagpasensyahan nyo na po itong si Luke. M-Mukhang napipi na yata," nahihiyang ani ng babae at hinila papalayo sa akin si Luke.

I cleared my throat and smiled again. "Okay lang. S-Sige, una na ako."

Tumalikod na ako ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako palayo nang magsalita si Luke.

"P-Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Pinigilan kong matawa dahil hindi nakaligtas sa mga tainga ko ang panginginig ng kaniyang boses.

Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

"Rosemarie," I answered and bit my lip to stop myself from smiling again.

"And I'm Luke"–he paused for a second of heartbeat– "Salamat sa pagbabalik sa wallet ko and see you around, A-Ate Rosemarie."

And because of what he had said, my face unconsciously turned like a crumpled paper.

Ate?

I crossed my arms and stomped my feet as I started to walk away.

Puta, late na nga, na-atezone pa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro