Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Hindi ko alam kung insidente lang ba iyong madalas na naming pagkikita at pagkakasalubong ng landas ni Luke. I mean, kung noon ay sobrang iniiwasan naming mag-krus ang landas naming dalawa, bakit parang ngayon ay kung nasaan ako ay nandoon din siya?

Sa tuwing pumupunta ako sa canteen, sa library, sa Activity Center, maging sa mga karinderya, mall at saang sulok ay palagi ko siyang nakikita. At dumagdag pa itong walanghiyang unknown number na panay ang padala ng mga text messages sa akin. Nagtatanong kung kumain na ba ako, nagpapaalala na mag-ingat ako palagi, ang ganda ganda ko raw at kung anu-ano pang kaekekan sa buhay. Like duh, hindi na naman kailangan pang ipaalala iyon. Anong akala niya sa 'kin? Hindi kumakain sa tamang oras? Gugutumin ko ang sarili ko, gano'n? Anong akala niya sa 'kin, tatanga-tangang hindi marunong mag-ingat? Kulang na lamang ay ipaalala niya rin sa 'kin na malapit nang mag-expire ang load ko.

At isa pa sa pinoproblema ko ay ang paulit-ulit niyang pagsesend ng math solutions na hindi ko naman naiintindihan. Sa tingin ko'y iisang tao lamang iyong nagtext sa akin noong pasko at iyong nangungulit sa akin ngayon ngunit ibang number na ang ginagamit niya.

"Saan kayo ni Gab?" tanong sa akin ni Joana.

"Papunta kaming Library. Sama ka?" sagot ko naman habang nagsusuklay sa harap ng maliit na salamin na baon ko.

Naglagay din ako ng powder at lip tint para naman hindi halatang stress na stress na ako sa mga gawain dito sa school. Mayroon ulit kaming Activity at si Gabbie muli ang ka-partner ko. Papunta kami ngayon sa Library. Masarap kasing tumambay at magpalipas ng oras doon dahil sa malamig na aircon at mayroon pang libreng WiFi. Class hour naman kaya siguradong hindi punuan ngayon doon.

"Ano, sama ka? Tara?" anyaya kong muli sa kaniya.

Tamad siyang tumugon, "Pass. Kayo na lang. Ingats!"

Nagkibit balikat ako at nagpaalam na sa kaniya. Nilapitan ko si Gabbie na kanina pa nag-aabang sa akin sa labas ng silid. At kung hindi ako nagkakamali, namataan ko pa si Miguel sa labas ng classroom nina Bluie. Ewan ko sa dalawang 'yan kung ano na ang mayroon sa kanila.

Naglakad kami patungo sa Library at tama nga ang hinala ko na hindi punuan ang mga table. Inilibot ko ang tingin ko para humanap ng magandang pwesto ngunit sa hindi inaasahan ay nakita ko na naman ang grupo nina Luke sa isang parihabang table na malapit sa may hagdan. Wala naman silang ginagawa, halatang nakatambay at nagpapalipas oras lang.

"Girlfriend ba niya iyong katabi niya? Napapansin ko lang na palagi silang magkalingkis, eh," pabulong na saad ni Gabbie habang nakatingin din sa table nina Luke.

I lazily shrugged my shoulders. "Hindi ko alam"

Totoong wala akong alam at wala akong balak alamin pa. Kung ano mang mayroon sa kanila, wala akong pakialam. Wala talaga.

"Doon tayo umupo sa katabing table nila," bulong ko kay Gabbie.

Napangisi na lamang siya at tumango rin kalaunan. Matunog kong hinigit ang silya dahilan para mapalingon ang grupo nila sa amin.

I faked a laugh and hit Gabbie's arm.

"Ang funny mo!" I uttered, still chuckling.

Nagtatakang kumunot ang noo niya sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mga mata na para bang binabantaan siyang makisabay na lang sa ginagawa ko.

He nodded his head afterwards before faking a laugh too.

"Ang funny ko ba? J-Joke 'yon, eh!" Pagak siyang tumawa at nanggigigil na pinisil ang aking pisngi.

Hinampas ko ang kamay niya at sabay ulit kaming tumawa nang peke. Kung hindi pa kami sinamaan ng tingin ng librarian ay hindi pa kami titigil dalawa sa katangahan namin. Inilapit ko ang aking upuan sa tabi ni Gabbie. Mukha naman siyang gulat na gulat sa ginawa ko kaya bahagya kong sinulyapan ang direksyon nina Luke na kasalukuyang tumatagos hanggang kaluluwa ang masamang tingin sa amin.

Hinawakan ko ang panga ni Gabbie at iniharap sa akin. "Yawa ka, Gabbie. Huwag kang tumingin sa kanila. Huwag kang pahalata. Kunwari sweet tayo," mariin kong bulong sa kaniya.

Kitang kita ko ang pag-pro-protesta sa mga mata niya ngunit nang kurutin ko siya sa tagiliran na sinamahan pa ng panlalaki ng mata ay wala na siyang nagawa kundi ang tumango at mapalunok na lamang.

Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga at bumulong. "Siguraduhin mo lang na makakalabas ako nang buhay dito sa Library. Ang sama ng tingin sa 'kin noong ex mo."

And luckily, Gabbie leave the library still breathing. Nakalabas naman kami ng buhay sa Library sa kabila nang masamang tingin na pinukol sa kaniya ni Luke.

"Uuna na kami kila Miguel ha? Hindi ka ba sasabay sa amin?" Joana asked.

I shook my head. "Sasamahan ko pang bumili si Bluie ng regalo."

"Gusto mo bang samahan ko na kayo?" marahang tanong ni Damian sa 'kin na agad ko namang tinanggihan.

"Hindi na. Salamat na lang." I gave him a small smile.

Isinukbit ko na ang bag sa aking balikat at tumayo na. Nakatanggap na kasi ako ng text mula kay Bluie na tapos na ang klase nila kaya babalik na ako sa CBMA building.

"Hi Rose!" salubong na pagbati sa 'kin ni Ria pagkalabas niya ng classroom.

Umirap ako at ngumiwi. Noong una ko siyang makilala ay alam ko na sa sarili kong hindi ko talaga siya makakasundo. Sadyang may ganoon talaga akong feeling minsan. Feeling na kahit wala namang ginagawa sa akin iyong tao ay naiinis pa rin ako. And also, I don't like her vibe. Plastic siya at halatang hindi gagawa ng matino sa buhay. Kaya nga noong narinig ko iyong mga pinagagagawa niya kay Bluie ay mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko sa kaniya.

Lumapit sa akin si Bluie at hinigit ako sa braso. "Tara na?"

"Sige,"

Aalis na sana kami nang biglang humarang si Ria sa dinadaanan namin habang nakadipa pa ang dalawang kamay. Natutop ko ang bibig upang pigilan ang sariling magmura.

"Where are you going? Puwede ba akong sumabay sa inyo papunta kila Migs?"

I crossed my arms and raised my brows at her. "Praprangkahin na kita, hindi puwede! Allergic ako sa plastic!" walang kagatol-gatol kong saad na nakapagpalaglag ng panga niya.

Sandamakmak na sermon ang inabot ko kay Bluie hanggang sa makalabas kami ng campus. Na kesyo hindi ko dapat iyon sinabi kay 'so-called friend' niyang si Ria. Mababaw na kung mababaw ngunit naiinis talaga

ako sa ginagawa niyang palaging pinagsisiksikan ang sarili kay Miguel kahit na alam at nahahalata niyang ayaw sa kaniya ng lalaki.

Matapos naming bumili ng regalo ay dumiretso na kami kina Miguel. Hindi na ako nagulat nang makita niya si Bluie at bakas na bakas ang saya sa kaniyang mukha. Iniwan ko na silang dalawa roon sa labas dahil nasusuka ako sa kalandian nilang dalawa. Dumiretso ako sa likod ng kanilang bahay at naabutan na roon ang aking mga kaibigan na nag-iinuman.

Bumuntonghininga ako nang makitang tanging sa tabi na lamang ni Damian mayroong bakanteng upuan. So I had no damn choice but to pursed my lips and sat beside him. Inusog niya papalapit sa akin ang kaniyang upuan. I could smell his manly perfume at tila ba nanunuot iyon ng sobra sa ilong ko. That damn perfume was quite familiar for me. Regalo ko sa kaniya iyon noong pasko two years ago. Ngayon lang ba niya ginamit o panibago na iyon?

Inabutan ako nang alak ni Thanika ngunit inagaw sa akin iyon ni Damian.

"Kumain ka muna bago ka uminom," he coldly muttered on my ears.

I groaned and grabbed the bottle from him. "Huwag ka ngang makialam."

He clenched his jaw while staring at me. Sinuklian ko siya ng matalim na titig. Kung hindi pa tumikhim sina Joana ay hindi pa kami titigil dalawa. Hinablot ko sa kaniya ang bote at walang pasabing tinungga ang laman noon.

I heard him heave a sigh then he stood up.

"Oh, saan ka pupunta, Dammy?" tanong ni Thanika habang hinahabol siya ng tingin.

"Ikukuha ko lang ng pagkain si Rose," he answered and went back inside the house.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin at nagpakawala ng buntonghininga. Ilang buwan na kaming hindi okay ni Damian. Simula noong halikan niya ako ay hindi na kami nagpansinan pa. He was a good friend, I know. Nandiyan siya palagi sa tabi ko para damayan at suportahan ako sa lahat ng bagay pero mali ang ginawa niyang paghalik sa akin para lamang mapadali ang paghihiwalay namin ni Luke pero inaamin kong. . . hindi ko na rin naman kayang patagalin pa ang away na ito.

Parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya at sa lahat ng kaibigan kong lalaki ay siya ang lubos kong pinagkakatiwalaan.

Bumalik siya dala ang pagkaing kinuha niya. Tahimik ko iyong kinain at matapos noon ay muli kong pinagpatuloy ang pag-inom. Bumuhat lamang kami sa upuan nang marinig ang malalakas na tawanan at tilian mula roon sa labas.

"Panoorin niyo si Miguel dali! Nagco-confess na yata ng feelings doon kay Bluie sa labas!" Josh shouted.

Mabilis kaming kumaripas ng takbo papunta roon sa labas ng bahay at naabutan si Miguel na nakatayo habang kaharap ang mga magulang at iba nilang kamag-anak. Abot tainga ang ngiti nito sa labi.

"Hindi ko pa siya nililigawan mga Tita at Tito." He shyly chuckled. "Gusto ko ho sanang magpakilala ng pormal sa mga magulang niya at magpaalam kung puwede akong manligaw."

Nilingon ko si Bluie na nakaupo lamang sa isang sulok. Namumula ang kaniyang mukha na tila ba nahihiya at kinikilig sa mga nangyayari. A genuine smile plastered on my lips. I may always be rude to her but I couldn't deny the fact that I really love her as a friend and being lonely was the least thing I wanted to see in her.

Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Miguel pero siyempre, hindi ko ipapahalata at aaminin 'yon. Magkamatayan man.

Naghalakhakan kaming lahat na sinabayan pa ng malalakas at maraming palakpak. Sinaway nina Joana sina Damian dahil 'yong paraan ng pagpalakpak nila ay parang tumatawag sila ng kalapati.

"Go Cardo!" sigaw no'ng mga lalaki.

"Ang korni mo, Migs! Tinatakwil ka na namin!" sigaw ko rin at nagtawanan ang mga tao.

Nang sumapit ang araw ng Valentines ay pinayagan kaming magsuot ng civilian ngunit ang isusuot naming ay base sa estado ng relationship na mayroon kami.

Red para sa mga in love. Yellow para sa mga pinuyat pero hindi jinowa. Green para sa mga ghinost at black para sa mga brokenhearted. White para sa mga walang label at school uniform para sa mga killjoy.

Nagsuot ako ng reggae shirt dahil trip ko lang. Wala akong balak sakyan ang trip ng mga tao rito sa campus. Nakita ko pa si Bluie na naka-school uniform. Ano pa nga bang aasahan? Hindi na 'ko nagulat.

Kasama ko si Joana at ang iba naming kaklase, pinasyalan namin ang lahat ng mga booth sa field. Napako ang mga mata ko sa marriage booth. Nakangiti at naaaliw kong pinanood ang dalawang estudyante mula sa CIT. Naalis lamang doon ang mga mata ko nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa.

I took out my phone from my pocket and read the message.

"Seeing you smile makes me smile, my love.

9x - 7i > 3 (3x - 7u)

9x -7i > 9x -21u

- 7i > 21u

7i < 21u

i <3 u."

It was from an unknown number again. My heart was racing fast that I could almost hear it. Napahigpit ang kapit ko sa aking cellphone kasabay ng mabilis na paghinga. Inangat ko ang aking ulo at iginala ang mga mata sa buong paligid ng field. Tumigil ang mga mata ko malapit sa jail booth na medyo katabi lang din ng marriage booth. I saw Luke holding his phone while looking at me from afar. Nang magtama ang mga mata namin ay binigyan niya ako ng isang matamis at inosenteng ngiti na kulang na lamang ay mabura ang mga mata niya sa sobrang lawak niyon.

My lips parted when an idea snapped inside my head. Damn! Bago pa ako makapagreact ay tumalikod na siya at naglakad paalis sa field kasama ang mga kaibigan niya.

Halos maging jellyace ang tuhod nang marealize ko ang lahat. Si Luke at iyong unknown number na nangungulit sa akin ay iisa. Hindi ko alam! Hindi pa rin ako sigurado! Kailangan kong siguraduhin bago may mabuong pag-asa muli sa dibdib ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na sundan siya.

"Hoy Rosas! Saan ka pupunta?" dinig ko pang sigaw ni Joana nang bigla na lamang ako tumakbo palayo sa kanila.

"Basta! May kakausapin lang ako!" I shouted back and waved my hands as I bid my goodbyes. Dumadagundong ang aking dibdib dahil sa labis na kaba. Hindi ako handa sa kung ano man ang maaaring sabihin niya pero bahala na. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro