Chapter 13
Nakatulala lamang ako noong umagang iyon. Pinag-iisipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang, ayos lamang naman sa akin kung ako lamang ang dehado rito. Kaya kong tanggapin 'yon kaso hindi, eh. Ang hindi ko inaasahan ay iyong madadamay ang tatay ko na nananahimik at malayo sa akin. Nang buksan ko ang mensaheng ipinadala niya sa akin ay halos gumuho ang mundo ko.
"Nawalan ako ng trabaho nang dahil sa 'yo, nang dahil sa kalandian mo. Pinatanggal ako sa trabaho ng asawa noong dating Mayor diyan. Kung miserable ang buhay mo kung nasaan ka man ngayon, pakiusap Rosemarie, huwag mo akong idamay. May pamilya akong binubuhay. Ilugar mo 'yang kalandian mo palibhasa manang mana ka riyan sa Mama mo."
Iyon ang nilalaman ng kaniyang mensahe. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit pinapatayan niya lamang ako ng telepono at nang siguro'y makulitan ay tuluyan na niya ako b-li-nock. Panay rin ang tunog ng cellphone ko dahil sa mga text at tawag ng mga kaibigan namin pati na rin ni Luke ngunit kahit isa ay wala akong sinagot.
Nadamay din ang kaibigan kong si Damian na wala namang ibang ginawa kundi tulungan ako at ang pinakamasaklap pa roon ay nawalan ako ng trabaho kung saan malaking tulong iyon para makapag-aral at mabuhay ako sa araw-araw. Iyon ang pinakamahalaga para sa akin, eh. Kaya ako nakakausad sa buhay ay dahil iyon sa pagtra-trabaho ko pero ngayon, hindi ko na alam kung saan na ako pupulutin pa.
Tinigil ko ang pag-iisip at bumangon sa kama. Walang mangyayari sa akin kung tutunganga ako sa maghapon. Mas lalo lamang akong malulugmok kung patuloy kong iisipin ang problema.
Kaya naman, kahit mabigat ang dibdib, nagawa ko pa ring umakto na parang natural lamang ang lahat. Ang mga magulang, kapatid at mismong si Damian ay binabantayan at sinusuri ang bawat kilos at galaw ko.
"Tita, Tito, alis na po ako!" I flashed a wide smile in my face; just like a typical Rose on her typical days.
Nagkatinginan silang lahat bago sumagot.
"Kumain ka muna," alok sa akin ng nanay ni Damian ngunit agad ko iyong tinanggihan.
"Hindi na po. Kailangan ko na rin pong gumayak kasi may pasok pa ako. Sa campus na lang po ako kakain."
Ilang beses pa nila akong kinumbinsi pero sa huli ay wala na rin silang nagawa. Damian silently stood up and wiped his lips. He then looked at me and gave me a small smile.
"Sabay na tayo," aniya.
Sa paraan ng pagngiti niyang iyon ay tila nabawasan ng kaunti ang bigat ng nararamdaman ko. Sa panandaliang segundo na iyon ay aking napagtanto na hindi man ako suwerte pagdating sa pamilya, maswerte naman ako pagdating sa mga kaibigan at sa ibang taong nakapalibot sa akin.
Wala kaming imikan ni Damian hanggang sa maihatid niya 'ko sa dorm. Matahimik akong bumaba sa kaniyang motor at nagpasalamat. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Tumalikod na ako at akmang papasok na sa loob ng dorm nang tawagin niya muli ang pangalan ko.
Unti-unti akong lumingon sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay bilang tugon. Ngayon ay nakasandal na siya sa kaniyang motor habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. His facial expression remained unreadable as he stared at me deeply, but still, I could clearly notice how his eyes were expressing care and tenderness over me.
Bigla siyang nagtanong, "Kaya mo pa ba?"
Bagama't nagulat ay agad ko ring pineke ang kaniyang ngiti. "Kaya ko lahat, Dammy. Anong tingin mo sa 'kin, mahina?"
He pursed his lips and nodded slowly.
"Ako ang sasalo sa mga problema mo kung sakaling hindi mo na kaya." He gave me a weak smile and his gaze went to my back.
Lumingon din ako roon at nakita si Bluie na palabas ng gate. Papasok na yata sa school. Nakakunot ang kaniyang noo habang humahakbang papalapit sa akin.
"Wala kang pasok?" nagtataka niyang tanong.
Nagkatinginan kami ni Damian bago ako sumagot sa kaniya.
"Mayroon. M-May pinag-uusapan lang kami pero gagayak na rin ako,"
Tumango siya at nagpaalam na sa akin.
"Doesn't she have any idea about what's happening to you?" Damian asked and I shook my head.
"Wala. Wala 'yang pakialam sa mundo." I laughed.
Hindi na rin siya nagtagal at kapagkuwan ay nagpaalam na. Gumayak ako at pumasok sa campus na para bang walang nangyayari. Kahit panay ang pagtingin sa akin ng ilang mga estudyante ay binalewala ko na lamang iyon. Kilala kasi si Damian sa buong campus dahil player ito ng basketball. Kahit kailan ay wala pang nabalita na nagkaroon siya ng girlfriend kaya siguro ngayon na nagka-issue kaming dalawa ay sobrang bini-big deal iyon ng iba.
Pinagpatuloy ko ang aking buhay kahit na rinding-rindi na ang tainga ko sa mga tanong na ibinabato sa akin ng mga kaibigan, ilan kong kakilala at ibang tao na nakakaalam sa relasyon namin ni Luke.
"Huy, Rosas. Totoo bang nagche-cheat ka kay Luke?" tanong ng isa kong kaklase pagdating na pagdating ko sa room.
I rolled my eyes and faced him. "Kapag sinagot ko ba 'yang tanong mo, gaganda ang buhay mo at makakatulog ka nang mahimbing sa gabi?"
Natahimik siya at nagtawanan ang ilang mga taong nakarinig. Si Joana ay napapailing na lamang habang nakasunod sa akin. Tinanong din niya ako kung ano bang nangyayari pero ni kahit isang matinong sagot ay wala siyang nakuha sa akin.
Simula nang kausapin ako ng Mommy niya ay hindi na muna ako nagparamdam kay Luke. Ni kahit isa sa mga text at tawag niya ay wala akong sinagot. Alam ko namang wala siyang kasalanan sa nangyayari pero masiyado pang magulo ang utak ko. At isa pang naiisip ko na hindi pa man kami sa gitna ng pagsasama ay may mga tao nang pumapagitna sa aming dalawa.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa Itaas. . . ayaw ba niya akong maging masaya?
"Rose, may naghahanap sa 'yo sa baba," Nez uttered which made me back to my senses.
Kakauwi pa lamang niya galing school habang ako naman ay nakahiga sa kama at nagce-cellphone. Bumangon ako at kinunotan siya ng noo.
"Sino?"
May kahulugan itong tumitig sa akin bago nagkibit balikat. Sa hilatsa ng kaniyang mukha ay alam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy niya.
I sighed. "Sabihin mo wala ako rito."
Tumango si Nez at muling bumaba. Si Bluie naman ay nakatitig na naman sa akin at bakas ang pagtataka sa mukha pero hindi naman siya nagtatanong. Nang pandilatan ko siya ng mga mata ay agad din siyang bumalik sa kaniyang ginagawa.
Sa mga sumunod pang araw ay gano'n pa rin ang ginagawa ko. Pilit kong iniiwasan si Luke kahit na kayang kaya ko naman siyang harapin. Madalas na nag-aabang ang lalaki sa labas ng dorm, sa may main gate, sa labas ng classroom at kung saan-saan pa hanggang sa umabot na ng linggo ang ganoong scenario.
"Love, hindi naman ako naniniwala roon sa issue. Hindi rin po ako galit sa 'yo kaya sana kausapin mo na 'ko. ☹"
Nakatitig lamang ako sa bagong mensaheng pinadala na naman ni Luke. Sabado ngayon at kasalukuyan kong kasama si Miguel at Damian. Tinutulungan nila akong maghanap ng panibagong part-time job na maaari kong pasukan. Naka-akbay sa akin si Miguel at nakikisilip din siya sa cellphone ko kaya agad ko siyang tinulak palayo.
I sarcastically hissed. "Chismoso mo 'no?"
"Wala naman akong nabasa, ah? Ni hindi ko nga nabasang mabuti na hindi siya naniniwala sa issue at hindi rin siya galit sa iyo." Ngumuso siya at sinimangutan ako. "Bakit kasi hindi mo pa kausapin 'yang boyfriend mo? Pati kami kinukulit na rin, eh."
"Oo nga. Ano bang plano mo riyan? Kung ipaglalaban mo, eh 'di ipaglaban mo pero kung sa tingin mo na kailangan niyo munang tapusin 'yang relasyon na mayroon kayo, eh 'di tapusin mo na kaagad. Huwag mo nang paghintayin at gawing tanga pa iyong tao kung mauuwi rin pala sa wala ang paghihintay niya sa 'yo," sabat naman ni Damian.
Tila isang malaking sampal sa akin iyong sinabi ng dalawa kong kaibigan. Tama sila. Hindi ko na dapat pang pinagmumukhang tanga si Luke pero kasi. . . hirap na hirap akong magdesisyon, eh. Mahal ko iyong tao at kung kaya ko siyang ipaglaban gagawin ko, ngunit napagtanto ko na hindi ko pa kaya iyong gawin sa ngayon. Ang hirap lumaban nang wala kang kahit anong armas at hindi ko rin kayang lumaban para sa isang tao lalo na't kung ang kapalit nito ay paghihirap din ng mga tao sa paligid ko.
"Puwede mo 'kong gamitin, Rose. Para saan pa at naging magkaibigan tayo? Basta ilakad mo 'ko roon sa ka-dorm mate mo? Ano ngang pangalan 'non? Bluie?" walang kwentang alok ni Miguel.
"Salamat na lang pero hindi na kailangan. Sa babaero mong iyan, alam kong paglalaruan mo lang din ang kaibigan ko kaya manahimik ka!" Pinanlisikan ko siya ng mga mata.
"Tss, bakit ikaw pa Miguel? Kung puwede namang ako? Tutal kami namang dalawa iyong na-i-issue rito," sabi naman ni Damian kay Miguel.
Umikot ang mga mata ko dahil sa kakulitan nilang dalawa. Hanggang sa magdesisyon kaming umuwi ay panay pa rin ang kanilang pagtatalo. Mabuti na lamang at nang maihatid nila ako sa dorm ay nauna na ring umalis si Miguel. Naiwan kaming dalawa ni Damian dito sa labas.
"Anong plano mo? Makikipaghiwalay ka na?" maingat niyang tanong at dahan-dahan naman akong tumango.
"Labag man sa kalooban ko pero kailangan, eh. . . natatakot ako sa puwede pang gawin ng Mommy niya," nanghihina kong tugon habang ang mga mata ay nakapako lamang sa sahig.
"I'll help you," marahang tugon ni Damian ngunit ang mga titig nito ay tumagos sa likuran ko.
"Paano mo naman gagawin 'yon?"
Umarko ang aking kilay dahil hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. Akmang ibibiling ko ang ulo ko para makita kung sino ba ang tinitingnan niya sa aking likuran ngunit natuod ako sa kinatatayuan nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong pisngi at walang pagdadalawang-isip na siniil ako ng halik.
Tila nanigas ang buong katawan ko sa labis na pagkagulat. And I thought it would just last for a second but he deepened the kiss even more.
Nonetheless, I didn't bother to kiss him back. I snapped back to reality and pushed him away from me when I heard a soft sob from behind.
Dahan-dahan akong lumingon at ganoon na lamang ang pagguho ng mundo ko nang makita si Luke sa aking likuran. Matahimik na lumalandas ang mga luha nito sa kaniyang pisngi, nakaawang ang labi habang pabalik-balik ng tingin sa amin ni Damian.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinubukan kong ibuka ang aking labi para magpaliwanag ngunit bigo. Nang isang beses ko pang ihakbang ang paa ko papalapit sa kaniya ay tanging sunod-sunod na pag-iling ang ginawad sa akin ni Luke. Muli kong ibinalik ang mga mata kay Damian para humingi ng tulong ngunit umiwas lamang ng ito ng tingin.
The agony on Luke's eyes was completely visible and I couldn't stand it that way.
Gustuhin ko mang magpaliwanag ngunit hindi ko magawa. Gusto kong depensahan ang sarili ko at sabihing mali ang nakita niya. . . ngunit sa huli ay napagtanto kong kahit kailan ay hindi nagsisinungaling ang mga mata.
"Luke, listen–" Nang sinubukan kong muling lumapit ay agad din siyang humakbang patalikod.
"Diyan ka lang! H-Huwag kang lalapit sa 'kin!" He shouted between his sobs.
I shook my head aggressively. "Luke, please, makinig ka naman–"
"Ano pa ba ang dapat kong marinig? Nakita ko na, Rose. Kitang-kita ng dalawa kong mata. Ano pa bang gusto mong ipaliwanag sa 'kin?" Suminghot siya at marahas na pinunasan ang mga luhang lumalandas patungo sa kaniyang pisngi. Bahagya pa siyang tumingala habang nakaawang ang bibig.
Nang muling magtagpo ang aming paningin ay pinaghalong lungkot, galit at pagkadismaya lamang ang mababakas sa kaniyang mga mata.
"I-I-I couldn't believe this. . ." His voice broke as he let out a dead cackle. "I couldn't believe that I needed to witness this using my own eyes."
"O-Okay naman tayo noong huling beses tayong nag-usap, 'di ba? Kahit na. . . kahit na pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ka na nagparamdam o nakipag-usap sa 'kin. And even when the rumor spread, hindi ko iyon pinaniwalaan, Rosemarie. Hindi ko iyon pinaniwalaan, instead, I still waited for you, Rose. . ." he continued.
"Ang nasa isip ko pa noon, kahit hindi ka na magpaliwanag basta kausapin mo lang ulit ako, okay na. Okay na 'ko. Okay na ulit." Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad at doon mas lalong humagulhol ng iyak.
My eyes darted on my shoes because I could really stand seeing him like that. The way his eyes screamed in affliction and even his unbearable sobs. . . it was making my heart break into pieces. It all pierced through my soul. The conscience that I'm feeling lingered on my bones. The discomfort embraced me until I could no longer breathe.
Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Gustong gusto ko siyang lapitan, yakapin at ipaliwanag sa kaniya ang lahat ngunit hindi ko magawa. I really wanted to cry in front of him, but I did all my very best to stop myself.
Marami siyang binabatong tanong, ngunit ni isa ay hindi ko sinagot. Maraming pagkakataon upang sabihin sa kaniya ang totoo, ngunit hindi ko pa rin ginawa. At sa libo-libong salita na sumisigaw sa utak ko ay tanging isang salita lamang ang lumabas mula sa bibig ko. . .
"Sorry,"
Iyon lamang ang bukod tanging salitang namutawi sa aking labi. Isang salita ngunit tila malinaw na ang lahat sa kaniya. Mapait siyang ngumiti bago marahan at walang buhay natumango. Parang sinasakal ang dibdib ko sa sobrang sakit nang tuluyan siyang tumalikod at nagsimula nang humakbang palayo sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro