Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Days and months passed like a whirlwind. My relationship with Luke became stronger and happier. Nakatapos ako ng first year college at siya naman ay naka-graduate ng SHS with highest honor. Hindi lamang ako pumunta sa mismong graduation niya dahil may trabaho ako at exclusive for family members lamang ang celebration.

Though, nakapag-celebrate na rin naman kami the day before his graduation.

At isa pa, mas pinili naming gawing pribado ang relasyon. Pribado ngunit hindi naman namin dine-deny sa tuwing may nagtatanong sa kung anong mayroon sa amin ng lalaki. Kung mayroon mang tao na iniiwasan naming makaalam sa namamagitan sa amin ni Luke ay iyon ay walang iba kundi ang Mommy at Daddy niya. Aniya'y wala naman daw problema sa kaniyang Daddy ngunit hangga't maaari ay ayaw muna niyang ipaalam sa ngayon.

"You're keeping your relationship in private maybe because kinakahiya niyo ang isa't isa," Ria uttered, which made my forehead knotted in annoyance.

Maging sina Joana at Thanika ay napataas din ang kilay dahil sa sinabi nitong magaling na kapatid ni Allen. Bakit ba kasi nandito 'to? Wala naman siyang ambag na saya rito sa aming magkakaibigan. Palagi lamang niyang pinapakulo ang dugo ko sa inis at isa pa, puro landi at panghaharot lang kay Miguel ang ginagawa niya, eh, hindi naman interesado sa kaniya 'yong isa!

"We're our relationship private dahil kapag maraming nakakaalam, maraming mangingialam," I fired back using a stern voice and I couldn't help myself to roll my eyes. "Kagaya mo. Masyado kang pakialam, hindi naman hinihingi opinyon mo."

Padabog kong kinuha ko isang bote ng beer sa lamesa. Matapos ay tumayo na ako at naglakad patungo sa balkonahe. Ngayon na nga lamang ako nagkaroon ng oras para sumama sa kanila tapos ganoong klaseng tao pa ang makakaharap ko.

I frowned and shook my head.

"This is Blossom. Ang bago niyong makakasama rito sa dorm. Please be good to each other, okay?" Tita Paula, our landlady, announced.

Pinasadahan ko ng tingin ang magandang babaeng nasa harapan ko. I puffed my cheeks to stop myself from laughing. Nakakatawa naman ang name niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na fan ng powerpuff girls ang parents niya?

Walang ekspresyon ang kaniyang mukha nang ilahad niya sa amin ni Nez ang kaniyang kamay. Nagkatingin pa kaming dalawa ni Nez kung sino ang unang makikipag-shake hands kay Blossom. Pinandilatan ko siya ng mga mata bilang senyales na siya na ang mauna.

"Hi, I'm Nez. Nice to meet you," maligayang saad ni Nez at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Blossom.

"Bluie na lang. You can call me Bluie," The woman in front of me answered.

I bit my lower lip to suppress my laugh. Bahagya pa akong tumalikod at tumikhim upang hindi nila iyon mahalata. Huminga ako nang malalim bago muling humarap at makipagkamay kay Bluie.

"Hi, I'm Rose but you can call me Rosemarie for long!"

Tumango lamang siya sa akin at tamad na ibinalik ang mga mata kay Tita Paula na muli lamang kaming pinaalalahanan sa mga rules and regulations dito sa dorm. Pagkaalis niya ay saka ko muling hinarap si Bluie na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya sa cabinet.

Lumapit ako sa kaniya para tulungan siya sa ginagawa.

"Blossom ang pangalan mo pero Bluie ang nickname mo? Bakit ganoon, walang connect?" pagsisimula ko sa usapan.

Tumigil siya sa pagtutupi ng damit at tamad akong nilingon gamit ang nanlilisik na mga mata.

"Ano bang paki mo?" malamig at tila walang gana niyang tugon.

Whaa! Napaka-hot naman ng ulo!

A devilish smirk formed into my lips as I shook my head. "Wala. Gusto ko lang sabihin na ang pangit ng pangalan mo," pang-aasar ko pa at bahagya naman siyang natigilan.

She then gave me a dagger stare. "Well, gusto ko lang sabihin na wala akong paki."

I cocked my head and let out a laugh.

Wala raw siyang pakialam pero bakit simula noong araw na iyon ay naging magkaibigan kami? I have this kind of feeling na alam kong mapagkakatiwalaan ko siya at kahit magkaiba kami ng ugaling dalawa ay nagkakaintindihan pa rin kami. Na kahit anong panlalait at pang-aasar ko, dinededma lamang niya. Hindi rin siya napipikon sa akin, hindi kagaya nina Joana na kapag na-realtalk, nagagalit na. Si Bluie, kahit na parang palagi siyang walang gana, kulang sa energy at mahirap basahin, nakikita ko sa mga mata niya na kahit papaano ay natutuwa siya sa 'kin. Hindi lang siguro talaga siya showy.

"Kumusta naman ang first week ng future Engineer ko?"

I hugged Luke from behind. He was now in his first year in college at sa LSPU pa rin niya napiling mag-aral. Pangarap niyang maging Teacher pero dahil sa kagustuhan ng Mommy niyang maging Engineer siya ay iyon ang kinuha niyang kurso.

"So far, okay pa naman, Love." He heaved a deep sigh.

Nandito kami ngayon kina Damian. Nag-iinuman sila roon sa living room sa baba but since hindi naman umiinom si Luke at mahiyain din siya ay nagpasya na muna siyang umakyat dito sa taas. Alas-otso na at kanina pa rin tumutunog ang kaniyang cellphone dahil sa tawag ng kaniyang Mommy, ngunit binabalewala lamang niya ito.

Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa kaniyang baywang at dahan-dahang humarap sa akin. Sumandal siya sa balkonahe, marahang dumapo sa aking magkabilang baywang ang malambot niyang palad bago ako patakan ng isang mabilis na halik sa aking noo.

"I don't like Engineering but I have no other choice,"

I licked my lips. "Bakit hindi mo ipaliwanag sa Mommy mo?"

"She wouldn't let me, Love. Iniiwasan ko ang magalit siya sa akin dahil siguradong ipapatapon ako no'n sa Manila." He let out a tired sigh again and stared at me. "At ayaw ko no'n. Kahit maging robot niya 'ko, ayos lang sa akin. Basta ang mahalaga nandito lang ako. . . malapit sa iyo." He then brushed my hair and kissed my forehead.

Palihim na sumupil ang isang mapait na ngiti sa aking labi. Alam kong hindi madali ang relasyong pinasok ko. Masiyadong malaki ang harang ang nasa pagitan naming dalawa at hindi kami malaya sa mga nais naming gawin. Ngunit kahit gano'n, ayos lamang iyon sa akin. Handa akong magtiis kung sa dulo man nito ay may nag-aabang na matinding kasiyahan para sa akin.

Sa kabilang banda, kuntento na 'ko sa mga bagay na ginagawa namin ni Luke kahit na maikling oras lang ang mayroon kami sa araw-araw. Limitado ang oras niya dahil bantay-sarado siya ng kaniyang ina habang ako naman ay may abala sa trabaho at pag-aaral.

Kung mayroon man kaming hindi napapagkakasunduan ay iyon ang pagiging independent ko sa lahat ng bagay. Na sa sobrang kaya ko raw na mag-isa, nararamdaman at naiisip niyang parang hindi ko siya kailangan just because I never seek help from everyone. . . even him.

Sa aming dalawa, ako ang binabansagang lalaki sa relasyon dahil ultimo maging sa maliit na bagay kagaya ng pagsisintas ng kaniyang sapatos o pagbubukas ng bote ng tubig ay ako pa ang gumagawa. Na sa aming dalawa ay siya pa ang mas madalas na tinotoyo at ako pa ang madalas manuyo.

I have no problem with that, though. Kagaya nga nang sinabi ko, masaya ako sa mga bagay na ginagawa ko para sa kaniya.

"Love, nakauwi ka na po?" tanong ni Luke mula sa kabilang linya.

Sumakay muna ako sa pinara kong jeep bago sagutin ang kaniyang tanong. Ikiniling ko ang aking ulo at inipit sa pagitan ng aking tainga at balikat ang cellphone dahil kailangan kong kumuha ng pamasahe sa aking wallet.

"Ito na, nakasakay na 'ko sa jeep. Ikaw, kumain ka na ba?" I asked.

"Hindi pa po. Wala pa si Mommy, eh. Ang sabi ni Daddy sabay-sabay na raw kami kumain," he responded, "Pagdating mo sa dorm, love, pahinga na ikaw ha? Pagod ka sa work mo, eh."

I chuckled and bit my lip. "Opo, boss. Oh sige na, tatawagan na lang kita mamaya."

Marami pa siyang pinaalala sa akin bago ako tuluyang bumaba ng jeep. Napailing na lamang ako. Pagod na pagod ako sa trabaho pero hindi pa rin mawala ang malawak kong ngiti sa labi.

Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting nabura nang makita ko kung sino ang nag-aabang sa akin sa labas ng dormitoryo.

Naaaninagan ng ilaw ng poste ang kaniyang mukha. I can still clearly remember the first time I saw her at her own birthday party. Her fierce and intimidating aura will surely make your knees tremble. The way she looks seems like she could even see your soul too and the way she walks screams elegance, power, and authority.

Masiyadong nakakatakot. Nakakapanindig balahibo.

Hindi ko namamalayan na natigilan na pala sa paglalakad at awang lamang ang labing nakatitig sa kaniya. Subukan mang ihakbang ng mga paa ko, hindi ko magawa. At nang magtama ang mga mata namin ay siya na mismo ang sumara sa malaking distansya sa pagitan naming dalawa.

Hindi nito hinihiwalay ang nakakatusok niyang tingin sa akin hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. Bumagsak ang aking mga mata sa sariling sapatos dahil wala akong sapat na lakas na loob upang suklian ang titig

na ibinibigay niya sa akin. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pagtambol ng aking dibdib at maging ang unti-unting panunuyo ng aking lalamunan dahil sa kaba. Mas kinikilabutan pa ako sa kaniyang presensya kaysa sa lamig ng hangin na humahampas sa aking balat.

"G-Good evening po." I couldn't stop myself from stuttering, nonetheless, I bowed my head as a sign of respect to her.

"I guess hindi ko na kailangan pang magpakilala sa iyo, Ija," And even the way she uttered those words could simply make you feel so belittled. "But still, I want to introduce myself in a more profound manner." She then gave me an empty smile. "I am Liana Abaricia. Luke's mother."

"A-Alam ko po, Ma'am. Magandang gabi po." I cleared my throat and forced myself to smile. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

Binuhos ko na ang buong tapang ko upang mag-angat ng tingin at pantayan ang paraan ng pagtitig niya at hindi ko maiwasang masaktan. Her eyes were expressive. Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagkadisgusto sa akin kagaya noong unang pagkakataong nakilala ko siya. Hindi 'yon nagbago. Tila ba sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay ipinaparamdam niya kung gaano kalayo ang agwat namin ng kaniyang anak.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa since wala naman akong balak pag-aksayahan ng mahabang oras ang babaeng katulad mo. . ." She crossed her arms while her face remained stoic. "Alam ko kung anong relasyon mo sa anak ko. Sa simula una pa lang ay alam ko na iyong mga kabulastugang bagay na itinuro mo sa kaniya."

"Mag-cut ng klase, kumain ng street foods, sumakay ng jeepney at higit sa lahat, tinuruan mo ang anak kong suway-suwayin ako," mariing dagdag pa niya.

My mouth fell open. "Ma-am, I'm sorry–"

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, Ms. Quejano." Tumuwid siya ng tayo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Siguro naman sapat na iyong panahon na pinagbigyan ko kayo ng anak ko. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to break up with him. Gusto kitang mawala sa buhay ng anak ko."

Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng dalawang sulok ng aking mata, ngunit kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan iyon.

Sunud-sunod ang ginawa kong pag-iling. "H-Hindi ko po magagawa 'yan, Ma'am Liana."

She then scoffed and shook her head as if she was disappointed with my answer. "Gusto kong layuan mo ang anak ko dahil masiyado kang mababa para sa kaniya. Saan ka ba niya napulot? Para kang isang nakakadiri at maruming puta na kahit anong gawing linis ay wala nang pag-asa pa. . ."

Ang mga salita niya'y tila isang kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa aking dibdib, ngunit kahit gano'n ay pinigilan ko pa rin ang sariling magpakita ng kahit anong emosyon. Dahang-dahang kumuyom ang kamao sa panggigigil at ngumisi siya nang mapansin iyon.

"Pero sige, okay, madali naman akong kausap, eh. But believe me, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, Ms. Quejano. In just one snap, you will lose everything that you have right now. Maaaring makakatulog ka nang mahimbing mamayang gabi pero sa mga susunod na araw? I won't let that happen. . . because disobeying me would be the greatest nightmare of your life. Remember that." Nakangiti niya akong muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa hanggang sa walang pasabi na siyang tumalikod at sumakay sa kaniyang kotse.

Nanghihina ang mga tuhod ko habang tinatanaw itong papalayo. Habol ko ang aking hininga at tila nanlalambot ako sa mga binitawan niyang salita. Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ay hindi ko magawa.

At dahil ayaw kong makita ako ni Bluie sa ganitong sitwasyon ay pinara ko ang jeep na papalapit sa akin at walang pagdadalawang isip na sumakay doon. Habang nasa biyahe ay tinext ko na iyong taong gusto kong puntahan ngayon. Hindi siya nagreply pero alam kong gising pa siya.

After a few minutes, I just found myself standing in Damian's house. Nandito siya sa labas ng bahay, nakaupo sa gutter ng kalsada habang ang dalawang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng kaniyang hoodie.

He frowned and stood up when he saw me. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga nang mapansin niya kung gaano ako miserable ngayon sa harap niya. Wala nang pagtatanong na nangyari at basta na lamang niyang inilahad ang dalawang braso niya para salubungin ako ng yakap.

Sa buong gabing iyon ay inasikaso niya 'ko. Hindi siya umalis sa tabi ko hangga't hindi ako nakakatulog. Akala ko ang pagsibol ng panibagong umaga ay nangangahulugan ng panibagong pag-asa. Buong akala ko ay magiging okay na ang lahat, ngunit mali ako.

Dahil pagmulat pa lamang ng aking mga mata ay masamang balita na kaagad ang bumungad sa akin. . .

Ma'am Liana used her power to get rid of my father on his work, as well as me on my part-time job.

And also there was a rumor speculating in the campus that I am cheating with Luke and the other man that was involved was Damian. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro