Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

“Lumayas ka rito at h’wag nang babalik pa!”

Nag-angat ako ng matalim na titig sa babaeng walang pasabing pumasok sa loob ng kwarto ko. Sa hilatsa ng kaniyang pangit at tadtad ng foundation na mukha ay mababakas ang pagkadisgusto nito sa akin.

“Ito na nga, oh. Nag iimpake na,” I nonchalantly answered.

Bumalik ako sa ginagawang pagsisilid ng mga damit at iba pang kagamitan sa duffel bag. Dumukot siya ng pera sa wallet at ibinato iyon sa akin.

“Ayan ang pera. Siguro naman sapat na ’yan para umalis ka at hindi na bumalik dito, ’di ba?”

Ngumisi ako bago nagmamadali iyong pinulot at isinilid sa bulsa. Imbis na ma-offend sa ginawa niya ay labis pa akong natuwa. Kahit sampalin mo ako ng pera, ayos lang sa akin. Pera ’yan, eh! Sinong tatanggi riyan?

“Okay na ito pero mas okay kung gusto mong dagdagan pa,” pang-aasar ko at inilahad pa ang isang kamay.

Umirap siya kawalan at walang pagdadalawang isip na binigay ang hiling ko. Nagbitiw pa siya ng ilang pagbabanta bago tuluyang lumabas ng aking silid. Nang masigurong wala na siya ay nanghihina akong umupo sa malambot na kama. Pabalik-balik ang tingin ko sa duffel bag at isang bag pack na naglalaman lahat ng mga gamit ko.

Handa na akong umalis sa pesteng pamamahay na ito kaso mayroon lang akong isang problema at iyon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.

I wrinkled my nose while scratching my nape. “Anak ng putang bida bida naman, oh. Saan na ’ko pupulutin nito?”

I heaved a deep sigh and took out my phone from the pocket. I opened the messenger app and searched my Mom’s name. Nang makitang online iyon ay agad ko siyang tinawagan. Hindi naman ako nabigo dahil wala pang apat na ring ay sinagot na niya iyon.

Bumungad sa akin ang masaya at maaliwalas niyang mukha pati na rin ang maingay na background music. Nagtataka man kung nasaan siya ay hindi na ako nag-abalang magtanong pa.

“Oh, Rosemarie, napatawag ka?”

“Ma kasi ano–” Hindi ko natuloy ang sasabihin nang may marinig akong baritong boses ng lalaki mula sa kabilang linya.

“Honey, who’s that?!”

My lips twisted when Mom turned off her camera but still heard her answer.

“Uhm, I’m just talking to a close friend of mine from the Philippines,”

I scoffed and rolled my eyes. Hindi nga tayo close bilang mag-ina tapos close friend pa? Sinungaling dot com talaga.

“Okay, hang it up! The lunch is ready and our kids are waiting for you in the dining area,”

“Okay okay, I’ll be there in a minute.” sagot ng magaling kong ina.

Mariin akong pumikit at hinilot ang sentido. Tanginang buhay naman ’to, oh.

Sandali pang tumahimik sa kabilang linya bago natatarantang binuhay at inayos ni Mama ang anggulo ng camera. Pinigilan ko ang sariling matawa nang makita kung gaano siya kinakabahang mabuking. Lumunok siya at inilapit ang mukha sa screen para bumulong.

“Rosemarie, kailangan ko nang umalis. Magpapadala na lang ako ng pera. Please lang, huwag ka ng tumawag sa ’kin,” may bahid ng inis niyang saad sa akin.

“Pero–”

“Sige na, sige na! Bye! Ingat ka riyan!” Then she hung up.

Awang ang labi at hindi makapaniwala kong tinitigan ang screen ng aking cellphone.

Kapagkuwan ay pagak akong natawa, pilit itinaboy ang nararamdamang pait sa aking dibdib.

I should have known. Wala na nga pala akong lugar sa buhay nila. Naaalala ko pa, masaya naman kami dati pero simula nang umalis si Mama anim na taon ang nakakalipas para pumunta sa Australia at doon ay magtrabaho ay nagbago na ang lahat.

Nagkaroon ng ibang babae si Papa, iyong kumare niyang si Sherly. Iyong pumasok dito sa kwarto kanina at sinabuyan ako ng pera. Matapos malaman ni Mama ang panlolokong ginawa ni Papa ay humanap na rin siya ng iba roon sa Australia. Pinsan ng amo niya ang kinakasama niya ngayon at mayroon na silang dalawang anak.

Mayroon na silang ibang pamilya kaya heto ako ngayon. . . hindi alam kung saan pupunta kasi pinapalayas na sa sariling bahay dahil hindi na ako kabilang sa pamilyang binubuo nila.

At kahit mayroong pangambang nararamdaman sa dibdib kung saan ako pupulutin ay hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko sa kanila. Kung hindi rito ang lugar ko, pwes, gagawa ako ng lugar na talagang para sa ’kin.

Kung hindi ako kawalan, pwes mas lalong hindi sila kawalan.
Mabuti na lamang ay may natitira pa akong mabait na kamag-anak sa Santa Cruz Laguna na si Tita Mavs. Kapatid ng magaling kong ina. Doon ako pansamantalang tumira. Sinamahan niya rin akong mag-asikaso sa isang pampublikong unibersidad kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Masasabi kong okay naman si Tita Mavs.

Inaalagaan niya ako at ramdam ko ang concern niya para sa akin. Mother material, ika nga nila. Iyon nga lang ay hindi ko bet iyong kaniyang asawa.

Hindi naman sa pagiging judgemental pero kasi masiyadong malagkit kung makatingin at may isang beses pang nahuli kong inaamoy ang nakasampay kong panty.

At imbis na hintayin ko pang mapahamak ang sarili ko ay umalis na lamang ako.

Pinipigilan pa ako ni Tita Mavs ngunit buo na talaga ang desisyon kong umalis. Kaya naman tinulungan niya  na lamang akong humanap ng dorm na matutuluyan. Malapit lamang iyon sa unibersidad na papasukan ko kaya okay na okay sa akin. Hindi naman akong nahirapang mag-adjust dahil noon pa man ay kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa.

Hindi kagaya ng iba, sanay na akong mag-isa. Sanay na akong walang nag-aalaga, umaalalay, at walang gumagabay na magulang. At dahil sobrang sanay na nga ako, minsan ay pakiramdam kong hindi ko na kailangan ng kahit na sino sa buhay ko.

“Ate pa-adjust naman. Kanina pa tayo hindi umuusad gawa mo,” reklamo ko roon sa babaeng nasa unahan ko sa pila.

Enrollment ngayon at kasalukuyan akong nakapila sa gitna ng tirik na tirik na araw tapos itong babae sa unahan ng pila ay libang na libang sa cellphone at hindi nag-a-adjust.
Para bang walang pakialam sa paligid niya. Sarap sabunutan!

Mula sa cellphone ay nag-angat ito ng tingin sa akin at mapagpaumanhing ngumiti. “Ay sorry, sorry. . .” aniya.
Bumuntong-hininga ako at umiling. Itinabi niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag bago muling humarap sa akin.

“Ako si Joana, ikaw?”

“Ako budoy,” I joked but my face remained stoic. “Charot, I’m Rosemarie.”

She sighed in relief before giving me a friendly smile. “Medyo magaling ka pala mag-joke.”

“Talaga? Thank you.”

Of course, I know that it was just a sarcasm. However, hindi naman ako nahirapang pakisamahan siya. Siya lamang ang kausap at kasama ko sa buong araw ng enrollment. Matapos noon ay ipinakilala niya ako roon sa iba pa niyang kaibigan.

“This is Damian. . .” Itinuro niya sa akin iyong isang mestizo at matangkad na lalaki.

Ngumisi ako at tinanguan si Damian. He genuinely smiled back at me.

“At ito naman si Josh.” Pagtukoy niya roon sa maitim at matangkad na lalaki.

She also introduced me to Allen–the chinito guy and Thanika–her best friend.

Luminga-linga si Joana sa paligid habang nakakunot ang noo. “Teka, nasaan na si Miguel?” tanong pa nito sa mga kaibigan.

“Ewan, nagpasama sa kaniya si Ria sa University Canteen eh. Hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon,” Damian answered.

“Tss, i-chat niyo nga,” saad naman ni Allen.

“Bakit hindi ikaw? Ikaw ang kapatid ni Ria, ’di ba?” Thanika retorded.

“Sino ’yon? Mga kaibigan niyo rin?” pagsingit ko sa usapan.

Thanika nodded. “Si Miguel kaibigan namin. Si Ria naman kapatid ni Allen, sumama lang sa amin pag-e-enroll.”

“Ah nice. Ang dami niyo pa lang magkakaibigan,” I commented.

Ilang saglit pa kaming naghintay sa ilalim ng puno hanggang sa tuluyan ng dumating iyong Miguel at Ria. Inabot pa sila ng sandamakmak na mura mula kay Joana dahil ang tagal nilang bumalik.

“Ey! Who’s that chick?” Nakangising lumakad papalapit sa akin iyong Miguel at inakbayan ako.

Awtomatikong nalukot ang aking mukha bago padabog na inalis ang braso niya. “Siraulo! Lumayo ka nga. Ang pangit mo!” singhal ko na ikinatawa nilang lahat maliban doon sa Ria na pinagtaasan ako ng kilay.

“Kung makapagsalita naman ’to, akala mo ang ganda niya,” Ria, the ugly duckling bitch, murmured.

Bubulong pa, rinig ko naman. Tanga.

I arched my brows and crossed my arms. “Oo maganda talaga ako. Mainggit ka please?”

Sasagot pa sana si Ria pero mabuti na lamang ay pinigilan siya ni Miguel. Halos masuka ako sa pandidiri kung paano siya yumuko siya at tila ba nagmistulang maamong tupa sa harap ng lalaki.

Jeez, I don't like her vibe!

And yet, that’s how our friendship started. Eventually, they became my companion. Kahit na magkakaiba ang kurso namin ay nagagawa pa rin naming magliwaliw sa buhay. Tambay dito, movie marathon doon. Minsan ay kumakain sa labas at kung minsan naman ay nag aambagan para sa pancit canton at juice.

Since I’ve met them, I never felt alone again. Pinangako ko rin sa sarili ko na kung ano mang magiging kapalaran ng buhay ko rito, alam kong makakaya ko. Kakayanin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro