Chapter 9
Chapter 9 #jttwbs
It wasn't a surprise that I got a grade of 94 over 100 when our MAPEH activities were distributed after a few days.
Malaki ang tiwala ko sa gawa ni Fern ngunit hindi lamang iyon ang basehan ng score. Malaki rin ang tiwala ko na ang kinulang na 6 points ay dahil sa naging presentation ko.
Pero abot langit ang tuwa ko at iniwan iyon sa sala kahapon.
I know it's wrong to steal the credit from someone else. But I just wanted my parents to think that I can get a grade that high. Parang nakatatak kasi sa kanila na ang baba ko lagi. Kahit na... iyon nga naman talaga ang totoo.
I went downstairs right after waking up because I was excited to find out if they indeed saw it.
"—ko 'yung papel sa sala."
"Kuwento nga ng anak mo sa akin kahapon, tungkol 'yun sa pagkakagusto niyang maging ano... flight attendant daw."
Awtomatiko akong tumigil nang marinig ang boses ni Mommy at Mamala. I held on the banister and stayed on the staircase as I decided to eavesdrop on their early conversation.
Napangiti ako. Nakita na nga!
"Nakita mo rin ba 'yung pagkakaguhit? Ang galing, 'no? Hindi ka ba proud sa anak mo?" magiliw na sabi ni Mamala. I knew she was fishing for compliments from my mother's mouth.
I heard Mommy click her tongue. "Flight attendant, Manang? Pagsabihan n'yo muna ang alaga ninyo na alagaan ang mukha. She's not even that tall."
"Ano? Grabe ka naman, Erenea..."
"What, Manang? It's true. Sa tingin ba ninyo, papasa 'yon si Erisette sa mga screening?"
"High school lang siya. Anong malay mo, hindi na tigyawatin ang anak mo pagdating ng panahon saka... tataas pa 'yon."
I heard Mommy breathe deeply. "Saka niya na siguraduhin na 'yun ang gusto niya kung maganda na siya sa mata... Baka hindi ganahan sa kaniya ang flight passengers o kahit nga ang mga airlines."
"Bakit puro naman sa panlabas ang mga sinasabi mo, Erenea?" Mamala responded with a sharp tone this time.
"Bakit ho, Manang? Kahit naman hindi sa panlabas..." she cleared her throat, "walang masasabing maganda, hindi ho ba."
Kasi walang utak. Bobo sa eskwela. Kahit sa talento, namumulubi rin.
"Susmaryosep, ano ka ba? Ano ba naman 'yang mga iniisip mo sa anak mo?"
"Nagsasabi lang ho ng totoo. She dreams to be a part of the cabin crews. Malaki ang parte ng physical appearance sa ganoon, Manang, aba... Saka unang-una, makaka-graduate ba 'yan? Hindi nga nag-aayos sa pag-aaral..."
Humigpit ang kapit ko sa barandilya nang dumaplis ang mga mata ni Mommy sa akin. Tumulin ang kabog sa dibdib ko kahit ang sikip-sikip na rito.
"Akyat na muna ho ako. Baka ma-late ako sa trabaho," ani Mommy at dire-diretso tungo sa hagdanan kung nasaan ako.
Napasapo sa noo si Mamala nang mamataan din ako. But my eyes were fixed on the woman who brought me into this world.
Napatuwid ako ng tayo nang magkatapat kami sa hagdanan. "M-M—" I coughed to condition my throat because no voice came out. There was a bile in it. "Mommy..." I called as my tears uncontrollably flowed.
Patuloy lang si Mommy sa pag-akyat habang tumuloy rin ang paglandas ng mga namuong luha ko. My view turned blurry but I clearly saw no traces of sympathy in her face before she disappeared from my sight.
Pinahiran ko ang mga pisngi ko at bumaba kahit nanghihina ang mga tuhod. Alalang-alala si Mamala na sinalubong ako.
"Naku! Kukuha ako ng cotton buds! Linisin natin ang tainga mo!"
I forced out a chuckle. "Si Mamala talaga..." Suminghot ako at ngumiti. "Hindi pa ba tayo nasanay kay Mommy?"
Pero may mga bagay na kahit sanay ka na, masakit pa rin. Kaya dapat siguro hindi tayo sa mga bagay nasasanay... dapat sa sakit. So, we could be nothing but numb over it.
"Kasalanan ko yata ito." Mamala tried to wipe off the liquid of blues on my cheeks. "Ako ang nagpasimula ng usapan... Hindi mo sana narinig 'yon..."
Nabura ang peke kong ngiti nang may biglang naalala. "Mamala... hindi nga po pala ako ang nag-drawing n'ong nakita n'yo."
Mamala took a pause after my revelation. But I didn't want to witness the splash of dismay in her expression so I turned my back and headed to the bathroom.
"Iihi lang po dapat ako, e..." pagsisinungaling ko. Pumasok na ako sa banyo. "Pasunod na lang po ng bath towel and robe ko, ha? Maliligo na rin po ako."
I lowered the toilet lid, sat there, and stared at the ceramic tiles. Pinigilan ko ang sarili na makaramdam hanggang sa kinatok ako ni Mamala.
"Thanks, Mamala."
As soon as I closed the door, I let my tears taste the freedom. The eruption of my sobs was ungovernable but I exerted my utmost best to silence it. Sumakit ang lalamunan ko sa matinding pagpipigil.
Inilagay ko sa wall-mounted bar ang towel at robe bago dumiretso sa shower. The warm water gushed same as my thoughts and I bared my soul to nobody but myself under it.
"Ayan kasi... Inangkin mo 'yung drawing ni Fern. Kinarma ka..." kausap ko sa sarili, basag-basag ang boses.
I squandered the time under the running water, sitting on my haunches. I thought of how I got no substance, how low my brain capacity is, and how talentless my hands are. Nagbabad ako habang iniisip na ang pangit, pangit ko rin.
Why am I existing?
Is it to give a ladder for other people who are excelling to reach the pinnacle? Para kasing dapat may mababa para may maituring na mataas... Ganoon ba?
"Erisette, anong oras na! Dadating na ang service mo!" sigaw ni Mamala mula sa labas. "Baka maiwan ka!"
Saka lang ako nagmadali kahit wala akong gana na pumasok. Buti't hindi namaga ang mga mata ko.
Si Camara ang bumungad sa akin sa service. I wanted to release to her but she was radiating in glee. I didn't want to infect her with blues, so I shut my mouth.
"Alam mo ba, nakita ng mom ni Jiro 'yung picture ko nung summer. Sabi ni Jiro, ang sexy-sexy ko raw sabi ng mom niya!" she blabbered animatedly. "Wala lang! Kilig!"
"Wow, talaga? Pero totoo namang ang sexy-sexy mo."
Hindi dikit sa balat ang pagkakatahi sa uniforms namin ngunit mababakas ang kurba ng katawan ni Camara kahit ganoon. Her hips are not that wide yet but enough to highlight her small waist. May nasasabi na rin ang dibdib at pang-upo niya sa murang edad.
She giggled sweetly. "Ano ka ba! Small thing!"
Bumuntong hininga ako pagkaupo sa room nang makarating sa school.
Luis mockingly shook his hand in front of his nose as if I blew a bad breath. Malayo naman ang bibig ko sa ilong niya at saka nag-toothbrush ako, 'no!
Hindi ko na lang pinansin kasi ayoko nang dumagdag siya sa Mommy ko. Hindi naman na siya nang-asar ulit. Pero kinimkim ko na lang din ang isa pa sanang buntong hininga dulot ng mabigat na damdamin ko.
This is just one of those days, Eri... It was just one of those moments. You'll move on eventually. That's what you always believe and what you always do. Remember?
Nagbaon ako ng sandwich na may imported chocolate spread. Isa iyon sa mga pasalubong ng tita ko, mom ni Ashtine, mula ibang bansa. Kaya tumanggi ako nang inayang lumabas ni Camara noong sumapit ang recess.
Mabilis ko iyong hinanda kanina sa bahay bago umalis. I didn't want to go out of the classroom, that was why. It just felt like any ounce of my energy was overly drained out of me.
"Fern! Kapatid mo, hanap ka!"
Kaunti lang kaming mga nanatili sa room. Nagsasalo sina Caelan sa pagkain ni Marion na narito na naman sa room namin. Siyempre kasama rin si Keno. It was just recess but they were savoring a rice meal from Marion's large lock and lock Tupperware.
"Sure kang may lunch ka pa, ha? Uubusin talaga namin 'to."
"Oo nga! Kulit ni Keno! Recess lang 'to."
"Grabe talaga mga recess mo lagi, e. Pangtanghalian na!"
"Dinamihan talaga ni Mama ngayon kasi sabi ko nanghihingi kayo. Kaya nga may extra na plastic utensils. Swerte n'yo ngayon."
"Anong hingi, Mar? Pinaganda mo lang 'buraot', e!"
Nagtawanan silang apat.
Nandito sila sa likod dahil dito ang puwesto ni Fern at Caelan. Kaya rin malinaw sa akin ang usapan nila. Nahaluan na nga ng adobo ang chocolate spread ng sandwich ko. Its tasty smell was strong that I was already tasting it on my tongue.
"Velicaria, kapatid mo nga!"
Kasusubo lang ni Fern nang lumingon sa pinto kung saan nakadungaw ang ulo ni Frensha. There was a small frown etched on her face.
"Ano kailangan mo?" sigaw ni Fern, hindi malinaw dahil puno ang bibig.
"Tara rito..." mahinang sabi ni Frensha. She was obviously shy but her impatience was breaking through.
"Bakit nga?" Fern sounded clearer this time because I just saw him gulp all the food in his mouth. "Pumasok ka na. Tara rito."
"Hindi ako naka-shoe rug, Kuya."
"Okay lang 'yan, ako rin naman."
Bahagyang napailing ako.
Si Caelan na escort, dedma. Pati ako na muse. Kasi asa namang kaya ko ang mangsita. See? Kaya hindi dapat ako napabilang sa class officers, eh!
"Saglit lang kasi, Kuya. Labas ka muna."
"Wala naman kaming teacher, Sha."
Sa gitna ng pilitan nila, naalala kong hinatid namin ang mga libro ni Frensha noon. Fern wasn't able to get his books back on that day but I noticed that he already have them now. Siyempre second grading naman na kasi.
I could envision a smoke coming out of Frensha's nose. Her eyebrows were knitted. I could also tell that she was gnashing her teeth behind her closed lips. Nag-alangan siyang tumuloy dahil nakaharang si Ronnie na nagpapatugtog ng gitara na dala nito.
Fern noticed it, too. Sinitsitan niya si Ronnie. "Padaanin mo 'yang prinsesa ko, aba."
Ronnie stopped from strumming the guitar. "Ay, sorry naman, Master." Mapanuksong nilahad nito ang daan kay Frensha.
"Ano?" Fern asked as soon as Frensha stopped in front of him. Nakaupo siya kaya tiningala niya ang kapatid na babae.
"'Di ako nakahinging baon kay Papa."
Natigilan si Fern. I witnessed the movement of a bulge on his cheek when he jabbed his teeth inside while he was thinking. Ilang sandali lang, dinukot niya ang wallet sa bulsa.
"Si Ford, meron?" tanong ni Fern.
"I think so. Papunta na si Kuya Ford ng canteen kanina no'ng nakasalubong ko."
Tumango si Fern. "Ito lang gastusin mo, ah. Not this side," he instructed, showing the contents of his wallet.
"Then? Magtitira ba ako?"
Ngumiwi si Fern sa tanong ni Frensha. "Sana."
Frensha asked about him and he showed her the food he was sharing with his friends. Frensha nodded in relief then she left with her brother's wallet wrapped around her little finger.
Tinampal ni Fern ang braso ni Marion saka dinampot ang taklob ng Tupperware kung saan siya kumakain. "Buti dinamihan ni Tita Marie luto ngayon."
"Kulo tiyan sana recess mo, 'no?" si Keno.
Umismid si Fern. "Asa namang gutumin ko sarili ko. 'Diyan naman kayo. Siyempre uutang ako sa inyo," he resolutely answered.
Pumalatak at umungol sina Caelan. Fern chuckled.
"Joke lang. 'Di naman mauubos n'on ni Sha allowance ko."
After that, they continued their incessant chattering. Noon ko lang napansin na sa kanila natuon ang buong atensiyon ko. I mentally thanked them because that distracted me for a while.
Inubos ko na ang sandwich ko. I was shoved in the abyss of thoughts that I didn't notice I've been staring at nothingness. Nakailang ulit na rin ako ng buntong hininga. Why is it so hard to move on? Why do Mommy's exact words keep on echoing in my head?
Hiniling ko na sana matapos na ang recess at dumating na ang teacher namin. Because that way, I'd have another option which is to focus on our class discussion aside from hearing Mommy's dagger-like voice.
Bigla akong nakarinig ng kaskas sa gitara. I assumed it was Ronnie again but when I turned my head, I was wrong. Hindi si Ronnie, kundi si... Fern.
Nakatayo ang lalaki at nakapatong ang isang paa sa upuan. Iyong gitara ay nasa hita niyang nakaangat. Nakayuko siya kaya bagsak ang ilang hibla ng buhok sa may noo. His gaze was on the fretboard where his fingers were trying a chord.
Umiwas ako nang mag-angat na siya ng tingin. Marahan akong umiling at hinilig na lang ang ulo sa desk. I heard him strum what seemed like an intro while clearing his throat.
Kanina pa kitang pinagmamasdan
Mukha mo'y 'di maipinta
Malungkot ka na naman
Kumunot ang noo ko habang nakapikit sa desk nang sumali na ang tinig ni Fern kasabay ng tunog ng gitara. It's not the quality of his voice that surprised me but the fact that he was singing at the moment.
Sandali nga
Teka lang
May nakalimutan ka
'Di ba't pwede mo kong iyakan?
Naisip ko bigla si Camara na gustong-gusto naririnig si Fern kumanta. Kaso hindi pa siya sinasauli ni Jiro sa room namin. Sayang! Nagbati na kasi ang dalawa!
Ma'am Ruez and the class teamed up to make him sing before and he declined, but now he's suddenly singing. Baka naman nahiya lang siya noon? Pero... wala naman sa itsura niya ang nahihiya, ah?
Sige lang, sandal ka na
At 'wag mong pipigilan
Iiyak mo na ang lahat sa langit
Iiyak mo na ang lahat sa akin
Mula sa magaan at kalmadong estilo ni Fern, naging maingay nang sumabay sina Keno. Sinita na sila ng mga kaklase naming babae na nasa bandang gitna.
But I secretly hoped that they won't tone down their voices. I hoped that they'd continue and even louden it. Because for some reason, Fern's singing style or this current chaotic state with his friends... I felt the warmth of comfort.
Unfortunately, they stopped out of nowhere. Hindi ako tumingin kahit na takang-taka ako. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Ma'am Ruez na nagpaayos ng upo ko.
"Akin na 'yang gitara, Eric."
Fern licked then bit his bottom lip as he combed his hair through his fingers. Nakita ko namang tinutop ni Ronnie ang noo.
"Uy, Eric, ibigay mo na gitara..."
"Oo nga... Ito talaga si Eric..."
"Ingay-ingay mo kasi Eric..."
Pinandilatan ni Ma'am Ruez ang mga gatong na kaibigan ni Fern kaya natahimik sila. Humakbang naman si Fern bitbit ang gitara na s-in-urrender niya sa guro.
"Kukunin ko 'yon mamaya. Sorry," kalmadong pangako ni Fern sa problemadong si Ronnie nang iwanan na kami ni Ma'am Ruez dala ang kaniyang gitara.
"Kung hininaan n'yo lang kasi sana. Ito kasing si Keno, sumisigaw! 'Kala mo naman ang ganda ng boses!" giit ni Ronnie.
"Fuck you ka, Ronnie!"
"Buti nga hindi ang mga Sister ang nakarinig. Baka kuhanin I.D. n'yo."
"Girl, ang worst... si Father!"
"Bihira lang naman dito si Father. Saka sa office lang naman 'yun lagi kung nandito, right?"
"Ito kasing sina Keno, eh! Buwisit!"
I snorted after hearing their argument. I was sad about what happened, too. I wanted more of their singing. Ironically, I found tranquility between their noise.
Hindi nagtagal ay dumating na ulit ang mga kaklase namin. Dumaan ang Values na hawak din ni Ma'am Ruez. She announced a set of groupings that she prepared beforehand. Para iyon sa dula-dulaan namin na tungkol sa kagandahang asal.
"Dito ang Group 1... Group 2... next..." si Ma'am Ruez habang nagtuturo ng mga lugar sa room upang mag-usap ang mga grupo.
Magkagrupo kami ni Caelan at sa bahay nila ang practice namin. It's just Thursday tomorrow but I already have a bundle of nerves. Hindi ako magaling magsalita sa harapan ng mga tao, how much more kung acting na ang gagawin?
Kaya kabado tuloy ako. But then I got better the rest of the day.
Noong lunch ay sumama na ako kina Camara sa canteen. I felt much better when we bought sweetcorn outside the school and ate it in the multicab on our way home.
"Ay, ayan na, may chat na," sabi ko at binuksan ang group chat namin sa Facebook gamit ang laptop ko.
"Really? What are you?" si Camara mula sa speaker ng cellphone ko.
Huwebes na ng gabi nang i-send ng leader namin ang roles kasama na ang storyline at script. Impit akong napatili nang makitang tagagawa lang ako ng props para sa magiging backdrop namin.
"Pero kailangan pa rin na kasama ako sa Sabado. Para sure daw na matatapos din ang props. Also to make sure there's no misunderstanding about it..." kuwento ko kay Camara.
"Uhuh. Me... I'm a rich playgirl na matapobre. Nakakatamad."
Biyernes ng uwian, sa Robinsons kami nagpababa kay Mang Emil. Sinamahan ako ni Camara sa National Book Store upang bumili ng ambag ko sa props at sumakay na lang pauwi. Sa bahay kami bumaba. Ginamit ko ang landline telephone upang tumawag sa bahay nila at masundo siya sa amin.
As soon as she was picked up by their driver, I opened my cellphone and saw that our Values group chat was active. Panay lang ang basa ko sa mga usapan nila. I felt embarrassed to involve myself into the conversation and besides, no one was asking for my opinions.
Thea Romero:
Caelan bukas ha *_*
Caelan Visa:
yes maam
Honey Perez (2nd Acc):
san nga hauz u boss caelan ?
Oliver Dela Cruz:
Malapit yan sa PNS.
Honey Perez (2nd Acc):
merienda tom ahh XD
Kasunod noon ang chat ng leader tungkol sa dapat na costumes. Kaso hindi ko natapos basahin nang may... bagong dating na notification sa taas ng screen...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro