Chapter 8
Chapter 8 #jttwbs
Humarang sa amin ang eksena ni Hadya na nakasaludo sa mga nakatambay na CAT officers sa mga konkretong upuan sa gilid. The officers were talking boisterously, ignoring our friend right in front of them.
"I am reminded again why I didn't like joining..." dismayadong komento ni Camara. "Not all. Pero meron talagang mga nakakainis na officers."
Parte rin iyon kung sa akin. But mainly, I don't like the things they do and the routines they have. Mas nakikita ko ang pagpapahirap na ginagawa sa kada isa imbis na ang mapupulot na skills, experience, at knowledge mula sa training. I can't bear it.
Natanaw kong natigilan si Kuya Avier na galing canteen nang makita ang sitwasyon ni Hadya. Huminto ito sa pagsipsip sa mango flavor na Zest-O at magkasalubong ang mga kilay na sinugod ang officers.
"Kung ipababa n'yo muna kaya kamay nitong nakasaludo bago kayo nagdadaldalan diyan 'no?" sarkastikong mungkahi nito.
Natigilan ang officers sa daldalan at napatunganga sa mapangahas na lalaki. No one dared to give him a verbal response. Maybe they recognized who he is. He's also older than them.
"Oh? Ano?" maangas na amok ni Kuya Avier. "Ganito kami ni Drith, aba!" Ipinaglingkis niya ang dalawang daliri. "Ibinilin niya 'yan si Hadya, ah?"
Hindi naman kami tumigil maglakad ni Camara ngunit ngayon lang kami tuluyang nakalapit. Kuya Avier eased off when he noticed us. Pagkabaling sa officers ay agad na tumapang ulit ang mukha.
"Gusto n'yo? Sumbong ko kayo?" he threatened. "Mabait naman akong sawsawero kaya sige! Kayo'ng mamili kung squat thrusts, duck walk—"
Napatikhim ang isa sa officers. I heard Camara scoff while Kuya Avier settled with the sharpest glare he can manage. Nagmatiyag ako kung magmamatigas ang officers. Bakit kasi trip nila 'yang may nakasaludo nang matagal sa kanila?
"Down," someone commanded.
It spoke so much about privilege. Yes, fair to consider unjust but what do people normally do when it is offered? Bask in the glory of it of course.
Kaya rin hindi kami gaanong takot kung sakaling sumali. Kuya Drith was the Corporal Commander during their batch so we can pull some strings. He's not plainly just a former officer for that matter—he was a notable one.
Hadya's breath of relief created a noise. Binalingan niya si Kuya Avier na kahit papaano ay nabawasan na ang iritasyon.
"Grabe, ihing ihi na 'ko!" she blurted out. "Thanks, Kuya Av! Bye!" Nabigla siya nang makita kami ni Camara. She just squeezed our arms before she dashed away from the scene.
Bumalik na naman ang matalim na tingin ni Kuya Avier sa officers, malamang gawa ng nalamang nagpigil si Hadya ng ihi dahil sa kanila.
Kami naman ay tumuloy na sa canteen. Nahuli ko ngang inirapan ni Camara ang officers noong bago talikuran.
"Libre n'yo naman ako," anang boses na sumulpot sa pagitan namin. Kuya Avier placed his arms around our shoulders and his head was in between ours. "Gutom ako."
"Paanong gutom, Kuya? Kagagaling mo lang sa canteen!" I reminded him.
His chuckle filled our ears. "Zest-O lang binili ko." Nasundan iyon ng tunog ng pagsipsip na naninimot na.
"Then why buy a drink? Kung gutom ka, dapat pambara. Kung uhaw, edi panulak," mataray na hayag ni Camara.
Natahimik si Kuya Avier. Maging ako ay hinintay iyong maproseso sa utak ko. It was unarguable that she had a point.
Kuya Avier grunted after a while. "Ganun talaga, Ra. May mga times na bobo tayo. It's okay to be bobo sometimes." I was even sure I heard him grin.
Natatawa akong umiling. Pumalatak naman si Camara at kumawala upang maalis ang mga braso ni Kuya Avier sa mga balikat namin.
"And don't be too near us, Kuya Av!" she snapped. "Baka makita pa ng bebe mong selosa na tinubuan ng kaunting tao. Kahit hangin na hinihinga, bawal tayong magsalo! Kaya shoo!"
Humalakhak si Kuya Avier bago mabilis na sinimot na ang Zest-O. "Sungit! Sibat na nga 'ko!" saad niya at itinapon iyon sa trash can sa entrada ng canteen.
Fortunately, the line wasn't that long and we were able to buy our snacks quick. May bakanteng lamesa rin kaya roon na kami kumain. I didn't pry on why Jiro didn't join us. Nagkatampuhan lang siguro ang dalawa.
Pabalik na kami sa classroom nang makasalubong namin si Trina. She was about to enter the faculty room when her eyes found us.
"Bilisan n'yo. Nando'n na si Ma'am," she warned us. I expected that since we heard the bell. "Kararating lang naman. Inutusan ako to get oslo papers from our requirement envelopes."
"Oslo? For... what?" tanong ni Camara.
"I'm not so sure, eh. Pero mukhang may gagawin tayo. Parang drawing ata..." Kumibit balikat si Trina. "Sige na, Camara girl, excuse me."
"For Arts siguro!" hula ni Camara. It was already MAPEH time so that's highly possible. "Hey, Trina, tulungan ka na namin ni Eri!"
Namroblema ako sa loob-loob ko. Batid ko nang mababa ang magiging grade ko. Siyempre! Mukhang tae ako mag-drawing! And then what? I already memorize this! Biglang ipapapaliwanag sa harapan? Mas lalo akong laglag!
Bumuntong hininga ako at sumunod sa kanila. No beauty. No brain. No talent. Sometimes, it just sucks to be me... and there are a lot of sometimes.
Nag-excuse kami sa ibang teachers bago lumapit sa cabinet ni Ma'am Ruez kung nasaan ang mga envelope namin. Trina divided it by three since it's quite a lot. Nasa forty kasi kami sa klase sa naaalala ko.
Palapit na kami sa room nang makita sina Fern at Caelan galing sa kabila. Nagmadali silang bumalik sa room namin. Normal na tanawin kapag time na o may teacher na.
"Naging tatlo ka, Trina?" tawa ng MAPEH teacher naming fresh graduate at alumni ng school. "Salamat, girls. Paki-distribute na lang."
Nagsilibot na kami sa room upang ipamigay ang kaniya-kaniyang hawak. Kay Ashtine ang nasa ibabaw ng mga hawak ko. I handed it to her with a small smile and she took it without uttering anything.
Next was Caelan's but I set it under the pile for the meantime. Inubos ko muna ang mga hawak bago dumiretso sa likod. Hindi ko na kinailangan magsalita at kusa namang ibinaba ni Fern ang nakataas na naman niyang mga paa nang dadaan ako.
Inabot ko kay Caelan ang envelope nito. My envelope was already on my desk. I sat and opened it. There were the complete art, colored, oslo, and manila papers inside. Saka gunting, glue, scotch tape, markers, floor wax, at round rags.
Kumuha ako ng isang oslo nang marinig magsalita si Fern.
"Penge kami ni Nicole, Visa. Nasa kabilang section pa envelopes namin."
"Wala 'tong laman, 'tol," sabi ni Caelan, magaan ang tawa.
My forehead wrinkled. Palihim kong tiningnan nang buksan niya ang clear envelope at tanging iyong walang laman na brown envelope nga lang ang nandoon. I failed to notice that it was lightweight...
"Amputa," bigong sambit ni Fern. Caelan only laughed a little louder.
Paano nito nagawang tumawa kahit wala silang materials na magagamit? Nakanguso akong kumuha ng tatlo pang oslo paper at walang salita na ipinatong sa desk ni Caelan na siyang katabi ko.
"'Yon! Salamat, Eri! Hulog ka ni Lord! Sana merong sumalo no'ng nahulog ka, ah? Para hindi masakit."
Nawiwirduhan na kimi akong ngumiti. He winked at me with a boyish grin.
"Thank you, Eri!" I heard Nicole.
Iyong isa, walang sinabi. It wasn't really a big deal so I let it slide.
Nakita kong tinalunton ng mga mata ng teacher namin ang lahat saka siya tumayo sa gitna. "Class, makinig. Guguhit kayo gamit ang oslo paper, lapis, at ballpen lamang. Huwag nang kulayan."
A cacophony of protests blasted inside my head amid her instructions. Lahat ng tinig na iyon ay akin. Kung magaling lang kasi sana akong mag-drawing. Sana... assignment na lang 'to!
"Ano ang iguguhit? Kung ano ang unang papasok sa isip ninyo, iyon ang iguguhit n'yo. Gets? Kung ano talaga, ha. No cheating."
I felt a knot in the pit of my stomach. Pangatlo na siguro ang idea na nasa isipan ng mga kaklase ko, wala pa rin akong maisip kahit isa. Ganoon lang naman kahina ang utak ko.
"What do you want to be? That's it."
Napatuwid ako ng upo. Since I was young, I always knew the answer to that. It never changed... even if it obviously doesn't fit me.
"Ma'am—"
"No questions. However you interpret it, go with it. Meron kayong kuwarenta minutos kasi ipapaliwanag 'yan isa-isa mamaya. Okay? Simulan na."
Oh, 'di ba tama ako?!
Presenting is obviously not a friend that I'm comfortable with. Hindi ako magaling doon. Pero sana alphabetical para dulo pa ako, tapos... hindi na kayanin ng oras.
"Eri, pausog naman ng upuan. Sa sahig kasi ako."
I scooted backwards with my armchair for Caelan's request. Kumuha ng tambo si Nicole at saglit na nagwalis. Caelan then sat on the floor with her and Luis. Kami lang ni Fern ang natira sa upuan. Hindi naman kami tabi dahil may dalawang nakapagitan.
Kumuha ako ng lapis at ballpen. Pati ang MAPEH book ko. Doon ko ipinatong ang oslo paper na naghihintay malapatan ng... sining. Alam ko nga ang sagot sa tanong, hindi ko naman mawari ang dapat ko mismong i-drawing.
Paano na 'to?
I had no choice but to stick with the lamest idea that came into mind. I started tainting the empty paper with the dark gray hue of my pencil. Maybe if only it had a mouth, it would address how undeserving I was to stain it.
Sinubukan kong magsimula sa simple lang. I drew clouds. Also birds, but it was as if there were a lot of scattered letter 'M's like that of McDo's logo. But those were birds!
Napangiwi ako nang suriin ang drawing ko matapos iguhit ang huling ibon. Parang ang naging dating kasi no'n ay tila ba gusto ko nang umakyat sa langit!
My eraser already turned blunt because I used it many times. Panay ang ngiwi ko at ambang sabunutan ang sarili. Natataranta kasi ako sa tuwing napapasulyap sa wall clock. Parang nagiging timer imbis na normal lang na orasan!
Napilitan lamang akong kumalma nang may mabangong naupo sa tabi ko. It startled me to see who it was. Si... Fern! Nakatupi ang mga braso niyang nakapatong sa desk ni Caelan habang nakadungaw sa gawa ko.
Binisita ako ng matinding hiya na gusto ko na lang maglaho. But first, I wanted to crumple my paper and throw it out of our sight. Please, huwag niyang tingnan!
"Puwedeng makahingi ng isa pa?" he asked when our eyes met, one of his eyebrows was a bit arched.
Naiintrigang tinanaw ko ang papel sa desk niya at nakitang wala pa naman iyong kahit ano. Did he already know that he would need one?
But my empty canvas reminded me not to waste more of the forty minutes. Tahimik na kumuha ulit ako ng isa sa envelope ko at inabot sa kaniya. Akala ko ay aalis na siya sa tabi ko pagkatanggap ngunit mali ako.
"Thank you," he said and cleared his throat.
He extended his arm to reach for his pencil which was on his desk. Nagkahinala ako na sa tabi ko na siya magdo-drawing. Mukha ring tama ako.
Hindi ko napigilang pagmasdan siya. He took his I.D. card from its case and it served as a ruler when he created borders on the oslo.
"What were you trying to draw?" biglang tanong niya habang sa nililinyahan ng borders lang ang tingin.
Ako ba ang tinatanong? Pinasadahan ko ng tingin ang mga kalapit namin. But all of them were busy with their own arts to even speak with Fern. Edi... ako nga?
"Ah, ano, langit sana tapos may eroplano," I answered silently, because the invisible shame was still strangling my neck.
Sa oslo siya nakapokus at walang sinabi. Nagpakasasa na lang tuloy ang ilong ko sa hatid niyang bango na akma lang sa kaniyang dating. His body spray smells truly refreshing, appealing, and youthful.
Suddenly, it seemed so difficult to mind my business again. Baka wala talaga akong mapasa... at tanggapin ko na ba? My eyes were just glued to what he was doing. Naisip ko rin kasi kung bakit niya ako tinanong? Curious lang?
Naramdaman niya yata ang titig ko kaya nag-angat siya ng tingin. Nginuso niya ang papel ko. "Magpanggap kang nagdo-drawing. Baka masita ka ni Ma'am."
My eyebrows fused in confusion. "Magpanggap?"
Hindi siya nakasagot. He even licked his lower lip like he was lost for words. Hindi nga talaga siya sumagot at bumaling na ulit sa oslo.
"Saglit... Ido-drawing mo 'ko?" tumakas sa bibig ko.
"Hindi ikaw. Langit at eroplano, 'di ba?"
Parang biglang tinapatan ng araw ang mga pisngi ko na nag-init. "T-That's what I mean. I didn't mean na ako 'yung ido-drawing mo."
"Pwede rin naman..." mahinang aniya na hindi ko masyadong naunawaan.
I felt the initiative to say no at first but I decided against it. Praktikal lang, 'di ba? Para makapagpasa na ako! Desperate time calls for desperate measures!
Hindi na ako nagsalita at nagkunwaring gumuguhit din tulad ng bilin ni Fern. I would also glimpse at him from time to time and amazement would strike me each moment.
Paiba-ibang kamay ang hawak niya sa lapis kada tingin ko. Parehong mahusay ang kanan at kaliwa niyang kamay base sa kanyang iginuguhit. I see... He's ambidextrous.
"Fifteen minutes left..."
Napalanghap ako ng hangin sa gulat at taranta kong nilingon si Fern. How did I not remember that he had to do his own too? Holy shit!
"Uy... Nakagawa ka na ba ng sa'yo?" I asked sheepishly.
"Hindi pa." Hindi man lang siya tumingin sa akin nang sumagot.
I noticed that he was nearly done. I couldn't have a full access to it but based on what I could only see, his drawing was promising. Pang-Poster Making contests din ba 'tong si Fern?
"Ano... fifteen minutes na lang," sabi ko, sakaling hindi nakarating sa kaniyang mga tainga ang anunsyo.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. I tugged on my bottom lip. Mas lalo akong nahiya nang napansin kong binilisan niya na nga ring tapusin.
"Sulatan mo na ng pangalan mo."
Ipinatong ni Fern sa desk ko ang oslo. Nasunod ang sinabi kong langit at eroplano. It was already layered with a ballpen too. Ginawan niya talaga ako. Pangalan ko na lang ang kulang. Parang hindi ako makapaniwala.
Nagmadali siyang abutin ang oslo mula sa desk niya at mabilisang nagsimula. Hindi na siya nag-abala na gawan ng borders iyon tulad ng ginawa niya sa akin. Napalunok ako.
"Sure kang okay lang? Gusto mo sa'yo na lang 'to? Ikaw naman ang nag-drawing, eh..." boses ng konsensiya ko.
Sinulyapan niya ako. His eyebrow was slightly arched. "Hindi ko naman gusto maging eroplano. Sulatan mo na ng pangalan mo."
Napanguso ako.
Sarcastic ba 'yon? He just didn't interpret it literally, didn't he? But to be fair, that would be interesting too. It could seem like I wanted to be an airplane, I must admit. Hindi naman sinabing dream job ang iguhit. Kaso iyon na kasi ang unang kumatok sa isipan ko.
Tinitigan ko ang oslo. The airplane was in the middle and behind it were the fluffy looking clouds. I couldn't believe he did the airplane this detailed. Plano ko lang dapat ay ang pinakahugis nito at mga box bilang bintana.
I got mesmerized and that only meant one thing. Marunong siyang gumuhit. Ang totoo niyan? Magaling nga, eh. Kaya naman pala malakas ang loob na magprisinta.
It might be just me but the gender of the artist was discernible in his style here. In this, the ink on the general shape was thick, making it stand out, and the inside areas were shaded. Parang tulad ng komiks na makikita sa diyaryo.
Pakiramdam ko ay ang bigat ng ballpen nang isulat ko ang pangalan ko sa kabila ng gaan nito. I let out a sigh. I knew that illusion was brought by my guilt.
Saktong pagkatapos kong magsulat ay tinawag ako ni Camara. She motioned me to sit beside her in front and I did. She showed me what she was able to draw. Ibinahagi ko na rin sa kaniya na hindi ako ang gumawa ng akin.
She was also the first one summoned in front to present since the teacher decided to call us in a jumbled sequence. Pinakauna siyang malas sa oras na ito.
"So, this is my drawing. I know, ang hirap hulaan kung ano. Hindi ko kasi alam paano. But this is like a clinic and I want to be a dermatologist." Malapad siyang ngumiti.
She filled the whole class with a short but precise explanation about how she's very specific with skin care. Hindi ko na iyon ikinagulat.
In fact, every time she mentions that, I can't stop the resurrection of suspicion. Hindi ko alam kung totoong gusto niya o dahil lang talaga sa akin. She had always wanted to help me ease my worries with regards to that.
Maraming tinawag kasunod ni Camara. Paulit-ulit naman ang hiling ko na sana ay hindi na ako maabutan ng oras.
"Next... Hmm. Veraño," tawag ng... kamalasan!
Nanigas ako sa upuan. Parang kasing lamig na ng buga ng air con ang hangin mula sa mga orbit fan ng room na humahalik sa balat ko.
"Chill out, Eri," marahang bulong ni Camara. "You can do it."
I breathed out then stood. I just have to explain what I—I mean, what Fern created. Sa akin pa rin namang idea kaya madali lang dapat ito.
Ipinakita ko ang iginuhit ni Fern. "I want to be a... flight attendant."
Napalunok ako at iniwasang makita ang mga reaksyon nila. I'm fragile when it comes to the criticisms about what I want to become.
"Simple lang naman reason ko." Inunahan ko na. I don't like them expecting something interesting and would end up failing themselves. "Traveling while earning seems fun."
The silence was awkward so I just handed the drawing to the teacher instead and walked back beside Camara. Marami ulit sa mga malas ang tinawag.
Bukod sa mga trabaho, mayroong gustong maging buhangin dahil kahit daw iwan ng alon ay binabalikan pa rin. Mayroong gustong maging araw dahil pagkatapos lumubog, siguradong aahon muli. Mayroong gustong maging buwan na siyang liwanag sa dilim.
"Ay, ubos na ang oras," anang teacher namin.
I automatically craned my neck to check Fern at the back. Prente naman na siyang nakaupo at mukhang tapos na. Nakahinga ako nang maluwag.
"Class, pakipasa na lang ng gawa ng mga hindi nakapag-present. Itutuloy natin bukas. Para makapag-present ang lahat."
Nasitayuan ang mga suwerte at lumapit sa teacher's table upang magpasa ng kani-kanilang gawa. Si Fern ang huling nag-abot kaya iyong kaniya ang nasa ibabaw ng lahat.
"Oh. Pwede rin sa Tourism," tumango-tangong komento ng guro namin nang tingnan ang gawa ni Fern.
Nahatid ko tuloy ng tingin si Fern hanggang makabalik siya sa likod. FA rin ba? Sa aviation? Sa marine? Or other areas? I'm just glad to discover that we are after the same fantastic field.
I stiffened when he seemed to feel the weight of my stare. Isang lingon niya lang ay agad na nagtama ang mga mata namin. Nataranta akong napaiwas at kunwaring kinausap si Camara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro