Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7 #jttwbs

Napalingon ako sa sumabog na ingay ng malaking kumpol sa loob. Maging si Luis ay walang salitang iniwan ako upang bumalik at makisali roon.

I completely turned my body around and leaned my back against the balustrade this time. Pinanood ko sila sa loob. Sinarado ni Luis ang sliding door nang pumasok siya kaya hindi ko na gaano rinig ang kaguluhan nila.

"I heard him."

I transferred my gaze to Camara beside me. Kung ako ay nakasandal na, siya naman ay nakahilig pa rin sa balustrada. Nakatingala siya sa buwan na tinititigan ko rin kanina. Nang lingunin ko si Jiro sa kabilang tabi, abala ito sa cellphone.

"Sorry kung wala akong ginawa. I was... waiting for you to speak up for yourself," dagdag ni Camara, nakatingala pa rin sa madilim nang langit kung hindi lang talaga dahil sa kaunting liwanag ng buwan.

"Sorry rin na nadismaya kita."

Pinilig ni Camara ang ulo. "Honestly, yes. But I'm not blaming you so don't feel bad about it. 'Yang bwisit na Luis Tribales na 'yan ang umiirita sa'kin."

She snorted in annoyance before she reclined on the balustrade too. Nakalitaw talaga ang taglay niyang natural na ganda kahit dis oras na ng gabi at wala namang retouch. Paniguradong nainggit ang marami kay Jiro buong gabi.

"Pero, Ra..." I shot her a soft glance. "I'm grateful for you, you know that. Pero ayaw kong maramdaman mo na responsibility mo ang lagi akong ipagtanggol."

Napamaang siya sa sinabi ko. She then blinked her eyes in attempt to take it in and she slowly nodded after a while. Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit.

"Hey, you know I love you and that I'm always here, right?"

My lips curled into a genial smile. I nodded and tightened my arms around her too. Alam ko 'yon... at ramdam na ramdam ko.

Siyempre gusto ko ng maraming kaibigan. Gusto ko iyong nakasusundo ang maraming tao. Who wouldn't want that, right? Pero kung imposible talaga, kahit si Camara na lang ang ibigay sa akin. I would still be the most content.

Kaya kung mangyaring bigla siyang mawala... God, I don't even want to entertain the thought. That should be marked as impossible.

"Ganoon din ako para sa'yo."

"OMG! So dramatic!" Pabiro niya akong sinabunutan habang humahagikhik.

Camara and I shared a light laughter but mine faded because of the fuss getting louder inside that it was hard to pay no heed. Kahit si Camara ay kuryosong napalingon sa loob.

May lumabas na bulto mula sa nabuong kumpol. Natatawa at naiiling si Fern na medyo ginulo ang magulo nang buhok. Patungo siya sa mababang podium habang nagbubunyi ang lahat na chini-cheer naman siya.

I didn't expect his presence here tonight because I didn't see any traces of him earlier at school. Or was I just too engrossed in bowing my head to avoid stares from everyone?

Sumipsip ako sa aking coke habang nakamasid kay Fern na kagat ang ibabang labing nakatayo sa gitna. A few neon hues illuminated by the small strobe lights on the floor colored his physique and his entire backdrop. It was a majestic sight.

"Uy, si Velicaria," sambit ni Camara sa mahina at manghang boses. "He's gonna... I wanna go inside. Pasok tayo?"

Hindi nagsalita si Jiro ngunit ibinulsa ang cellphone at tumayo nang tuwid, senyales na handa niyang samahan si Camara sa gusto nito. Meanwhile, I shook my head.

"You sure?"

"Dito lang ako," I talked to clarify more.

Humugot siya ng hininga bago maunawaing tumango.

She definitely knows that for some moments, I'd rather be a loner and she respects that. I don't want to appear like a loner and more so, be one for a lifetime. There are just undeniable times that I find solace in being with myself alone.

Kumapit si Camara sa naghihintay na braso ni Jiro nang buksan ng huli ang sliding door. The lovebirds took quite a time at the doorway while deciding where to set their nest, resulting in my chance to clearly hear the voices inside.

Kumapit si Fern sa mikropono na nasa stand. "What fucking song?" sigaw niya sa mga pumilit sa kanya, bahagyang natatawa.

Many threw their diversified song suggestions at once. Magkasalubong ang makakapal na kilay at naningkit ang mga mata ni Fern sa kanila habang mataman siyang namili.

"Fix Youuu!" some college schoolmates screamed on full blast.

Napalingon si Fern at may maliit na ngising itinuro ang grupo. Nag-isang tango siya at kinausap na ang nasa mga instrumeto. I withdrew the straw from my lips when he adjusted his baller bracelet and finally neared his lips to the microphone.

Nagsimula ang instrumento sa intro ng isa sa mga musika ng Coldplay. But right when he was about to sing, Jiro already slid the door close. Naging tunog kulob na ang mga boses sa loob. Part of me wanted to hear Fern sing but my need to stay alone outside weighed more.

Pinakinggan ko na lamang ang kayang marinig habang nanonood mula sa labas.

Magulo ang estilo ng buhok ni Fern na umangkop sa kaniyang dating. His top was an indigo shirt. He clothed his long legs with wash denim jeans that were stylishly ripped on the knees. He completed the look with white men's sneakers.

And he's not only rocking that simple outfit but his audience's ears too.

Nakatingala ang mga nasa harapan sa tangkad ba naman ng lalaki at nasa isang podium pa. Nakasuksok sa harapang bulsa ng maong ang kamay na may baller bracelet, nakalitaw ang hinlalaki, at ang isa ay nakakapit sa mic na kinalas niya sa stand nito.

His subtle muscles on his arm were peeking with how he held the microphone. His broad shoulders matched his chest that was on its way to becoming more firm. Ibinunyag iyon ng bahagyang hapit niyang shirt.

Ah, nakatikim na nga ito ng workout hindi man inuugali... Karamihan naman ata ng mga lalaki sa eskwelahan. Minsan nga ginagawang gym ng mga lalaking kaklase ko ang room! Nagpaparamihan sila ng bilang ng push-ups sa tuwing break!

Kasama na talaga sa importanteng bagay sa edad namin ang pagpapaganda ng katawan. I find it worthy of note too, but I'm unmotivated to jump on that bandwagon.

Nakaramdam ako bigla ng hiya sa sarili. Am I... am I not complimenting Fern too much? And why did it look like I was checking him out? I flustered and almost slapped my cheek.

Pinilig ko ang aking ulo. I squeezed my eyes close and opened them as a form of restart. Snap out of it, Eri! Iyong talento niya ang isipin mo, ano ka ba? 'Di ba nga naiirita ka rin diyan?!

Madamdaming kumanta si Fern dahil nakadadala hindi ko man gaano marinig. I watched his eyes glisten with emotions influenced by the song despite our distance and even if he never casted me a glance. Because the eyes... they never lie.

Napatingala ako nang makaramdam ng mga marahang dampi ng tubig. I closed my eyes when they were targeted. Umaambon. Huminga ako nang malalim at dismayadong pumasok na rin sa loob kaysa mabasa't magkasakit.

"Baka Fern Velicaria 'yan?!" hiyaw ni Keno. Nakausli ang bandang dibdib niya habang mayabang na tinapik-tapik ito.

Nakita kong umusbong ang isang sulok ng mga labi ni Fern. Mayabang, ah! He wasn't singing but the instrumental was on-going and he was just waiting for his turn.

"Ugh! Anakan mo naman ako, please! Ugh! Ugh!" ay mahalay na sumabog kaya bumulusok ang tawanan nilang lahat.

But that molded creases on Fern's forehead. He darted his sharp look to Caelan who shouted that. Kasabay niyon ay ang dirty finger niyang itinaas sa ere. A lion's share part of the crowd just burst into fits of laughter. Pati ako ay napapilig ng ulo at natawa habang sumisimsim sa aking inumin.

"Anakan mo ako!" si Keno naman na nagboses babae.

"Oy, nahuli ka na!" sigaw ni Marion. He meant that Fern wasn't able to sing the next lyrics right on time.

"Ayoko na nga! Parang mga gago, e!" atungal ni Fern, hindi sa mikropono. Mukhang nawala na sa mood.

"Sayang! Kaka-in love pa naman ng boses..." narinig ko si Camara nang lapitan ko sila. Sumulyap at nag-peace sign siya kay Jiro na nagtaas lang ng isang kilay.

Bumaba si Fern mula sa podium at bumalik sa puwesto. Isa lang ang kinanta niya at hindi pa niya tinapos. A series of grumbles and request for more were heard but he was adamant. Halata ngang napilit lang din siya kanina.

For someone who has been deprived of talent, I couldn't understand that. Kung may masasabi lang ang boses ko, baka marindi na lang ang mga tao sa paligid ko. Dahil kakanta ako sa bawat segundo na ginawa ng Diyos.

Kahit hindi sila mag-request, aba, iisa pa talaga ako. Tsk! Kaya siguro hindi talaga ako biniyayaan ng talento?!

Kaunting oras pa ang ginugol namin na magkatuwaan sa kaniya-kaniyang grupo habang bumuhos na ang ulan sa labas kaya walang tao. May silong sana kaso walang takas sa anggi ng ulan. Sayang. I like it there.

May ibang patawid-tawid at palipat-lipat ng circle of friends. As a socially awkward, I sometimes find social butterflies enviable. How can they make it appear like simply boiling an egg?

"Hoy, Centenario! Hindi pa tayo tapos dito! Don't be such a bummer!" pigil ng mga kaibigan ni Kuya Drith nang tumayo siya sa mesa nila.

"Ano ba 'yan? Uuwi agad?! Hindi pa nga finale ng inuman!"

"Natalo pa ang taken nating mga tropa rito, ah! Pare naman!"

Kuya Drith laughed, the sober kind. Naka-wax ang buhok niya kanina sa event ngunit may nakatakas nang ilang hibla sa noo. Itinuro niya kami ni Camara. I was caught off guard that he didn't have to search the area anymore to look for us.

"Iuuwi ko na kapatid ko. Ihahatid ko rin si Erisette."

Kahit namayagpag ang mga reklamo ng kaibigan, hindi nagpatinag si Kuya Drith at humihikab na sinenyasan kami. Nauna siyang umalis at bumaba sa parking kung nasaan ang dala niyang sasakyan.

Since Camara and Jiro talked a little for farewell, we had to just follow after a moment. Matapos masiguro ni Camara kung paano makakauwi ang manliligaw, bumaba na kami at iniwan ang restobar sa rooftop na marami-rami pang schoolmates.

"Camara," a low baritone called from behind that startled us.

Parehas naming nilingon ang tao sa likuran. The darkness of the area made his form unclearly seen but the white men's sneakers that I happened to recognize introduced him. May iba namang nakaganoon ngunit malakas na ang kutob ko sa kung sino ito.

"Oh?" si Camara nang makabawi sa gulat. "Wait, who are you? Ikaw ba 'yan, Velicaria? Fern?"

"Oo, ako. Uuwi na kayo?" he asked.

"Huh? Oo, bakit?" nalilitong sagot ni Camara.

"May maghahatid?"

"Huh? Ah... Yes. Kuya ko. Bakit?"

"Ah, oo nga..." tipid na sagot ni Fern. "Sige, ingat," he said and not wasting any second, he turned around and walked away from us.

"He's weird..." bulong ni Camara nang pumihit at tumuloy na ulit kami sa paglalakad. "Crush ba ako no'n?"

I shot her a glance. Oo nga, 'no? Baka? Hindi nga naman talaga iyon malabo.

"Trina! Ingat kayo, ah! Gabi na!" Sabay ulit kaming lumingon nang makarinig ng ganoon. Narinig din namin ang sagot ng grupo nina Trina kina Fern.

"Oh, he was just being thoughtful," Camara realized and shrugged her shoulders.

Hinila niya na ako tungo sa sasakyan. Mula sa backseat ay natanaw ko sa bintana sina Fern na naglalakad. Hindi naman na umuulan kaso basa ang kalsada. Maglalakad lang sila pauwi? Their houses must be just near the block for them to do that, then?

Sumandal ako nang tuluyan na kaming nakaliko. Humikab ako dahil sa nagparamdam na antok. My parents were already asleep so I was sure that I wouldn't receive a sermon from them. Nagpaalam din kasi ako sa text kanina.

"Ikaw bata ka, anong oras na," bungad ni Mamala. Mukhang sa kaniya ako hindi ligtas!

"Hello there, Mamala!" Humagikhik ako, bakas na ang antok at pagkahapo sa kilos. "I love you, Mamala! Muwah!"

"Nakainom ka ba ng alak na bata ka?!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Po?! I only had water... and coke!"

"Siguraduhin mo, Erisette, ha. Hala, sige, akyat sa taas!"

"Ouch!" I screeched when she hit my butt. Hinihimas ko ito nang lumapit sa hagdanan.

I went upstairs to my room while yawning excessively. Nagkandapahid ako ng luhang sumisilip sa sulok ng mga mata ko. Pero hindi naman ako masyadong ginabi. Ni wala pa ngang alas dose. Mamala is just always worrying about me.

Nag-halfbath ako kahit hinihila na talaga ng malambot na kama. It's the least I can do for my skin especially my verily flawed face. Kasi wala na nga akong skin care products na ginagamit. Saka ang dugyot din na kung saan-saan ako galing tapos hindi ako maghihilamos.

I fell into a deep slumber after I stepped into a sleepwear as the result of the whole night.

"Good morning, class. Kita naman ninyo na may mga kasama ako."

My lips went ajar when I recognized that it was Fern and a girl entering our classroom, trailing after our adviser. Naiwang nakatayo ang dalawa sa harapan habang si Ma'am Ruez ay tumapat sa teacher's table.

Nakakapit ang babae sa magkabilaang straps ng backpack na suot niya. Si Fern naman, isang strap lang ng backpack ang nakasabit sa isang balikat habang nakapamulsa.

Saglit nga. Homeroom ngayon at... ano'ng mayroon?

I heard Caelan whistle beside me as if rejoicing for something I couldn't totally understand. Pati nga si Luis ay kuryosong napalingon na rin sa kaniya.

"Ano meron, p're?" he asked.

Kumibit balikat lang si Caelan at nginuso ang harapan. It was like he told us to wait for whatever our adviser would announce. Mukha ngang may announcement si Ma'am Ruez sa itsura niya at dagdag pa na may dalawa siyang kasama.

"In Layman's terms, these two are transferred to my class list."

I heard low rejoices from some of my classmates. Sigurado akong nanggaling iyon sa mga kaibigan nila o may gusto sa kanila.

"May recorded transferees kasi sa section n'yo na hindi tumuloy kaya hindi pantay ang hati ng mga estudiyante. Dito na sila kasi wala namang conflict dahil sabay tayo ng syllabus."

Napagdiskitahan ng mga kaklase ko ang dalawa. Ma'am Ruez seemed to be in a good mood to willingly grant my classmates' whims. Nauwi tuloy sina Fern sa introduction kahit kilala naman na sila ng lahat.

"Nicole Anne Reyes. Sixteen..." anang babae na tanda kong kaibigan nina Trina. Her friends cheered her and she looked a little ashamed but she handled it fine.

Nang si Fern na ay mas lumakas ang cheer ng klase. I almost covered my ears with my hands. Nang-aasar kasing tumili ang mga lalaki. Nagkalampagan ng mga desk at nagpadyakan ng mga sapatos. Napaka-o-OA!

He's such a friend of everyone based on observation. Pinakakaibigan niya nga lang ay sina Caelan sa tingin ko. Saka sikat din nga kasi siya rito sa school kaya ganiyan. Kinailangan pang sawayin ni Ma'am Ruez ang mga kaklase ko na manahimik upang makapagsalita ang bagong salta sa wakas.

"Fern Conrad Velicaria. Fern na lang. Disisyete."

Mismong pagkatapos niyang magsalita ay naghiyawan ulit sila. Pakiramdam ko ay inaasar na lang nila ito. Fern just had his lips twitched and I wasn't sure if he was entertained or displeased. He seemed in between to me.

"Talent! Talent! Talent!"

It drew a deep scowl on Fern's face while Nicole beside him was becoming more anxious every moment. Napahugot ako ng hininga dahil naisip kung ako ang nasa kalagayan nila. Mabuti't hindi. I would've fainted if I were them.

"H'wag na, Ma'am," angal ni Fern kay Ma'am Ruez, kunot ang noo na umiling. "Parang ano naman 'tong mga 'to, oh," he added, referring to the class.

"Ma'am, si Velicaria, pakantahin mo!" Caelan shouted.

Matalim na tingin ang tumama sa kaniya mula sa kaibigang pinagkakaisahan na nga sa harapan. Caelan couldn't care less about it. He even had the guts for an enormous and shining grin flashed on his face.

Fern's eyes suddenly landed on me next, maybe because I was sitting beside Caelan. Saglit lang kaming nagkatinginan dahil hinila ulit ni Ma'am Ruez ang atensiyon ng lahat.

"Kumanta ka raw, sabi ng new classmates mo," Ma'am Ruez coaxed Fern. "Dali na, Velicaria. Sunod naman sa'yo si Nicole."

Fern cleared his throat. "Ayoko, Ma'am. Paos po ako, e," aniya sa biglang pagak na boses. Pineke niya lamang at halata ito.

"Ma'am! Sinungaling!" singit ng kaklase namin na nasa unahan, dinuro si Fern na sumimangot. "Minus five agad dapat sa class record 'yan! Wews! Minus five!"

Ma'am Ruez was about to respond but another teacher appeared at the doorway asking for her. She excused herself from us for a moment and conversed with the other teacher just outside our classroom.

Humakbang si Fern tungo kay Ronnie na kaibigan ni Luis at iyong lalaki sa unahan na siyang sumingit kanina. Fern took the notebook on his desk, rolled it, and slapped it to his head without so much force. Naghalakhakan ang mga kaklase namin.

"Fern naman!" reklamo ni Ronnie. "Kung kumanta ka na kasi, p're!"

Umismid lang si Fern dahil bumalik na ulit si Ma'am Ruez.

"Sige na, sige na. You two... sit down," usal ng adviser namin habang nakatingin sa orasan. "Doon na kayo sa likod. Alternate, ha. Kumuha kayo ng upuan sa bakanteng rooms."

Nakarinig ako ng mga bulong dulot ng panghihinayang kaso tila nabingi na si Ma'am Ruez. Nicole sighed in relief but Fern's scowl didn't easily fade.

Pinagmasdan ko na pigilan ni Fern si Nicole na sumama sa paglabas. Hinila nito si Ronnie habang dumiretso na rito sa likod si Nicole. Bumalik si Ronnie at Fern, may dala na tig-isang upuan at itinabi kay Caelan.

Inubos ni Ma'am Ruez ang oras ng Homeroom at dumaan ang dalawang subject hanggang sa inabutan na kami ng sandaling recess break.

"Psst. Eri."

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Camara na nakatayo sa dulo ng row namin at inaabangan ako. Pinasok ko ang kagagamit lang na Math notebook sa bag at tumayo na.

I walked but stopped in my tracks. Nakapatong ang mga paa ni Fern sa upuang nasa unahan niya kaya nakaharang ito sa daan. Hindi ko alam ang gagawin ko. I looked at him who was busy chatting with Caelan while toying his ballpen on his desk. Nicole was nowhere in between them anymore.

Hakbangan ko na ba? Kaso lang medyo mataas. I would have to hold the bottom of my uniform. Saka nakakailang. Bakit ba naman kasi... Asta talaga nito 'no!

"Oy, Velicaria, wala kang shoe rug!" sita ni Camara.

Napalingon tuloy si Fern sa kaniya at napangisi nang maliit. "Naiwan ko, eh."

"Oy, escort! 'Di mo man lang sinasaway tropa mo, aba!" sermon ni Camara kay Caelan.

"Oh?! Hindi ko napansin!"

"Hindi napansin? Sus!"

Napabaling naman si Fern sa akin. His forehead creased before he understood my situation. "Ay, sorry," aniya at agad na ibinaba ang mga paa sa sahig.

I silently went to Camara who couldn't wait and grabbed me by the wrist. Kinuha niya muna ang wallet sa bag niya bago kami tuluyang lumabas ng room.

"Sayang, 'di kumanta si Fern. Bet na bet ko talaga singing voice no'n. Nakakakilig marinig," daldal ni Camara habang binabaybay namin ang daan tungo sa canteen.

"Baka wala siya sa mood kanina."

I'm aware that Fern is blessed with voice. Siya iyong schoolmate na maririnig mong kumanta sa kung saang sulok sa quadrangle, sa canteen, sa tapat ng room nila, at kung saan man kasama ang mga tropa kapag walang ginagawa.

But he gave me the impression that he doesn't brag about it. It's like he's doing it just for fun and leisure and he doesn't consider it a talent that would lead to a career in the future.

"Basta, alam mo 'yun? Kahit 'di mo naman siya crush, kapag napakinggan mo 'yung boses, kikiligin ka rin talaga. Do you get me, Eri? May ganung effect, e!"

Kumibit balikat ako. "Yes, Rara, gets ko," sagot ko na siya rin talagang katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro