Chapter 6
Chapter 6 #jttwbs
Mag-isa akong bumalik sa room dahil natawag si Fern nang dumaan kami sa faculty room. Nautusan siyang kunin sa canteen ang tanghalian na ni-reserve ng dalawang guro.
Kung minamalas nga naman. I understand why the faculty room is one of the most avoided areas of the school for students.
"Uy! Sa wakas!" Napapalakpak si Camara nang ipatong ko sa desk niya ang mga libro ko. "May canvas na ang doodles mo, Eri!" sabay bunghalit ng tawa.
Nangingiti akong napanguso.
Nakitawa rin si Jiro na nasa katabi niyang armchair. Jiro's body was facing her, his arm was on her backrest and the other was on her desk. Pinakamadikit na yata ang lalaking ito sa mga naging manliligaw ni Camara.
"Mamaya na ba kayo kakain?"
Camara held Jiro's wrist to check the time from his watch. "Oh. Bakit? Gutom ka na ba?" Inangat niya ang tingin sa akin. "Mga 11:30 na lang tayo, okay lang?"
"Okay. Tawagin n'yo na lang ako."
Nakalabas ang ngipin na ngumiti si Camara at nagpakita ng dalawang thumbs up. Tumango ako at binuhat na muli ang aking mga libro. I left the lovebirds and went to my seat at the back.
Napahinto nga lang ako. Nasa upuan ko kasi si Marion at maganang kumakain mula sa baunang tupperware katabi sina Caelan at Keno na nagdadaldalan. The smell of his viand wafted together with the food of others who decided to eat inside the classroom.
Caelan noticed me and elbowed Marion but he just irritably elbowed him back. Mukhang akala ay nang-iistorbo lang ang kaibigan. Caelan elbowed him again and whispered something. Malamang na tungkol sa akin.
"Papayat ka na kasi, Marion!" natatawang kantiyaw ni Luis nang nahirapang tumayo si Marion matapos akong mamataan.
My eyes widened at how he had a hard time leaving my seat. Para sa kaniya ay talaga ngang masikip ang masyadong magkakadikit na upuan. Si Caelan naman kasi! At si Luis!
"Shut up, Tribales!" sikmat ni Marion kay Luis na tumatawa lang na umalis upang daluhan ang sariling mga kaibigan.
"H'wag ka nang umalis. It's okay."
Nagtatanong ang mga mata ni Marion nang angatan ako ng tingin. Nilapag ko naman sa desk ni Luis ang mga libro ko at umupo roon dahil umalis naman ang lalaki.
"Kain ka lang diyan. Puwede ako rito." Saka aalis na rin naman kami nina Camara upang kumain sa canteen.
His chewing slowed as he contemplated about it. Sa huli ay tumango na lang siya at humukay ng maraming kanin saka ulam. I swallowed. Amoy na amoy ko talaga iyong menudo na biglang nagpakulo sa tiyan ko.
"Hoy! Pahingi ng luto ni Tita Marie!" Napalundag pa ang mga balikat ko sa sumabog na boses ni Fern mula sa pinto.
I could say that Marion, Caelan, and Keno were all shocked, too. Hinampas pa pati ni Fern ang pinto na dagdag sa gulat namin.
Fern walked towards his friends, ignoring protests from others who he shocked too. Nang makalapit, kinuha niya agad ang tupperware na inabot ni Marion. Nanatili siyang nakatayo habang kumukutsara.
"Tang 'nang 'to. Nanggugulat," I heard Keno mumble. "Saan ka ba galing? Ba't tagal mo? Gutom na 'ko. Tara na."
"Inutusan ako," sagot ni Fern, hindi man lang nilingon si Keno at sumubo na mula sa pagkain ni Marion.
Magkadikit ang mga labi nang ngumiti siya kay Marion dahil may laman na ang bibig. His glimmering eyes turned slits. Ninamnam niya talaga ang nginuya bago ito nagawang lunukin.
Napaungol si Fern. "Sarap talaga ng luto ng mama mo."
"Siyempre! Kaya nga extra large ako!"
"Inuuto ka lang niyan, Mar! Para maburaot ka lagi," si Caelan.
Humalakhak si Keno. "Oo nga! Sus, Velicaria!"
Ibinalik ni Fern ang tupperware matapos ang ilang subo, walang pakialam sa dalawa. Marion locked the lid and he stood from my seat. Inusog ko ang upuan ni Luis upang hindi siya mahirapang makalusot.
He smiled at me awkwardly before he looked away. Ibinalik ko ang ngiti kahit hindi niya na nasaksihan.
"Tara na, Mar!" yaya ni Caelan. "Ituloy mo na lang 'yan do'n."
The three boys stood so I concluded that they would be eating somewhere else. Sa canteen siguro. Si Marion ang tanging kumakain kanina na mukhang hindi lang nakatiis at nauna sa kanila.
Nauna sina Caelan at Keno. Sumunod si Marion sa dalawa. Nalagpasan niya na nga si Fern. Si Fern na hindi gumalaw sa kung saan siya nakatayo.
I suddenly felt uneasy because he was bluntly staring at me.
I hate stares to the deepest, especially with the type of skin that I have. Kung marunong lang sana makaramdam ang mga tao... Pero mukhang kasama si Fern sa mga marunong makiramdam.
His face brightened like he recognized something. Sumulyap siya sa dako ni Camara, tumingin muli sa akin nang sandali, at saka sumunod sa mga kaibigan.
That was vague. Pero hindi naman na iyon nagtagal sa isipan ko lalo na nang nanaig ang gutom. Parang nanuot at naiwan na ang aroma ng menudo ni Marion sa ilong ko.
Ako na ang lumapit sa lovebirds. Halatang nalunod na sila sa sariling mundo. Ganiyan ba talaga kapag may lovelife?! Nakakalimot sa oras!
Pinagitnaan namin ni Jiro si Camara patungong canteen. From the walk to when we were already eating, Camara made sure that I wasn't being put aside. Palagi niya akong sinasali sa usapan.
Kaya hindi talaga ako nag-aalala kapag may lovelife siya dahil diyan. I'm a third wheel but she exert her utter best not to make me feel like it.
Sa mabilis na paglipas ng mga linggo, natagpuan ko muli ang sarili ko sa canteen kasama ni Camara at Jiro. This time, the topic served on our table together with our actual meals was the approaching event of the school.
"Pupunta kayong Robinsons sa Sabado? Can I join?" singit ni Jiro sa amin. Minsan siya naman ang mistulang third wheel.
Camara glanced at him. "Bakit? Wala ka pang susuotin?"
Jiro shrugged, parting a portion of rice with his spoon. "Meron na. Gusto ko lang sumama para magkasama ulit tayo that day, Ra." He chuckled. "Ayaw n'yo ba ng chaperone? Tagabitbit ng mga binili n'yo? Puwede ako."
Camara's current suitor startled me with how he's willing to be a chaperone just to be with her on a weekend.
Napakurap-kurap ako. Ganda lang talaga sobra ng best friend ko! It's not open for a debate because those who disagree will never see light right from the beginning. I don't think that there are disagreements though.
"Fine, bahala ka," ani Camara kay Jiro. "Eri, 'yon nga. May nakita akong magandang dress online kaso gusto ko rin magtingin sa physical stores. Pipilian din kita, ha!"
Ganoon nga ang nangyari.
Sabado ng gabi, umuwi ako bitbit ang dress na napili niya para sa akin mula sa isang store sa mall. I didn't object because I liked it too. It's not out of both my preference and convenience.
"Ano 'yan, Erisette?" Napaigtad ako nang sumabog ang boses ni Mommy mula sa pinto ng bahay. "Hindi ka pa rin naliligo, anong oras na?"
I hurriedly pulled myself up from the sofa without saying anything. Pakiramdam ko ay isa nang krimen ang manood ng teleserye kasama ni Mamala at nasintensiyahan agad ako.
Kararating lang ni Mommy mula sa trabaho at naabutan niya akong hindi pa naghahanda para sa event ng school mamayang gabi. Binilin niya sa akin kaninang umaga na dapat ay nakaligo na ako pagkauwi niya kaso lang ay nadala ako rito sa teleserye.
Kahit na nasa eksena na kung saan nahuli ng legal na asawa ang kabit, umalis na ako sa sala upang makaligo. Sayang naman!
"Ayan, ha! Ang kapal ng mukha mong kerida ka! Huli ka ngayon!" I heard Mamala exclaim with gritting teeth while watching. Nakakuyom pa ang gigil na kamao niya sa ere. "Naku! Ayan! Naku, walang aawat! Ingudngod mo!"
Her strong commentaries hooked my feet to go back and watch. Hindi naman talaga ako sumusubaybay ng palabas ngunit minsan ay naabutan ko kaya nakikinood na rin. I also couldn't help it given that the scene was intense.
It was quarter to 5 p.m. when I finished my bathroom essentials. I wrapped my body with a robe. Pagdating ko sa sala ay nakahanda na ang mga gagamitin ni Mommy tulad ng makeups dahil siya ang mag-aayos sa akin.
"Come here," tawag ni Mommy. Nakapagbihis na rin siya ng pambahay na damit. "Sit..." Itinuro niya ang cushioned chair na naroon.
Sumabog ang isang bahagi ng buhok ko nang buksan ni Mommy ang hair blower. Saglit din na dumampi sa pisngi ko ang mainit na hangin.
"Mauubos na naman concealer ko sa'yo, Eri. There is a lot to conceal on your loaded face," eksaheradong boses ni Mommy habang nakatitig sa mukha ko.
I tugged on my lower lip. Nanahimik na lang ako. Pinagmasdan ko ang seryoso niyang mukha nang umpisahang lagyan ng sining ang aking mukha.
"Ano ba 'yan," Mommy complained as she dabbed the built-in applicator on my zit. Panay rin siya iling ng ulo. "Meron pa rito, ito pa, ito... ay naku."
I would just fidget on my fingers resting on my lap, or my tongue would graze across my teeth from time to time the whole duration of the make over.
"Magbihis ka na."
"Thanks, 'My."
Hindi sumagot si Mommy at nagpatulong nang magligpit kay Mamala ng mga ginamit niya sa akin. Narinig ko siyang magreklamo sa dami ng nabawas sa mga cosmetics niya lalo sa concealer at foundation.
I swallowed hard. Para akong nanliit sa sarili. Pumanhik na lamang ako sa aking kuwarto upang magbihis.
Personal na pinili ni Camara ang susuotin kong maroon dress na hanggang sa ilalim ng tuhod ang haba. It has a sweetheart neckline and puffed sleeves reaching below my elbows.
Simpleng braid waterfall ang estilo ng aking itim na buhok na inunat lang ni Mommy gamit ang plantsa. Magaan lang din ang makeup ko. The concealer and foundation were what made it feel heavy since of course, I have a lot of blemishes to hide.
Hindi na ako bumili ng sapatos. I wore an old pair of a nude microsuede flats before I went out of the house after the two consecutive horns. Isasabay ako ni Camara gaya ng napagkasunduan namin.
"Pretty!" tili ni Camara nang umakyat ako sa sasakyan nila. "I told you! Bagay sa'yo! Hindi ako nagkamali! Dahil diyan, Eri! Puwede ba akong manligaw?!"
"Baliw! Umusog ka nga!
Nakanguso naman siyang umusog.
Her lipstick was warm beige that fitted with her neutral makeup look. Personal na glam team nila ang nasa likod niyan dahil nabanggit niya noong nakaraan na ipatatawag ang mga ito sa kanilang hacienda para sa gabing ito.
She's in her silver halter dress and her hair was in a high ponytail. Magandang klase ng kulot ang ginawa sa dulo ng madulas niyang buhok. Pagkasilip ko naman sa baba ay itim na t-strap high heels ang naaninag ko.
"Promise nga, ang ganda mo!" She wasn't done insisting her point.
I just smiled timidly and settled myself beside her at the backseat. Hindi ko alam ang itsura ko, eh. Hindi ako kailanman tumingin sa salamin kahit nagkalat ito kanina noong inaayusan ako.
"Kuya mo?" tanong ko nang mapansin na kami lang dalawa ang nandito bukod sa driver.
"Used his car with his friends. Si Ate Chett nga pala, sasabay sana sa'tin kaso kailangan siya nang maaga do'n since alam mo naman... President."
Pumalatak ako. "Malapit na talaga maging political dynasty."
"Hoy, hindi naman!" she opposed, laughing. "Hindi naman laging Centenario ang nananalo sa Student Council!"
"Oh, talaga ba!"
"Saka ang student body naman ang bumoboto, 'no. It's not like there's a vote-buying happening!"
"Fine! Oo na."
Halos sakupin na ng dilim ang kalsada kung hindi lang dahil sa mga ilaw ng sasakyan at street lights.
It was already past 6:30 p.m. in the evening and the event would start at 7 p.m.. Mabuti't kaunting oras lang ang kinain ng biyahe namin. Sa quadrangle lang ng school ang ganitong taunang event. The student council just avail for catering services.
Even if I already expected what would happen, I cursed a lot inside my head when I was placed at a table different from Camara's. It's the acquaintance party that I also hate the most. It is to let us meet and mingle, so students are assorted each tables.
Napakaduga! Extroverts lang naman ang komportable sa mga ganito. Hindi ito patas para sa mga introvert at socially inept na katulad ko.
Katulad ng inaasahan ko, ako lang ang walang nakausap sa lamesa namin. Nagkakatuwaan na silang lahat habang napapanis na ang laway ko.
Bumuntong hininga ako nang bumirada na ang romantikong awitin. Nakayuko kong inubos ang beef broccoli habang unti-unti nang naubos ang mga tao sa mga mesa dahil may humingi na ng kanilang mga kamay.
I'm already used to being alone in scenarios like this. Pero wala naman talagang mali roon, e. Having a boyfriend is definitely not a necessity. It's absolutely not life and death.
Kaso iba kasi iyong wala kang boyfriend na choice mo. May mga interesado sa iyo at ayaw mo lang. Mayroon namang wala ka dahil wala talagang may gusto sa iyo.
Parang mahapding sampal lang.
I suddenly got distracted by the voices beside the table that I occupied alone because others were already dancing. Hindi ako nag-angat ng tingin kahit ang ingay talaga nila sa tabi.
"Galing kami sa classroom! Ang dilim! Pati sa hallway!"
"Duwag nga 'tong si tanga, eh! May multo raw sa room ng third year!"
"Pinayagan kayo nina Ma'am?"
"Siyempre, hindi. Bawal pumunta sa mga rooms. May mga harang."
"Pumuslit lang kami."
"Oy, Eri! Ikaw ba 'yan?"
I frowned upon recognizing Luis' voice among them. Hinigit niya ang bakanteng upuan na katabi ko at umupo roon nang nakaharap sa akin.
"Ikaw nga!" Luis exclaimed laughingly. "Naks naman. Kinis mo, ah? O baka madilim lang kasi nang kaunti rito kaya wala akong makita?"
"May makeup kasi ako," I answered weakly.
Couldn't he think of other nicer things to do such as leaving me alone and go ask for his crush or whoever's hand?
He chuckled. "That's nice! Mag-makeup ka kasi lagi!"
I let go of the fancy utensils after finishing the course served on my plate. I sipped water from the deceiving glass. It was a wine glass yet the content was just water. Natural lamang iyon dahil eskuwelahan ito at wala pa kami sa tamang edad.
Gusto ko nang umuwi. Kaso bago iyon, kailangan ko munang takasan itong si Luis. Ah, tama! Magbabanyo na lang muna ako. Kaso lang baka may multo roon? O mga... nagmimilagro?
"Hoy, Luis! Shut up!" asik ng kararating lang na si Camara. She didn't even hear our conversation. It's just that she already knew what it was all about.
Camara dragged me to the dance floor that Luis wasn't able to retaliate. Noon ko lang din napansin na hawak ng kaibigan ko sa kabilang kamay si Jiro. Parehas niya kaming binitbit sa sentro ng sayawan.
"Alright, let's dance!"
My forehead crinkled when she positioned us three for a slow dance. She began slowly swaying her body, too. Mukha tuloy kaming maglalaro ng 'bubuka ang bulaklak'!
Bumitiw ako sa kanila ni Jiro. "Baliw! Dinig na dinig ko kayang pinapaalis ako ng Freestyle, oh!" sigaw ko kasabay ng malumanay at matamis na liriko ng kanilang So Slow na kanta.
Pagtawa ni Jiro at pagnguso ni Camara ang huli kong nakita bago tumalikod at iwanan silang dalawa. Nadaanan ko pa si Hadya na may kasayaw at muntik makabunggo si Ate Chett bago ako makabalik sa upuan.
I was relieved that Luis wasn't there anymore. Sinuyod ko ang ibang mesa at nakitang kasama niya na ulit ang maiingay na tropa sa kabila.
I endured the time alone. Sanay na rin naman kasi talaga ako sa mga ganoong eksena. I just couldn't help but be bothered and feel unwanted sometimes.
Nahila lang ulit ako nina Camara nang mapalitan ang malamyos na mga awitin na siyang nagpabago sa atmospera. Finally, loud youthful party songs blasted through the speakers. It was also partnered with everyone's pleased screams.
Pagod na ang lahat sa closing remarks. Subalit iyon ang akala ko.
"Tara na!" Camara hissed as we exited the school.
"What? Where?"
"Iyong after party lagi kung saan totoo ang drinks! Bilang fourth year na tayo, kasama na rin tayo! Pero kaunti lang ang may alam nito kaya shhh ka. Kay Kuya raw tayo sasakay. Let's go."
In the end, I found myself leaning against the railing of the restobar at both a commercial and inn building's rooftop while constantly being clawed by the noise of my schoolmates.
Halo-halo at marami kami ngunit hindi sa puntong siksikan. College ang nanaig na populasyon. Kaunti lang ang nakita kong kaklase ko. I didn't see anyone from the year level lower than ours too.
"Parang tanga naman 'to," dinig kong sabi ni Camara na katabi ko nang lapitan siya ng kapatid at abutan ng bote ng coke.
"Thanks, Kuya Drith," sambit ko nang abutan din ako. He smiled at me.
"Kuya! This is unjust! Hindi ito ang ipinunta ko rito! Please!"
Camara kept on with her grumbles but Kuya Drith sternly raised an eyebrow at her and nothing else. Iniwan kami nito upang daluhan ang mga kaibigan sa mesa nilang may bote ng hard liquor.
"It's okay..." alo ni Jiro. "Minor's misfortunes."
Mula sa pagkakasandal sa balustrada ay pumihit ako upang harapin ang kabilang panig. Natanaw ko ang baywalk ng aming siyudad sa hindi kalayuan. Sinubukan ko ring hanapin ang school na iniwan namin.
Saka ako tumingala at tinanaw ang kalangitan. The brilliant stars were shy to radiate tonight for I found none when I lifted my gaze. I admired the moon which existed alone tonight yet it was beautifully conquering the night sky.
I wish the same for myself.
"Haggard na natin, Eri, ah?"
I sighed. I kept my eyes still glued to the moon. Hindi ko binalingan ang tumabi sa akin na alam kong si Luis. Kilala ko na ang kaniyang tinig. So he came here too.
"Kumikinang na ang mukha mo at naglalabasan na ang maraming stars!" he teased, chuckling. But I bet he wanted to guffaw and he just couldn't because he might get Camara's attention. "Nalusaw na ang makeup!"
I softly bit my inner bottom lip while staring at the independently coruscating moon. Gusto ko sana ang maging katulad mo. Kaso lang... lagi talagang may mga balakid.
I wonder if Luis tries to evaluate his behavior. I can't help but wonder if he realizes what sensible prize does he gain from being like that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro