Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5 #jttwbs

Nagpunas ako ng pawis. Bakit ba bawal bumili ng pagkain sa labas ng school kahit tapat lang mismo ng gate?

It's not allowed to step out unless dismissal so I escaped with Camara. Sa umaga lang bantay ang mga cadets dahil may mga klase rin kaya guard lang ang nilusutan namin.

I understand that the regulation is for our safety and that we are the school's responsibility. Pero kapag naha-hassle ako sa pagtakas, naiisip kong marketing strategy lang talaga ng canteen. Para sa kanila ang lahat ng sales!

"Oh, my God!"

Napapitlag ako sa gulat kay Camara habang naglalakad kami sa gilid ng quadrangle. She also stopped walking that made me stop too. Ibinulsa ko ang panyo dahil ubos na rin naman na ang pawis ko sa sentido.

Kumapit siya sa braso ko. "Oh, my God, Eri! Si Hadya 'yon, 'di ba?!" she hissed, her eyes were dilated.

She pointed at the corner of the quadrangle where some students were formed. Nagbahagi rin ang mga labi ko sa pagkabigla nang makita si Hadya roon sa gilid ng pulutong.

"—asking p-permission... to... uhm... to join the platoon, Sir!"

Halos magpalamon ako sa lupa sa lamya ng boses ni Hadya. I've been witnessing this scene every school year and her version was surely an epic failure!

"AS YOU WERE!" striktong command ng cadet officer na siyang nagpalundag sa mga balikat ni Hadya. Pati na rin ng amin ni Camara.

I witnessed how our younger friend sweat bullets and trembled as her hand descended from a salute. Hadya stood straight, raised her hand for a salute, and asked to join once again.

Hinintay muna namin na makabilang na siya sa pulutong bago kami lumisan upang bumalik sa room.

"Ano'ng naisip ng babaeng 'yon at biglang sumali ro'n?" Camara brought up while we were in the hallway. "Hindi ko naisip na sasali siya. She's not the type. Not at all!"

She spooned from the plastic cup of sweet corn. It's the one with cheese powder and margarine. Parehas kami ng kinakain dahil ito ang itinakas namin. It's beyond worth the sweat and fear of getting caught.

I licked my lips coated with the delightful sweet substance. "Binanggit niya rin dati na hindi siya sasali. Maybe she's now considering the idea?"

"Tingin mo?"

"Rara, ang arte-arte ni Hadya. Aware siya na gumagapang sa lupa o putik ang mga sasali kapag may drill. Nandidiri 'yon sa gano'n. Now, she joined so there must be a plausible reason."

"And that is... she's considering it?!"

How Hadya must be a part of the military someday has been shoved into her mind ever since she was little. Her future was already settled even before she was born.

Kahit sino sa aming mga kaibigan niya ay hindi mabatid ang bakas ng interes sa babae na magsundalo. Pinakamalabo. Her lack of interest is just painfully evident.

"Unless, she's forced," sabi ko, humina ang boses sa simpatya para sa kaibigan.

Hindi na namin nakausap si Hadya tungkol doon. Naging abala na rin kami dahil nagsimula na nga ang pormal na klase. It's getting more serious and difficult.

Madalang na rin kasi namin siyang makahalubilo. Besides her, not joining us in the service because of the form that requires her to attend school early and go home late, we are in different year levels so our classrooms are far apart.

Panibagong linggo na nang maisipan kong magbakasakali ulit sa office upang kumuha ng mga libro. Hindi ko na naman kasi nakuha last week dahil naurong daw ang delivery ng stocks.

I already feel like a burden to Caelan even if he's the one offering to share his books. Kapag kasi may seatwork na sasagutan sa libro, siya talaga ang inaabala ko.

Our subject before lunch released us earlier than the schedule. Gagastahin ko na lang ang sobrang oras sa pagkuha nga ng libro. Kampante naman akong wala pa gaanong mahabang pila dahil nga oras pa talaga ng mga klase.

Pumasok si Jiro sa room kaya tinakasan ko si Camara. Mag-isa akong lumabas dahil sasama iyon kahit nandiyan si Jiro. Nakakahiya naman sa lalaking sabik makita siya na nakipagpatintero pa nga sa huli naming teacher sa pinto.

"Ay, shit," sambit ko sa gulat at natuod ang buong katawan. May lumipad kasing sapatos sa tapat ng mukha ko pagkadaan sa harap ng katabing room.

I turned my head and had a glimpse of their section's state. Magulo sila sa loob na animo'y wala na ring teacher o hindi napasukan. Kaya siguro sumakabilang room nang maaga si Jiro.

"Parang gago kasi 'to, eh!" angil ni Keno kay Marion habang papalabas ng room nila. "Uy! Sorry, ah!"

Dinaanan niya ako kaya nahagip ng ilong ko ang kaniyang cologne. It's a familiar scent that I smell from most of our male schoolmates too. Dinampot niya ang sapatos na kaniya siguro dahil nakamedyas na lang ang isang paa.

I creased an eyebrow at his black sock because the school only allows white. He caught the look I gave his sock and he grinned at me. May kaibigang cadet kaya nakapasok... o nagpalit pagkapasok.

"Sorry!" someone shouted from their room. Nilingon ko at nakitang si Marion naman iyon na naka-peace sign.

I nodded curtly. Ginaanan naman ako ng loob. Akala ko kasi noong una ay sinadya nila. Pero mukhang nag-aasaran sila at nasaktuhan lang talaga ang pagdaan ko.

What is wrong with me? I always assume all the bad facets of things. I mentally sighed. Hindi ko rin kasi mapigilan.

"Ay, wait. Si Caelan?" habol ni Keno. Nakakapit siya sa hamba at sinusuot ang paa sa sapatos na binagsak sa sahig.

I thumbed the direction of our room. "Nando'n sa room. Wala na kaming teacher, eh."

"Sige, thanks." Nakangiting sinaluduhan niya ako.

I smiled curtly with a single nod then I walked away.

Pinaglalaruan ko ang wallet na tanging dala ko habang naglalakad. I didn't encounter any noise and any horde of students like I expected. I was also right about the absence of a queue. In fact, isa nga lang ang nandoon.

Malapit na ako nang makilala ang nakatalikod na bulto sa akin. Nakatungo si Fern sa window pane at nakikipag-usap sa bilog na butas. Nakatupi ang mga braso niya na nakapatong sa makipot na pasimano.

"Kahit po ba ihahabol naman ang bayad, 'di pwedeng makuha ngayon? Kahit next week na agad 'yung balanse, Ma'am, oh."

I immediately established a guess. Mukhang mga libro rin ang sadya nito ni Fern. Pero may mga libro na sa sahig katabi ng sapatos niya, ah? Hindi ba kaniya ang mga 'yan?

Nakita kong umiling ang admin clerk. "Hindi talaga. Lumagpas ka na rin kasi sa last day ng installment basis. Kapos pa ang unang hulog mo na pinayagan no'ng una."

Napatayo nang tuwid si Fern at napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri. His other hand rested on his hip as he clearly stressed over his situation. Hindi niya pa rin napapansin na may kasunod na siyang nakapila.

"You see, we already allowed the chance for your sibling. Sige, ganito, mamili ka na lang. Iyong sa'yo ang kukunin mo o 'yang sa kapatid mo?"

My lips formed a small circle. Sa kapatid niya pala 'yang mga libro sa lapag, kung ganoon? Hindi pa rin siya makakakuha ng libro?

I heard how Fern exhaled as he detached the hand gripping on his black hair. Hinilamos niya iyon sa kanyang bibig. "Sige, Ma'am, 'yung sa kapatid ko na lang muna."

Tumango ang admin clerk. "Settled, then. Thank you." She then diverted her eyes to me like she knew my existence all along. "Yes?"

My lips quivered as I was lost for words at first because I was hesitant to replace Fern just like that. Nandoon pa kasi siya nakapuwesto sa tapat at hindi pa rin umaalis o maski umuusog.

Saka niya lang din ako napansin. I didn't look at him even when he crouched to pick up the books. He stepped aside, giving me the space and only then I claimed it.

Inabot ko sa admin clerk ang resibo ko sa butas. Nalanghap ko roon ang amoy ng mabangong air freshener at sandaling binalot ng lamig ng air con nila sa loob ang kamay ko. 'Kabitin!

My receipt didn't make it hard for me since it indicated a fully paid status. She stamped it and handed back to me before she stood. Inusog niya ang window pane sa dulo saka inilabas ang mga libro. My textbooks were secured through a plastic twine.

"Thank you po, Ma'am," sabi ko, nakatingin sa mga libro. Magkakapatong ito kaya nakabuhol ang tali sa tuktok. Doon ko naisip hawakan.

I was about to reach for it when another larger hand did it first. Napaangat agad ako ng tingin kay Fern. Kami lang naman ang nandito kaya sigurado na akong siya iyon.

His face was solemn. His eyebrows were almost meeting. Pakiramdam ko naman ay tira lang ang ekspresyong iyan ng pagkabigo sa usapan nila ng admin clerk kanina tungkol sa mga libro.

"Tulungan na kita," he offered without even glancing at me.

He laid my books on top of his sibling's. Pinakailalim ang magkabilang kapit niya kaya walang natira na libreng kamay habang buhat ang mga libro.

"Kaya ko naman 'yan," I said when he started walking and I followed alongside him.

Patuloy lang siyang naglakad at hindi ako nililingon.

I noticed that he was controlling his pace so I would be able to keep up. Provided his long clad legs, his single step can be a double of mine yet we were still just side by side.

"Wala naman akong sinabi na 'di mo kaya, ah," sagot niya, diretso ang tingin.

"Pero—"

"Sabi ko lang," sinulyapan niya ako at nag-angat pa siya ng isang kilay, "tulungan na kita."

Bakit? Hindi naman ako maganda, ah? I wanted to voice out but I held back.

Kasi diba ganoon naman 'yon? Kapag maganda, mas maraming privileges. Kahit hindi nanghihingi ng tulong, marami ang mga magkukusa. Physical attributes seem to be a golden ticket to everything.

Hindi naman ibig sabihin na kasalanan ng mga naturingang maganda na may kinikilingan ang lipunan. They say that Him above made His children all equal, so it's only the society as a whole that set standards as to why there are ugly and beautiful... and it's only the same society that can break the stigma.

How many times should the world rotate before it can happen? As someone who belongs to the unlucky side of the issue, I wondered. And I felt that it could already be one of the many far-fetched.

But I held my tongue from saying those sentiments. Baka sabihin niya, masyado naman akong aminado. Pangit na pangit pa man din siya sa akin!

Naalala ko na naman tuloy ang pagtutol niya sa pagiging muse ko. In front of the whole class at that, so it felt like a humiliation. Medyo iritado ako sa kaniya gawa niyon, ng dare nila dati sa court, at ng asta niya minsan!

Gusto ko sanang ipilit ulit na ako na ang magbubuhat ng mga libro ko. Kaso baka sabihin niya nang ang choosy ko kahit ako na nga itong tinutulungan. My head stung with how these assumptions flooded my thoughts.

Palihim na sinuri ko na lang tuloy ang lalaki na marapat kong tingalain.

Matangkad kasi talaga siyang binatilyo. His arms are lean just enough for his age but he's not slim since his shoulders seems broad. Parang nakatikim na rin naman ng workout ang katawan ngunit hindi mukhang lagi.

He has a black baller bracelet. Plain lamang ito, hindi tulad ng sa iba na mayroong icon ng Batman o iyong mustache, logo ng Nike o Adidas, mga K-pop groups, o kung anu-anong uso.

He's carrying a lot of textbooks. Hindi ba 'yan mabigat? Nakaigting nga ang braso niyang tanaw ko malamang dahil sa may kabigatang mga buhat. But then overall, he didn't look struggling to me.

"Idaan muna natin mga libro ng kapatid ko, ayos lang?" bigla niyang tanong, nagawa na akong sulyapan.

"Ah, sige..." I looked straightway to hide how nervous I got. Akala ko nahuli niya akong nakatitig sa kaniya, eh! "Okay lang 'yon siyempre."

Hindi na siya tumugon. The silence between us was deafening that I was too grateful when we finally reached his sister's classroom.

Isa rin sa mga matunog na pangalan ang kapatid niya sa second year high school. I cross paths with Frensha Velicaria inside the campus and I cannot disprove the oozing beauty. Isang kalokohan ang itanggi ito.

Gaya ng isa ring kalokohan kung itatangging guwapo ang mga kapatid niya. Gaya nitong kuya niya na kasama ko. May malakas na dating at guwapo kaso may pagkamaloko. Everyone in the campus knows about it. I know about it.

Nanatili lang ako sa likuran ni Fern nang tumapat siya sa nakabukas na pintuan at kumatok. I heard the muffled voice of their current teacher. May klase pa sila dahil nga hindi pa tumunog ang bell. Kami lang talaga itong suwerte.

Para bang alam agad ng teacher ang pakay ni Fern. I didn't hear him mention a name yet I heard the teacher calling for Frensha and she appeared before us. Alam naman yata ng lahat kung sino ang kapatid ng babae.

"May tubig ka? Painom nga," bungad ni Fern sa nakababatang kapatid.

"Ba't ang dami?" tanong naman ni Frensha habang nakatingin sa mga libro. "Nakuha mo na rin ang sa'yo?"

"Sa ilalim sa'yo. Just get it," naiinip na sagot ni Fern. "Painom tubig."

Inunahan kong kumapit sa tali si Frensha na ikinabigla nito. Saka niya lang din ata ako napansin. My cheeks burned in shame but I smiled awkwardly and still took my books. Kinuha niya ang kaniya na nasa ilalim.

"Oy, Sha, tubig..." mahinang habol ni Fern nang iwan na kami nito.

Binalikan din naman kami ni Frensha, dala na ang tubigan. Masama ang tingin niya kay Fern nang ibigay ito. "Oh, Kuya, bilis. H'wag mong ubusin, ha."

Fern, without replying, uncapped the girly tumbler and straightly downed on it. Pababang dumulas ang baller bracelet niya habang tumutungga. Hindi naman patpatin ang braso niya, sadyang hindi lang masikip ang sukat niyon.

Nasaksihan ko ang kumalat na apila sa mukha ni Frensha. I also witnessed the movement of Fern's jutting out Adam's apple while he was quenching himself. Kaharap niya ang kapatid niyang ang talim na ng mga mata.

"Kuya!" Frensha groaned.

Pinigilan niyang uminom si Fern. Iniwas naman ni Fern ang sarili at patuloy lang na uminom. Sa huli, sumuko na lang si Frensha. She directed a lethal glare towards him.

Nang-aasar na ngiti ang nakapaskil kay Fern nang tinatakluban na ulit ang tubigan. It wasn't secured yet when his sister harshly snatched it from his grip. He laughed lightly and he looked satisfied.

Sigurado akong dalawa ang dahilan ng matingkad na kaluguran sa mukha niya. Para sa napawing uhaw at sa pang-aasar dahil halatang inis na inis si Frensha!

"Kadiri!" Frensha hissed while uncapping her bottle again. "Kainis ka talaga, e."

"Kainis ka talaga, e," Fern mockingly imitated her voice. Natatawa siya habang pinapanood na punasan nito ang bunganga ng tubigan gamit ang panyo. "Arte mo."

"May virus kaya laway mo."

"Ah, talaga ba?"

I thought of leaving first amid their exchange of taunting remarks. Bakit nga pala ako nanonood pa, puwede naman na akong umalis. Nasa akin na rin naman ang mga libro ko.

Naputol na ang pag-iisip ko nang tumalikod na si Frensha at iwan na kami. Fern's smile was still vibrant when he faced me.

"Required ba talaga sa inyong mandiri sa laway ng mga kapatid n'yong lalaki? Ang arte talaga n'on. Parang kala mo hindi magkadugo, eh," kausap niya sa akin, natatawa at naiiling. "Parehas naman kaming galing sa tiyan ng nanay namin. Nauna pa nga akong mabuhay sa kaniya."

I refrained from letting my eyes enlarge more than how it did. I was taken aback with how he struck up a conversation that way. Iyon na rin ata ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin.

I shrugged. "Hindi ko alam. I'm an only child."

Nabitin tuloy ang ngiti niya at napakibot na lang ng mga labi. "Ah."

Hindi ako nakaimik. Ano'ng sagot sa 'Ah'?

Buti't nagsalita siya muli. "Tara na."

Bumaba ang tingin niya sa mga libro kong buhat ko na. Walang pasabi niyang kinuha ang mga ito. Madali niyang nagawa dahil hindi naman ako handa. That surprised me because I didn't think that he'd get the books from me again. Ang totoo niyan, mauuna na nga dapat ako.

Nilunok ko na lang ang protesta at hinayaan na lang siyang kunin sa akin. Natatakot akong mag-inarte sa tulong na alok niya. Kasi hindi naman ako maganda.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro