Chapter 37
Chapter 37 #jttwbs
"O? Napagalitan ka na naman ni Chief?"
It's as if I was afloat in the air while walking abreast Fern. Natulala ako sa sinabi niya kanina. Halos wala ako sa sariling sumunod nang iginiya niya na kaming maglakad.
Ngayong naayos ko na ulit ang sarili ko, hindi ko naman siya makausap. His cellphone rang for a call and I couldn't just barge in his conversation with someone.
"Oo. Kamote talaga nito. Tapos si ano—alam mo na—naririndi na talaga 'ko kakamura sa'kin. Hinayupak na 'to."
Hindi naman naka-set ng loud speaker ang cellphone ng lalaki ngunit naririnig ko talaga ang boses ng katawagan niya. It was a voice of a man fueled with exasperation.
"Chill ka lang. Marinig ka," si Fern, natatawa.
"Mas mayabang pa sa mga opisyal ang hinayupak. Ikaw, 'di mo ba miss ang dagat at kubyerta? Kailan ka sasampa ulit?"
Fern slowed his pace until he stopped which affected mine, too. Tiningala ko siya na nasa malayong harapan namin nakatingin.
"Supposedly next, next month. Pero ngayon, depende na..." Bumaling siya sa akin at nagkatinginan kami. "Depende pa."
I felt something flicker in the pit of my stomach. Pinilig ko ang ulo at iniwas na lang ang mga mata.
I was already familiar with the alley, so I went ahead of him. Malinaw pa rin ang boses niya sa bawat paglayo ko dahil sumunod din naman sa akin.
"Ano, bakit? Ayaw ka na pakawalan ng girlfriend mo? 'Yung Rikit? O iba pa... Sino ba sa mga babae mo?"
Minura ni Fern ang humagalpak na kausap bago sinagot ang mga tanong nito. "Break na kami ni Rikit."
There it is again! So, tama nga ang narinig ko at hindi guni-guni lang? Pero... bakit?
"O? Sayang! Ganda no'n!" the man's voice went loud as if Fern lost a lottery. "Pero wala naman na pala, e! Sampa na! Tulungan mo 'ko ihulog sa gitna ng dagat 'tong si ano..."
"Siraulo," Fern uttered with heavy disapproval.
"Pa'no kung may balak din sila? Unahan nang kumilos, aba! Bago tayo ang iligpit nila!"
"Siraulo. Pinag-iisip mo."
Humalakhak nang todo ang lalaki.
"Sampa na kasi! Masyado ka nang chill porke't abot-kamay na ang pag-angat ng ranggo! Diretso opisyal ka na sana nang taasan mo 'tong mayabang na 'to! Promoted ka na nang 'di lalagpas tatlong taon, 'no?"
Fern chuckled. "Sana..."
"Hinayupak na 'to. Bilis na. 'Di mo ba kami miss?"
"S-S'yempre... Mi—i—i—ss nam—an... Tut. Tut. Tut."
Shocked and offended, I snapped my head to Fern beside me. Ngumising aso lang naman siya at ibinulsa ang cellphone.
"Tagal kasi ibaba. Sayang oras ko kasama ka," he explained, coolly pocketing his hand in front of his jeans as we walked.
One more flicker occurred in the pit of my stomach. Inignora ko ito at ibinaling na lang ulit sa daanan ang mukha. Pero naalala ko agad iyong narinig ko sa usapan nila kanina.
"Mapo-promote ka na?" I raised the topic, not glancing at him.
"I don't know," he replied, but a hint of hope was evident. "Paborito kasi ako ni Kapitan kaya siguro 'yon ang tingin nila. 'Di nila alam, magaling lang naman ako sumipsip."
He laughed a little to himself and I couldn't join him on that. Napangiti lang ako. Iyong klase na tipid at kalmado pero totoong-totoo.
"Wow. You will be a successful seafarer soon." Umismid ako sa sarili. "That is kung hindi ka pa successful niyan..."
"Hindi pa," agaran niyang alma.
Umarko ang isang kilay ko nang napasulyap sa kanya. He sounded so rigid in declaring that and I wondered what made him to.
"I'm not yet successful. Lumubog tayo dati. Nakalubog pa rin," aniya nang nakatuon sa harapan ang mga mata bago ako ginilidan ng tingin. "Hindi ko pa napapaahon ulit."
Dahil doon, idiniretso ang tingin ko.
May mga insekto yata talaga na ikinulong si Fern sa loob ng tiyan ko at bilang siya ang amo, lumiligalig sila sa mga naririnig sa kanya. Parang gustong kumawala sa hawla ko.
They were not under my control at all!
"You still don't get it—"
Hindi ko na nakontrol ang ulo ko sa pag-iling. I harshly turned my heels to face him. Huminto rin siya at mapagtiis na inabangan ang atake ko.
"Ang alin? Magpapakasal na kayo, 'di ba?"
Sumulyap siya sa malayong banda na hindi ko sinundan. He sighed when he brought his attention back to me.
"Ayan na ang bahay n'yo. P'wede ba tayong mag-usap na dalawa?"
My stare lingered for a while. Saka ako nangunang maglakad papalapit sa bahay namin. I didn't have to instruct him because he bluntly claimed the single sofa upon our entrance. Kami lang dalawa ang narito.
"Talk now," utos ko pagkaupo sa mahabang sofa. "Don't tell me the engagement is not real. H'wag mo ring sabihin na 'di totoo lahat ng nakita ko sa inyo noong kasama ko kayo?"
Those moments I've witnessed were deep stabs in the chest!
"I am not saying that. Totoo 'yon lahat. Kasi hindi naman biro ang kasal sa'kin at seryoso ako ro'n, Eri... Pakakasalan ko naman talaga si Rikit pagdating ng oras."
Muntik akong mapaatras ng upo. Now, I don't know which is the deeper stab in the chest. Bakit, Erisette? Umasa ka ba na wala lang talaga 'yong kasal? Mali ka!
"I never pretended when I'm with her. Sa harap niya man, sa harap mo, o sa kahit sino. Kaya ang sinasabi mong mga nakita mo, walang pagpapanggap alin man do'n. Because that was me... already beginning to try."
Oh. Right. Of course...
Pakiramdam ko dumoble ang laki ng mga baga ko nang huminga ako nang malalim. I couldn't even speak, so he continued owning the chance.
"Kasi bata pa lang kami, kilala ko na si Rikit. I always hear her talking about her fantasies—her dream wedding. Ayoko namang ikasal siya sa hindi siya mahal, at ako sa hindi ko mahal. Kaya... sinusubukan ko na."
Humina ang boses niya sa huling sinabi. I saw him gulp, too.
Nakatakas na yata ang mga insekto sa tiyan ko. Mga karayom naman ang itinutusok ni Fern sa dibdib ko.
"Sinusubukan mo na?" I echoed his words, scoffing. "Bakit ngayon mo lang sinusubukan? As far as I know, matagal na kayong dalawa! The feelings should've been there in the beginning!"
"Kasi ipinilit lang naman kami ni Tito Lui!" tunog desperado na siyang makaintindi ako. "At wala rin ako sa maayos na kondisyon noon para malinaw na mag-isip. I only agreed to it because I was mad at you for having somebody else! Zarkiel Paredes, hindi ba?!"
Umalingawngaw ang boses ni Fern pagkabanggit sa isa pa na ex-boyfriend ko. My eyelids froze and I couldn't blink. But when I finally did, it was relentless.
Hindi ko nga alam kung kailan talaga naging sila ni Ingrid. Pero sa sinabi niya, mukhang nauna nga kami ni Kiel. Bukod d'yan... hindi ko inasahan na may gano'n siyang rason!
Napapilig ako ng ulo habang nakatulala sa artificial flower pot sa center table.
Parang madali namang paniwalaan lahat. Maybe I was just caught off guard, since I didn't foresee any of this even the tiny details.
"Don't tell me you also proposed to her just because... you thought I'm engaged or married..." mahina kong sinabi ang nabuong hula.
"Like I said, hindi basta-basta sa akin ang gan'yang bagay, Erisette."
I quickly riveted my eyes back to him. "So, you really wanted to mar—"
"I did not propose to her in the first place."
My lips pulled apart as I absorbed his divulgence. Ano raw 'yon? Hindi siya nag-propose? Hindi kanya galing ang singsing na sh-in-ow off pa sa'kin ni Ingrid, gano'n ba?!
"Si..." Narinig ko ang saglit niyang pag-aalangan. "Si... Tito Lui at ang Mommy mo ang may idea ng engagement."
Natigilan ako roon.
"Pumayag na lang din ako kasi wala ka naman na, e. Naisip ko... Naisip ko, baka si Rikit na talaga 'yung sa'kin. Kailangan ko lang talaga'ng subukan na. Pero 'tang ina, malaman-laman ko... Tingnan mo nasa'n agad ako ngayon."
Napalunok ako.
"Oo, nando'n na 'ko—sinusubukan ko nang mahalin si Rikit. Pero dahil lang 'yon sa akala ko, wala na 'kong aasahan sa 'tayo'. Kasi akala ko, nagpatali o magpapatali ka na nga sa iba!"
Pinilig ko pa rin ang ulo ko. "Still. Fiancée mo siya bago mo nalaman na hindi ako nagpatali o magpapatali. Fern, you left her there!"
Naaalala ko ang usapan namin ni Ingrid, at kung paano niya nga sinabi na ipinangarap niya ang tungkol sa mga ganito. Then... what a three-sixty degree turn we had here!
Bumuntong hininga siya tila gusto nang marating ang dulo nito.
"She, herself, permitted me to come here. Dahil mula umpisa pa ng lahat, may mga kasunduan na kami. Ngayon kung mali nga ako at libre ka pa, alam na naming dalawa ang mangyayari. Sa kanya lang, magsabi ako. And I told her two days ago. So, here we are."
Nadagdagan ang pagkalito ko banda roon. Gusto ko mang himayin pa, pinigilan ko na lang ang sarili ko. Since that's... his and Ingrid's business that I shouldn't stick my nose into.
"Are you... telling me you didn't love her all those years?" I fired an unrelated question instead, and with a gaze strayed away from him.
"I cared for her, so much, I did," inamin niya agad, at rinig na rinig ko ang katotohanan roon. "Kababata ko siya at kaibigan na rin. Naging girlfriend at naging fiancée. I cared... but that's all, and she knows."
"No. That's impossible," I uttered under my breath. "Matagal nang kayo tapos hindi ka nahulog..." Bumaba ang kumpiyansa ko sa sinabi nang naisip na ganoon nga rin pala ang kaso sa amin ni Kiel.
"It's possible. Lalo na at lagi naman akong nasa barko. Ni hindi kami masyadong nagkakausap o nagkakakita sa mga panahong kami. Rikit... She's committed to her career, too."
Kumunot ang noo ko nang napagtanto na mas may sapat na dahilan pa siya para hindi nga mahulog kay Ingrid.
Kahit kasi magkaiba naman kami ng airline company ni Kiel, lagi kaming konektado. He makes sure of that. I do as well.
Iba siguro talaga kapag kaibigan lang.
"Siguro kahit rin kasi sinabi kong susubukan ko nang mahalin siya, hindi ko naman talaga ginusto." He paused momentarily with a soft sigh. "Pag-ibig... Mabigat 'yon. Para sa'yo lang 'yon. Ikaw lang ang gusto kong katulong na pasanin ang bigat no'n."
Parang nanigas na ang katawan ko sa sofa dahil mas nakatuon ako sa pag-iisip ng mga nalaman ko. My eyes were just directed in front, at nowhere exactly, as I drowned deep in thoughts.
Biglang tumayo si Fern upang umupo sa tabi ko at kumapit sa aking palapulsuhan. "Please, don't worry about it. H'wag ka rin masyadong mag-isip..." nag-aalala niyang sinabi sa marahang boses.
My heart leaped at that point of contact on my wrist. Mirroring his voice, his hold was also gentle which made it easy for me to escape. I pulled myself up and walked away from the sofa then I turned to eye him.
Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa kamay niyang inabandona ko at sunod sa tabi niyang iniwan ko. Soon after, his jawline tightened.
"M-Magbibihis lang ako."
Clearly, he was still engrossed in whatever he was thinking because his lips were shut and jawline were like a stone. Hindi na ako naghintay at umakyat na, tinutuldukan doon ang pag-uusap namin.
H'wag mag-isip tungkol sa mga bagay na 'to, imposible. But I tell you, Fern, this is just to solve the puzzle and to let myself absorb the things I found out.
It's not the kind of lethal thinking I always did before.
Pagkababa ko, naabutan kong nakatayo si Fern malapit sa pinto. His hand was connected to another hand which I followed that only led me to June's smaller frame still in our uniform.
"Kaibigan ako ni Erisette. Fern Velicaria."
Magkasabay na namilog ang mga mata at ang mga labi ni June. Her free hand went to the rescue by flying before her mouth to hide her throat from Fern's sight.
"I heard so much about y-y-you!" nautal na saad ni June kasi namataan ako.
"Heard so much about me?"
Pinandilatan ko agad si June! Wala na talagang ginawa ang mag-ina kundi ang ipahiya ako sa harap ni Fern!
Bumitiw si June sa handshake nila. She emitted laughter as if she was suddenly constipated. My glare can constipate now, huh?
"H-Ha? Sinasabi mo! May cotton buds kami d'yan, kuha ka na lang. Sabi ko, I'm... ano... ready to hear so much from Eri's other friends!"
Fern cocked an eyebrow. "Parang ang haba naman niyan sa narinig ko."
June frowned at that and turned to wherever. Akala ko saan siya pupunta pero dinampot niya lang ang lagayan ng cotton buds, inabot kay Fern, at umakyat na sa taas.
Napatawa si Fern nang tingnan ang iniwan ni June sa kamay niya. But it felt as if that's not what amused him. He lifted his now bright eyes to me with a smirk. He did all that... knowingly.
I flaunted my back at him as a response. Ano naman kung kinuwento ko ang puno't dulo ng mayroon tayo kay June?! S'yempre, babae ako!
"Umalis ka na," sabi ko nang nakatalikod, itinatago ang uminit na mukha.
Sinunod naman ni Fern ang sinabi ko. Lumipas ang linggong iyon nang hindi ko naman na siya nakita ulit.
But I'm sure that he's still here in Manila because he informs me his whereabouts through text. Kina Caelan siguro nakuha ang numero ko.
Palagi lang naman siyang nasa apartment niya na malapit sa amin at nag-aabang daw ng replies ko. I'd ask him why don't he just go on board but he'd just say it depends.
Me:
Bakit ka ba talaga
Me:
May girlfriend ka
Alam kong nakumpirma niya na sa akin ang estado nila ni Ingrid. Kaso may mga oras lang talaga na hindi ako lubusang makapaniwala. I mean... I believe him, I just couldn't believe it.
Fern:
Wala na nga. Pero baka magkaroon na ulit. Kung papayag lang naman...
Napasinghap na lamang ako.
Ngayong Tuesday, walang laman ang flight schedule ko kaya ako lang ang naiwan sa bahay at nagpapahinga.
Nakahilata ako sa sofa habang nakatitig sa profile ni Ingrid sa Facebook. We were never online friends. But I was in this burdening dilemma if I should talk to her because I felt the need to or things would be better left unsaid.
I was scrolling through the same wall that squeezed my heart until it crushed. Iyong huling upload niya na may kinalaman kay Fern ay noong huling birthday nito. Nakita ko na rin naman ito dati.
It was a screenshot of their video call. Ingrid exhibited her divine smile while Fern sported his dashing crooked one. Her caption was a birthday greeting to her long distance boyfriend then. Nasa barko si Fern noon.
Tumama ang mga mata ko sa may pinto nang makarinig ng kaluskos sa labas, katunog ng gate. Si Fern ba? Pero hindi naman siya nagsabi.
Pagkalabas ko, tumambad sa akin ang bulto ng tao na namamahay ngayon sa isipan ko pero hindi ko inasahang magagawi nga sa bahay namin!
"Let me in," Ingrid snapped cattily, "and let's talk woman to woman."
She startled me to the bones that I almost stumbled upon when I neared our gate and opened it. In her floral sleeveless jumpsuit, she strutted in with her chin almost higher than the heels she was wearing.
"I don't need any food or drink offerings," pigil sa akin ni Ingrid nang iiwan ko sana siya sa sofa upang kumuha ng inumin.
"Alright," sagot ko, nabawi na ang sarili.
Umupo ako habang inilapag niya ang designer bag at cellphone sa center table.
"Bakit hindi pa nagiging kayo? Ano, babagal-bagal siya ngayon?"
Ingrid stared at me with her intimidating orbs. But I didn't dodge and fought it with my indifferent one.
"I knew it. I told you. I'm not stupid." Sarkastiko niyang inismiran ang sarili. "But stupid enough to take the greatest risk."
"You knew it..." inulit ko upang buksan ang paksa na ikinalito ko noong nag-usap kami ni Fern. "Mula simula ba?"
"Oo," simpleng sagot nito. "Two years ago, si Dad at Mommy Nea lang naman nagtulak sa'min. I love him, kaya bakit hindi ako papayag do'n? Siya lang naman ang hinihintay ko. You found somebody else and he was mad at you. So, I took advantage of that. I got him."
Tumango ako. "Sinabi niya nga..."
"Nagkasundo kami at sinabi niya sa'kin na susubukan niya akong mahalin habang kami. Pero alam kong dahil lang 'yon sa galit niya na nagkaroon ka na ng iba. Still, I hoped. Though, I'm very busy since I was proclaimed C.E.O. of my Dad's travel agency, and Fern... he's always on board. Hindi ko masyadong naisip ang feelings kong hindi ibinibalik dahil do'n. Still, I hoped."
"Nabanggit niya rin—"
"Several months ago, we thought you were already married or was about to. Then just months ago, our relationship wasn't enough to Dad and Mommy Nea. They took it to the next level with the engagement. Nawalan na siya ng pag-asa sa inyo, at napuno na siguro siya sa kapapaalala ni Daddy ng utang ng loob—"
"Utang na loob?" I harshly sliced her narration as it didn't sit well with me.
She shrugged her shoulders. "Dad financed his studies. Dad always came to their aid when their family needed help. Ever. Since."
Nagngitngit ang ngipin ko. Tama naman na naging malaking tulong nga si Mr. Luigi pero hindi naman tama ang ginawa niya kay Fern!
"This time as engaged couples... he said he'll try again and finally, I felt it. Na sinusubukan niya na nga. Kaya nagkasundo kami ng long engagement. Nagkalabuan kami sa resort no'n, you know that. What's the reason he said?"
"Na... hindi pa sapat ang pera niya para sa kasal."
"True," she confirmed with a single nod. "But another thing, the long engagement was also our agreement behind my Dad's back. Ayaw niyang ikasal ako sa hindi ako mahal kaya bigyan ko raw siya ng oras na subukang mahalin ako. Only then, we can marry. So, long engagement.
He truly tried this time. I saw it, I felt it. Kaso bumalik ka, e. Galing ng timing mo. Tss. Sino'ng hindi threatened do'n? So, there... sinubukan ko nang ipilit na agahan ang kasal. Kaso ayaw niyang sagot ko lahat... at s'yempre, hindi niya pa 'ko mahal."
"Ingrid..." marahang tawag ko dahil sa huli niyang sinabi. I admit, I needed to hear all this but if it won't be good for her, then...
She shook her head dismissively. "But I talked myself out of it, too. Because I don't deserve half-assed love. My god, hindi nga kahit half, e. I may have had feelings for him since I was... what, eight years old... but, please, I'm not obsessed."
"I didn't say that you are," iginiit ko.
"Erisette, ramdam ko naman na mangyayari 'to, so siguro napaghandaan ko na. Look, do you see any tears? None, right? And don't get me started with 'yes, there's no tears but you might be dying inside'! That's pathetic and I'm not pathetic," aniya, tinaliman ako ng tingin.
"Yes, Ingrid... Hindi ka gano'n."
Nagtaas noo ito. "Good that we're clear on that."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro