Chapter 36
Chapter 36 #jttwbs
From the handkerchief, I lifted my attention to his eyes that were zeroed in on me. Halos umiwas ako dahil sa klase ng tingin nito. Parang nagtitimpi na sumabog.
"I... am not," mabagal kong sagot, lito kung saan niya napulot ang ganoon.
A muscle flexed on his jaw, startling me because I didn't think it still could when it already was. His facial expression was flat but for some reason, I knew he's drowning in annoyance. To whom, I had no idea. Pero mukhang hindi naman sa akin.
"At hiwalay na rin kayo, matagal na..." he stated, gritting his teeth after.
Napatabingi ako ng ulo. Kiel? Si Kiel lang naman ang naging boyfriend ko bukod sa nasa harapan ko ngayon.
"Sus, ginoo!"
Napapitlag ako sa gulat kay Tita Julie galing sa loob ng bahay. I was more shocked than Fern when it was him who Tita just hit on the arm with a hanger!
"Sinasabi ko na nga ba! Grabe ka naman! Panyo na lang, nanakawin mo pa!" si Tita at marahas na hinablot ang panyo mula kay Fern.
Fern's eyebrows knitted at June's mother. My eyes almost bulged out of their sockets.
"T-Tita Julie!" saway ko.
Inakusahan niya lang naman na magnanakaw ang totoong may-ari talaga no'n!
Tumalon ang dibdib ni Tita sa gulat. Napatingin siya sa akin na nakatayo pa rin sa may gate. Napatingin din sa akin si Fern na nabawasan na ang intensidad ng inis dahil sa eksena ni Tita.
"Erisette! Kilala mo 'to?! Pinatuloy ko kasi kaibigan mo raw, tapos nanakawin ang favorite mong panyo!" Pinanlisikan niya ng mga mata si Fern. "Ha! Baka pumuslit ka rin ng panty sa mga tinutupi ko? Manyakis ka, 'no?!"
Nalaglagan na ako ng panga. Si Fern naman, halos mamula na roon at ni hindi maipagtanggol ang sarili.
"Tita, stop it!"
Humakbang na ako at inusog si Tita palayo kay Fern bago pa siya ulit mamalo ng hanger. Holy shit, I just recognized, it was the large metal hanger!
"Eri, hindi! Manyakis 'to!" apila ni Tita, nagpupumiglas sa akin. Dinuro niya si Fern ng hanger. "Hoy, ilabas mo ang panty!"
"Tita, stop it! I know him! He's my friend! Hindi siya magnanakaw at manyakis, okay!"
Finally, Tita calmed down and she steadily looked at me. Saka nanlaki ang mga mata niya at gulantang na napatingin ulit kay Fern. Then Fern and I took turns under her puzzled gaze.
"H-Hala. Gano'n ba? Sorry, ano..."
Fern cleared his throat. "Ayos lang po."
"Aw!" I wailed when Tita lightly hit me with the hanger.
"Ikaw! 'Tita' ka nang 'Tita'! 'Di mo na lang sinabi agad!"
Napanguso ako habang hinihimas ang braso kahit hindi naman talaga masakit. Now, it's my fault! Great!
To gain more of Fern's forgiveness, Tita Julie didn't take no for an answer when she asked Fern to stay with us for dinner. Ako na nga ang ipinatapos sa mga tupiin dahil inabala niya na ang sarili sa kusina.
Hindi ko naman napindot ang order ko sa coffeehouse kaya wala akong hihintayin. Nagbihis lang ako at bumaba na ulit para sa mga tuyo nang damit.
I decelerated my steps upon seeing Fern who had comfortably sunk himself in one of our single sofas.
Hindi naman natinag ang malalim na titig niya sa panyo na naroon na ulit sa mahabang sofa. Halos butasin na ng mga mata niya ang tela.
"Why are you here?" tanong ko pagkaupo sa mahabang sofa. "Pa'no mo nalaman dito?"
The field of hair on my skin had a standing ovation and I was sure it's because his gaze bore into me. Buti na lang, sa mga damit namin ako nakatingin.
"Kuya Avier," he answered in a strained voice.
Napapikit ako. Snitch! Lagot nga sa'kin 'yon kapag nagkita ulit kami! Kung hindi lang siya mahirap nang kitain! Parang mas mahirap pa kay Kuya Lev, e!
"Why are you here, Fern?"
Dinampot ko ang panyo at itinupi ito sa mas maliit na square. I dared not to look at him while doing that.
It smelled of their fabric conditioner before, the same one that mixed with Fern's cologne on his uniform back then. Ngayon, wala nang kahit kaunting bakas ng amoy na ganoon. Pero hindi ito nabigo na ipaalala si Fern sa akin.
"Totoo ba? Na hindi ka kasal... at ikakasal?"
Nahinto na ako sa pagtutupi at napatingin sa kanya. Nagtagpo ang mga kilay ko nang nagtanong, "Sa'n mo ba napulot 'yan?"
"Sagot."
Muntik lang nagbahagi ang mga labi ko. He appeared rude but he couldn't care less, so my nose flared instead.
"Oo, hindi nga—"
I was cut off when he suddenly grabbed my right hand and placed it on stage between us. Sa itsura namin, mukha siyang ginoo na hahalik sa kamay ko kaso malabo naman 'yon!
"Then what the fuck is this."
Tumingin ako sa suot kong singsing. I could almost witness a laser beam aiming to melt the silver sentimental item on my finger because he was glaring at it.
Napasinghap ako nang naintindihan. "Fern, hindi naman d'yan ideally inilalagay ang engagement o wedding ring!"
His expression remained hard while his forehead wrinkled, but only because he's baffled as if I talked like an alien. Mukhang wala siyang alam sa mga ganoon. Me, too, but isn't that common knowledge for women?
"E, ano nga 'yan? At kanino galing?"
How did he sound so sure that it's from someone. Kanino talaga agad galing? Hindi man lang ata naisip na baka ako ang bumili!
"It's just a ring!" I hissed, retrieving my hand from his hold. "From Kiel. Pero hindi for union, ano ka ba? Friendship ring lang."
After the break-up, Kiel gifted me the ring as a reminder that we were still friends even with all the mess I brought ourselves into. Hindi ko na rin naman tinatanggal.
"O?" Nag-alburoto ang mga kilay niya. "So, sino ba talaga sa'min ang best friend mo?"
"Of course, ikaw!"
His eyebrow relaxed, but they twitched again in a wink. Parang ayaw niyang payagan ang sarili na kumalma, o ang ipakita sa akin na ganoon.
"Hindi siya nag-propose? Kahit kailan?"
"Not that I know of."
"Then what the fuck did it mea—" Napahinto siya tila inawat ang sarili. Kumunot tuloy ang aking noo.
"Go on..." I urged, because he really didn't continue.
Pero tikom na tikom na ang bibig niya, wala nang balak magsalita. Kumibot din ulit ang masel sa panga. Tita Julie's entrance helped him escape.
Tumabi siya sa akin at tumulong sa pagtutupi habang dinadaldal si Fern tungkol sa buhay-dagat nang tanungin kung anong trabaho nito. Dati kasing crew sa cruise ship si Tita at isang hindi na nakitang banyaga ang ama ni June.
Based on their conversation, Fern's choice of ships was those that transports non-human passengers. Inusyoso siya ni Tita sa ganoong klase ng barko bago tumakbo sa kusina nang luto na siguro ang mga inihanda.
Upon heading to the dining, I was mum while Tita rambled on about her past life at sea with foreign crews. I'm not even sure if Fern's interested to hear it.
Iniligpit ko nang mabilisan ang nakakalat na makeups ni Tita sa bilog naming dining table. Ngayon kasi, nasa insurance siya at umaalis lang kapag may meeting kasama ang higher bosses o ang clients.
"O, hindi ako si Eri... Pero masarap din naman 'yang bistek ko." Humagikhik si Tita. "'Di nga lang kasing sarap ng kay Eri."
Fern and I watched Tita as she served the shallow bowl of our viand for tonight. Maglalagay na sana ako ng serving spoon nang naramdaman ang titig ni Fern.
"Masarap po ang ganito ni Eri?" he cleared. His curious, slightly narrowed eyes were on me.
"Hala, oo, ano! Specialty niya 'yan!"
Fern's eyes went back to normal in astonishment. Kumibit balikat na lang ako at nilagyan ng serving spoon ang ulam.
Ewan ko ba kay Tita at June. Sabi nila, iba raw ang luto ko ng beef steak. 'Di ko nga alam paano nangyari 'yon, e. But I was done undermining myself, kaya naniwala na lang ako.
Because sometimes, we're really more than the credits we give ourselves. Matagal akong naging madamot sa sarili ko, tama na 'yon.
"Marunong ka nang magluto ng mga ganito?" mangha na tanong ni Fern. "Parang dati, ni hindi ka marunong magtimpla ng juice."
I puckered up.
Pagkatapos ng dinner, saglit lang na nagpababa ng kinain si Fern bago siya nagsabing aalis na. I asked where would he go and he said he's checked in a hotel nearby. I sent him off until our gates that night.
Isang oras lang, nakauwi si June at halos sakalin niya ako sa pagsisisi na nagkasalisi sila ng male lead sa kuwento ko sa kanya.
Hindi nga rin siya makapaniwala sa inakto ni Tita tungkol sa hanky ni Fern. She was embarrassed and ended up relieved that she wasn't here.
Bago matulog, inisip ko kung bakit ba talaga nandito si Fern? And what was the fuss about my non-existent marriage and engagement all about?
Pero hindi ko rin itatanggi na dalawa kami ni June ang gulantang sa katotohanang... napadpad bigla rito si Fern.
Hindi pa nga ako nakabawi roon, gulantang na naman ako nang mamataan si Luis Tribales sa opisina after two days.
Matagal ko na siyang hindi nakikita. Hindi nga ako sigurado kung kailan. But that face, no matter how age transform that, I'll recognize. Iyan ang nangunguna na manlait sa akin dati.
Mukhang naghatid siya ng girlfriend dito. 'Yon ang attendant sa flight ko noong bumalik ako sa Palawan! I can't believe how small this world can be!
Since it was already my time-out, unlike his girlfriend who just timed-in, I was headed out. Pero napili ni Luis na sirain ang araw ko nang tumama ang mga mata niya sa akin.
Hapon na. Pero buong araw ko talaga ang nasira. Pati bukas, susunod na bukas, at mga susunod na bukas.
His supposed glance lingered until it turned into a searching stare and five meters or so was our approximate distance. Hindi ko alam kung nakatulong ba ito sa pagkilala niya sa mukha ko.
I huffed sarcastically to myself when he already took more of my time than he deserved. Not that he deserve any, though. Umiwas na ako ng tingin at naunang lumabas.
"Hey!"
Halos mapasampal ako sa noo ko. Pero ipinanatili ko ang postura habang naglalakad, lalo na nang sabayan niya ako.
"I think I know you."
"Yeah?" I said nonchalantly.
"Iova Erisette Veraño." Narinig ko rin ang ngisi niya sabay ng pagkabigkas sa pangalan ko. "Ah, my soulmate in seating arrangements."
He gave me the impression that he changed physically, but the tiny organ inside his skull was the same one when we were young. If that's true, sayang naman ang protection services ng matigas na bungo niya rito.
Bumuntong hininga ako sa isip ko.
"Luis Tribales."
I heard his smirk once again. "Long time no see. Tama nga si Ronnie na medyo... medyo nag-glow up ka."
Him catching my pace was enough of a source for vexation, but him spewing shits was enough for me to feel beyond that. Hindi na lang ako sumagot at hinagilap ang shuttle service.
"Pero... ay, may pimple. Hindi ka pa rin nagbago? Tigyawatin ka pa rin?"
Sa narinig, napabaling ako sa kanya nang kunot ang noo.
I know for a fact that I still get zits sometimes but only one or two, especially that my sleeping pattern is chaotic considering my work schedule. Iyan ang katotohanan.
Pero wala akong naaalala o kahit nararamdaman na mayroon ngayon sa mukha ko. Unless there's a ghost zit and Luis has some fucking third-eye for that kind.
O hindi talaga siya kuntento kapag hindi ako iniinsulto.
"Sayang naman. Medyo type rin talaga kita dati, e... Ngayon din sana kaso... Tsk."
Itinigil ko na ang paglalakad sa pagkakataong ito at hinarap siya nang buo. Nabigla siya at mukhang mas natuwa. But I'm so done with him.
"Ikaw rin, hindi nagbago," I said calmly, but I made sure that he'd feel the insult clawing his awfully thick skin. "At hindi kita type ngayon. Kahit dati. So, shut the fuck up, will you."
Even though his startled state would fill up my satisfaction, he really didn't deserve any more of my time so I strutted out of the scene.
"Hey!"
Natagpuan ko na ang shuttle service. Lalapit na sana ako roon kung hindi lang umangkla si Luis sa braso ko at pinigilan akong makalayo.
"Hey, how dare y—" Bigla ay may kamao na matinding dumapo sa panga nito kaya halos tumilapon ang ulo, napaatras ng ilang hakbang, at natumba pa!
My lips pulled apart because it stunned me as I didn't expect any of that. Medyo namilog ang mga mata ko nang mapaghanap na tumingin sa gilid ko.
Si Fern ay prenteng hinihimas ang ginamit na kamao. Pero hindi naman ata siya nasaktan. Nakatusok pa ang dila niya sa loob ng pisngi habang buryo na nakatingin kay Luis.
"Velicaria?!" si Luis, na hinihimas naman ang panga sa lapag.
"Natanggal din sa bucket list ko sa wakas," wika ni Fern, at ibinaba na ang kamao.
"Anong bucket list! Inaano kang gago ka!"
Fern wasn't fazed by him, and he just looked at me as he said, "Sorry. Pero nung high school ko pa gustong gawin 'yon. Puro amba lang dati, e."
Pinaulanan siya ng mga mura ni Luis na hindi pa rin makatayo sa lapag.
On the other hand, as soon as I spiraled back into my senses, I dragged Fern away from there. I couldn't be seen in such a scene wearing my uniform! Lagot ako sa management!
Malapit na kami sa shuttle service nang bitiwan ko si Fern at lingunin ulit si Luis. Padarag itong naglalakad papunta sa ibang dako at tumitingin nang masama sa amin.
Binalingan ko si Fern. "Nandito ka pa rin sa Manila... and now, here," I specified with emphasis. "What are you doing here?"
"Sinusundo ka."
Kumibot ang mga kilay ko at natahimik ako saglit.
"Uhh..." I glanced at the vehicle near us. "May service kami."
Napatingin din siya sa shuttle service at tulad ng malupit na pagdapo ng kamao niya sa panga ni Luis, ganoon din kalupit dumapo ang dismaya sa mukha niya.
Instantly, I felt guilty. Ipinagtanggol ka, Erisette, tapos ganito?!
I cleared my throat. "Pero. I can choose not to hitch with them."
Umaliwalas agad ang mukha ni Fern.
"P'wede tayong mag-book..." sabi ko. I'm sure that his Audi is not here with him.
Magana siyang tumango.
Kinausap ko saglit ang driver ng service at sinabing hindi nga ako sasabay. Pagbalik ko kay Fern, nakapag-book na pala siya ng sasakyan namin.
Fortunately, the driver was already near so we didn't waste a lot of time. Pinagbuksan ako ni Fern at ako ang naunang sumakay saka siya tumabi.
Nanahimik lang naman ako. Dahil yata roon kaya lingon nang lingon si Fern sa akin. Hanggang hindi na siya nakapagpigil.
"Okay ka lang?"
I tossed him a glance before I nodded my head. I was partly intrigued as to why he asked that. Ah, wait... Baka tungkol kay Luis?
"May mga walang kuwenta na naman ba siyang nasabi sa'yo? Nakita ko lang kasi na hinihila ka," he explained, confirming my hunch.
"I'm fine."
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na namugad na yata ang tingin niya sa akin. Siguro, hindi naniniwala, at hindi na lang namilit.
But it's true that I'm okay. I wasn't even thinking about that encounter with Luis anymore. Nabanggit niya lang kaya ito at naalala ko tuloy.
Now that I was reminded, Luis ignited a train of thoughts.
It's real that I still get zits from time to time. But I don't worry much because it's nothing makeup can't cover at work, and nothing that can wreck my self-composure now. Unlike when I'm in my teenage years.
Hmm... I think that youth are full of immature notions and mindsets that are easy to manipulate. In high school, there were a lot of things that were subject to ridicule when they shouldn't be.
For instance, they slapped in my face how flawed I was with my acne prone skin. Or any other considered flaws. And it had been a misconception since. Kasi sa'kin ngayon, they're not flaws—they're normal.
Nang tumanda ako, mas napagtanto ko na tama ang ipinaramdam sa akin ni Fern noon. Na normal ang mga ganoon sa tao. If we say people shouldn't have these so-called flaws, it's like telling them not to breathe.
Because again, it's normal. And to worry or freak out about it is normal as well.
Sadly, thanks to societal standards, it negatively affects us individuals. But that doesn't make us less of a human. If anything, it makes us more human.
Pero ngayon sa ginawa ni Luis, gaya ng sinabi ko, okay lang ako. Pero hindi sa hindi na ako nakaiisip ng negatibo sa sarili. That's too idealistic, and that's far-fetched in this world filled with species capable of feeling.
Minsan, dinadalaw pa rin ako ng insecurities. But I think I handle it better now. It can only bruise me, unlike before that it wrecked me to bits. Because I appreciate myself now.
Napaahon ako nang huminto ang sasakyan sa tapat ng... hindi ko alam, basta hindi ito ang bahay namin.
"Where are we?"
Sinuri ko ang paligid habang nasa loob pa ng sasakyan bago ipinukol ang tingin kay Fern. Nakatingin na rin agad siya na tila inabangan talaga ang pagbaling ko.
"This is not our house..."
Napakagat siya sa ilalim na labi. "Sorry. Sa address ko pala ang na-book ko."
My jaw abandoned my face. Bakit hindi ako naniniwala? Oo nga naman at hindi ko sinabi ang address namin. Pero expected kong alam niya na since nag-book na siya at nakapunta na nga siya amin.
And come again? His address?
"Come on, I'll walk you home instead," aniya at nauna nang bumaba. "Malapit lang 'to sa inyo. Come on."
Gulantang kong tiningnan ang katapat naming gusali pagkababa ko. By the looks of it, it's like an apartment complex. Nagkaroon ako ng ideya kaya hinarap ko ulit si Fern.
"What are you doing? Bakit ka ba talaga lumuwas?"
His lips turned into a grim line as if he was reminded of something unlikable. His face hardened, too.
"'Di kasi nagpaalam 'yung best friend ko na aalis siya. Sinusundan ko lang."
Umismid ako, litong-lito na. "Nasa'n si Ingrid? Aren't you supposed to be in Puerto?"
"Aren't you supposed to be there, too?" he shot back. His eyebrows were beginning to fuse. "'Di ba sabi mo dun ka na based?"
"Well, dito na ulit ako!" I countered, my voice raised a bit. "Fern, ano ba?"
Halatang hindi niya inasahan ang pagtaas ng boses ko. As an effect, his facial expression calmed like he was awakened from something.
"Why are you suddenly back here?" he asked with softer voice this time. Nasubaybayan ko ang alon sa leeg niya nang napalunok. "Nasaktan ka ba? N-Nasaktan ba kita?"
Marahan na ang tinig niya, hindi tulad kanina. Nilamon din ng pag-aalala ang mukha niya dahil sa tinanong. Habang ako, nilamon ng pagkalito.
"Shouldn't you be with your girlfriend right now? Your fiancée for that matter!"
Saglit siyang napatitig lang bago bumuntong hininga. "I called the engagement off. Wala na akong girlfriend o fiancée.. since two days ago."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro