Chapter 34
Chapter 35 #jttwbs
"H-Hindi ko alam..."
He smiled, but unconvincingly because it was barely noticeable. Lalo at hindi rin nawala sa mga mata niya ang bakas ng lungkot.
"Pero wala na 'yon. Matagal naman na, e."
Para bang dumaplis lang talaga sa kanya ang alaala. Kasi nawala na rin ang lungkot na agaw-eksena lang kanina. His eyes went back to expressing normalcy and nothing else.
He was about to walk past me maybe to enter our suite but I anchored my hand to his elbow. Napahinto siya at napababa ng tingin sa kamay ko bago napatingin sa akin.
"I'm sorry," I said weakly.
His stare stretched as if he was trying to figure me out. Kunot-noo rin.
"There's nothing to forgive."
"There is," iginiit ko. I failed to be... both a girlfriend and a best friend to him.
He sighed softly. "Forgiven," aniya, kaso mukhang hindi pa rin naman kumbinsido na mayroon nga.
Unti-unting bumagsak ang tingin ko kasabay ng kamay ko kaya nakalaya na siya. Hindi rin naman siya nagtagal sa harapan ko at dumiretso na nga sa kuwarto namin.
Iniwan ko namang bukas ang sliding door kaya suwabe siyang nakalusot. Dahil hindi rin niya sinarado, narinig ko siyang binulabog ang dalawa sa loob.
"Ano na? 'Kala ko ba swimming pool tayo?"
"Grabe namang marino 'to! 'Di nagsasawa sa tubig!"
Narinig ko ang hagalpak ni Fern. "Sabi n'yo kasi kanina, e!"
"Oo na, oo na! Magpapalit lang kami!"
Ingrid's sudden appearance stopped me from eavesdropping. Sa akin din naman agad siya nakatingin. Galing siya sa kuwarto nilang dalawa ni Fern.
"Hi!" masigla niyang bati. "Si Fern?"
Ngumiti ako. "Nand'yan sa loob."
Sinuportahan din naman ng tinig ni Fern mula sa loob ang sinabi ko.
"Ah, thanks!"
Hindi na siya naghintay ng sagot ko.
"I'm done changing. Sa'n si Keno?" narinig kong tanong nito pagkapasok.
"CR. Nagpapalit," ang boses ni Caelan.
"Umupo ka muna rito," I heard Fern.
"Hey. Okay ba 'tong suot ko? Or the red two piece instead?"
"Okay naman 'yan. 'Di ba sabi mo sa beach na 'yung red?"
"Ah, right! Pool nga lang pala tayo—"
Hindi ko na sila narinig sa dami ng hinakbang ko. Itinuloy ko. Nilagpasan ko na rin ang mahabang pool kung saan sila paroroon. I'm sure either of Caelan or Keno will invite me to join them.
Parang ayoko muna.
Dire-diretso lang ako hanggang sa tanaw ko na rin ang dagat. May tables and seats doon malapit sa mukhang mini bar. Umupo ako sa bakanteng isa kahit wala namang order na kahit ano.
Apparently, I didn't order anything but as soon as I settled on the seat, distressing thoughts were served on my table.
Hindi raw siya nakikipaghiwalay no'n. Regrets swallowed me alive. Kaso hindi ko rin naman masisi ang sarili sa naging reaksyon ko noong araw na 'yon.
Pero... umaasa siya na ibsan ko ang sakit tapos iniwan ko lang siya noon. Mukha ngang hindi pa siya tapos sa mga sasabihin, umalis na ako!
Tapos ay umalis talaga ako nang tuluyan. Ilang taon bago nakabalik.
Kapag ako ang lugmok, lagi siyang naroon agad. Noong siya naman ang kailangan ako, iniwan ko siya nang ganoon lang. Hindi ko maawat ang isipan ko.
Hindi ako nanghinayang sa magandang tanawin ng dagat. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. I know I'm not entirely at fault. Hindi ko rin naman alam, e. Pero... ang dami biglang what ifs at regrets.
Kaya hindi rin masisisi na napansin niya si Ingrid, huh? Hanggang panghihinayang na lang ako ngayon.
Napabuntong hininga ako pagkadilat. Nalunod ako sa mga iniisip ko. The young night already greeted the vast lands when I decided to go.
"Erisette!" I heard Keno, as expected.
Lumingon ako sa pool kung saan nakalublob ang mga katawan nilang apat. The lights now switched on from the sides reflected on the pool water, making them glow there.
"Oh?"
"Sa'n ka galing? Sa shore?" si Caelan.
"Tara, swimming!" si Keno ulit.
I shook my head and pointed to our room. "Tomorrow!"
Nakitaan ko sila ng dismaya sa mukha kaso hindi ako nagpatinag. Dumiretso na ako sa kuwarto namin at naupo sa kama ko.
Inusog ko lang ang duffel bag bago humiga at nag-cellphone na lang. Nakausap ko sina Kiel at June sa tawag. After that, I finally felt the weariness from the flight I attended before we traveled here.
Dala na siguro ng pisikal na pagod at pagod sa pag-iisip kanina kaya nakatulog ako.
My eyelids were heavy when I tried to open my eyes. My throat being dry was the first I noticed.
Nakita kong plakda ang dalawa sa kabilang kama. Nakadapa si Keno sa gilid ng kama at iyong isang paa ay nakalaylay na sa sahig. I scrunched my nose and went off the bed.
I quenched my throat with water and... whinging stomach. So, I poured water in the electric kettle then plugged it in. I was looking into the bunch of coffee and tea sachets beside it when my alarm blasted.
Tumakbo agad ako sa kama para patayin kaso huli na. Dumilat na si Caelan at antok na nag-unat habang nakahiga.
"Sorry. Paiba-iba kasi alarm ko depende sa flight schedule. Hindi ko na-off," nahihiyang paliwanag ko.
Humihikab siya nang nag-thumbs up. "Okay lang. Anong oras na?"
"Quarter past 5 AM," sabi ko at napaawang ng mga labi.
Umaga na pala talaga! Nakatulog na ako nang tuluyan kagabi?
"You slept early. 'Di ka namin ginising no'ng dinner kasi baka pagod ka talaga. Galing kang flight kahapon, 'di ba?"
"Oo, three leg nga, e," sagot ko. "I boiled water. Do you want coffee, too?"
Naupo na si Caelan mula pagkakahiga. He was stretching his arms when he spotted the functioning kettle. "Kape ka lang? Tara, breakfast..."
"Huh? 'Di ka na ba matutulog ulit?"
Tuluyan na siyang umalis sa kama. "Depends if makatulog ulit. Room service na lang ba o punta na tayong resto?"
"Punta na lang tayo. Gusto kong maglakad. But is it okay if I'll have coffee first?"
Pumayag naman si Caelan.
Kumain ako ng saging na nasa fruit basket habang naghihintay sa kettle. Sayang nga at walang watermelon, pero sa restaurant na lang. Nagtimpla agad ako pagkatapos at inubos ang inumin.
Sa pool side kami dumaan ni Caelan. Hindi nga ako nakaangal nang katukin niya ang saradong sliding door nina Fern. To invite them to join us if in case they're awake, too!
Pero buti at walang nagbukas. Nakaluwag sa loob ko na tulog pa sila kaya kami lang ni Caelan ang kumain.
Hindi pa rin gising ang mga kasama pagkabalik namin. Nothing else to do in mind, I sprawled in my bed and used my cellphone until I unintentionally drifted off again.
"Eriii. Eriii. Gising."
I groaned while still half asleep. Someone called my name longer than necessary. Parang ang kulit tuloy ng dating.
"Eri, dali na. Morning dip na tayo."
"Keno," I called hoarsely, recognizing the voice even with eyes shut closed. "What time is it?"
"Gising ka na?" he sounded enlivened. "8 AM na. Tara na!"
Dahil nagsabi ako kagabi na ngayon ako sasama, kinaladkad ko ang sarili papuntang banyo para makapagpalit ng bikini sa ilalim ng white summer dress at magpahid ng sunblock.
Ipinagtaka ko pa na tatlo lang kami papunta sa beach area. But without being asked, the two told me that the couple just woke up and were still taking their breakfast so we would meet them later on.
"Malapit dito underground river, e. Tara kaya?"
"'Ge, mag-isa ka."
"'Tang inang 'to."
"Wala pa rin ba si Marion?" singit ko sa dalawa.
"Wala pa rin. Pero ngayong araw ang dating since bukas na ang wedding nila."
Napatango na lang ako. Marion still had a remaining errand for their wedding, reason why he wasn't able to be with us yesterday. Dahil sa attire niya ata na kinailangan ng alter bigla.
Nakalublob ang dalawa sa kalawakan ng tubig dagat. Nakaupo lang ako sa buhanginan habang nanonood kay Caelan na tinuturuan ng isang klase ng swimming stroke si Keno.
A first-time guest but as one in the tourism field, I know that the other far edge of this is different states already. We're at the Sabang Beach but considering the entire body of water, it's the West Philippine Sea from the perspective of Palawan Island.
From time to time, I would glance at the resort proper to no avail. But this time... Magkasalikop ang mga kamay nina Fern at Ingrid habang naglalakad palapit sa dagat.
They were both engrossed in the horizon where the sky met the sea. I took advantage of that and studied their approaching forms.
Ipinaalala sa akin ni Ingrid ang siling labuyo dahil sa suot niyang two piece bikini. Red and hot. The angel chose hell today, that I noticed.
Meanwhile, Fern... I was never the type that swooned over men's standardized physical structure.
Noong high school, wala naman siyang abs. His juvenile biceps were enough to embellish his youthful appeal. Pinagtuonan niya lang talaga noong college na, sa naaalala ko.
Now, like the adult he is, his abdominal muscles are full-grown and six pack.
The relatively defined body areas and edges are showcased since he's just in dark gray board shorts. Parang spotlight ang basbas ng musmos na sinag ng araw mula sa malayo habang runway naman ang baybayin.
Naisip ko bigla si Kiel. Still... Kiel is more well-built, while Fern is just sufficiently toned and chiseled.
Sa tingin ko, mas mindful kasi si Kiel sa katawan.
Binati lang nila ako at hinila na ni Ingrid si Fern. Naiwan akong nanonood sa kanila at sa ilang guests. Nakailang tawag na si Keno. Pero mas gusto ko talagang tumulala lang dito.
Ilang sandali lang, biglang umahon si Ingrid. Nakahalukipkip ito at hindi maganda ang timpla ng mukha. Umahon si Fern kasunod nito kaso tumigil siya malapit sa akin habang dumiretso sa resort ang girlfriend.
I heard Fern's release of a deep breath. Kuryoso namang umahon din ang dalawa at lumapit.
"What happened?" untag ni Caelan.
"L.Q.?" si Keno naman.
Napaupo rin si Fern malapit lang sa akin. Kumapit agad sa basa niyang board shorts at mga binti ang buhangin.
"She wants the wedding in two months or next month. Ayaw na raw niya ng long engagement tulad ng plano..."
Natahimik kaming tatlo.
"E, hindi pa nga kaya ng pera ko. Sabi niya, kahit sagutin niya na lang lahat. S'yempre, ayoko naman ng gano'n."
Katahimikan ulit ang nasa trono. Nakatingin lang ako. Para kasing wala ako sa lugar na magbigay ng saloobin. At hindi rin naman ako sigurado sa opinyon ko.
Binasag ni Keno ang katahimikan sa pagklaro ng lalamunan. "Hm. Alam naman siguro natin bakit biglang gan'yan si Ingrid. O ako lang ba?"
I straightened my back when their eyes diverted to me, beside Fern's. Nakatanaw lang siya sa dalampasigan. But I had an inkling that he knew what our friends meant.
"Tingin ko rin..." Caelan seconded.
Napalunok naman ako. I totally get them, too. She's sensing me as a threat? I beg to disagree. Parang hindi naman...
"Then maybe I should distance? I should leave?" sabi ko.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paanong ipinagpalit ni Fern ang dalampasigan sa akin nang bigla siyang bumaling. Pero hindi naman siya nagsalita.
"H'wag! Erisette naman! Kababalik lang, aalis ulit?!"
"Kaibigan ka namin, ni Fern. Matatanggap din ni Rikit 'yan. Give her time."
Naninimbang ko silang tinitigan. Eventually, I eyed Fern who just silently watched us.
"Thoughts from the groom?"
Nakatingin lang si Fern noong una. Hanggang sa ngumiti siya nang maliit, kumibit balikat, at tumayo na.
"Teka. Sundan ko lang."
Iniwan niya nga kami para suyuin ang girlfriend. Iyong dalawa, kinulit ako na lumusong na rin.
Giving in, I removed my summer dress, exposing my beige bandeau bikini. I stepped into the seawater while they were dragging me.
Sa gitna ng kulitan namin, napansin kong naaapakan ng naghahabulan na mga bata sa shore ang dress ko. Nakanguso akong umahon upang isalba ang damit.
I was looking around for a spot to keep it in the mean time when I saw Fern marching back toward us. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa katawan ko.
"Okay na?" napatanong ako.
He looked in my eyes and shook his head with a problematic exhale. Umupo ulit siya sa buhangin. I looked down at him then I sat over my dress.
"Sorry..."
"Para sa'n na naman?"
"Baka tama sina Caelan. Not that it's necessarily true but maybe it's true?" I frowned. Ayoko lang kasi magmukhang iniisip ko na threat nga ako kay Ingrid! "Baka tama rin ako na lumayo... o umalis na lang ulit."
"Aalis ka? Ulit?"
"If I should."
He indirectly declined the best friend ideation between us. Why am I still here? I'm still trying. Katulad niya noon na gagawin muna lahat at hindi basta-bastang susuko sa akin.
Pero kasi kung ito na ang tawag ng sitwasyon...
"Bakit, ako lang ba inuwian mo rito?"
Nalulon ko yata bigla ang dila ko sa tanong. Napaiwas ako ng tingin. I saw through the corner of my eyes that he just looked at our friends busy with their swimming lesson, too.
"H-Hindi naman... I mean..." Hindi ako makahanap ng salita. "Pero... uhh... Kung kailangan kong lumayo, maiintindihan ko."
"Pero ako, 'di ko maiintindihan."
I snapped my head to him but his eyes remained fixed in front. Nakatupi ang mga tuhod niya at nasa ibabaw noon ang nakatuping mga braso.
Nagpakawala siya ng hangin. "Parte ka ng buhay ko. 'Di ko itatanggi 'yan. Even if you left and was gone for so long. Parte ka pa rin."
Itinikom ko lang ang bibig ko. Bumubugso na naman ang emosyon sa loob-loob ko.
"Naniniwala ako kay Caelan. She just need time to accept you. She have to. Kasi ikaw nga..." he trailed off. "Ikaw nga, natanggap mo na siya... 'di ba?"
"Of course. Oo naman," I said truthfully.
"Kaya sana matanggap niya rin na... hindi ko kaya nang wala ka."
Namilog ang mga mata ko. Tama pa ba ang mga naririnig ko?
Sa ganoon pa ring puwesto, napayuko siya. Nakatingin lang sa buhangin nang mahinang nagsalita. "Hindi ko pala kaya, Eri. Limang taon... Tama na 'yon. Ayoko na nang wala ka."
"Fern, what do you mean?" lito kong isinatinig.
Nahigit ko ang hininga ko nang tingnan niya na ako sa mga mata. His deep set eyes were even deeper this moment. They appeared a little glassy for his emotions, too.
"Ask me again."
"A-Ask you what?"
"'Yung tanong mo no'ng batch reunion."
A bile instantly emerged in my throat. Alam ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ako nakapagsalita agad. Ninakaw saglit ng emosyon ang boses ko.
"You don't remember?"
"Of course, I remember! Am..." I swallowed. "A-Am I still your best friend, Fern Velicaria?"
His intent stare lingered for a bit before he sighed and answered, "You were... You are... You have always been, Erisette Veraño."
Uminit ang paligid ng mga mata ko. Hindi na ako makapagsalita. That's the goal, right? Iyan na lang naman ang hinangad ko.
"Bumalik ka sa buhay ko ngayon. H'wag ka nang aalis ulit."
Hindi niya na kailangan ipaliwanag. Naiintindihan ko ang hangad niyang mangyari ngayon. Ang matanggap ni Ingrid na habang parte ito ng buhay niya, parte rin ako. Magkaiba lang kami ng puwesto.
Marion interrupted our moment in front of the sea. Kararating niya lang at dinumog siya nina Keno at Caelan kahit basa sila! Panay reklamo tuloy siya at amba ng sapak!
Inanyayahan niya kaming magtanghalian. None of us disapproved of food so we all obliged.
Pagkatapos ay nagpahinga lang kami sa mga kuwarto. Marion's suite is distant. He insisted we should gather in ours instead. Until we all decided to go back at the shore and chill.
Hindi pa rin yata okay si Fern at Ingrid kasi hindi ko na nakita ang huli. It seemed that she locked herself in their suite.
May bitbit na gitara si Marion na inabot kay Fern. My chest constricted at the sight. I missed it... Fern holding that instrument he's incredibly good at... matching his incomparable voice.
Hinila na agad paupo ng mga lalaki si Fern at pinapuwesto kasama ang gitara. Fern chuckled and thought of a song aloud. Nagbato ng mga kanta sina Marion.
Nakatitig lang ako sa kamay niya nang unti-unti nitong abutin ang mga kuwerdas. I longed for the black wristband he used to wear because it's the silver watch he has now.
Matiyaga akong naghintay na mabasbasan muli ang mga tainga pagkatapos ng ilang taon. Kasinghalata ng mga ugat niya sa braso ang pagkasabik na nararamdaman ko.
"Para kang asukal... 'Singtamis mong magmahal... Para kang pintura... Buhay ko, ikaw ang nagpinta..."
Hilera ang pagkakaupo namin sa buhangin. Fern and I were side by side in the middle of our three companions. In front of us was the horizon of the setting sun in the far west.
The artist that He is, always admirable indeed.
"Para kang unan... Pinapainit mo ang aking tiyan... Para kang kumot... Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot..."
Fern's singing voice... Nagbago. Siyempre. Tulad ng lahat.
Bakas ang kabataan dati, ngayon ay angkop din sa edad niya. Magaling pa rin kahit may mga tsansang papiyok siya. Mukhang hindi na niya nahasa ang talento kaso natural pa rin talaga ito sa kanya.
"Kaya't 'wag magtataka... Kung bakit ayaw kitang mawala..."
I remember what he told me earlier. Tumatak yata na kahit isang beses niya lang sinabi, kabisado ko.
"Kung hindi man tayo hanggang dulo... 'Wag mong kalimutan... Nandito lang ako, laging umaalalay... Hindi ako lalayo..."
He's a part of me, too. But perhaps, not necessarily in a romantic kind.
"Iba naman, 'tol, high school pa tayo niyan! 'Yung uso ngayon... Zack Tabudlo! O 'yung sa Nobita?" buwelta ni Keno noong kinakapa ni Fern ang sunod na chord tila hindi na rin talaga kabisado.
Fern chuckled. "Wala akong alam d'yan," he said as he tried to manipulate the guitar's tuners.
But they didn't surrender and bugged Fern with songs nowadays.
My amazement reached the great beyond when they just showed him the chord from the internet, made him listen once or twice, and he got it!
Natural na halimaw sa gitara, ani Marion! Idol talaga, ani Caelan!
Kaya nang napagbigyan na ni Fern, natuon sila sa paglalaro ng buhangin sa pangunguna ni Keno.
I stayed beside Fern who kept strumming the strings but not singing. I couldn't identify the song through his instrumental and in the end, I stopped trying. Especially when he talked.
"I know I haven't formally invited you..." he said breathily, eyes were in front of us. "But now that we already talked. P'wede ka bang dumalo sa kasal ko? Gusto kong... nandun ka."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro