Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31 #jttwbs

"Ladies and gentlemen, DLC Airline welcomes you to Manila as we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. The local time is 10:46 AM..."

The butterflies in my stomach almost had my tongue tied. Pero tinatagan ko ang sarili at hindi ipinahalata sa boses. Passenger address is really one of my favorites.

"For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate. Captain De la Corda will then turn off the 'Fasten Seat Belt' sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments since your items may have shifted during flight. Thank you."

Magana kong inulit ang announcement sa Filipino language.

Sa ngiti ng senior crew namin pagkatapos ko, halos lumutang na ako sa tuwa. I remember when I was still a rookie, and now... I'm definitely no longer like that.

"Fluent. Eloquent."

I smiled giddily. "Thank you."

Saglit kong inayos ang scarf na nasa leeg ko at pinlantsa ng palad ang skirt. I ambled back into the cabin with poise that we were trained to carry on board.

Pinatawag lang talaga ako at pinagsalita kasi huling flight ko na as Manila airport based. I accepted the quick task with no second thoughts. Paborito ko nga rin kasi!

I really think the reason why it's a favorite is because of what it does to me. Kapag naririnig ko iyong sariling boses ko, nakapaninindig balahibo noong una. Parang dati, hindi ko kayang magsalita nang ganoon. Buo at may tiwala sa sarili.

I stood there and ensured to exude an approachable aura for when anyone needed assistance. Lalo na nang nagsitayo na ang flight passengers upang kumuha ng gamit sa compartments at napuno ang aisle.

Nginitian ko iyong isang mukhang teenager na malapit sa akin at nakamasid. She curiously surveyed my entire fit with burning consideration in her round eyes. Bigla rin siyang kumapit sa katabing ginang.

"Mama. Parang gusto ko na lang talaga maging stewardess. 'Yun na lang talaga ang kukunin ko sa college," aniya na narinig ko.

"Tumigil ka nga. Serbidora nga lang sabi 'yan sila sa eroplano. Mamili ka ng iba."

My sweet smile remained intact. Pero sa loob-loob ko, napasimangot na ako.

It really irks me whenever I hear that sentiment. Hindi ko na rin kasi talaga mabilang kung ilang beses ko nang narinig at nakakasawa na. Iyan na lang lagi ang tingin ng iba sa pangarap ko... o namin ng mga katulad ko.

Inaral namin paano maayos na ihatid ang mga pasahero sa destinasyon nila at ang emergency procedures kung may mangyari man sa himpapawid tapos ila-'lang' lang ng ibang tao na wala namang ambag sa buhay namin ang pangarap namin? Nakakalungkot.

Pero tapos na rin naman talaga akong panghinaan ng loob sa mga ganoon. The mouths where that sentiment comes out are not at all important. Nothing matters but my own perceptions about my dream. I have long realized.

Napagtanto ko... at isinabuhay na rin.

Umayos rin ako nang nawala na sa paningin ko ang ginang. Shortly after, the passengers gingerly deplaned the aircraft and we, cabin crews, ensured their safety as they did.

"Uy. Ganda ng address mo kanina."

"Oo nga, Erisette! I really love your diction!"

"Para ring 'di default o from a script kasi ramdam 'yung connection at genuine care sa passengers."

Naubos na ang flight passengers nang dumugin ako ng mga kasama ko. Napatawa naman ako sa mga comments nila. Grabe naman sila, ang overwhelming!

"Thanks, you guys," I said with a contented grin.

Pagkapasok namin ng team sa NAIA, nag-asikaso lang saglit at dumiretso na ako sa waiting room kung saan alam kong nandoon ang kaibigan ko.

"Wow naman, ang fresh pa rin talaga," si June na naabutan kong tutok sa cellphone. Standby kasi siya ngayon kaya narito lang siya at nag-aabang ng kinulang na team.

I snatched another chair and brought it beside her. Umupo ako at agad kumalat ang ginhawa sa mga ugat ko. Buti nga huli na rin sa schedule ko ngayon iyong flight kanina.

"Of course. Kailangan."

I reached for my calves and massaged them. Hindi ko napigilan ang tumakas na ungol sa naramdaman sa binti. Mahirap din talaga ang tumayo at pumostura sa ere kahit hindi naman ako de-takong na mataas.

Humagikhik si June. "Sabay tayo lunch. Malapit na ako mag-out."

"Buti walang flight?"

"Oo nga, e. Sa'n tayo lunch?"

"Let's just go home and order. Medyo antok ako," nangunguso kong sinabi.

"Hmm. Okay."

Katulad ng usapan, diretso uwi nga kami ni June sa Makati.

No one was in the house when we arrived. It's only June's mother, Tita Julie, who we expected to be there, though. Sigurado naman kaming kakitaan na naman nito ang mga kliyente.

Nag-order na si June habang nasa biyahe kami kaya saglit lang kaming naghintay na dumating ang rider. It was a relief because I was really feeling famished as she was too.

Iniligpit ko ang mga nakakalat na makeup sa dining table. Si Tita Julie talaga! Saka ko lang inilatag iyong orders ni June na ako ang tumanggap sa labas. Sinitsitan ko rin siya na abala sa cellphone.

She blindly claimed a chair because her eyes were on her screen. Nakakagat naman na ako sa garlic bread mula sa classic meal ko. Ganoon din kay June na iba lang ang variation.

"Uy, Eri. Game na ulit."

I looked up at her from twirling my fork to petticoat it with the pasta noodles. Ibinaba niya na pala ang cellphone at ganado na nag-abang sa pagbukas ng bibig ko.

"Bilis na!" she demanded, starting with her meal as well. "Bagal naman mag-start nito!"

Then it snapped, what she meant. Tumawa ako at nagtaas ng isang kilay. "Sino ka naman diyan to demand?"

"Tsk!" She showed me an eye-roll. "Hindi ako si Camara Centenario na hanggang ngayon, hindi mo alam kung buhay pa ba o ano! Pero! Ako si June Althea Miguel, ang acting-BFF!"

Aliw naman akong napailing sa palagi niyang ibinabato sa akin. Siya raw ang substitute muna ng dati kong kaibigan. Sa ngalan ni Camara, dapat niya raw malaman lahat.

"So I deserve to know everything! And you are obligated to fill me in!" katuwiran niya, idiniin talaga ang mga salita. "Oo! Obligated!"

"Oo na. Where did I stop the last time?"

Nito ko lang sinimulan ibahagi sa kanya ang kuwento ng nakaraan ko. It was a series of story time and not the one sitting kind. Sa dami ba naman ng nangyari at may trabaho rin kami kaya hindi libre lagi.

Now, I have to continue the story for this demanding lone listener I have here. Ginawa akong audiobook! Minsan nga gusto niya ng may tono at emosyon talaga ako magkuwento.

Ang demanding! Pero wala naman talaga 'yon sa 'kin.

"'Yung dumating siya at kasama mo si Zarkiel. So ano na nga, what happened after he dragged you out of your school canteen five years ago?"

Ah, oo, 'yon...

Natulala ako saglit sa pagkain ko. Slowly and excruciatingly, I was assaulted by the already familiar hollow feeling every time I take a trip down the memory lane.

Hindi nagparamdam si Fern pagkatapos. Ako rin. Lumipas ang isang buong araw na wala rin ulit nagparamdam sa aming dalawa.

Then I woke up, slapped by the next day. The impactful slap left a mark that crept all over me, outside and then inside that it penetrated my skin. Kaya bumangon ako, buong araw inipon ang lakas at binuo ang sarili. I'll talk to him.

Hindi ako nakapaghintay na matapos ang klase ko. Noong natapos, lumabas agad ako ng school gates at sumakay papunta kina Fern. Malapit na ako nang nag-text sa kanya.

Me:
Nasa inyo ka pa o nakabalik ka na ba sa barko?

I almost acquired nail clippings with the use of my teeth as I waited for his reply. Paano kung wala na siya ulit? Gusto kong makipag-usap ng personal at hindi sa tawag lang.

I suddenly felt frustrated of myself. I had all the time and chances to do that, but I really didn't have enough energy the past days.

Fern:
Nandito pa.

Nabuhayan agad ako ng loob sa sagot niya at sa bilis niya ring sumagot. I didn't dwell much on the fact that his response was icy it nearly made me shiver and had my teeth gnashing.

Naglalakad pa lang ako palapit sa bahay nila nang nag-text ulit ako.

Me:
Nasa labas nyo ako. Can we talk?

Fern:
May ginagawa ako.

Para tuloy akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Of course, he's still upset, and he has every right to be.

Pero sumiklab na talaga ang determinasyon ko na magkausap kami. Malapit na akong ipatapon ni Mommy sa lugar na kahit kailan ay hindi ko napuntahan. I'm scared of what that place has in store for me. Or my fate, in general.

I need him to know. Isa pa, nagseselos siya sa lalaking sasamahan ko. I have to tell him there's nothing to worry about. Kailangan ko lang sandali ng tulong ni Kiel.

Me:
Please?

Tutok ako sa oras sa cellphone ko kaya alam kong five minutes na ang lumipas at hindi siya nag-reply. Pero matiyaga akong naghintay habang nakatayo sa tapat ng gate nila.

Nagpasya na akong umupo sa malinis naman na gutter sa tapat nila. Hindi lang natuloy nang biglang umirit ang gate. I released a deep breath at the sight of him that emerged.

Napangiti naman ako. I was preparing myself to wait for half an hour or an hour even, but then here he was already...

He looked indifferent and even if it pinched my heart a bit, I accepted it. It's my own doing anyway, right? Sinandal niya ang baywang sa gate frame at walang imik na naghintay ng sasabihin ko.

"Sasama ako kay Kiel sa Manila..." I started, carefully assessing his reaction to know how should I continue.

Kumunot nga ang noo nito at medyo napaahon pa sa pagkakasandal. His jaw line instantly tightened. He's alerted and displeased to the core.

Kaya itinuloy ko na agad. "Sasama ako kay Kiel—"

"At makikipag-break ka sa'kin ngayon?"

There was something with his face, his voice, and his implication that erased all of what I was about to tell him. Naramdaman kong mayroon pa. Mayroon pang kung ano... na nagpaharurot sa tibok ng puso ko.

Hindi siya nagsalita agad. He just stared at me and this time around, he was no longer indifferent. He became unreadable, rendering me speechless.

May masakit at malamig na kuryenteng dumanak sa loob ko nang unti-unti... nabasa ko na siya. Kasi ipinakita niya na ang lahat. He wrecked the wall he masked himself and then I discerned what he was.

Exhausted. Pained. And even beyond those.

"Mahal na mahal kita..." he rasped, voice and face were filled with emotion, and with eyes starting to gloss.

My eyebrows fused as worry washed over me. "A-And I love you, too..."

Pero mas lalo lang kumislap ang mga luha na namuo na sa mga mata niya. Mga matang paborito ko na tumititig sa akin.

Napalunok ako. Bakit ganito? Parang hirap na hirap siya? Napalunok ulit ako. Sumobra na ba ako nang lubusan?

"Kaso..." hinang-hina niyang sambit. "Tao rin ako..."

Napahakbang ako palapit habang umiiling. "No..."

His tears from both eyes straightly dropped. Magkasalubong ang mga kilay niya habang lumalandas ang mga ito diretso hanggang sa kanyang panga.

My lips pulled apart, stunned at the sight of him. Nanigas na ang panga ko sa kaba. Iniling ko na lang nang ilang beses ang ulo ko.

"No. Don't say it."

Ipinikit ko ang mga mata. Mahapdi at mainit na ang paligid ng mga ito. No... He's not saying it. Please. Alam ko naman na... Ayoko lang marinig. Lalo kung mula sa bibig ni Fern.

"A-Ang... hirap mong m-mahalin, Erisette."

Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagsugod ko sa kanya. Agresibo kong tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko. "Shh!!! Stop talking!"

Hindi niya tinanggal ang pagkakatakip ko. Hindi napigilang hikbi ang narinig ko mula sa kanya. Mahihinang hikbi niya na naging sunod-sunod.

Napayuko ako habang nakapikit. But even if my eyes were closed, my tears were resolute enough to find a way out. Nabasa na rin ng mga luha ni Fern ang palad kong nasa bibig niya at nakaharang.

A moment passed without him talking, so I weakly removed my hand. Pinalibot ko sa baywang niya ang mga braso ko at sinandal ang pisngi sa dibdib niya. Naging isa ang panginginig naming dalawa habang umiiyak.

I was trying to calm myself when he talked again, which I wish he didn't.

"P-Parang ayoko na lang mahalin ka..." mahinang dagdag niya. But it was loud enough to my ears, even echoing multiple times inside my head right after he was done.

Parang tumigil ang mundo ko. I couldn't find the proper words to say like they were buried deep and I didn't even had any kind of shovel for digging.

Kumalas na lang ako sa kanya habang dahan-dahang umiiling, hindi matanggap ang narinig. Nakatitig lang ang lumuluha kong mga mata sa dibdib niya hanggang sa tumalikod ako. At walang balak lumingon, tumakbo na ako paalis.

Naubos na ang pila. Napagod na silang lahat.

Fern Conrad D. Velicaria... He was my last string. At tulad ng iba, narating niya na ang hangganan. Sumuko na rin siya sa'kin.

And I know it's true, what he said. Loving me is difficult. Kaya... saka na lang siguro kapag hindi na ako mahirap mahalin. Kaso lang, baka wala na siya no'n.

Napabuntong hininga ako.

"Three days before our third anniversary, he broke up with me. And that was it," I stated in conclusion to the story of us.

Napatawa ako nang makitang ipinunas ni June ang neckline ng suot na shirt sa mga mata. Pinahiran ko rin naman ang sulok ng mga mata ko. There were a scintilla of sad tears that managed to escape my eyes.

Masakit pa rin maalala. But I'm handling it better nowadays.

"Ano ba naman 'yan!" she exclaimed. "I mean, aware naman na ako na natapos kayo kaso hindi ko alam na today na ang ending! Hindi ako nakapag-ready! Bwisit ka, Iova Erisette Veraño!" She continued wiping her tears.

"Grabe ka. Dalang-dala ka, a?"

She huffed at me. "'Yun na talaga last?"

Tumango ako. "I went here in Manila. Nag-stay ako sa condo ni Kiel. Then the rest is history you already know about since dumating ka naman na rin."

June didn't reply in an instant as she was still drying the surrounding of her eyes completely. Suminghot pa siya bago dinampot na ulit ang kubyertos. I did the same.

"Tatapatin kita, a? Base sa kwento mo, it's true na mahirap kang mahalin," biglang sinabi nito. "Pero ginawa niya lahat ng kaya niya. Inilaban niya."

Maliit ang ngiti ko. "I know."

"'Yung ibang lalaki d'yan, three days mo lang 'di kausapin nang matino, malamang naghanap na ng ibang makakausap. I-break mo lang one time, mawawalan na ng gana sa'yo, e... Baka nasa kama na agad ng iba."

"I know."

"Pero ayun lang..." her voice dropped sadly, almost miserably. "Tao rin siya talaga."

And again, I said, "I know."

I know now. Truly, I know. I know where he came from. Kaya nga hindi ako naninisi kahit sobrang sakit. I cannot blame them for being a human like me.

Sabi nga ni Camara, hindi lang sa'kin umiikot ang mundo. Sabi ni Caelan, may damdamin din si Fern at hindi siya bato. Sabi ni Fern, tao rin siya. Tao rin sila. Tao kaming lahat.

"Pero ang sakit ng mga nasabi niya. Siguro ganun na talaga kasakit sa kanya. Tapos parang may problema pa siya nung time na 'yun, 'no? 'Yung 'di mo nalaman."

Pinigilan kong maalala ang itsura ni Fern nang araw na iyon at mga araw pa bago iyon. Just by looking at him, you would already know. Masyado lang akong nakatuon sa sarili ko na hindi ko na napansin ang bigat ng sakit na ipinapasan ko sa kanya.

"Pero... sure ka na ba talagang magpapa-reassign ka dun? Grabe! Babalik ka na talaga after five long years?"

I continued eating my meal. Before, I would feel troubled if asked about that. But now, I have the list of what I'm going to do. And I will do them.

"Oo. I can't consider it a no-zone forever. It's my hometown after all."

"Tsk. Hometown," she mocked the word I used, full of sarcasm.

"Ang bahay namin ang hindi home, June. Pero ang lugar na 'yon, I consider it my hometown. Mamala, Camara, my other friends, and Fern... they're enough reason to consider it so."

She just shrugged her shoulders, giving in. "Pero sa reunion, talagang pupunta ka rin?"

"Oo naman."

"Ba't ba hindi kasama si Kiel?"

"Fourth year high school batch nga 'to. College ko na nakilala si Kiel, 'di ba?"

"Ah, right... Call mo lang ako kapag need mo ng friend. Wala rin kasi dun halos iba mong friends, 'di ba? Hadya Sierra is here. Camara is... nowhere to be found. Call mo 'ko."

I smiled, nodding. "Thank you, June."

"Ano ka ba!" she snapped dismissively. "Basta, ha?"

Mabilis ang panahon. Isang segundo, inuubos lang namin ni June ang tanghalian tapos biglang... nasa himpapawid na ako.

I peeked through the window beside me. Malapit na lumapag ang eroplano. I can't deny that I still feel the tension engulfing me, especially upon seeing the part of the island just below our aircraft.

But I told myself I'm composed. I reminded myself I am no longer that Erisette. I am this Erisette now. And this Erisette is ready to go back home.

Pagkatapos ng announcements ay sumunod na ako sa mabagal na hanay ng mga passengers palabas ng eroplano. Natanaw ko sa labasan ang nakangiting flight attendant na kakilala dahil naging kasama sa ilang flights.

"Welcome to Puerto Princesa City," she cordially told me, considering the fact that we're acquaintances.

Napayakap ako nang mahigpit sa carry-on baggage ko. Welcome back, she must've meant.

Ngumiti na lamang ako. "Thank you. See you again one of these days," I muttered before I deplaned my most favorite vehicle.

Sumabog agad sa kabilang panig ang buhok ko sa lakas ng hangin sa runway. Mabilis na akong naglakad palapit sa airport na narating ko na rin naman sa loob ng mga taon na lumipas.

May flights din naman kasi ako rito. Pero madalas kong ipinapasa kaya siguro hindi lalagpas sa daliri ng isang kamay ang mga pagkakataon na napadpad ako.

And during those times, I didn't appreciate it enough. Halos kagagawa lang nitong bagong airport noong umalis ako rito. Ngayon ko lang dinama nang maigi ang bawat hakbang ko sa loob, hindi tulad noong nakasuot ako ng uniform namin.

"Sa airline ka 'no?" si Manong, ang driver na nag-abang sa akin. Nakisuyo na rin kasi ako sa company service.

"Opo."

I hopped in the van immediately. I felt like floating as my eyes were flooded with the scenery of the side road. I still can't believe I'm back.

Napatingin ako sa cellphone ko na hawak ko dahil tinawagan si Manong kanina. Nangati akong buksan ito. And I wasn't able to resist it.

I opened it and I went to his Facebook account. In an instant, the recent post burrowed my chest like it did the first time I saw it... just last month. Ito rin kaya ulit-ulit sinisiguro ni June ang desisyon kong bumalik dito.

Tinitigan ko ang status na ang daming reactions at halata sa dami niyon na pabor ang lahat sa mangyayaring ito.

Ingrid Estancia got engaged to Fern Velicaria.

Napapikit ako at inalala ang itsura ni Fern. As I looked at him in my memory, I could almost hear their wedding bells. I puffed out a breath. Sabi ko na, e... Kapag ayos na 'ko, wala na siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro