Chapter 30
Chapter 30 #jttwbs
content warning : mention of rape and abortion
An unpleasant sensation surged in my chest together with the sinking of my heart for unknown reason. Hindi ko talaga alam ano ang isasagot doon.
"Velicaria, tawag daw tayo saglit!"
I panicked hearing that another voice for that would mean ending the line. Ayoko pa. Pero wala na akong nagawa kasi pinutol na nga ni Fern ang linya nang hindi man lang nagpaalam.
My eyes drifted to Caelan who was keenly watching me. Nanatiling nakadikit sa tapat ng tainga ko ang cellphone nang nakipagtitigan. He knowingly returned my stare and it ignited troubled feelings in me.
"Kami pa, Caelan," I said in the weakest shade of conviction. "Kami pa," ulit ko, mas tinapangan ang boses.
Matipid lang siyang ngumiti. "An' sabi niya ba?"
Napalunok ako at saka lang inabot sa kanya ang cellphone. "H'wag daw ngayon at pagod siya."
He inhaled slowly. "May nasabi yata si Tito Luigi sa kanya kaya problemado rin. Sana maintindihan mo."
Napakunot ang noo ko.
The last time that Fern and Mr. Estancia were together... it was before he left and they were in good terms. So, this conflict must've happened during the days that I didn't actively talk to him?
Kaya hindi ko alam ang tungkol doon?
"Saka..." Caelan drew my attention again. "May damdamin din 'yung tropa natin, Eri." Malungkot siyang ngumiti. "Hindi siya bato. Nasasaktan din. May damdamin siya... tulad ko, tulad mo. Sana hindi mo nakakalimutan 'yon."
"A... Alam ko naman," I answered breathlessly.
He just gave me a single nod. "Uuwi ka na? Hatid na kita. Malalagot ako kay Fern kung hindi..." Mahina siyang natawa.
"Hindi na."
"I insist. Anong oras na rin. Kukuha lang ako ng jacket—"
"I'm serious, Caelan. H'wag na. I went here alone, so I can go home alone. Kung magalit siya sa 'yo, sabihin mo na ako ang nagpumilit," tuloy-tuloy kong sinabi na halos hingalin ako.
My heart dropped in the abysmal anxiety for a reason I was yet to figure out. Parang ang daming tumakbo bigla sa isipan ko at sa dami nila, hindi ko na matukoy kahit isa lang sa lahat.
Caelan's lips remained ajar, stunned by my eagerness to go home solo. Our eyes locked for a jiffy before I turned around and exited their yard, closing the rusty gate behind me.
Kung gaano kabilis ang paglabas ko, ganoon naman bumagal ang lakad ko sa eskinita nila. Pinili kong sa kabilang dulo lumabas upang madaanan saglit ang bahay nina Fern.
Napahinto nga lang ako at napaangat ng tingin nang makarinig ng masayang usapan. I recognized Ingrid reclining against the contemporary glass railing of their capacious terrace.
And the one she was happily spending this late night with... Ang Mommy ko.
Maayos naman akong nakauwi ng gabing iyon. Pero iyong estado ng isipan ko, ginugulo naman ngayon ng totoong relasyon ni Mommy at Ingrid.
I realized, I've been thinking too much all my life. I realized, minsan mas maigi rin na hindi gumagana ang utak lalo kung ganito naman.
Rest if I must, I realized. Pero minsan kasi... ang mga napagtatanto, mahirap din isabuhay talaga.
Dahil din sa bago kong iniisip, hindi ko napaglaanan ng oras ang tawagan muli si Fern mula noong nakitawag ako kay Caelan. He didn't reach out to me too. And two days had occurred since then.
But day three, he took the initiative and appeared on my notification.
Fern:
Hi. Miss ko na girlfriend ko.
Fern:
Miss niya rin kaya ko?
Fern:
Sorry na dun sa nung nakaraan o. Pagod lang talaga ko.
Malakas ang singhap ko ng hangin at napatitig lang sa screen. And just like that, the spotlight in my head focused on what I heard from their neighbors.
Hindi ba talaga kami bagay? Mas bagay ba talaga si Ingrid sa kaniya?
Napaigtad naman ako nang marinig ang pagbukas ng gate sa labas. Binuksan ko lang kasi ang sliding door sa balcony ko kaya narinig ko. Dumungaw ako at si Mommy na nga!
I've been waiting. I threw my cellphone on my bed and went out of my room. I fidgeted on my fingers while descending the stairs.
Nadiskubre ko na kay Fern na matagal nang wala ang ina ni Ingrid dahil sa isang aksidente. Kaya rin magkasama sila lagi tuwing November sa memorial park kasi naroon din pala ang mommy ng babae.
But I have to make sure. I have to do something for this ungovernable thoughts nagging me for a long while.
Mommy obviously didn't expect that I was still awake, more so that I welcomed her home. Dati, hapon lang ang uwi niya tapos biglang gumabi. It was thirty minutes past ten already.
Nakasabit sa tupi ng siko ang elegante niyang handbag nang dumiretso sa arko ng kusina. Tahimik naman akong bumuntot. Pinanood ko rin siyang magsahod ng cold water mula sa dispenser.
She finally noticed me. "What?" she asked, eyebrows were fused before she drank from the glass.
Huminga ako nang malalim. Magsasalita na sana ako kaso bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko. I couldn't deny that I was afraid of what I would find out.
Uminom na si Mommy ng tubig. "What do you need, Erisette?" she asked calmly then set the glass on the sink.
Hindi ako makapagsalita tila bumara na mismo sa lalamunan ko ang puso ko. Sumuko na si Mommy nang huminga lang ulit ako nang malalim.
Sinundan ko agad siya sa hagdanan. "M-Mommy."
"Ano nga?"
Nasa tuktok na kami ng hagdanan nang lingunin niya ako.
"Is Ingrid Estancia your daughter, too?"
She froze and I saw it. Maybe because I never mentioned Ingrid Estancia and now, I did. Is that the answer already? Her reaction?
Dumiretso ng lakad si Mommy at humabol naman ako.
"Mommy! Biologically! Half sister ko ba si Ingrid?!" dagdag ko, mas tumapang.
Hindi nagpatinag si Mommy. She continued walking and unresponsive to me which only watered my desperation and it grew more.
"Mommy!"
I turned frantic when I saw her reaching for their bedroom's knob. She might slide inside, lock the door, and leave me thirsty for the truth. Kumapit ako sa kaniya nang mahigpit. Shit.
"Mommy! Saguti—"
"I WISH!" her voice thundered that I almost stepped back.
Nanghina ako at napabitiw sa braso ni Mommy. Hindi rin ako nakasagot. She... what? She wish? Hindi niya talaga anak si Ingrid? Tita Emma's best friend was truly Ingrid's mother, then?
"I wish! You hear me, Erisette?! Sana nga siya na lang ang anak ko!"
Tuluyan akong napaatras nang makitang namugto na ang mga mata ni Mommy. Her chest was heaving and her face was filled with strong emotions that astounded my thirsty soul.
Pero ang sinabi niya, alam ko naman na iyon. Dahil hindi rin naman siya nagkulang na iparamdam sa akin iyon ng ilang taon. But again, really... it still stung differently if actually heard by your own ears.
Humikbi si Mommy na ikinagulat ko. Bumagsak sa sahig ang bag niya, sumunod rin siya at ang mga luha niya roon. She sprawled on the floor with her back against their bedroom door.
Ganiyan ba talaga niya kagusto na sana si Ingrid na lang at hindi ako?
"M-Mommy..." Please, stop hurting me. Hindi ko na po kasi alam kung hanggang kailan ko kakayanin.
She held her temple in each of her hands as she focused on the floor, weeping. "Twenty years... Palayain mo naman na 'ko sa alaala ng gabing 'yon..." aniya sa gitna ng mga hagulgol.
My heartbeat reduced in speed. Parang bigla akong nanghina sa imahe na ipinakita ngayon ni Mommy. This was the least I expected!
"Pati 'yang mga tigyawat mo, kilay mo, tindig mo, nakuha mo sa kanya..." She sobbed harder. "Binaboy niya 'ko, e... Binaboy niya 'ko..."
Tumigil ang mundo ko.
"I tried, you know. I named you nicely—after Ian and my name, t-tapos sabi ko magsisimula ulit ako kasama ka. K-Kaso... nahirapan ako."
I was numbed that I couldn't feel my joints. Plakda rin ako sa sahig katapat ni Mommy. Nanlamig ang mga kamay ko.
"S-Si... Si Daddy?"
Mariing umiling si Mommy, halos tumalsik ang luha niya sa mga pisngi. "Hindi niya magagawa 'yon. Ian loved me enough to marry a dirty girl, father you, and save us from a scandal by keeping the truth about you and me."
Nanlabo ang paningin ko ngunit wala na akong lakas upang ayusin ang estado nito. Hindi naman tulad nito, malinaw ang pandinig ko at ang mga nalaman ko.
"Pero tingnan mo nasaan si Ian? Kailan mo siya huling nakita na namalagi nang matagal dito, Erisette? It's because he's tired of this make-believe family... and I am, too."
Tired. Iyan ulit. Why is everybody getting tired of me?
"I found true family with Luigi and Ingrid. Pero nand'yan ka kasi... I can't just leave you behind. Anak kita. But I hate the memory you always remind me. B-Bakit... B-Bakit hindi ka na lang mawala, h-ha?"
Bumuhos ang mga luha ko na kanina pa namuo. Pero hindi ako suminghot, humikbi, o kahit ngumiwi. Tahimik lang silang sunod-sunod na tumulo.
Hindi katulad ni Mommy na panay ang hikbi at hagulgol. Para bang ngayon niya na lang ulit pinayagaan ang sarili na mag-breakdown nang ganito.
"Edi dapat, Mommy, pina-abort mo na lang ako," nanghihina kong saad.
Nagulat siya sa sinabi ko. Pero ngumiti lang ako nang maliit kaya dumaplis ang mga luha sa sulok ng mga labi ko.
People can be so much hopeless to the point of saying that, like me. Did I mean it? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang... ang sakit, sakit. Hindi na lang sa isipan iyong kirot, dahil literal ko na rin itong nadadama aking dibdib.
"I'm begging you, Erisette. Please, be gone," pakiusap ni Mommy, hindi sinagot ang sinabi ko. "Tama na ang twenty years..."
Hinintay kong maubos ang mga luha ko. But it was next to impossible because they were nonstop like a running water from a faucet. I didn't wait longer and sniffed then tried wiping them off my cheeks.
"Okay, Mommy." Pilit kong binuo ang wasak kong boses. Ang boses kong napakikinggan nga nila ngunit hindi naman napahalagahan. Kaya bakit pa ba boboses kung wala naman itong silbi?
Nagulat ulit siya sa sagot ko. But I saw through that and recognized the relief it bestowed her.
"Pero saan po ako pwede pumunta? Kina Lola muna ako?"
She shook her head too quickly. "No. I want you out of the picture kaya h'wag ka ring tutuloy sa pamilya ko. Gusto kong... sa malayo ka. 'Yung parang... wala ka."
I didn't think she wanted it up to that point. Pero hindi na ako umapila at hinayaang dumoble ang sakit habang maintindihing tumango.
"Susustentuhan kita hangga't hindi mo pa kayang mag-isa, 'wag kang mag-alala. Basta... malayo ka sa'kin. Leave, Erisette... I will— I will book your flight!"
"Okay, Mommy," aniko, tila puppet na lang. Sunod sa agos, at wala nang maramdaman.
Pero iyon ang akala ko. Kasi pagkatayo namin ni Mommy sa sahig at pagdiretso ko sa kuwarto ko, kumawala na ang mga hikbi ko. But I only swallowed them all.
It's not my fault. I wasn't the devil who did it to Mommy, but I faced the consequences. Is that really how the world works? The innocent suffers.
Gumising ako nang hindi na sigurado ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko.
I still attended school even with the fact that I would eventually leave. I'd rather be surrounded by the walls of our classroom than our house.
House, never home.
Parang saka ko lang napagtanto kinagabihan no'n na pinalayas ako ni Mommy at pumayag ako! She wants me gone and far away! I couldn't entirely believe it but I also knew I couldn't do something!
Nakiusap ako kay Mommy na manatili kahit isang buwan lang para ihanda ang sarili ko. She conceded, thankfully. Nadurog niya kasi ako. Mabuo ko manlang muna sana kahit maliit na parte bago ko harapin ulit ang lahat... nang mag-isa.
Iyon nga lang, hindi niya na ako inuwian sa bahay habang nandoon pa ako.
"Uy, Erisette amoy-baby. Are you really okay?"
Napasimangot na ako sa pangungulit ni Kiel. Hindi ko alam pero sa akin na siya lagi nakadikit. Hindi ko naman siya kinakausap kasi wala akong gana magsalita.
Tumango na lamang ako.
He fired me another corny joke in order to make me laugh but he failed. Sucking a deep breath, he harshly leaned on the backrest of his seat.
"Can you leave me alone." Iyan lang ang sinasabi ko kapag nagsasalita ako. I said that innumerable times, and he ignored innumerable times.
"I will, next week. Flight ko pa-Manila, e. Absent ako ilang days lang."
Napabaling ako sa kaniya. "Magma-Manila ka?"
Ikinabigla niya pa ang pagkausap ko. Halos isang buwan... at unang beses ito.
"Yeah. Uwi saglit high school friend kong American citizen na, e. Hangout kami ng squad."
That's where Mommy wish to send me. Naisip ko nga si Ashtine kaso malabo naman. At ayaw nga ni Mommy nang didikit pa ako sa pamilya niya... o namin.
"M-May alam ka bang matutuluyan dun?"
"May bahay kami dun. That's where I'll stay. Most prolly."
Pinaglaruan ko ang kubyertos ko. "Para sa'kin, I mean."
Natahimik si Kiel. Nabitin nga sa ere ang isusubo niya sana. "The hell you mean?"
"Pupunta rin akong Manila. Dun na muna ako. May mga apartments naman siguro—"
"I have a condo in Makati. Unoccupied kasi siyempre, nandito ako."
"Can I occupy it? Pagkarating ko? Aalis agad ako kapag nakahanap na 'ko," desperado kong sabi.
His dubious expression lingered. "Sure..."
I sighed. "Salamat."
"Hey, fully charged na cellphone mong nakakaawa." Inabot niya sa akin ang cellphone kong sinaksak niya kanina sa powerbank niya.
I couldn't remember when was the last time I used it but I would always bring it in case of emergency. Ilang araw na atang dead battery, e. Wala na nga akong energy makipag-usap sa tao, mag-charge pa.
"Bakit biglang sa Manila ka na? Hindi pa tapos ang school year, a. Saka hindi pa naman OJT? I really think you have a problem. Nag-break ba kayo ni Velicaria?"
I ignored his bombardment of questions. Narinig ko ang buntong hininga niya bago tumuloy na lang sa pagkain.
Natigilan ako nang mapansin ang tadtad na calls and texts ni Fern sa bumukas ko nang cellphone. It would take a long scroll to read his message thread which shocked me to the extremities.
Iyong recent na kahapon lang ang una kong nabasa.
Fern:
Sabi nina Visa, si Paredes madalas mong kasama. Alam mo namang okay lang sakin magkaron ka ng kaibigan diba? Matagal ko nang natanggap si Paredes.
Fern:
Pero iba kasi ngayon e. Parang ang labo natin. You don't even reply to me. Pwede bang lumayo ka muna dyan?
Fern:
Please. Di na talaga ko mapakali kakaisip dito.
Fern:
Selos na selos na ko, Eri.
Mabilis ko lang pinasadahan ang mga una niyang texts. Para siyang naging moody kasi may texts na cold siya, naiinis na, tapos nag-aalala at nagmamakaawa ng reply.
My lips quivered while I stared at his texts and tears instantly pooled in my eyes, then it hit me like a truck with malfunctioning brake... Hindi ko na maalala kailan ko siya huling kinausap. Ano 'tong ginagawa ko?
"What the fuck," natarantang sambit ni Kiel.
I released a sob and my tears burst out. This time, both was uncontrollable. Nanghina ako na hinayaan ko ang sarili na sumandal kay Kiel nang yakapin niya ako.
Other people in the canteen didn't bother me or they did, but I was too drained to care. Mukha rin namang may sariling mundo ang lahat.
"Shh... Shh..." alu ni Kiel habang hinahaplos ang likod ko.
I did a series of sniffs while my forehead was rested on the part where Kiel's neck and shoulders connected.
Truth is, ngayon ko lang naisip ang ginagawa ko kay Fern.
Sa nagdaang mga linggo kasi, pinilit ko ang sarili na huwag mag-isip ng kahit ano. Parati lang akong nakatulala at wala sa sarili. I completely shut them off which I never thought I could. Napagod na rin yata talaga ang isipan ko.
I succeeded, but I could still feel the various feelings clawing in my chest. They were there, haunting me. They made sure I was aware of their presence even though I banned them in my mind for a while.
Nagulat na lang kami ni Kiel nang biglang may humatak sa braso ko. I was separated from him and dragged towards the entryway of the canteen.
Nang nakilala ko ang likod ng humihila ay gulat na gulat ako. Si Fern! Ba't siya nandito? He should be onboard!
He brought me outside and only then when the coast was clear, he let go of my wrist.
Hinarap niya ako kasama ang halos manlisik na mga mata. "Ano, bakit sa yakap ng ibang lalaki ka umiiyak? Ako boyfriend mo, 'di ba?"
Naiintindihan ko ang lupit ng tono niya. He has the right to be upset. Pero hindi ko naman ginugusto... Hinang-hina lang kasi talaga ako para sa mundo.
Napayuko lang ako. I wanted to benevolently return his words. H'wag ngayon. Pagod ako.
"Higit isang buwan na hindi mo 'ko kinausap nang matino..." He sniffled. "Anniversary na ulit natin next week. Baka nakalimutan mo na din 'yun gaya ng pagkalimot mo sa'kin," sumbat nito sa mahinahong boses. Pero matigas ang panga.
I looked back in his eyes and conveyed a message that I didn't, I didn't forget. Ba't ganun? Kahit magsalita, hindi ko na ata kaya.
He breathed deeply to calm himself. "Erisette," masuyo niyang tawag, hinawakan ang mga kamay ko. "Para marinig kita, kailangan ko ng boses mo. Please naman, o. Kahit mas mahina pa sa bulong, 'di ba, sabi ko?"
I just stared at him, lifeless, like my soul was already squeezed out of me and there was nothing left.
Napabitiw siya sa mga kamay ko, napatayo nang tuwid, at napatingala. "Fuck, ba't gan'to... Pinagmumukha mo naman akong tanga, e..." he croaked, his voice terribly broke.
Napatingin ulit siya sa akin. Mamasa-masa na ang mga mata niya ngayon tila may nagbabadya na mga luha. Saka ko lang din napansin na nangingitim at halos lumubog na ang ilalim ng mga mata niya.
Para rin siyang namayat. Kaya ang depina niya na ngang panga, mas lalo pang nahulma.
He gave me another chance. He stared at me longer as he waited... and I failed him once again. Huminga na lang siya nang malalim.
"Tayo pa ba, Eri?" matapang niyang tinanong.
But the bravery quickly vanished maybe upon realizing what he asked. Nakita kong kumibot ang lalagukan niya nang lumunok animo kinabahan bigla.
Kinabahan din ako... Kaya sa puntong iyon, binuhos ko ang kaunting lakas para tumango. Iyon lang.
His face softened not because my response relaxed him, but because he was surrendering to what seemed like exhaustion, too.
He sniffled and weakly nodded his head once. "Sana nga..."
Pinanood ko ang likuran niyang lumayo. Kaagad may namuo sa mga mata ko at kalmadong bumuhos lahat ito. Hindi ako humikbi o ano. Bumuhos lang sila habang nakamasid ako kay Fern na hindi na lumingon.
"Fern..." I called, but even I didn't hear my voice.
It was just like a sound of a wind that blew from my throat. A sign of breath. Life. Hope. But none of those was clear in sight, as it was continued to be blurred by the tears more and more.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro