Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23 #jttwbs

"Ano 'yung... sinabi mo kay Mamala... nung Friday?"

Kabibili lang namin ni Fern ng bulaklak at kandila. Magkatabi kaming naglalakad habang sumisipsip sa sari-sariling plastik ng soft drinks. Pinanatili ko ang mga mata sa kapiligiran ng malawak na sementeryo. As expected for November 2, there were families under the tents gathered to visit their late loved ones.

Tumikhim si Fern na siyang naging gatilyo sa kaba ko. I had the whole yesterday to muster my guts to ask him that and I did... yet I was still here, almost sweating bullets.

"Sinabi ko na..." he trailed off reluctantly. "Nanliligaw ako sa'yo."

Hinarap ko siya habang naglalakad kami sa ilalim ng mahapding tirik na araw. Sino nga naman kasi ang nagsabi na tanghali kami bumisita? Hindi nga rin kami nakapagbitbit ng payong. 

He was eyeing me carefully as if he was measuring my reaction.

"Pa'no kung..." I cleared my throat when my voice almost broke. I fixed my eyes on the ground covered with bermuda grass. "Hindi ako pumayag no'n?"

Kita ko ang gulat niya sa sulok ng paningin ko. "So... Payag ka?" maingat at umaasa niyang tanong.

Ako naman ang nagulat! I wasn't thinking properly. I didn't know I could imply that. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin.

"Fern... nagtatanong lang ako. Hypothetically," I stressed in hopes to detour our conversation. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya nang hindi naiilang.

"Uh.. well..." I heard him sigh, seemingly disappointed. "Like what I've said that day, it's fine. Maiintindihan ko."

I nodded my head. "I just... It's... uhm... unbelievable," sinubukan kong umamin kung paano ko inensayo kagabi. "You get where I'm coming from?"

"How so?"

I exhaled in preparation to expound my point. "Uh... Kaibigan ka kasi ng lahat. Kahit mga babae. I see how you treat your girl friends, and you said before that I'm your girl friend... with a space, too. Pareho lang naman ang trato mo—"

"Sandali... Huh?"

"Nakadikit ka rin naman sa mga kaibigan mong babae tulad sa'kin. Binibisita mo rin sila sa school..."

"Kung wala ka, hindi ako babalik-balik sa school. Pakialam ko ba kina Visa para bisitahin ko pa sila lagi... Saka hindi ako dumidikit sa mga kaibigan kong babae nang tulad sa'yo."

My forehead creased. It's true that I haven't really seen him glue himself to other girls the way he is to me. Iyong iba naman ay nadadaanan niya lang sa hallways at hindi talagang sinadya na bisitahin sa school.

"Teka... Nagseselos ka ba?"

Huminto pa si Fern sa paglalakad at hinarap ako. Huminto rin ako at hinarap siya na nanlalaki ang mga mata. He scowled when he noticed that we were directly assaulted by the sun. He seized my wrist and sent us both under an unoccupied tent there was.

"What? Of course not!"

He narrowed his eyes at me as if he was suspecting me for a crime. "Bilang kaibigan, Eri. Nagseselos ka?"

"Hindi nga! B-Ba't naman?" nautal kong tanggi. But really, I was telling the truth! Hindi ko nga maintindihan kung bakit naisip ni Fern 'yon!

"Ikaw ang best friend ko. 'Wag kang mag-alala. Friends lang sila..."

"Talaga lang ha..." I replied and didn't understand why my tone sounded like a threat.

It made him chuckle. "Uhuh."

Bumuntong hininga ako nang mapagtanto na lumihis na naman ang topic namin. Tahimik ulit akong humugot ng lakas ng loob para imaneho iyon pabalik sa dapat na ruta.

As planned, Erisette!

"Pero... sino 'yung ka-text mo sa barber shop na ngumingiti ka? Nung kasama mo 'ko na nagpagupit ka?"

Natagalan bago siya makasagot. "Hindi ko maalala sino... Pero ikaw o sina Visa lang naman ang nakaka-text ko."

"Weh..." nagdududa kong tugon. "I bet may number mo ang lahat..."

He stared at me like he was stunned or simply couldn't believe what he was hearing from me. Shortly after, a ghost of smile touched his lips.

Tumikhim siya na sinundan ng tango bago nagpaliwanag.

"Ganun nga... Tadtad ng mga GM at PM na texts ang inbox ko, oo. May mga babae, oo. Pero 'di naman lahat nire-reply-an ko. Yes, I text with my girl friends sometimes..."

My attentiveness intensified.

"But if you were with me that time as you were saying, then I doubt I even thought of replying to a girl."

Malalim akong nag-isip.

Edi sino nga ang ka-text niya no'n na ngumingiti siya? He mentioned he just usually texted with me and the three guys. Sila ba? And maybe he was smiling because their topic that time was worth a laughter?

"Ang lalim ng iniisip mo," komento ni Fern. "Hindi ka ba naniniwala? Gusto mong makita ang inbox ko?"

Umiling ako. "Hindi na..."

His gaze remained fixed on me as if he was internally debating if he would insist his offer. Sinubo niya ang straw sa plastik niya ng soft drink habang tahimik na sinusuri ako.

"So... You don't like me friendly-texting with other girls?"

"Huh? Okay lang 'no!" maagap kong sinabi. Inangat ko ang hawak na plastic ng soft drink at nag-alangan sa sunod na sasabihin. "Basta... 'wag lang ano... landian... na usapan." Tuluyan akong sumipsip sa straw ko.

I witnessed how the dark colored liquid in his straw crashed back into the pool which meant he stopped sipping. In a slow motion manner, his perfect thin lips withdrew the straw.

Saglit na lumitaw ang dulo ng dila niya para basain ang ibaba niyang labi. There was a combo of disbelief, amusement, and delight swirling in his orbs.

"Hindi sa nakikipag-text pa ako... Pero alam ko naman na 'yun. Siyempre nanliligaw na nga ako sa'yo."

Ibinuntong hininga ko na lang ang kuryenteng dumaloy sa loob ko dulot ng narinig lalo at mula sa kaniya.

My aim was only to bring enlightenment to my mind about these things that kept on bothering me. Hindi ko alam kung bakit parang nagiging iba na ang dating kapag sumasagot si Fern. Iba ang punto niya sa punto ko.

Gusto ko lang malinawan kaso ang dating sa kaniya... nagseselos ako! Eh, hindi naman!

I withdrew the straw to ask again. "Kailan lang... nalaman nina Caelan?" Because the last time I checked, I didn't think they had any inkling that this would happen.

"Tapat ng bahay nina Visa 'yung may... tricycle. Nakita niya at binanggit sa dalawa. Kinulit nila ako kaya... sinabi ko na rin."

I bobbed my chin up and down as I absorbed the discoveries.

"Edi... hindi mo talaga niligawan 'yung ka-buddy mo sa school n'yo?"

"Lalaki ang ka-buddy ko."

My lips pulled apart. Nilusot ko na lang ulit ang straw doon at pinilit ang sarili na sumipsip ng soft drink.

"A-Alright, then. Saan na 'yung Mama mo dito? Tara na..."

Nagtagal pa ang titig niya sa akin na parang tinatantiya kung iyon lang ba talaga ang mga tanong ko. It was as if he was still ready to explain some more things instead of seeing it as a hassle on his part.

Sa huli ay may tinanaw rin siya hindi kalayuan sa amin. Pinagmasdan kong manliit ang mga mata niya na para bang hinahanap niya rin. He pointed to somewhere near after a jiffy and that was our cue to walk towards it.

"There..." Itinuro niya ulit ang tinutukoy habang nasa likod ko. "Kapag tama ako na si Mama nga 'yan... tayo na, ah?"

Umikot ako upang harapin siya kaso umabante na siya at nilagpasan ako. He neared first and I was left behind as I followed him. Parehas kaming tumigil at tiningnan ang kulay abong lapida sa gitna ng berde na damong bermuda.

"Pa'no ba 'yan... Si Mama nga." I could almost hear it when one corner of his lips lifted to a lopsided playful smile.

His eyes didn't meet mine as he slowly crouched to sit on his haunches, then he set down the flowers we bought close to the gravestone. Pinilit kong makihati sa bayad kasi sabi ko, bibisita rin naman ako.

"Siyempre alam mo kung nasaan ang mama mo. You sent her here on the burial and you visit her here," rason ko habang umuupo na rin sa tabi nito.

I heard him chuckle like he already expected to hear it.

I kept my unfazed expression as I made the candle stand by as if to guard the majestic flowers. Mabagal akong sumipsip sa soft drink nang agawin muli ng lapida ang mga mata ko.

Emma D. Velicaria
Born: December 10, 1973
Died: December 8, 2012

I knew about this occurrence in Fern's life even before we became close. Siyempre narinig ko sa mga tao sa eskwelahan. Halos kalahati sa klase namin ay dumidiretso kina Fern sa uwian noong kasagsagan na iyon upang makiburol.

Kaagad na hinulma ni Fern ang isang palad upang harangan ang kandila sa hangin habang sinisindihan kahit tirik ang araw sa langit. Buti na lang at may tent din dito.

"Pa'no pala 'yung mga kapatid at papa mo? Hindi ba sila bibisita?"

"Nakabisita na sila kahapon kasama ni Rikit... 'yung kapitbahay namin," paliwanag ni Fern habang umaayos na rin ng upo sa bermuda.

I nodded even though I wasn't sure if he could see it or just sense it at least. The absence of conversation between us had the gravestone, specifically the indicated date of death, effectively hooking my eyes again.

It's just recent... So, it must be like a wound, not fresh anymore but still... not yet fully recovered. O hindi ko alam. It could still be fresh for the loved ones.

We never really can talk on behalf of someone especially if we haven't tried the exact same shoe that they wore. Not all sizes are similar. Not all size 9s are exactly the same.

"Are you okay?" I asked gingerly, not tearing my eyes away from the gravestone.

"Natanggap ko na, Eri," tugon ni Fern, naintindihan agad ang tanong ko.

Inilipat ko na sa kanya ang mga mata ko sa puntong ito. "Acceptance doesn't mean we're okay. Are you okay?"

Kinuyumos niya ang plastik ng soft drink na wala nang laman at ang mga mata niya ay dumestino sa malayo. Pero alam kong wala mismong tinititigan ang mga ito.

"Nahirapan ako no'n, Eri... Kaso kailangan... Panganay ako, e."

Sinimot ko ang soft drink at kinuyumos ang plastik tulad ng ginawa niya sa kaniya. I followed his line of vision and I stared at the vast nothingness too.

"May idea naman ako sa mga gawain. 'Di ko lang inasahan 'yung biglang... ako lahat... agad."

Tumango-tango ako, naiintindihan siya ngunit hindi ang mismong naramdaman niya. Dahil gaya ng sinasabi ko, hindi ko naman naranasan iyon mismo. 

"Sina Frensha... Paano nila kinakaya 'to? Kasi siyempre 'di ba? Ilaw ng tahanan ninyo ang nawala."

"Si Ford, ayaw niyang nababanggit si Mama. Si Sha... She's still crying from time to time and she's hiding it. But we know.... Nahihirapan din ako kapag ganun. Prinsesa namin 'yon, e."

"Kapag nanghihina ka na, nandito naman ako. No doubt that you're stronger than me, but I will try to be stronger, too, for you. Kasi best friend mo 'ko, 'di ba?"

I abandoned the peaceful scenery before us just to look at only his side profile because he didn't return my gaze.

Pero umusbong ang sulok ng mga labi niya bandang taas lang ng depina niyang panga. "Nakakapanghina naman lalo mga sinasabi mo..."

"Hey, I mean it!" giit ko.

"Hm, sige. Tuition na naman namin. Best friend! Pautang?"

"Oh. Uhm..." My shoulders sagged as I faltered. "M-Magkano ba? N-Ngayon agad?"

Sumabog ang halakhak mula sa lalamunan ni Fern. I swear, a guy's laugh didn't sound this beautiful in my ears until today.

"Nagbibiro lang ako," aniya nang humupa na ang tawa. "May kapitbahay na kaming tumutulong sa amin sa aspetong 'yan."

"Kapitbahay?"

He gave me a single nod. "Family friend, too. Sina Rikit, 'yung nabanggit ko kanina na kasama nina Papa kahapon... Kaya 'wag ka nang mag-alala." He smiled at me assuringly.

I was relieved after knowing about it.

My family is not exactly like the Centenarios. But we haven't experienced starving for money yet. But even so, I don't just simply ask my parents for it so I don't think I could be of help on that.

Sandali kaming nanatili sa memorial park bago nagpasyang umalis. Sumakay lang kami tulad ng sa pagpunta at nagpumilit si Fern na ihatid ako sa subdivision namin. Sa mismong bahay namin.

Magkahawak ang mga kamay ko sa aking likod habang naglalakad sa tabi niya. I couldn't even remember what was our last topic while he was walking me home. My mind was centered on something else.

Binilisan ko ang lakad nang nakita na ang gate namin. I tried to reach it before he could, then I turned my body to face him who was still slowly nearing me.

"Uuwi ka na?" tanong ko. He nodded his head. 

Siya sana ang aabot ng gate namin kaso humakbang ako upang harangan siya sa balak na gawin. He retrieved his steps and stood in front of me instead. Paniguradong nalilito ang mga mata niya ngunit nanatili lamang sa bandang dibdib niya ang tingin ko.

"Eri?" he called askingly.

"Edi..." I began, slowly lifting my chin to meet his eyes. "November 2 ang Anniversary date natin?"

Matagal na nanitig lamang ang lalaki. He studied my face as if I used a foreign language he couldn't understand at all.

I contorted my face in thoughts of I may have said something delusional and ambitious. Pakiramdam ko ay napapahiya na ako sa kada segundo na hindi siya nagsasalita.

Freaking hell. Hindi ko yata kaya 'to.

Pumikit ako at tumalikod. I was about to open our gate when he gripped on my wrist and made me face him again with a little force exerted. Mukhang hindi dapat lilipas ang araw na ito nang hindi niya naintindihan ang nangyari. But I wasn't hurt with that force.

Seryoso ang mukha niya nang nagtanong, "An' sabi mo?"

Sinubukan kong iwasan ang mga mata niya kaso roon talaga ako nauuwi. "'Di ba? Tama ka kanina... na puntod ng Mama mo 'yung ano... tinuro mo."

His lips parted in order to free the curse that he mouthed.

Hindi ko halos narinig iyong sinambit ni Fern. I was hearing my own loud and rapid heartbeats in my ears. Binuksan ko na ang gate namin at sa oras na ito, hindi niya na ako pinigilan.

Pumasok ako sa bahay at nakarating sa kuwarto ko nang walang narinig sa kaniya. I plonked on my bed, caging my cheeks with both my hands as I tried to replay what happened in my head.

Nakatulog naman ako kaso hindi agad-agad... na inasahan ko na. Nakatulog at nagising ako na hindi nagparamdam si Fern kahit sa text o chat. Ganito ba talaga 'yon? O masiyado kaming nabigla sa daloy ng lahat? Kasalanan ko ba? O hindi naman talaga siya nanliligaw at sinakyan ko ang dapat na biro lang?

Si Caelan lang ang may chat na umaga ko na nabasa.

Caelan Rupert Visa:
sa dinami dami ng petsa sa kalendaryo, undas pa napili nyong dalawa. LOL!

Nanginig ang mga kung ano sa loob ko nang mapagtantong may alam si Caelan. All night, I thought Fern didn't consider it. Kaya hiyang-hiya ako. But... Caelan knows. He told him. Isa ito sa mga matalik niyang kaibigan.

Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula na lang na mag-asikaso. I walked straight towards my usual seat in class when I arrived at our classroom.

Tiningnan ko kung paanong ipinagdamot ng world map na tinitingnan ang buong mukha ni Kiel na nakaupo naman sa unahan ko. Sumisingaw ang panlalaking pabango niya nang madaanan ko.

"Lunch plans?" he asked right after I took a seat. Nakatupi na sa desk ang mapa at nakalingon siya sa akin sa likod.

Pinanliitan ko siya ng nagtatanong na mga mata.

"You have to raincheck on your friends. Birthday ni Pres," saad niya habang sinadyang ikibot-kibot ang makakapal na kilay.

"Birthday? Hindi naman ako invited."

His eyebrows furrowed. Nagtataka ko rin siyang tiningnan.

"Hindi ka ba tumingin sa FB Group? It's for the whole section, Erisette. Come on, fun 'to! Magka-crack sila ng egg sa ulo niya tapos magsasaboy tayo n'ong flour!" he whispered animatedly.

Peke akong umubo. "If you say that it's for the whole section."

"It is," he said with finality and faced the front again.

A little while later, I found out that it was literally what I paid for from the other day when the treasurer was collecting the so-called funds for... this... as it turned out. So, not like I had the choice because they locked us in the room for lunch. But I might as well also have a slice of that chocolate cake.

Pero nahihiya akong kumuha... I'd rather starve myself on my seat...

Mas nauna pa ngang nakakain sa akin ang mga taga-ibang block na nakasilip sa mga bintana! Parang mga preso na naghihintay ng kanilang dalaw!

"Here." I looked up only to be winked at by Kiel as he handed me a paper plate with a slice of cake and carbonara. "I dunno what you like. Is that fine? Or you want more?"

Uimiling ako kaya umupo na siya sa tabi ko. Nagpasalamat na rin ako dahil hindi niya naman na kinailangan na kuhanan din ako ng pagkain. Napansin niya sigurong nahihiya ako.

I filled my stomach in silence. Siya, tinatawanan ang mga kaklase namin na nangtataboy ng mga nakasilip sa bintana. Paulit-ulit kasing nanghihingi kahit nabigyan na. And the faculty might scold us for this ruckus too.

"Teka, kuha rin ako ng drinks," sabi ni Kiel nang tumayo at dumiretso sa harapan kung nasaan ang mga inihanda.

I didn't expect the plastic cup of juice that he set on my desk before he took back his seat. Kinuhanan niya rin pala ako ng inumin. Mahinang nagpasalamat na lang ulit ako.

"Oh, etong sina Zarkiel naman!"

Mabilis kong nilunok ang pasta kahit hindi ko pa nangunguya nang maayos pagkatapat ng isang DSLR sa amin ni Kiel. Pumwesto rin sa likod ang President namin na naligo sa itlog at harina. Ganoon rin ang amoy nito.

"Fuck you if we're ugly in that," banta ni Kiel. Since in just a split second, there was a shot!

Humalakhak ang kaklaseng kumuha ng aming litrato at hindi na nakipagtalo. Sa pag-alis niya sa harapan namin, tumagos ang paningin ko patungo sa bintana.

I stood straight as I witnessed someone wearing an all white fit for a quick second until he walked behind our classroom's wall and disappeared.

It... couldn't be. It couldn't be him. Kasi wala naman kaming usapan ni Fern ngayon, ah? Saka ni hindi pa nga kami nagkausap ulit! 

But I drew out my cellphone from the deepest corner of my bag and checked it all out of instinct.

Marion:
Eri ako lang may load . Dito daw si Fern sa school ngayong lunch .

Marion:
Dito na kami canteen san ka na ? ://

Napatayo agad ako at dumiretso sa pintuan na sinarado nila. But I was determined. Kailangan kong puntahan ang... well... ang boyfriend ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro