Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22 #jttwbs

The society had long established its standards in numerous aspects.

Hindi ko hilig bolahin ang sarili sa ganoon. It was already instilled in my mind ever since. I absolutely don't fit in the aspect of beauty. And of course, in some other too.

Naghimutok ako kay Fern tungkol sa mga malaking bagay sa akin ngunit maliit lamang kung sa ibang tao. Sa ibang tao... bukod sa kaniya. Kasi ang malaking bagay sa akin? Parang ganoon din ang dating sa kaniya. It's how he made me feel.

Narinig ko na nga lang din ang sarili na pinupunto na rin kung paanong makinis naman ang mga magulang ko. Ni wala silang bahid ng tigyawat sa mukha kaya siguradong hindi ko ito namana sa kanila.

Fern's mouth didn't function the way his ears did. I did more on the talking. Naisip ko na minsan, ang mapakinggan lang ang kailangan natin.

Pero dahil ginaganapangan pa rin naman ng hiya, inaya ko rin naman ang lalaki na umalis na. Inubos at sinauli muna namin ang mga bote ng Mirinda sa tindahan bago tumulak.

This time, we took the street where Ashtine's appealing but eerily silent house could be seen. Nasa Manila na siya... Pero mukhang nag-iwan siya ng kapalit dito.

I wanted to stray my mind away from that so I glanced at Fern... who was engrossed in eyeing something. Sinundan ko ang tinitingnan niya at sinalubong ako ng nakaparadang Fortuner sa katapat ng bahay nina Ashtine.

I looked back at him when it registered. "Do you miss it?" tanong ko.

Nagulat pa si Fern sa boses kong hindi naman ganoon kalakas. Para bang lunod siya habang tinititigan ang dati nilang sasakyan.

He sighed then he shrugged off. "Not the car exactly." Humarap siya sa daan at maliit na ngumiti. "The memories."

From his side, I witnessed the odd glint of his eyes. Peke akong umubo at humarap din sa daan.

"Fern, I have ears, too." Tinikom ko sandali ang mga labi. "They function very well, too. Kung kailangan mo."

"I know..."

"So..." hinimok ko siya.

"Papa was a seaman... and when he's not onboard... with Mama, Ford and Sha, we drive to the church or just anywhere in this city. Nagsasawa na nga 'ko sa mga binibisita ng mga kano rito sa 'tin."

I laughed. I caught him grin at how he made me laugh before he continued.

"Tapos do'n lang sa street namin... Papa used to teach me drive and Mama was always worried sick. Parang 'kala mo may bubunggo na truck sa'kin do'n. Eh, baka ako nga ang makabunggo ng kapitbahay namin." He chuckled.

"I can't blame her. Siyempre, Mama mo siya," I replied smilingly. Pinilit kong hindi sumama sa boses ang pait na nalasahan sa dila ko.

I couldn't recall a time Mommy went worried sick for me. Nag-aalala lang siya sa pagdami ng tigyawat ko o sa pagbulusok pababa ng mga grado ko. Because it'd be a shame if her colleagues would ask.

Bumuntong hininga si Fern. "'Yun lang, Eri. Miss ko lang 'yung mga panahong nasa amin 'yung sasakyan. Miss ko lang si Mama."

"Sigurado akong miss niya rin kayo..." I consoled knowingly.

"Siguro." Maliit siyang ngumiti. "Hm. Ayan na pala bahay n'yo."

I turned my head and proved him right. I was too indulged in our conversation that I didn't notice that. Nanguna ako sa kaniya sa gate namin upang pagbuksan kaming dalawa.

"Gusto mo bang..." I trailed off, suddenly feeling awkward to invite him. "Gusto mong pumasok? O uuwi ka na ba?"

Yumuko siya upang tingnan ang oras sa cellphone niyang ibinalik ko na kanina. "Mag-aasikaso pa 'ko sa bahay, Eri... Ayos lang ba kung uuwi na 'ko?

"O-Oo naman," mabilis na sagot ko.

He stepped closer to me and he opened our gate himself. Napausog ako at hinayaan na siya ang magbukas.

Halos mapatalon ako nang lumapat ang kamay niya sa baywang ko. "Alright. Pasok ka na..." marahang aniya, iginigiya ako sa loob.

I complied and he was the one to close our gate again. Magkatapat naming pinagitnaan iyon na hindi katangkaran ang estilo. Nakatingala ako sa kaniya dahil sa aming tatlo ng gate, siya ang mas matangkad.

He folded his arms and propped them that way on the top rail of the gate as he stared down at me. "Babalik ako."

I was still having a dilemma which to ask... Bakit? Kailan? Siguro nakita niya ang tanong sa mukha ko kaya niya dinagdagan.

"Magpapakilala ako," he said, then he chuckled like the idea delighted him.

My forehead was about to crease because Mamala already knew him as one of my close friends... so what would it be for? Hanggang sa... nakuha ko bigla ang ibig niyang sabihin!

"Sige na... Diretso bahay ako," he said assuringly.

Saka lang siya tumalikod nang tumango ako. I watched his form as it shrank in my sight but unexpectedly, he turned to look back again.

Itinaas niya ang cellphone at marahang iginalaw habang patalikod na naglalakad. I nodded my head. He wanted me to reply once he texted. Matipid din siyang tumango at umayos na sa paglalakad.

Only then when I carried my feet to move and enter the house. Pinaglaruan ko ang ilalim kong labi. Pakiramdam ko, ginawa ko ito upang mapigilan ang sibol ng... ngiti?

"Oh? Nasa'n na si Fern?" salubong sa akin ni Mamala na galing sa kusina.

My shoulders jolted from shock but I was fast to hide it from Mamala. "Umuwi na, Mamala... Nagpalipas lang po kami sa playground."

"Gano'n? Sayang naman itong niluto ko," dismayadong sagot niya at naglapag ng platter na may pancakes. "Ikaw na lang... Magmeryenda ka na."

"Dalhin ko po sa taas..."

Hindi na ako tinanong ni Mamala at abala rin siyang mag-asikaso sa bahay namin. I blew air in relief as I took the stairs. The moment I just had with Fern necessitated an alone time.

As soon as I locked the door, I placed the platter atop my dresser in haste. I strode to my window first and when it felt insufficient, I went out on my balcony only to look down at our gate.

Wala na kaming dalawa ni Fern doon. Pero sa mga mata ko, malinaw kong nakikita ang mga bulto namin. Sa mga tainga ko, malinaw kong naririnig ang usapan namin. Magpapakilala siya... Bilang ano? Siyempre naintindihan ko.

Parang wala nang puwang ang pagdududa ngayon. It was like the tables have turned for my... disbelief and trust. The former was now the one forcing its space in my train of thoughts because it had been being kicked out.

I swallowed as I realized that he was still pushing... that. Edi totoo talaga?

Mas mabilis pa sa paglisan ng pang-hapong liwanag ang tibok sa dibdib ko. Kung hindi lang naramdaman na pinapapak na ako ng mga lamok, hindi pa ako makababalik sa ulirat. How long was I staring at our gate? I didn't know! I couldn't even estimate!

I slid back inside my room and I flicked on the balcony lights. Kinuha ko iyong pagkain ko na halos manigas na at sinama ko sa kama.

Lunes, sabay kaming lumabas ni Kiel ng classroom hawak ang mga essay paperworks ng block namin. Our professor took absence and the responsibility was entrusted to Kiel. Sa akin siya nagpasama na dalhin sa faculty ang mga gawa namin.

Para siyang si Fern na kaibigan ng lahat. Pero 'di tulad ni Fern, wala siyang Caelan, Keno, at Marion. He has no circle that he can consider as his constant.

Kung kani-kanino lang siya nakakabit... Minsan, sa akin. Ayos lang dahil wala naman talaga akong nakakasama sa klase na tulad ni Camara noon.

If it's any consolation, my classmates now that I'm in college are a lot bearable than my high school classmates.

Ngayon, wala naman silang pakialam sa akin. I can be deemed as a nobody. I'm not a threat when it comes to grades and beauty, so no one attacks me. Noong high school, lahat pinupuna na gusto pa ata bilangin nina Luis o Trina kung ilan ba talaga ang lahat ng tigyawat ko.

Mas gusto ko na walang atensiyon sa akin. I've never liked it. The spotlight could blind me in the most unpleasant kind that I would not hesitate leave that beautifully embellished stage just to turn it off.

"Ako na lang, Eri... Dito ka na," ani Kiel nang makarating kami sa faculty department. "Please wait for me, okay?"

Inilapag niya lang naman sa mesa ng guro namin iyon kaya hindi rin siya nagtagal. Siyempre, sabay ulit kami na bumalik sa classroom.

"Hmm." Narinig ko siyang tila ba may seryosong bagay na naalala. "Ba't hindi ka na amoy-baby?"

Napalingon ako sa kaniya habang naglalakad kami. "I just used a baby cologne that time. It's not for a daily basis."

Akala ko naman kung ano na. Pero siguro naamoy niya ang pabango ko ngayon at iba na naman iyon. I don't settle for signature scents and I always change. I just go with how I want to smell like at the moment.

"Aw... Sayang naman." He sounded as if it really saddened him. "But hey, nakatatak naman na sa'kin 'yong scent. Kaya amoy-baby ka pa rin," he declared, wiggling his eyebrows while we were walking alongside.

"Bahala k—" 

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang may dalawang magkadikit na braso ang pumagitna sa amin. Naghiwalay ang mga braso na naging dahilan kaya nagkalayo rin kami ni Kiel.

"Opps! Bakod à la Velicaria!" bulalas ni Keno at sa gitna talaga namin dumaan.

I watched him run away backwardly, still startled at how he detached me from Kiel. Hindi naman sa magkadikit talaga kami! Pero siyempre magkasama kami!

"Seryosong nanliligaw 'yong tropa natin, Eri!" he added. "Bye na! Late na 'ko!" Itinuro niya pa ang dalawang daliri sa dalawa niyang mata at itinapat sa akin.

"Keno!" I mouthed, eyes dilating in horror as I witnessed how he almost collided with the two Sisters if he didn't turn around right on time.

"Sayang. Bakit hindi si Mother Superior ang dumaan..." bulong ni Kiel habang papalapit kami sa sinesermonan nang si Keno. He wasn't safe from that.

"Ang sama mo..." saway ko saktong pagkalagpas namin kay Keno na narinig kong nire-recite na ang buong Apostle's Creed.

Tumawa si Kiel. "He pushed me!" he snapped defensively.

"Huh?" Hindi ko naman naramdaman na tinulak ako ni Keno, ah? Inusog niya lang ako.

"But just so you know," nambibitin na panimula ni Kiel sa kung anong sasabihin.

I also sensed through my peripheral that he halted from walking. I did the same and I turned to face him. Medyo naiwanan ko na kasi siya dahil nauna siyang huminto. I arched an eyebrow, urging him to continue what was he talking about.

Nakatayo siya ilang hakbang ang layo habang nakatitig sa akin. His backdrop was our schoolmates innocently passing by that eventually blurred from my vision.

"Just so you know... I did not move in this island to fall in love."

Nayupi ang noo ko. "Okay?"

"Kaso nakilala kita."

My eyes almost bulged out of its sockets. Pinatagal niya pa na ganoon ang estado ko bago siya humalakhak nang todo. He was guffawing while closing our distance that he caused.

"Hey, I was kidding. Look at your face! Baka abangan na 'ko nung manliligaw mo sa Gate 1. Sa Gate 3 ako lalabas niyan." It was obvious that he feigned his cowardice.

"Hindi naman gano'n si Fern."

It's true! Siguro kapag ipagtatanggol niya ako, handa siyang makipag-away tulad kay Luis. Pero hindi niya ugali ang mang-abang ng iba para lang makipagbasag-ulo.

"Pero nanliligaw pa lang pala, bakit bumabakod na?" aniya, nanunuya ang tono pero tumawa lang din sa dulo.

Hindi ako nakasagot kasi nakita ko si Camara na naglalakad. I was about to call her but it seemed like she was hurrying to somewhere. Also, basing from her face, it was like she woke up from the wrong side of the bed.

She doesn't respond to my calls and texts. Pero naiintindihan ko dahil nag-aaral din naman siya tulad ko.

Pagkabalik namin sa classroom, binungaran kami ng masaklap na balita. Someone from the other block snitched that there would be a surprise recitation in one of our majors!

"Tara review," aya sa akin ni Kiel. He turned to face some of our classmates who were panicking for it. "Guys, would it be Luzon only? O kasama sa coverage ang Visayas at Mindanao?"

"Tindi naman ni Ma'am kung buong Pilipinas, Zarkiel! Luzon lang daw!"

Kiel chuckled before he sat on his seat in front of mine. "Okay, Erisette. Region I..." aniya habang kinukuha ang mapa bilang kodigo sa bulsa ng bag.

"Ilocos Region..." I dragged my voice out of my throat even though we were just about to start. Pagod na agad ako.

Ni hindi ko pa nga makabisado ang phonetic alphabet! Paano pa ang buong Pilipinas o kahit Luzon lang?! Paano rin ang international... International na hilig nitong si Kiel. Ganoong klase ng flights yata ang gugustuhin niya pagdating ng oras.

Sabi rin ng higher years, mas maraming codes na ang kakabisaduhin namin sa sunod. Grabe... Unti-unti ko na talagang nararamdaman ang kurso ko.

Sinubukan ko kung puwede kaming magsabay ni Camara na kumain ngunit masiyado talaga siyang abala. Kiel mingled with another circle of his. But I wasn't alone because I got to eat with Marion and Caelan. Nakausap ko rin sina Hadya at Xenos na nasa katabi lang na lamesa.

Si Fern... Hindi araw-araw ang pagpunta niya sa school na naiintindihan ko naman. Hindi rin biro na tinatawid niya pa ang kalawakan ng national high school para lang makarating sa amin mula sa school niya 'no... He's a student with tasks to accomplish like us too.

Itong Friday, dismissal nagawi ang lalaki sa school at sumama sa akin sa pag-uwi. Sa daan pa lang, nahinuha ko na ang dahilan. Kumpirmado nang hinanap niya sa akin si Mamala.

"Hi, Mamala," bati ni Fern. May nakapaskil na ngising aso sa kaniya dulot ng pagtataka ng Mamala ko.

"Fern. Nandito ka?"

Fern's eyes shifted to me when I grabbed his hand bag and his upper uniform that he took off so I could put them down on our sofa. Hinayaan niya naman ako.

Naupo ako sa sofa habang nakatingin kay Fern na akbay-akbay si Mamala habang dinadala ito sa kusina. As soon as the kitchen arc devoured their forms, I was deprived of their voices.

I let it slide even if I badly wanted to feed my curiosity. Kahit mayroon na akong ideya sa balak ni Fern... Umakyat muna ako upang makapagpalit ng damit ko. Sinilip ko rin ang kuwarto nina Mommy at wala pa sila.

Lately, Mommy goes back at home with inconsistent time frame so I don't really know her time-out from work.

Pagbalik ko sa baba, suot ko na ang isang lumang t-shirt at shorts. Narinig ko si Mamala na nag-aasikaso ulit sa kusina. Really... the kitchen is Mamala's natural habitat.

Nakaupo naman si Fern sa sofa at nanonood sa aming telebisyon. He's just in his white inner shirt and white pants maritime uniform. I could almost call this a night yet the state of his clothes was still commendable. 

Most Neat and Clean nga naman noong graduation. I remember back in high school, he was the typical kind who was always seen with no shoe rugs on. Hindi nakabutones ang itaas na uniform o nakahubad ito. Pero sa kabila niyon, talagang maayos at malinis naman siyang tingnan.

Mula sa bagsak na pagkasandal at nakabukang mga hita, umayos siya ng upo nang tumabi ako sa kaniya habang nakatingin sa telebisyon. Horror ang segment ng palabas kasi Halloween na. Kaya rin naglipana ang mga batang nagti-trick-or-treats sa labas.

Both of us crowned the television's noise as we let it reign during the first seconds. Pero siya ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Can you come with me on the next, next day?" I heard him ask softly.

Inabandona ko ang nananakot na white lady sa Balete Drive daw sa Quezon City mula sa telebisyon upang tumingin sa kaniya. Nakatingin na rin siya na tila ba kanina pa nakaabang sa mga mata ko.

"Hmm? Saan?"

"Kay Mama."

Bahagyang nagbahagi ang mga labi ko. "S-Sure. Oo naman."

Maliit siyang ngumiti. "That's Sunday. Susunduin kita rito..."

"Anong ora—"

"TRICK OR TREATS! HAPPY HALLOWEEN!"

Sabay kaming napatingin sa may pintuan kung saan nanggaling ang malalakas na tinig. Nadaig nito ang kasindak-sindak na tunog mula sa malakas namang telebisyon. Kaso sandali... Parang 'di naman ata boses ng mga bata 'yon!

"Mga bulabog amputa," iritadong bulong ni Fern. Iritado rin ang kilos niya nang tumayo at sumugod sa labas.

I was confused about his sudden bad-temper when I tailed after him. Not until I saw familiar faces towering over our gate. Sina Keno at ibang ka-batch namin noong high school! Puro lalaki at nagsisitawanan!

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" si Fern nang sugurin ang mga tropa.

"Galit na galit, ah! Sorry na sa istorbo! Sabi mo kasi sasama ka?!"

"Sasama nga. Nagsabi ako ng oras ah?" si Fern, iritado pa rin.

"Eh, maaga pinapauwi 'tong kumag dito kaya agahan natin! Tara na kasi!"

Fern exhaled deeply. I felt his hand close around my elbow as if non-verbally considering me before he left us and went back inside our house.

"Yow, Eri! Mag-trick or treats lang kami ah?" si Caelan. Nakapatong ang mga braso niya sa gate namin. He was chewing a gum.

"Huh? Eh, teenagers na kayo, ah?"

Keno gasped and clutched on his chest dramatically. "So what?! Gusto ko ng candy saka mga piso, e!"

Umiling-iling ako. Nakabalik na rin naman agad si Fern na bitbit ang upper uniform at hand bag habang magkasalubong pa rin ang mga kilay.

"So, hanggang anong oras lang ba 'to si Fern ngayon, Eri?" Marion's voice were louder than the creak of our gate while Fern was unlocking it. "Hanggang anong oras mo lang siya papayagan?"

I watched Fern step out, making his friends step back a little.

"What? Bakit ako?"

Natigilan si Fern sa gitna ng gate at napatingin din sa akin. Dahan-dahan niyang ipinatong ang isang braso sa gate habang tila nag-aabang na rin tulad ng mga tropa. Lumalaylay doon ang upper uniform na hawak nito.

"Siyempre! Pwede bang alas dose?!"

"That's too late! M-Mga bago mag-nine?" wala sa sarili kong sagot dahil masyadong nagulat sa narinig.

For some reason, it was followed by an uncomfortable silence. It was only cut off by the sound of our gate being completely closed by Fern.

"Mga bago mag-nine," ulit niya sa mismong sinabi ko tila tinatatak iyon sa isip habang makahulugang sumisipol ang mga tropa niya sa likod.

And that night, I acknowledged another elephant in the room. Iyon ay kung ano ang nararamdaman ko kay Fern Velicaria.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro