Chapter 21
Chapter 21 #jttwbs
Iniwan ako ni Fern sa isang tabi habang kausap nila ang lalaking may hawak na puting sobre. I watched Fern's back as if I'm trapped in some trance.
His answer back there kept on repeating in my head as my cheeks basked in the red hue coming from the strobe lights, exactly how they would appear even without it.
Napatuwid ako ng likod matapos tuluyang maunawaan ang nangyari. I muttered a curse as I hurried blending myself in the crowd.
Isa ang sigurado ako. Lalong hindi ko na naman siya kayang harapin!
Nahirapan akong hanapin si Camara na galing sa CR noong nagkita kami. She's too surprised to see me, like the memory of her bringing a plus-one tonight is in the trash bin beside the doorway.
And maybe Fern understood. Kasi kahit tapos na sila, at nagkatinginan kami mula sa magkabilang banda, hindi na siya nagtangkang lumapit ulit.
I'm with Camara the rest of the night. If only she didn't excuse herself later on. Sasapit na ang oras ng curfew, hindi pa rin siya bumalik.
Saan ba 'yon nagpupunta? Hindi naman gaano malaki ang lugar pero hindi ko siya makita-kita!
Rara:
Hey lets go home. Nasa baba na ko.
I pulled myself up and immediately headed out, fighting the urge of checking on the four's whereabouts. Kahit plakda na si Luis, umiwas ako sa mesa hanggang sa makalabas. Tinahak ko ang hagdanan kasama ang ilan ding umaakyat o baba.
"Ayan na, ayan na. Bilis," I heard when I'm down to the last metal step.
My foot suspended in the air as I searched for the source of that quiet fuss. Pinagkait ng dilim ng gabi ang mukha ng apat na nakasandal sa pader malapit sa dulo ng hagdanan. But I could still recognize them.
Akala ko... nasa taas pa sila.
"Lapitan mo na, 'tol, ano ba? Ang daming lamok dito, maawa ka," anang iritadong boses ni Keno.
Pinagtutulak nila si Fern palapit sa direksyon ko.
Fern pushed himself off the wall and advanced a step but his body stilled after only three steps. One shove from Marion sent him more.
Then he resumed on his own, the glow provided by the moon above slowly but subtly revealing his face.
Itinuloy ko naman ang lakad, lumilingon-lingon sa paligid. Hindi ko siya hinihintay 'no... Hinahanap ko si Camara!
Pero huminto rin ako agad nang nasa tapat ko na siya.
After we both stood face to face, he gripped on the top of his head as he glanced at the three over his shoulder. Parang nagpapatagal kasi hindi pa handa na harapin ako.
"May tanong daw si Fern, Eri!" sabi ni Caelan mula sa kinatatayuan nila.
Kumunot ang noo ko.
I wondered as I stared at his jawline being highlighted as the moon casted on it, more so when it ticked. Mukhang nairita na inunahan siya ni Caelan.
Suot niya sa isang braso ang itim na guitar bag. His hold on the strap, resting above his plain gray shirt, was slightly tight as how it looked. Medyo lumuwag nang bumaling na ulit siya sa akin.
Isinuksok niya sa bulsa ng jeans ang nakakapit sa buhok kanina. "Hi... Pwede ba tayong mag-usap?"
May naramdaman akong nagbunyi sa loob ko. Mag-uusap. Kami. Mag-uusap kami! I longed for that!
Pero naalala ko rin agad ang nakalipas lang na nangyari. Siguro naramdaman niyang nasa options ko ang umiwas kaya nagsalita siya agad.
"Eri, I'm sorry."
I reached for the knot at the hem of my shirt and I tweaked on it. Hindi ako makapagsalita at itanong kung para saan ang sorry niyang 'yan?
"Sorry kasi baka may oras na nalito ka sa'kin. Nalito rin kasi ako. Hindi ko rin talaga alam kung anong nangyari sa'kin," he croaked with furrowed eyebrows. "Kaibigan lang e..."
"Bakit, Fern... a-anong nangyari?" I managed to ask in a soft voice.
His eyes widened a fraction upon hearing me. Para bang boses ko ang ebidensya na nandito nga talaga ako at nakikinig. That it didn't register to him until now that I opened my mouth.
Napakamot siya sa may sentido at lumingon ulit saglit sa tatlo, tapos ay balik sa akin.
"Tang ina, nakakatorpe ka pala."
It was my turn to be wide-eyed. Sobrang hina na halos hindi ko narinig. Kinagat niya ang ilalim niyang labi tila tumakas lang sa bibig ang nasabi.
What in the... Ako? Nakakatorpe? Kinakabahan siya sa'kin? Sa'kin? How is that even possible?
May tunog ang buga niya ng hangin tila nakapulot na ng lakas ng loob. "Burahin natin 'yung linya, Erisette... 'Di ko na kaya. Gusto ko nang tumawid."
My hands tweaking the knot of my shirt froze as I grasped what he meant. Parang binanat ang mga baga ko. He adjusted the guitar bag's strap on his one shoulder even though I didn't see the need for it.
"Papayag ka ba kung..." He wetted his lower lip. "Manliligaw ako?"
Sabay na bumagsak ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng katawan ko. Nagbahagi ang mga labi ko. I stared at him, dumbfounded.
"K-Kanino?" I dumbly asked.
Medyo namilog ang mga mata bago kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Sa'yo syempre... Wala naman akong ibang babae ah."
"T-Talaga?"
He nodded instantly. Sa puntong iyon, wala na talaga akong masabi. Mukhang nag-alala si Fern sa katahimikan ko kahit hindi ko naman intensyon.
"Pero kung... hindi ka naman payag, ayos... lang." Clearly, he had a hard time saying that. "Kaibigan na lang ulit. 'Wag lang mawalan ng pwesto..." May gumuhit na simangot sa kanya pagkabulong ng huling sinabi.
He's... risking our friendship.
Just when that dawned on me, my eyes drifted to the feminine form emerging from a dark corner behind him. May nilaglag si Camara sa gilid ng kalye at tinapakan iyon.
"'Wag ka ngang clingy, Fern, tama na 'yan! Bukas naman, gabi na! Let's go home, Eri. D'yan na si Manong."
She dragged me with her, clueless about the conversation I was having with Fern. I took that as an evasion so I lightened my weight.
Before I hopped, I glanced at Fern again. Nakadikit na ulit siya kina Caelan at apat silang nakalingon dito. The headlights of the vehicle helped me identify that their eyes are on me, too.
Nagtatanong ang mga mata ni Fern kung ano ba ang sagot ko. Ano nga ba? Huminga ako nang malalim at sumampa sa sasakyan. Nakasunod sila ng tingin hanggang malagpasan namin.
"Ayieee! Nagpapansinan na ulit sila," asar ni Camara nang nagta-type ako ng text kay Caelan.
Me:
Dare ba?
Me:
Ingat kayo pauwi.
Ngiti lang ang sinagot ko kay Camara. Kung alam niya lang ang pinag-usapan namin... O mga sinabi ni Fern!
My cellphone pinged shortly after. Napakagat ako sa loobang pisngi ko nang makita ang sender ng text message at ang laman nito. Pinabasa ni Caelan?! Siguro walang load!
Fern:
Oo mag iingat kami. You too. Itext mo ko kapag nakauwi ka na.
Edi... tapos na talaga kaming mag-iwasan? Itine-text niya na ako ngayon. At gusto niyang i-text ko rin siya.
Me:
Okay.
Then I realized that I didn't get an answer to my first text which was a question.
"Bye, good night!" ani Camara nang ibaba na nila ako sa tapat ng gate namin.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya bago ko isarado ang pinto. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin bago pa siya magtaka.
Hindi naman siya naninigarilyo eh. Baka namalikmata lang ako.
"Ikaw, bata ka, hindi ka pala nagpaalam kina Mommy mo?" bungad ni Mamala nang pagbuksan ako ng pinto.
My lips parted as realization struck me. Camara was too thrilled she briskly dragged me out of the house... I completely forgot to...
"G-Galit po ba?" I asked carefully, eyeing the stairs as if Mommy and Daddy were there, out of their bedroom and ready to shout their non-existent parental concerns at me.
Madilim na sa sala kaya tanging ang kinang ng silk na bestida at istriktang mga mata ni Mamala ang naaninag ko.
"Napaisip ako kanina kung anong oras kang uuwi. Hindi pala alam na umalis ka. Hindi naman nagalit," she said which reminded me why maybe it slipped my mind to inform them.
Kasi... wala naman silang pakialam.
"Siguro kasi sinabi ko ring kasama mo naman si Camara," she added which I doubted. "Nasa banyo ang Mommy mo. Magpakita ka manlang na nakauwi na. Tutulog na ako..."
Pumunta ako sa banyo at mahinang kumatok. There were muffled sounds of Mommy's nighttime routine. The running water and the holy grail products she doesn't let me use.
"Oh? Sino 'yan?"
"Erisette, 'My. I... I just got home. Sorry po kung hindi ako nakapagpaalam."
"Okay."
"Good night po."
"Matulog na at ang mga pimples mo dadami na naman."
"Yes, 'My..."
Alam ko namang hindi ako makakatikim ng sermon kay Mommy ngunit nawala ang kaunting kaba sa dibdib ko.
The apex of the stairs was dimmed. I saw a lit-up cellphone perhaps in the highest brightness level on top of our second floor's console table in the hallway. It was Mommy's.
Didiretso sana ako sa kuwarto ko kung hindi lang naagaw ang pansin ko ng wallpaper picture. I held on the edge of the console table as I studied it.
It's Mommy and that girl. That girl she wished to be her own.
Hindi ko na inubos ang oras ko at dumiretso na sa kuwarto ko. I jumped off my outfit and slipped in a nighttime dress. I grabbed my laptop then I laid stomach down. I went to Facebook and to Mommy's profile.
I looked for her uploaded photos early this year . I wasn't even sure of what I was doing too. The time I found their picture, I stared at it and realized how beautiful the girl is.
She's tagged but I forced myself not to enter that internet world of hers. Ayaw kong masampal lalo kung paanong puwede siyang piliing gaganap na Mary sa mga liturgical dance sa school kung schoolmates lang kami.
Sigurado akong kalahating oras ang ginugol ko katitig sa picture nila ng Mommy ko. Kung hindi ko pa nakita ang isang chat notification, baka umabot ako ng isang oras doon.
Caelan Rupert Visa:
di na kame highschool para don eri
My mind was still on the girl's allure that I struggled to get Caelan's point. Napagtanto kong sagot iyon sa text ko kanina. Hindi niya ba ipinakita o binanggit kay Fern ang text ko na 'yon?
The chat was sent almost an hour ago. Offline na rin si Caelan kaya hindi na ako sumagot. Nag-text na lang ako kay Fern katulad ng binilin niya sa akin.
Naalala ko tuloy ang mga narinig kong lumabas sa bibig niya kanina... Gusto kong kumbinsihin ang sarili na nabingi lang ako. Pero... klaro ko talagang narinig ang lahat.
Dalawang bagay tuloy ang gumulo sa isipan ko. Mommy and the girl... and Fern. They took turns in my mind as I tossed and turned in my bed to fall asleep which suddenly became more difficult than keeping balance on a sewing thread.
The following days, I caught myself having this strange burning determination.
Mula noon, nakabase lang ako sa lahat ng sinasabi ng dating derma sa akin. Hindi ko kailanman sinubukan maghanap ng sagot sa karanasan ng ibang tao na nakararanas din.
I'm not entirely sure but I found myself considering this trial and error process the internet talked about. Hanapan ng hiyang, mismong salita nila. Kaya bumili ako ng produkto na highly recommended ng ilan.
Honestly, I was scared. But I thought where would that bring me?
When I stopped seeing a derma, I didn't make any effort and just used the regular or available toiletries. The deed ends under the shower because I don't apply anything after that. Kasi napagod na akong mag-effort tapos gigising ako na nakakapa ko pa rin lahat.
Pero... nakapagpahinga na siguro ako. Hindi na siguro ako pagod?
Second to the last week of October, Saturday, when I reached my third day usage of the product I took a risk on. Sunday, I woke up with my fingertips flying straight to my face.
Bumagsak ang mga balikat ko nang halos tusukin pa rin ako ng mga tigyawat ko. The steep peaks scraped my fingertips just as the fact also did to my hope.
Ang sabi sa internet, overnight lang 'yon sa kanila? Sa'kin, three days na... tapos wala namang nagbago!
Kinaladkad ko ang sarili ko paalis sa kama upang makaligo. Nakailang buga ako ng hininga habang nagbibihis at kahit habang tinatawagan si Camara. She didn't answer so I suspected that she wass still in the dreamland. Hindi siya nagising para sa misa, bagay na problema namin noong high school.
Pero nandoon naman si Fern.
Nagkausap pa rin kami. Tinapos niya ang iwasan sa panay text niya sa umaga at bago matulog. He still visit the school during his vacant and this time, I was back to sitting beside him in the canteen.
What happened last Saturday... It became the elephant in the room. Dahil wala ni isang nagbabanggit ng tungkol doon.
I liked it that way. Medyo abala ako sa pimples ko ngayon at hindi ko pa napag-iisipan nang maigi ang tungkol doon. But it crosses my mind regularly. Imposibleng hindi!
Medyo naniniwala na ako sa sinabi ni Caelan... Pero hindi pa rin mababago ang totoo na ang hirap talagang paniwalaan. Si Fern... may gusto sa'kin? Na... manliligaw siya sa'kin?
Hindi niya naman binawi. But he didn't mention anything regarding that. Baka naman... nagbago na ang isip? Pinilig ko ang ulo ko. Because I flinched at the thought.
Nakaabang si Fern sa entrada ng simbahan at magkatabi kami sa upuan. Dahil hindi agad nagsimula ang misa, bumalik na naman sa pimples ko ang lintik na isip ko.
That resulted in my deafening silence and unpleasant mood the entire time. Ni hindi ako nakakanta sa Ama Namin. Panay ang lingon ni Fern sa akin pero hindi ko nagawang ibalik iyon.
Hanggang sa makauwi ako at ang bigat pa rin ng utak ko dahil sa iniisip ko. In my room, I grabbed the product I've been using on top of my dresser that had no any mirror near it. I sat on the corner of my bed with my hands gripping on the product settled on my thighs.
I know it's just three days. Maybe it's a short span. And it frustrates me to the core how maybe no one would understand how three-days is already long for me.
Lumabo ang paningin ko. I felt a hot drop at the verge of my eyes, attempting to trickle down. Oh, no... This phase again.
I dialed Camara to distract myself to no avail. I was transferred to the operator. Mabilis na lumipat sa kasunod na contact sa recents ang mga mata ko matapos itong pahiran.
Me:
Can we text?
Me:
Kahit tungkol saan.
Fern:
Punta na lang ako dyan.
Me:
Ha? Sa bahay?
Fern:
Yeah. Pwede?
Minuto rin ang lumipas nang pumayag ako. Hapon pa raw siya puwedeng umalis sa kanila at tinanong niya ako kung ayos lang. Of course I said yes.
Nakatulog ako bago tinawag ni Mamala para sa tanghalian. Dahil doon, bahagyang humupa ang intensidad ng mga emosyon ko.
I sat on our doorway as I waited for Fern. Nang nagtanong si Mamala, sinabi ko rin namang dadating ang lalaki at dadalhin ko siya sa playground ng subdivision. Kaya matapos pagbuksan ng gate si Fern, humakbang ako palabas imbis ang papasukin siya sa loob.
His forehead crinkled in confusion but no question left his perfect thin lips. Tahimik lamang siyang tumabi sa akin sa paglalakad. The gentle afternoon breeze that blows from time to time whispered that he must've felt my mood back in the church, reason why he's here.
May dalawang yaya sa playground na nagbabantay ng mga alaga. Mayroon ding nakatambay na ilang teenagers tulad namin. Fern and I occupied the concrete bench near the swing that already looked frail to me.
"Bibili lang ako..." aniya matapos ang katahimikan namin. Itinuro niya ang tindahan na tanaw mula rito.
He stood from beside me. He dipped his hand in the pocket of his shorts then he drew out his wallet and cellphone. Kunot ang noo kong tinanggap ang cellphone na inabot niya.
"Pahawak... 4-3-2-1 ang passcode ko kung gusto mong buksan."
Umalis agad siya kaya bumagsak na lang ang tingin ko sa cellphone niya. It's an iPhone 4s without a case, but with visible cracks like that of a mad lightning. The corners divulged that he dropped it one time or two.
I saw my face through the locked screen, and although not clear, I didn't like it so I pressed the home button. His lockscreen picture is just a default one.
Hindi pa ako tapos mag-isip ano ang gagawin ko kung bubuksan ko, nakabalik na siya bitbit ang dalawang bote ng Mirinda, isang classic mamon, at Combo na biskwit. I shyly accepted the Mirinda and mamon when he handed it.
He silently claimed his space beside me again. Umiling siya nang iabot ko na ang cellphone niya sa kaniya. "Sa'yo muna," sabi niya at sumipsip sa straw ng soft drink.
I placed his cellphone on my lap, hesitant. Sumipsip na rin ako. Parehas kaming nakatingin ng diretso. Siya, naghihintay, ako, nagpapahintay.
"May... May binili akong produkto para sa... p-pimples ko," I started, embarrassed at the mention.
I realized that Fern and I, we never really talked about it. Because not once did he ever point it out. Or made me feel like he's staring at my face for them.
"Hindi yata ako hiyang... tapos..." I exhaled air loudly enough in resignation. "Anyway. Forget it. Ang babaw ko."
"Anong mababaw?" mabilis niyang tugon, may giit ang tono. "Eri, nalulunod ako."
Mula sa bermuda na inaapakan namin, inilipat ko sa kaniya ang tingin ko. His gaze were on me too. Malalim at nagbabanta ang tingin na ipinukol niya sa akin. Para bang malalagot ako sa kaniya kung pipintasan ko muli ang sarili ko.
"H'wag na. I don't want to talk about it with you," mahinang sabi ko. But the truth was, I wanted to. Kaso baka hindi naman siya interesado. It's not interesting and very unimportant.
"Please. Didn't I tell you that? Na sa'kin na lang? Nakikinig ako. Kahit gaano kahina, kahit mas mahina pa sa bulong, pakikinggan ko."
I saw the reflection of my flaws in his deep-set eyes fixed on me.
But in the windows to his soul, they aren't flaws rather just merely a part of who I am. And with how he didn't look away, it tells me that it's completely normal to have them.
That for the first time in so long, I didn't overthink being looked at, stared at. That I'd fancy it if he continues doing that. Longer as he please.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro