Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20 #jttwbs

Now, that must be another of their dares. I'd rather believe the likelihood of zombie apocalypse than take what Fern implied seriously. Kasi malabo talaga.

May parte sa akin ang naiinis na binibiktima na naman nila ako sa mga ganito nila. Pero hindi ko rin matanggi na parang pinipilit ko lang ang sarili na mainis. Ewan ko ba!

On my fourth step after entering the rowdy canteen, I met Fern's intent eyes among all other innumerable pairs.

Nakita rin ako ni Keno na kasama niya sa mesa. Keno was about to raise his hand for me when Marion hindered him to do so. Alam ko, kahit gaano pagtakpan ng mesa sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad bitbit ang tumbler at wallet ko. I walked past the four of them like I didn't consider them my close friends.

Nilingon ko ulit ang gawi nila nang nakapila na ako.

Likod ni Fern ang nakaharap sa akin. Nakayuko na ulit siya sa gitara habang banayad na iniiling ang ulo. Despite the lack of actual evidence, I believe he's not anything close to strumming the awaiting strings because he's just staring down at it.

"Guwapo talaga lalo ni Kuya Fern sa uniform niya."

"Sino?"

"Ay, transferee ka nga pala. Ayun, oh, 'yung may hawak na gitara... Crush namin yan ni Ate rito sa school. Sayang lang kasi lumipat na ngayong taon."

"Grabe, oo, girl. Ang guwapo ng likod."

"Tss! Hintayin mo mamaya, daan tayo sa harap nila! Nang makita mo harapan!"

"Pero seryoso, halatang guwapo nga kahit nakatalikod."

I released a sigh after hearing the girls behind me. A sigh of agreement. Totoo namang isa si Fern sa mga guwapo na kilala ko. And his good looks is not based on a few's personal preferences. It fits on the noticeable general standard.

Ayon nga rin sa isang babae, totoo rin naman talagang guwapo kahit ang likod ni Fern. Lalo na ngayong humahaba na ulit ang buhok nito.

Kaya... Kaya imposible talaga!

"Hala, si Ate Erisette pala 'yang nasa harapan mo."

"Erisette? Sino naman 'yun?"

"Shh! Best friend 'yan ni Kuya Fern. Sana hindi niya narinig."

My forehead creased at two discoveries. Hindi ko alam na kilala ako ng babae at na kilala ako bilang... best friend ni Fern? But with how we were with each other, I think it was only natural for them to think of us like that.

After getting myself a lunch meal, I sauntered around the canteen without stopping at where Fern was, though it was what I'd naturally do if only we were in good terms.

Kasi nagkatotoo iyong distansiya. Not for the reason of his made-up girlfriend requiring it but for what happened the moment he laid me on that tricycle. Hindi ko siya kinausap. Hindi niya rin ako kinausap.

Kaibahan lang ngayon, hindi na lang siya ang hindi namamansin. Ako rin. Hindi na ako nag-e-effort na magkausap kami. I couldn't bring myself to speak to him even just a few words.

Sa kalagitnaan ng pagkain sa ibang mesa ay sumagi sa mesa nina Fern ang paningin ko lalo at nasa linya rin iyon. I witnessed them leaving their table most probably because they already finished their meals.

Nakapapanibago rin talaga. Aalis na si Fern at babalik sa sariling school... nang hindi kami nagkausap dalawa.

"Thank you. I'm now confident. Perfect score sana ako nito!" bulalas ni Camara kaya binitiwan ko na ang kaniyang reviewers.

I stood from my bedroom floor while she remained lying on my bed, finishing the bracelet she just started after seeing the loom bands kit under my bed which I got from Hadya before.

"Good luck sa test mo. Perfect mo 'yon, for sure."

Inahon niya ang pagkakasandal sa headboard ko nang hindi inaalis ang atensiyon sa binubuong bracelet. Masyado iyong makulay dahil nanghinayang ata siyang hindi magamit ang lahat ng bands.

"Enough with me now. I was in the canteen last time, quickly grabbing a snack since it's a short break. Saw you and Fern. Different tables." Sinulyapan niya ako nang diinan ang huli. "800 words minimum, 1,000 words maximum. Begin."

It was the least I expected to speak about with her today, causing me to swallow my tongue. May awang ang mga labi akong tumunganga sa kaniya na nakatuon lang talaga sa ginagawa.

She tossed an impatient glance at me after my silence. "Ano na? I said begin. Right now."

Halos masindak ako sa nandidilat niyang mga mata at nakataas na kilay. Napapeke tuloy ako ng ubo nang wala sa oras. Honestly, I meant to open up to her about it. I just didn't know how to unbox that... kind of load. Buti na lang, siya na ang nagbanggit.

Kahit nag-aatubili pa, huminga ako nang malalim at umupo sa dulo ng kama ko saka sinimulan ang kuwento.

"Teka, what?" Nanitig siya hanggang sa makaintindi. "You mean totally non-existent? The girlfriend?! The... when is it... the September 23?!"

Tumango ako.

"What the fuck!" she exclaimed with laughter attempting to burst. "Ano 'yon, Fern, imbento ka!" Humahalakhak siyang bumalik sa ginagawa.

Nagduda rin ako noong una. Kaya lang naisip kong wala nga siyang ipinakilala mula noong sinabi niyang may nililigawan na siya. Parating may dahilan. That's why?

"And then..." Humina ang boses ko. "And then we... talked."

"Teka, why would he do that? The whole imbento thing and the cutting contacts?"

"Hindi ko alam." Kumibit balikat ako kahit wala naman sa akin ang mga mata niya. "Pero 'yun nga, Rara. Nag-usap kami tapos ano..."

"Pabitin naman!"

I mentally scolded myself for not turning on the air con. The fan was not enough to beat the heat wrapping my entire face. Parang ang feeling ko talaga sa naisip ko. Sobrang labo.

"He's implying that he's..." Ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang hiya. "Mistaken the definition of friendship?"

Hindi ko bilang kung gaano katagal akong nakapikit. Pero sa buong pagkakataon, wala akong narinig kay Camara.

I opened my eyes only to be greeted by a knowing small grin pasted on her gloss-coated lips. "Congrats. 'Di ka na lovelife-virgin. Fucking finally, huh?"

Namilog ang mga mata ko. By that, I knew that we landed on similar interpretations. Ginaanan ako dahil doon. Kaso hindi ba dalawa na kaming feeling ngayon?

"Tapos mula no'n, 'di na kami nagpansinan. Kaya 'yung nakita mong 'di kami magka-table."

She nodded multiple times while she absorbed the whole thing. "Clichè!" she then blurted in a teasing tone. Naiiling din siyang humagikhik.

Ngumuso ako.

"I know that he can be pretty close with girls. Pero may something din talaga kasi sa kaniya kapag tungkol sa'yo. Iba. Hmm. Ang lakas ng kutob ko, ah! May namuo yatang feelings!"

"A-Anong feelings?" mahinang tanong ko. 

"So overall, with that 'may girlfriend na raw siya' trick...'Di kaya lahat ng 'yon ay dahil isa lamang siyang teenager na magulo ang feelings?!" 

"F-Feelings?" nautal kong inulit.

"But... alright, if that so, I get it! Ganito naman talaga sa edad natin... we figure out our feelings that sometimes, we mess things up even more. Kahit hindi naman natin intensiyon ang makagulo o makasakit."

"F-Feelings..." I echoed hesitantly. Hindi ko alam kung magagawa ko bang maniwala. 

"Naranasan ko rin kasi 'yan sa mga suitors ko. Minsan nga, Eri, alam mo ba? Sana talaga dalawa na lang ang puso ko!" Humagalpak siya sa tawa bigla. "Madalas talagang magulo ang feelings ng mga kabataan. Parang ang akin. Pero saka ko na lang aayusin!" 

"Feelings..." wala sa sarili kong inulit. Shit! Paano nangyari lahat ng 'to?

"What? Ba't kanina ka pa tulala at whisper nang whisper diyan?" tanong ni Camara. "Sinasapian ka ba? OMG. Umayos ka, ha. Eri, nursing student ako, hindi exorcist."

"Ha? Ah... Puwede rin kasing isa lang sa mga dares nilang magtotropa."

Sumimangot si Camara. "If that's the case, then I won't let him see even a strand of your hair!"

Natahimik ako. Kaya ko kaya ulit patawarin si Fern kung ganoon? Parang hindi na makatarungan na lagi nila akong pinaglalaruan kung sakali...

Napaahon si Camara at sa wakas ay ibinaba ang ginagawang loom bands bracelet. It's really colorful and stylish. Napansin ko ring dalawa ang tinapos niya. Siguro kaniya ang isa at iiwan sa akin ang isa.

"'Di kayo nagpapansinan ngayon. So..." Her eyes suddenly twinkled. "OMG. Free your Saturday night."

And that's only what she fed me, resulting in my utter curiosity and desire to reach Saturday in a split second. Kaya nang dumating ang araw, hindi pa man siya tumatawag ay nakaabang na ako sa kaniya.

"Ano nga kasing meron?" pangungulit ko nang pumanhik kami sa kuwarto ko.

"Fine, fine! Remember the restobar where the students in our school usually spend the unofficial after-parties?"

"Uhuh. Anong meron?"

"It's their 5th anniversary, so there must be fun there tonight." She yanked a set of my clothes from my closet. "Here, wear these."

Napatitig ako sa inabot niya bago nakasagot. "We just turned seventeen. We're just seventeen. Hindi tayo pwedeng uminom."

"Edi Coke." She rolled her eyes. It clearly infuriated her how our age was not allowed to imbibe. "Go, get dressed."

"Ayokong lumabas nang... ganito ang suot," tukoy ko sa spaghetti strap top na itim. It's just a sleepwear to me.

Bihira lang akong magsuot ng off-shoulders dahil may kaunti akong acne sa likod. I use my hair as a curtain during those countable times. Saka hindi rin ako panatag sa kilikili ko!

Camara puckered her lips as she snatched another clothing to replace the spaghetti strap. She's aware of it. Pakiramdam ko tuloy, sinubukan niya lang kung kaya ko na at nabigo siya.

I already showered before she came so I just changed my clothes in the corner of my room while mulling over one realistic truth.

Kung gaano kadaling sabihin na dapat tanggapin ang mga tingin nating depekto sa sarili, ganoon kahirap isabuhay iyon. Kung gaano kadaling sabihin na yakapin ang mga ito dahil parte ng pagkatao, ganoon kahirap itaas ang mga braso upang gawin.

Never easy. And quick. Not at all, to me.

"Sayang 'yung spaghetti strap outfit, Eri! Maputi naman ang armpits mo, eh. You're just overthinking that they're not worthy to be flaunted," Camara kept on lamenting even when we're already on our ride.

Tama nga kaya siya na overthinking lang? Maybe? Kaso... mahirap kalaban ang utak lalo na kapag sinagad nito ang mag-isip. My mind has always been an enemy I cannot vanquish.

Maliit ang ngiti ko. "Next time..." Kapag kaya ko nang hindi magpatalo sa isip ko.

"But first, stop me from imagining you in it." Pinaypayan niya ang sarili gamit ang mga kamay. "What a hottie I got in here!" Itinuro niya ang sariling sentido.

"Hottie ka riyan!" I snapped disbelievingly.

Okay rin naman ang suot ko ah? Black Converse in a low cut, faded maong shorts, at oversized graphic t-shirt na tinali ang laylayan upang hindi mahaba tingnan.

Sa rooftop ng isang inn building ang venue kaya halos pawisan kaming dalawa sa pag-akyat. Camara slid the door open, so the muffled noice exploded so loud. She happily greeted some of her friends near the doorway.

Bumagsak sa sahig ang tingin ko nang pagtinginan kami dahil mga bagong dating. There's no enough effort to stress how I hated being looked at. Because that always leads to formulation of judgements... which are the venom to one's soul.

Camara threw her arm around my shoulders. "Sa'n puwesto gusto mo?" she asked right in my ear, trying to beat the loud music erupting from the speakers.

Tinanaw ko iyong terasa sa kabila at tinuro. Isang tao lang ang naaninag ko roon at mukhang aalis na rin.

"Huh? Sa labas?"

I just nodded and deprived her of the chance to change my mind by stepping forward. I felt her tailing after me.

Natigilan lang ako nang makilala ang bulto na pumasok mula roon sa labas. Hawak ni Fern sa fingerboard ang isang acoustic guitar habang sinasarado ang sliding door nang nakatalikod sa amin.

Nangibabaw ang hagikhik ni Camara sa tainga ko. Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko at muling bumulong. "'Di kayo nagpapansinan so... 'di ka niya in-invite ngayong gabi, right? It's his gig tonight."

Tinitigan ko si Fern hanggang sa humarap na siya sa banda namin. I clearly saw how shocked he was when our eyes connected. He briefly eyed at Camara and quickly looked back at me as if I'd disappear into thin air any moment.

Kunot ang noo nang inabot niya muli ang sliding door at dinausdos pabukas. Understanding the gesture, I resumed stepping out without uttering any word to him. Ganoon din siya na nakatitig lang sa bawat kilos ko.

"Pang-ilan ka?" I heard Camara ask him.

"Pangalawa..."

"Okay! Good luck!"

Si Fern din ang nagsarado ng sliding door nang makalabas kami ng kaibigan ko. Nagkatinginan pa kami nang sumandal ako sa malamig na balustrada kasama ang madilim na langit sa likuran ko.

Camara coughed and after that were her waggling eyebrows. Pagbalik ko ng tingin, umalis na si Fern. I watched him head somewhere in the room with the acoustic guitar.

Kapag siya na, papasok ako sa loob. I miss him singing... I miss his voice... Holy shit. Miss na miss ko na siya. Masikip na sa dibdib ang pakiramdam.

"Hala... tatagay oh. Pagalitan mo, Eri," sulsol ni Camara na minamatyagan din si Fern.

Hinarang kasi siya noong isang grupo at hinila sa braso. I saw him shaking his head but the shot glass still ended up in his hand. He downed it which drew creases of distaste on his forehead.

"Eighteen naman na siya. Saka ba't ko pagagalitan... I'm not his parent or girlfriend." Ni hindi nga rin kami nag-uusap na.

"Pero gusto mo?"

I eyed her a little panicky. Inirapan niya lamang ako. Sinundan ko na lang ng tingin ulit si Fern sa loob. Umupo na siya sa mesa kasama sina... Caelan, Keno, at Marion.

It made me sigh. Miss ko na rin sila!

Pumihit na lang ako upang ihilig ang mga braso sa kaninang sinansandalan. I chose to gaze at the baywalk than be caught staring at them.

Camara ranted about how Kuya Drith was absent tonight but some of his friends were here so she couldn't smuggle out even just a beer... or she's doomed once she got back home. 

I reiterated my stand and she countered that everything in the menu was free tonight. Pinilit kong Coke at finger food lang sa amin. It tastes more delicious than Mamala's sermon.

Pasado alas siyete nang hinila ako ni Camara papasok sa loob. I didn't bother asking when I saw Fern fixing himself on the small stage. Kasama niya si Caelan na may hawak ding gitara. Umupo si Fern sa stool sa gitna na nakayakap sa sariling gitara habang lumapit sa mic stand si Caelan.

"Hi, magandang gabi po," bati ni Caelan sa mga tao. "This is Scene One's acoustic version. We hope you like it."

Paupo na rin siya sa sariling stool nang bumalik ulit sa tapat ng stand. May nakalimutan sigurong sabihin? But my forehead crinkled upon seeing a sinister smile etched on his lips.

"Nga pala. Para sayo raw 'to. Alam mo na kung sino ka..." Narinig sa mic ang mahina niyang tawa. Nanginig ang mga balikat niya dahil mas natawa nang makitang masama ang tingin ni Fern sa kanya.

That woke the nosiness of the people. May iilang hindi tinablan ng hiya at tinanong ang dalawa kung sino. Fern just dismissed them by beginning to strum which caused Camara snickering beside me. Panay sundot nga rin siya sa tagiliran ko.

"Stay for tonight... If you want to, I can show you... What my dreams are made of... As I'm dreaming of your face..."

Nahalata kong si Fern lang ang kakanta at sa gitara lang si Caelan.

Grabem walang kupas. His voice is really something that awakens the butterflies in the stomach. Camara beside me can vouch. Siguro... ako rin.

"I've been away for a long time... Such a long time... And I miss you there... I can't imagine being anywhere else... I can't imagine being anywhere else but here..."

I zeroed in on him.

Tagos lang sa harapan ang tingin niya at walang partikular na tinititigan. He didn't even check on his hands like it was not at all needed because he's strongly familiar with the deeds to the whole instrument.

"They say that love is forever... Your forever is all that I need... Please stay as long as you need..."

Nagulat ako nang hindi niya kinailangan suyurin ang lugar. In one swift divert of eyes, our gazes locked as if he knew where I'm at all this time.

Hindi niya rin yata inasahan ang titig ko na saglit siyang nawala sa pagkanta. Umatras ang bibig niya sa mic. It didn't really ruin everything though. He licked his bottom lip before he resumed with eyes not directed to me this time around.

"Can't promise that things won't be broken... But I swear that I will never leave... Please stay forever with me..."

Hindi na ulit sumulyap si Fern sa gawi ko habang hindi ko naman inalis ang buo kong atensiyon sa kanya. I even failed to notice that I was already standing alone because Camara's suddenly out of sight.

It's already almost the end of the song when my attention got snatched from him. Nang lumapit si Luis at Ronnie sa akin. Mukhang naglilibot sa buong lugar at nakita lang ako.

"Erisette!" Sa bigkas ni Luis sa pangalan ko, nalaman kong may tama na siya. "You're here..." He smirked for a reason that I can't pick up. "Wow, rebonded."

"Gago to..." ani Ronnie nang akbayan ako ni Luis. He shook his head laughingly, making me conclude that he's tipsy, too.

Naging tagos na lang ang tingin ko. All I think of is the weight of Luis' arm around my shoulders. And the weight slowly growing and gnawing in my chest because of his presence.

"Puta, antok na 'ko," aniya kay Ronnie. Normal ang tono niya na parang hindi siya nakaakbay sa akin ngayon!

Natuod lang ako kahit gustong-gusto kong alisin ang braso niya. Napansin kong huminto na ang tugtog at narinig ko ang mga tao na humihirit ng Scene Five kina Fern. May ilang kanta nga rin akong narinig na hindi na Sleeping With Sirens.

Noong akma ko nang susubukan na tanggalin ang sumasakal sa mga balikat ko, nakita ko si Fern na papalapit sa amin kasunod si Caelan. I looked past them and saw another group now reigning the stage and owning the people's crave for music.

"Tribales... Kamay mo," kalmadong sabi ni Fern. But there's something dangerous in his aura.

"Huh?" si Luis na nagulat pa sa pagsulpot nila.

"Kamay mo."

Umismid si Luis. "Hah. Ano, Velicaria, bakod ka na ngayon?"

Fern's facial expression hardened but he remained composed. "Hindi siya komportable sa akbay mo."

"Anong hindi—"

"At kung nambabakod nga ako, ano ngayon?" dagdag ni Fern. Sa tono na buo, matapang, at may paninindigan.

Parehas kaming natameme saglit ni Luis.

Kumapit si Caelan sa balikat ni Fern, seryoso ang mukha. "'Tol, baka 'di mo makuha pera kapag magkagulo kayo rito..."

Fern didn't avert his sharp stare from Luis. "Kamay mo," aniya tila hindi mapapagod na ulit-ulitin iyon kaso hindi rin maipapangako na kayang magtimpi hanggang dulo.

Suminghap si Luis at inalis ang braso sa akin. "Chill! 'Di fair kung makipag-away ka ngayon. Nakainom ako. Ipapa-Pulis kita kapag ginulpi mo 'ko..."

Fern stared at him, sharper this time, longer than necessary in the middle of silence. Wala siyang sinabi at magaan lang akong hinigit sa palapulsuhan. He's about to bring me away from there when Luis spoke again. Napalingon ulit kaming tatlo nina Caelan sa lalaki. 

Bakit ba ayaw talaga paawat nito?

"Kala ko ba 'friends' lang kayo? 'Di ba?" Siniko niya si Ronnie. "Ano, Fern, may gusto ka na sa tropa mo ngayon?"

"Hay, ambobo. 'Di pa ba halata?" I heard Caelan irritably whisper his side-comment. Para bang hindi napigilan ang sarili.

Pero nanatili akong nakatingala kay Fern, nag-aabang ng sagot katulad ni Luis. My heart drubbed so painfully every passing seconds.

"Oo," sambit ni Fern, kumuyom ang panga. "Tapos? Ano ngayon?"

He's calm, almost impassive, but he also sounded like he's ready to pick a fight if anything he wouldn't like would roll off Luis' tongue. 

Luis fell silent. Fern then continued pulling me with him upon realizing that he's not worthy of our time. Pakiramdam ko nakalutang ako habang nagpapatangay sa kaniya.

Did he just... confirm my delusion?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro