Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2 #jttwbs

People often state that what's important is one's inside beauty. That an inner goodness weighs more than what's on the surface. But it just doesn't... seem like it.

Ganoon kasi ang sinabi sa nakita kong post mula sa Facebook. It's absolutely comforting to see posts with that kind of message. People were also agreeing with their short or lengthy opinions in the comment box.

Pero bakit parang hindi naman ganoon ang nangyayari? Or is just me?

My chest raised at the explosion of a car horn. Inilipat ko sa center table ang bowl ng watermelon slices na kinakain at ang throw pillow na nasa aking hita. Bitbit ko ang cellphone ko nang inunahan si Mamala na lumabas.

I hurriedly opened our gate for my parents with a great zest. I witnessed the end of luminance from the headlights followed by the engine's halt. Naunang lumabas ang sopistikadang babae mula sa passenger seat.

It's almost as if her facial features defy aging with her through the years. And maybe, to bear only a solo child was what maintained her figure. Nanatiling maalindog ang babae sa kabila ng edad. May kaakibat na tapang ang klase ng ganda at hindi kailanman matutukoy na mahinhin.

But Mommy's drowsy eyes indicated exhaustion. Malamya siyang naglakad habang mahaba ang mga hikab. Galing kasi siya sa isang event sa downtown. I wasn't quite sure if it was held by the company or just their colleague.

Nagpaskil ako ng matamis na ngiti. I waited for her to come near then I stepped back so she could enter the gate.

"You're oily," she remarked, which I expected, before she went straight to the house.

Daddy closed the car door with a small thud that snatched my attention. His key fob and keys were jiggling as he walked towards the gate.

Para silang isang sikat na tambalan sa showbiz noon ni Mommy... Kung nag-artista lang sana sila. Sa tangkad at tindig ay hindi nalalayo si Daddy sa mga guwapong sikat na aktor noong araw nila. I trust that he can even line up with them.

Sinarado ko ang gate nang nasa loob na kaming tatlo bago ako sumunod sa kanila.

"Ano ba 'yan, Eri, hindi talaga nababawasan ang mga tigyawat mo," Mommy said while unclamping the strap of her nude block heels. Nakaupo na siya sa sofa.

"Bakit kasi hindi mo tanungin si Ashtine kung ano ang ginagamit sa mukha at ang kinis," Daddy intervened with fading voice because he was heading to the kitchen.

Nagtanggal naman si Mommy ng mga suot na alahas. Isinilid niya ang mga ito sa kulay pula na hand bag. I saw her shake her head amid her speech.

"Ashtine doesn't use anything. Natural na makinis ang balat ng batang 'yon."

I slowly reached for the bowl of watermelon slices I was eating. Aakyat na sana ako sa taas kung hindi lang siya nagsalita ulit.

"Your classes have already started, 'di ba? How are your grades, Eri? Puro itlog na ba agad?"

I fought the urge to scowl.

Hindi naman laging zero ang scores ko. There are just... tough times! Many of it! Kapag lang hindi ako talagang nakapag-aral, hindi alam na may tests, o kapag surprise ang quizzes.

Saka fine, tuwing tinatamad mag-aral... which, by the way, occurs ninety-nine percent of the time.

Hindi kabilib-bilib ang records ko. Simula noon, hindi na talaga ako ginanahan na mag-aral at hindi ito nagbago sa paglipas ng panahon. Hinahawaan lang talaga ako ni Camara. Saka dala na rin ng hiya sa mga magulang na nagtutustos sa akin siyempre.

Parang... wala na rin talaga akong pakialam.

Because while any vehicle requires either fuel or electricity to operate, any human is also in need of a drive to function. Kaso wala naman ako niyon. Hindi ko rin nadama mula sa... mga taong dapat na dahilan ko.

Umiling ako. "It's just the first week, 'My, kaya wala munang discussions."

She shrugged her shoulders, letting it go. "May dinner na niluto ang Mamala mo? Hindi ako nakakain masyado. Puro socialize inatupag ko kanina," natatawa niyang kuwento.

Tumango ako. "Afritada po. Kumain na kami. Kumakain na rin ata si Daddy ro'n."

Mommy stood from the sofa and handed me her bag and heels. "Aakyat ka naman na... Pakidala mo nga sa rack at itong bag sa kuwarto."

I accepted both with my free hand since I was also holding a bowl and my cellphone. Iniwan ako ni Mommy at tumungo na rin siya sa dining. Naputol ang sinasabi ng artista sa isang prime time teleserye nang patayin ko ang TV dahil wala nang tao sa sala.

Pumanhik ako at idinaan muna ang mga gamit ni Mommy sa kuwarto nila bago ako pumunta sa kuwarto ko.

I scrolled through the internet while finishing my watermelon. Nasa kalahati na ako nang may lumitaw na notification. A classmate uploaded photos on Facebook and I was one of the tagged accounts.

They were solo stolen photos of some people in the class during first day. Unang-una ang kuha sa akin. Sunod-sunod naman ang mga tawa o laughing emojis sa comment box.

I desired to just sink in my bed seeing how I looked horrible in my stolen shot. Nakatulala lang naman ako at nakanganga nang kaunti katabi ni Camara ngunit gusto ko nang humagulgol sa itsura ko.

Mas masama pa nga iyong kuha sa iba. Hindi rin naman sa akin ang pinakapinagtawanan ng lahat. But I felt like I was the ugliest! Nakakadiri tingnan 'yung mukha ko!

Those with ugly shots could still redeem themselves because they can look good if they weren't stolen shots. Ako, ganoon na talaga ang itsura ko on a daily basis. Wala nang redemption.

I harshly slapped my laptop lid down without shutting it off. I went downstairs with slumped shoulders. I left the remaining slices of my watermelon inside the fridge. Naghilamos na rin ako sa banyo bago naghanda nang matulog. Mas nasaid ang gana ko ngayong gabi kaysa sa prutas na inuubos.

I wash my face using a regular normal facial wash we use. I don't follow a specific skin care routine anymore. It was my choice. Tamad na ako. Pagod na rin akong umasa. Kasi wala namang nangyayari.

Humiga ako na mabigat ang loob. I made full use of sleep's other purpose besides taking a rest. And that is... to not feel. Even just for an overnight.

"God, Eri, it's so boring," reklamo ni Camara kinabukasan sa room.

"Boring sa'yo kasi absent si Theo. I'm sure that if he's here, you're flirting in front of me."

Itinuro niya ako. "Correct," she exhaled.

Pabiro ko siyang inirapan.

Hindi sa gusto ko nang umpisahan ang mga nakababagot na Lesson 1. Pero ang boring nga talaga kasi halos hindi kami kitain ng mga teachers ngayong first week. But our classmates seemed to enjoy because everybody's voices were joined forces in pestering my ears.

Parang mga hindi sila lahat nauubusan ng kuwento lagi.

Theo:
I'm here :)

I was watching one of Hadya's outfit lookbook videos on Camara's iPod Touch when a text showed. Hinubad ko ang earphones at hindi na nakapagsalita nang umahon na siya mula sa sandalan. Her eyes darted at somewhere in front of the classroom.

"You bastard... you fooled me!" she hissed at her current suitor. "Sabi mo sa'kin kagabi hindi ka papasok? Sinungaling ka."

Humila ng bakanteng upuan si Theo sa kung saan at itinapat kay Camara bago umupo at pinasayaw ang dalawang kilay habang nakangisi.

"Hindi pa nga tayo, nagsisinungaling ka na!"

"Ano? Isu-surprise nga kasi kita. Nalungkot ka lang, eh," Theo teased with a mischievous grin. "Nalungkot ka, 'no? 'Kala mo wala ako?"

"Of course not!" tanggi ni Camara.

"Ows? Pero bagot na bagot kanina?" bulong-bulong ko. I didn't mean for them to hear that.

Kaso matalas ang pandinig ng kaibigan ko kaya nakatikim ako ng masamang tingin mula sa kaniya. Theo's expressive eyes were smiling, delighted with what he heard from me. Peace sign ang hinandog ko kay Camara.

Dahil wala pa naman kaming klase, malaya silang nakapaglandian habang nanonood ako kay Hadya. Napapangibit ako sa tuwing titinis o liliit ang boses ni Camara kausap ang lalaki.

"Huh? Lunch na?" sisinghot-singhot na tanong ni Camara pagkalipas.

Most of our classmates brings packed lunches and eats inside the room. Kaya halo-halo lagi ang aroma ng mga ulam nila na minsan nose-friendly, minsan tiis na lang.

"Huh? Kapapansin mo lang? Eh, kanina pa sila nagsibukasan ng mga baon?" sabi ko. Nakanood na nga rin ako ng ilang short films dahil naubos na kanina ang videos ni Hadya.

"Oo nga? Lunch na nga, 'no?" si Theo naman, nakatungo sa kaniyang relos.

I stared at them both in disbelief that I really had nothing else to tell them.

"OMG. I'm so sorry, Eri!" Natatarantang tumayo si Camara. "Nagugutom ka na ba? Sana sinabihan mo kami! Let's eat na! Theo!"

Bumibili na lang kami ni Camara sa canteen. Mamala used to cook for me before, but I came too lazy to bring a lunch bag. Palagi ko pa pati naiiwan sa service o kaya sa school mismo. Amoy bulok na tuloy kapag nakukuha kinabukasan.

Itinaas ko ang resibo na kinuha ko sa wallet ko. "I-check ko lang muna kung makukuha ko na mga books ko. Baka maabutan ng cut-off sa office."

Camara puckered her lips. "You sure? Samahan ka muna namin ni Theo?"

I immediately shook my head. "Go ahead. Save na lang kayo ng upuan sa canteen bago mag-jampack."

Nakakahiya rin kasi. It would be a waste of their quality time to accompany me. Buti sana kung si Camara lang? Hindi ko naman masasabihan si Theo na huwag siyang sumama!

"Fine. Bilisan mo, ah?"

Tumango ako. "Yup!"

We zipped our bags close and left them on our respective armchairs. Mga wallet at tumbler lang ang binitbit namin. Inabot ko kay Camara ang tumbler ko upang madala niya na sa canteen. I still had to drop by at the office first.

Hindi ko kasi nakuha agad noong enrollment ang mga libro ko dahil saktong ubusan ng stocks noon. Malapit nang magsimula ang klase namin. Mag-doodle pa naman sa libro ang sagot sa nakakaantok na discussions.

"Sorry, wala pa ring stocks. Ang tentative date of delivery ng publisher ay next week."

"Ah, okay po," I mumbled, shoulders drooping. "Balik na lang po ako, Ma'am. Thank you."

Kiming ngumiti ang admin clerk.

I slightly bowed my head, then I turned with dismay leaving with me. Siniksik ko ang resibo sa wallet habang tinatawid ang kalawakan ng quadrangle. I breathed out upon looking my way again and noticed that I was about to come across someone.

Nakilala kong si Fern ang makasasalubong ko. He was walking with a Spalding basketball spinning on the corner of his forefinger. Nakatutok doon ang atensiyon niya habang naglalakad.

Hindi nagtagal ay napabaling siya sa dinadaanan kaya nagkatinginan kami. But nothing changed in his expression. Parang kaunti na lang ay magsasarado na ang mapupungay niyang mga mata gawa ng antok sa tanghaling tapat.

I transferred my gaze to his friends running after him, who looked oblivious to it. Alam kong Caelan at Keno ang pangalan ng dalawa. Bukod sa kilala rin talaga... Si Caelan ay anak ng isa sa faculty, habang si Keno ang tinaguriang Dougie King ng campus noong kasagsagan ng Dougie battle.

Under the shining sun rays of the noon, they were suppressing their laughter which built sinister smirks etched on their lips. Keno hit the ball that Fern was expertly twirling on his one finger and it fell to the ground.

Fern stopped walking. "Put—" basa kong usal niya sa halong gulat at inis habang sinasamaan ng tingin ang mga kaibigang tumatakbo na.

Magkasalubong pa rin ang mga kilay dahil sa iritasyon na binalikan ni Fern ng tingin ang bola na gumulong. I watched it, too. It slowly rolled towards... my feet. It forced me to stop walking. I witnessed how the dark orange ball touched the front ends of my black school shoes.

Inangat ko ulit ang mga mata at nagkatinginan muli kami. Our eyes were locked even if a cue blasted from the campus speakers. Kasunod ng anunsyo ng inatasang speaker ay ang umpisa ng dasal sa ganitong oras.

"The Angel of the Lord declared unto Mary..."

I didn't hesitate and immediately bent my head with my eyes shut. I decided to stay that way until the end of the Angelus.

Nang matapos ang dasal ay unti-unti kong idinilat ang mga mata. Ang bola at quadrangle ang unang bumungad sa akin bago dahan-dahang inangat ang paningin.

I got taken aback when I instantly met Fern's eyes again like he didn't detach it. Nagsanib ang tamad at antok sa kanyang mga mata. Nakatigil pa rin siya roon, hindi lalagpas ng sampung hakbang mula sa akin.

As if my foot grew its own brain, I kicked the ball back to him. Kaso hindi ko naman inasahan na tanga rin ang utak ng paa ko at malayo kay Fern ang ginulungan nito!

What the freaking hell, Erisette! Ano ka ba, naglalaro ng football?!

Shame bit me like a snake and its venom spread out inside my body. I briskly walked away in order to save a face from that stinging embarrassment.

Ang malalaking paghakbang niya upang habulin ang bola ang huli kong nakita.

My embarrassment only subsided when I was already in the canteen with Camara and Theo. Hindi pa sila kumakain kasi hinintay raw muna nila ako. Iniwan namin ang bag ni Theo sa mesa upang makabili na ng tanghalian.

"H'wag mo akong akbayan, Theo," Camara scolded her beau when we were in the queue. She looked around. "Kuya might see us. Nasa canteen tayo, hindi sa classroom."

Theo looked around too. "Wala naman."

"Maraming mata si Kuya! I told you, 'di ba, na kunwari demure ako kapag kasama ang mga manliligaw. Or else we're screwed!"

Bumuntong hininga si Theo at inilayo ang braso sa balikat ni Camara. "Okay... Okay, fine. Sorry. Don't be upset. Please?"

"I'm not upset."

"Ra! Si Kuya Drith, oh!" singit ko.

Naalarmang sinuyod ni Camara ng tingin ang canteen. Hindi ko napigilan at sumabog ang tawa ko hanggang sa naging halakhak ito.

She eyed me sharply. "You. How dare you," sabi niya at hinila ang buhok ko.

"Aray ko!" natatawa kong daing. I even massaged my head like it hurt that bad when it wasn't the case.

Inismiran niya ako. "Pero, oy... 'Di yata ako papasok bukas, Eri."

My forehead creased. "Bakit?"

"It's Mom's off tomorrow and we're going to the salon. Mag-a-absent muna ako habang hindi pa naman talaga nagsisimula ang klase."

Ginising ng balita ni Camara ang katamaran ko. Malapit-lapit na rin magsimula ang klase at sayang nga ang mga pagkakataong ito.

Okay, hindi na rin ako papasok.

I still woke up early the next day because I forgot to deactivate my regular alarm last night. It blasted and completely awakened my spirit. Nahirapan akong makatulog ulit kaya naisipan ko nang bumaba at kumain ng agahan.

I was even humming an invented tune while descending the stairs. Natigilan lang ako nang makita si Mommy sa sala. Namataan niya rin agad ako. Shit! Day off niya rin ba?!

"Anong oras na, ah? 'Yung tardiness award talaga, Erisette, ang aangkinin mo?"

"M-Maliligo na nga ako, 'My."

Pumihit ako at mariing napapikit. Palihim ko ring tinampal ang aking noo.

Sa banyo tuloy ako dumiretso imbis na sa hapag. It turned out that the cold, even if I set the water hot, was going to be my breakfast. Binilisan ko na lamang nang naalala ang service ko. I then called Mamala to bring me my bath towel since it was an impromptu bath.

Buti at saglit lang na naghintay ang service sa akin. Nakakahiya kasi kapag sunod-sunod na iyong busina ni Mang Emil. Parang isinisiwalat sa buong subdivision ang kabagalan ko.

Kasama ko si Hadya sa service ngunit mag-isa na ako pagkahiwalay niya sa akin. It brought me to a thought that the day hadn't reached half of it but I already knew that I was doomed.

Kasunod ako ni Ashtine papasok ng room at kasunod lang din namin si Ma'am Ruez. Ibig sabihin, may importanteng kung ano na dahil nandiyan ulit siya. I hoped that it was anything but the beginning of Lesson 1.

"First agenda today, seating arrangement," anunsyo ni Ma'am Ruez.

Pinatayo muna kami lahat at siniksik sa dulo ng room. Buti na lang kasi hindi ko rin alam saan ako uupo. Ma'am Ruez called our names one by one in alphabetical order but the genders were in alternate sequence.

Nasa unahang row ang pinsan ko na Corres. Pinakahuling row naman ako. Kapag reverse alphabet ang napipiling ayos katulad dati, nasa unahang row rin ako.

"Ikaw nanaman, Eri," pabirong reklamo ni Luis nang sabay kaming maglapag ng bag.

"Oo nga, eh," sakay ko naman.

Hindi si Pio ang katabi ko sa kabila kundi si Caelan Visa. I haven't seen Pio since first day, so I assumed that he already transferred school.

"Saka mag-elect naman tayo ng class officers," ang sunod na anunsyo ni Ma'am Ruez.

I got distracted with what I saw through the corner of my eyes. May mga lalaking tahimik na gumapang sa sahig sa tapat namin. Natatawa sila pero pinipigilan nila.

"Mga gago talaga kayo," bulong ni Caelan sa mga... kaibigan niyang tagakabilang section!

My eyebrows furrowed when the scene finally sunk in. Hindi sila kita ng guro dahil mga nasa lapag at dulo na rin namang itong row namin. Napaayos ako ng upo dahil sa biglang humalimuyak na body spray sa harapan ko.

Nailang ako nang makitang si Fern Velicaria ang nakapwesto sa may tapat ng paa ko.

Sa ibaba ng tuhod ang haba nitong uniform naming mga babae. Hindi rin naman tipong dikit na ang lalaki sa akin. Pero... sobrang lapit! Kasi nasa tapat ko siya mismo sa sahig! Tapat ko!

Napalunok ako sa hindi maunawaang kaba. In the end, I just fixed my gaze on Ma'am Ruez in front before he could catch me staring at him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro