Chapter 15
Chapter 15 #jttwbs
Graduating from high school was the least thing to happen. It didn't feel like an achievement. That's how I felt.
Lalo na noong nasulyapan ko si Ashtine kasama sina Tita at Tito na ngiting-ngiti. Tita even went home from outside the country for this. Of course, the Valedictorian deserved that.
"Sa leeg mo pa..." mahinang saad ni Fern na pinanonood akong magpunas ng pawis.
I riveted my attention back to him. "Uhm..." Nailang pa ako dahil naisip na ang oily ko na siguro at hulas na ang makeup. "Iuuwi ko na lang muna 'to. I'll wash it first."
He shook his head smilingly. "Sa'yo na."
"But how about you?" tanong ko habang nakatingin sa may pawis niya ring noo.
Pero kung ikukumpara, mas pawis nga ako. Kasi naman wala masyadong tornado fan na nakararating sa may upuan ko! Sa dulo dahil Veraño at wala sa top 10! Si Fern din naman ngunit nasa kabilang hati ng upuan silang mga lalaki.
"May extra towel ako."
Tumango na lang ako at iniba na ang usapan. "May handaan kina Ashtine. Nasa'n ang mga kaibigan mo? Sasama ba kayo?"
"Kung sasama ka?" balik niya, nakataas ang isang kilay.
"Siyempre! Pinsan ko kaya ang maghahanda."
He nodded. "Okay, sabay na tayo?"
I nodded with a huge grin that eventually faded when a stressed Keno being followed by a woman nearing us caught my attention.
"Nasaan nga kasi ang mga barkada mo at kukuhanan ko lang naman kayo!"
Kakamot-kamot si Keno sa ulo nang nagawi ang tingin sa amin ni Fern. "Oh, ayan, Ma! Si Fern! 'Wag ka nang maglakas ng boses..."
Nawala ang pagkakasalubong ng kilay ng ginang nang sipatin ang kasama ko. Malaki ang naging ngiti nito. "Nariyan ka pala, Fern! Magtabi naman kayo nito ni Keno ko nang makuhanan ko kayo ng picture. Ayos lang ba 'yon?"
"Oo naman, Tita," Fern agreed with a grin.
"Saka ayan pa si Erisette..." dagdag ni Keno.
"Ay, ikaw rin? Oh, sige! Sina Marion, Keno? Dalian mo na nga at naghihintay ang tatay mo!" sermon ng ginang na akmang pipingutin na si Keno.
"Wait lang, Ma! Chill!"
"Kanina pa kasi pinahahanap ang mga barkada!"
Humahalakhak si Fern nang harapin ako. "Samahan mo muna si Tita. Samahan ko lang si Keno'ng hanapin sina Visa."
Nakakagat ako sa ibabang labi nang tumango. My heart raced in a panicky manner as I watched Fern and Keno detach themselves from us. Boring ako kasama, e!
Buti na lang, nagsalita ang nanay ni Keno. "Maupo lang ako rito at tingnan ko ang pictures dito sa digi cam, ha? Dami kong kuha sa anak ko kanina."
Mabilis ang naging pagtango ko. "Sige lang po."
Naupo siya sa isa sa mga natirang upuan na inililigpit na ng mga cadets. Binuksan niya ang camera at lumabas ang lente mula sa pagkakalubog. I considered that as her busy state so I dared not to strike a talk. Not that I had the face to do so.
I remained standing near her. I crossed my arms and looked for Fern and Keno in the vast ocean of people. Pero si Ashtine ang nakatagpo ng tingin ko. My arms loosened a bit when I realized that she was heading to me.
"Are you coming later? Sa bahay?" bungad niyang tanong. Her face was straight that I felt like nodding my head would disfavor her to the extremities.
"Ash... Oo, siyempre—"
"No, don't. I'm not inviting you."
Iniwan niya ako nang ganoon lang, ni hindi na ako nakasagot. I slowly pressed my lips together and looked away from her departing figure.
Sinulyapan ko na lang ang nanay ni Keno at nakitang abala naman ito sa camera. I caressed my shoulders and waited for the guys to come back instead.
"Bilisan n'yo na at baka kunin na 'yang toga ninyo," Keno's mother hustled us when they came back. "Sa stage!"
"Relax, Mama, hindi naman 'to basta-bastang huhubarin sa am—Ha, ano? Stage? Ihh! Ba't dun pa? Dito na lang!"
Talo ang reklamo ni Keno kaya umakyat kami sa entablado. But we had to wait for our turn since the area was crowded with graduates aiming to capture several pictures anywhere on the stage or with the backdrop designs.
Kami lang ata ni Keno ang naiilang na tumayo sa stage dahil mukhang game iyong tatlo. They were even making fun of Keno's complaints! Why was I here again?
"You okay?" tanong ni Fern nang mapatingin sa akin. Nabawasan ang pagkakurba ng labi na bunga ng tawanan nila.
Tumango ako. I was caught off guard when he grabbed his hanky from my hand and gently wiped the sweat on my forehead without uttering any word.
Ibinalik niya rin sa kamay ko nang binilangan na kami ng nanay ni Keno. Pagkatapos namin ay kinailangan namang ibalik na ang mga nirentahang toga. Saka sila nakapagpaalam sa mga kasama bago dumiretso kina Ashtine.
I went to Camara who had been calling me. Hindi na ako tinamaan ng gulat nang makitang naroon din ang ilan pa naming kaibigan. But eventually, after our picture taking, I had to part ways with them.
The Centenarios would be eating out somewhere in a high end hotel downtown as their celebration for Camara's triumph as the First Honorable Mention. I was invited but of course, Camara knew that I would be attending my cousin's and she understood.
Ashtine basically shooed me before her party could even start. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang 'yon... Ashtine and I, we absolutely had a gap ever since for some inexplicable reason.
But I just genuinely want to erase that. Kaya pupunta pa rin ako.
Si Mamala lang ang pinasabay ko kina Ashtine. I hitched with Fern and his friends. Hinatid kami ng tatay ni Keno sa subdivision namin kasi roon din naman nakatira sina Ashtine. Medyo siksikan kami sa lumang owner jeep nila.
May tig-iisa kaming monoblock nina Fern sa patio area. Marami ngang bisita si Ashtine ngunit hindi sa puntong halos hindi na magkakasya ang langgam. It was just enough amount of visitors who could savor their huge lechon.
"Erisette!"
Sumilay ang malaking ngiti sa akin nang madaanan at tawagin ni Tita.
"Oh, kumakain ba kayo nang maayos? Marami sa loob! Don't be shy and just dig in, ha? These are your friends, Eri? Classmates n'yo ni Ash?"
I casted a glance at the four and nodded at my aunt. "Yes, Tita. Fern... Caelan... Keno... and Marion. Pero tagakabilang section po si Keno at Marion."
"Hello po, Tita!"
"Salamat po sa handa!"
Tumawa si Tita at ikinampay ang mga kamay. "You're welcome to eat more!"
Napangiti ako at natulala sa mukha ni Tita. She was glowing in glee. Kitang-kita ang nag-uumapaw niyang tuwa malamang dahil sa nakamit ng anak.
I felt my heart being full and extremely happy for Ashtine, who was busy accommodating her guests around that she didn't get to notice my unsolicited presence.
"Thank you po pala sa mga package mo last time! Pati sa perfume na sobrang bango po. I'm actually using it," singit ko nang maalala ang tungkol doon.
Tita shook her head like she didn't want to talk about it. "Parating na ang Mommy mo, tinawagan ko. Umalis pala siya nang maaga? Ikaw kasi! Wala ka bang award?"
Nagbahagi lang ang mga labi ko sa kawalan ng isasagot. Hindi ko rin inasahan ang ganoong tanong. "Uh, wala po, Tita..."
Her face contorted in disappointment. Sinipat niya ang mga lalaking kasama ko. "Hindi kasi nag-aayos itong pamangkin ko! Erenea must be so ashamed to even be there during the first seconds! Kung ako rin naman, 'no!"
"With all due respect, may I ask if may lechon pa po—" Tita exuded a laughter which made it impossible for Fern to continue.
Pinamulahan ako ng pisngi dahil tinamaan ng kaunting hiya. Hindi ko alam kung ano'ng katawa-tawa kay Tita. I was only sure that I felt so small in front of her and my companies. Kahit hindi naman umiimik ang mga lalaki, alam kong nakikinig sila.
"You should study well, Erisette, okay? Hmm, well. Ipanonood ko pa nga pala sa mga kumare ko ang video ng speech ni Ash kanina! I'll leave you here. Suit yourselves!"
Nanghihina akong tumango at bumalik sa pagkakaupo. I stared at my aunt as she approached everyone with clear arrogance for her daughter's achievement.
"Lupit nung Tita mo, Eri! Nainsulto rin kami dito kasi wala rin kaming award!" Narinig ko ang halakhakan nina Keno.
Hindi ko manlang sila nabalingan at nasagot. I was too preoccupied with watching my aunt and... with the thoughts like how could they still laugh? Sensitive lang ba ako?
Halos limang minuto na siguro nang mapatingin ako sa katabi ko. "Kanina ka pa ba nakatitig sa'kin?" tanong ko kay Fern at sinubukan kong tumawa nang kaunti.
Marahan siyang umiling at ngumiti. But his smile was so feeble that it didn't reach his ears, as if he just did it just for the sake of it. Nalilito ko siyang tinitigan. Kaso bumaling siya sa mga kaibigan nang tawagin ni Keno.
"Sasakyan n'yo 'yun, 'di ba?"
"Nakaka-miss tumambay riyan at magpalamig lang, ah!" singhal ni Caelan.
Humagalpak bigla sa tawa si Marion. "Naalala ko nung nakaapak ako ng shit tapos nadala ko sa carpet niyan no'n."
"Oo. Gago ka. Buti nasa barko si Papa no'n kundi lagot ako."
Sinundan ko ng tingin ang pinag-uusapan nila. It was the black Fortuner of the house in front. Nakaparada lamang iyon at abot-tanaw namin mula rito kina Ashtine.
"Sasakyan n'yo 'yan? Ba't nandito?" hindi ko napigilang sumingit.
Fern transferred his attention to me. "Used to be ours."
"Huh?"
He shrugged his shoulders. "Sila ang nakabili. Matagal-tagal na rin. Saka..." He smirked boastfully. "Bibili na lang ako ng bago."
My lips stretched to a smile. "Naniniwala akong makakabili ka balang araw... at latest model!"
Nanatili ang ngisi niya pero nabawasan na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig. "You believe in me?"
"I do," I answered in a flash.
"I hope that you feel the same about yourself," he quietly muttered that I didn't hear it distinctly.
Hindi na rin ako nakapagtanong nang kunin niya ang plato ko. Only a not so plentiful rice and beef stew were boarding on it. Hindi ko pa nga 'yon ubos, eh...
"Kukuha na ako ng lechon. Ano pa'ng gusto mo? Kaunti nitong kinuha mo."
"Uhm. Padagdagan na lang ng cake. 'Yung mocha."
Matipid na tumango si Fern. "Alright, coming right up," aniya at tumayo bitbit ang mga plato namin.
Napansin siya nina Keno na agad sumigaw. "Hoy! Kuha mo rin ako!"
"May paa at kamay ka," tanging sagot ni Fern, hindi manlang lumingon at natatawa pa.
"At si Erisette, wala?!" maktol ni Keno at walang nagawa kundi ang sumunod kay Fern, bitbit ang sariling plate. Tawanan naman ni Caelan at Marion ang background.
Nauna silang apat na umuwi.
Malapit lang naman ang bahay namin at kamag-anak ako ng celebrant kaya nagpaiwan ako kahit wala masyadong nakahahalubilo. Bukod kay Mamala na may kadaldalan na ibang bisita kanina.
Hindi rin kasi ako pinansin ni Mommy kahit namataan niya naman ako nang dumating. She was occupied chatting with their friends the whole time until we got home. Kaya hindi ko na rin siya nilapitan.
Napangiti lang ako nang makitang iyong picture naming lima na kuha ng nanay ni Keno kung saan nasa gitna ako ang ipinalit ni Caelan na cover niya sa Facebook. I became friends with them on Facebook just this recent school year.
Though, I didn't like my face there. Ang pangit kaya hindi ko masyadong tinitigan. I was also stuck if I wanted Caelan to upload that or not.
Nakababagot ang bakasyon na iginugol ko lang sa bahay. Saka lang ako nakalabas noong nag-aya si Camara manood ng bagong palabas sa sinehan saka manood ng Senakulo noong Semana Santa kasama sina Kuya Lev.
Noong college enrollment naman, kasama namin ni Camara sina Fern na noon ko lang ulit nakasama matapos ang graduation.
Akala ko nga rin ay sabay ulit kami ni Ashtine. But to my surprise, she was already in Manila. I know the course that she's trying to pin. Mayroon namang ganoon sa school, but maybe she wanted out of her comfort zone.
Hindi tulad ko na sa parehong school ulit dahil may tertiary education din naman. Faithful Award na dapat ang ibigay nila sa akin imbes na Loyalty Award lang!
"How lucky are we to leave high school before K-12 could even take place?" Camara crooned. Pumutok na kasi ang bali-balita tungkol sa implication ng bagong curriculum.
"Good luck na lang sa mga lower batch dahil may additional two years sila. Hah," sagot ni Marion na nasa kabilang dulo.
Magkakatabi kaming anim sa hilera ng mga upuan habang nakapila sa registrar. Si Camara, ako, si Fern, si Caelan, si Keno, at si Marion.
"Masaya nga na ligtas sa two years. Eh, 'yung isa riyan, lilipat naman. Kung h'wag na kasi mag-ibang school," pasaring ni Keno.
Fern chuckled from my right. "Ano ba, Manjares? Crush mo ba talaga 'ko? Clingy mo!"
"Mukha mo, Velicaria! Pa'no lang kasi kapag may drawing activities na naman!"
Fern clutched on his chest, faking a pained expression. "Ouch. User!"
"Saka sino na maggigitara sa mga jamming? Bano naman si Visa, eh!"
"'Tang ina mo ka, ah," sabat ni Caelan.
Humalakhak si Fern at inakbayan ang kaibigan na katabi niya sa kabila. "'Di, ah. Naturuan ko na 'tong tropa natin na 'to. Maangas na 'to dumaliri."
"Dumaliri amputa, ang sagwa!" atungal ni Caelan. "Finger style kasi!"
"Utak lumot ka lang, 'tol," sabi ni Keno. "Ayieee! Gumugusto dumaliri ang kupal!"
"Gago, wala naman akong dadaliriin."
"Ma'am, oh. Sisters, oh. Father, oh," gatong ni Marion, umaaktong matino. "Kay Visa, wala nang holy water ang bibisa!"
Nakikitawa lang ako sa kantiyawan nila. Ito naman ang normal ko... ang hindi masalita. I always trap my voice inside, showing no mercy to it.
"Eh, sa wala nga rito ng kurso ko," ani Fern nang bahagya nang humupa ang tawanan.
"Ayaw kaya ni Eri ng seaman."
Napabaling si Fern sa akin dahil sa sinabi ni Marion. "Ayaw mo?" he asked, with serious eyes and wrinkled forehead.
Huh? I wasn't specifically thinking about that. Pero mukhang ayos naman ang maging marino. Bakit kaya 'yon nasabi ni Marion? Saka ano naman kung ayaw ko kung sakali?
"Oo. Ayaw ni Eri sa mga seamanloloko," Camara answered for me. Nagtawanan at high five sila Keno dahil doon.
"Hindi naman lahat, Camara, h'wag kang ganiyan," si Marion sa nanunuksong tono para sa kaibigan.
"Gusto ni Eri ng pilot kasi magfa-flight attendant siya," dagdag ni Camara na wala namang katotohanan.
Tumikhim si Fern at hinarap ulit ako. "Ayaw mo ng kaibigan mo seaman?"
"Ah, bilang kaibigan pala," bulong ni Camara sa sarili.
I laughed over it and gently tapped Fern's arm. "Ano ka ba, wala naman akong kinalaman sa mga gusto ninyong maging. Be whatever you want and you have my full support."
His entire appearance relaxed, although his eyes were still a bit wary as he seemed to watch out for any additional statement from me. May balak pa nga yata silang manukso sa kaniya kung hindi lang may napansin si Caelan.
"Kawawa naman si Ma'am Ruez, mawawalan na ng Eric dito sa school," saad niya na nginuso ang gurong kadadaan lang na hindi kami napansin.
"Naku, Eric, ha!" Marion mimicked the teacher's voice.
Sinundan ulit ng halakhakan nila. Hindi ko maiwasang marinig sa utak ang mismong boses ng guro tulad niyon. Sa tinagal ko sa school at nakadaan na rin sa high school na hawak ni Ma'am Ruez, nakatatak na sa akin ang kaniyang boses.
"Bakit nga pala Eric ang tawag sa'yo ni Ma'am Ruez?" kuryoso kong tanong nang nagkaroon na ulit ng sariling mundo sina Keno.
Fern twitched his nose like he didn't want to talk about it.
"Crush ka ba ni Ma'am?" habol ko. I sounded innocently curious because I truly was.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. "Pamilyado na si Ma'am, Eri!" He started laughing. "Bago kung ano pa'ng maisip mo, wala lang 'yun..."
"Wala lang?"
Kinamot niya ang nakakunot na ilong. "Natutuwa lang si Ma'am Ruez. Allegedly... may konting hawig daw," he emphasized with air quotes, "kasi sa'kin 'yung 90s crush niya nung kabataan nun. You know Eric of Gwapings?"
"Hindi, eh. Sino ba 'yun?"
"A Filipino actor..." sagot nito, nakangiwi. Parang hindi siya naniniwala na hawig sila. "Saka 'di lang naman ako. May Rico Yan din daw na tinatawag si Ma'am sa college department. 90s crush ulit."
"I know Rico Yan," I said, remembering the late matinee idol. Fan kasi si Mamala ng tambalan nila ni Claudine Baretto. She was part of the population who weeped and grieved for the actor's sudden passing.
Even though I really wanted to compare, I don't have any idea about the actor Eric's facial features. I wanted to just stare at Fern, but of all people, I know that a stare can put us to discomfort so I decided against it.
"Fern, ikaw na!"
Hinanap ko ang binanggit ni Fern na artista sa internet sa cellphone ko habang wala siya sa tabi ko. Hindi naman siya mag-e-enroll. May kukunin lang na papeles bilang requirement sa magiging bagong eskwelahan.
I scanned the pictures when the actor was young with extreme curiosity. Hmm. Hindi naman kamukha talaga ni Fern... Pero makikita pa rin kung bakit nasabi iyon ni Ma'am Ruez. Maybe it's more suitable to say that their features has a tad similitude.
"Eri, hey, may kikitain lang ako. Dulo pa naman ako, right?" biglang paalam ni Camara. She'd been online chatting with someone beside me. "Dito ka muna sa friends mo," she said, pressing the word then winked.
Naiwan sa kaniya ang titig ko kahit palayo na siya. It was the first time that he addressed the guys that way. It brought me an unusual effect as if it just registered to me.
I had come to realize that... are we really friends now? Oo, nabanggit iyon ni Fern noong Valentine's. Na magkaibigan kami. But how... did it happen? It was totally unbelievable from my viewpoint.
Napatitig ako kay Fern na kausap ang staff sa registrar kaya likod niya lang ang kita ko. I still remember the very beginning. In fact, I was even annoyed at him then. Dahil sa nangyari sa court noong third year kami at sa mga sumunod niyang asta na nasaksihan ko.
I cleared my throat. "Caelan," tawag ko sa mas malapit na lalaki sa akin.
"Hmm?" nakangiting sagot nito na iniwan ang masayang conversation nila nina Keno at Marion tungkol sa NBA.
I tugged on my lower lip, thinking twice about proceeding. "Mahilig 'di ba kayong mag-dare na apat? Pustahan?"
"Ha... Mahilig na ba 'yung isa o dalawang beses na nag-dare kami na bumulong sa mic sa speech lab habang on-going ang Speech class?" nalilito niyang saad, kunot ang noo. "Para matakot si Ma'am saka mga kaklase namin no'n?"
"H-Hindi. I mean, 'yung tipong dare na kumausap ng babae. Gano'n."
"Kumausap ng babae? 'Yung iba siguro? Sina Ronnie? Pustahan lang naman naming apat lagi, kapag naglalaro sa computer, eh. Sino talo, siyempre talo."
He's not making sense. Is he lying? Sabagay, sino ang aamin?
Pero ilalaban ko na ito. Kaya nagtagal ang tingin ko na nagpalala ng kunot sa kaniyang noo. Humugot ako ng lakas ng loob bago muling nagsalita. I also didn't know how would I take the answer and the fact that this was impulsive.
"Bago ang recognition noong 3rd year tayo... sa court... unang beses na kinausap ako ni Fern." I swallowed as I narrowed my eyes. "Be honest. Dare n'yo lang sa kaniya 'yun, 'no?"
Lumala ang kaba ko sa bawat segundong hindi pa sumasagot si Caelan. Come on, why was he staring at me like he's clueless? Nakalimutan niya ba? It was just last year, month of March! It wasn't that long since!
"I... don't remember that exact scene back in 3rd year, just as I also don't remember that we had a dare... like that," aniya, diretso ang tingin ng mga nalilitong mata sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro