Chapter 1
Chapter 1 #jttwbs
"Good morning," singhal na bati ko sa bago kong pimple sa pisngi.
Kinapa ko ang isang tila namamaga't namumutok na sa ilong na halos sugatan ang balat ko sa daliri. Hinog na hinog ito. Bumuga ako ng hininga. Sawang-sawa na ako.
I could even hear it greeting me back. Pati na ang mga iba pa sa pisngi at noo ko. The derma advised that I shouldn't make it a habit to touch it, but I can't help it.
Tumagilid ako ng higa. I let out a sigh. This is why I don't have any mirrors in my room. I didn't want to have. Kahit mga compact mirror lang, wala akong ganoon.
I don't fancy seeing my face.
Mirrors... they just show me my reflection. A reflection that is far from my liking. Far from anyone's. It's unable to be filtered. It annoyingly reveals the unwanted reality of my life.
Pero mayroon bang may gusto sa realidad? Parang halos lahat naman kasi yata ay tinatakasan ito.
Bumaba ako upang mag-almusal bago naligo. Nanginginig pa ako sa lamig dahil mag-a-alas sais lang ng umaga. Kahit hot na ang tubig mula sa shower, wala talagang binatbat. Ito talaga lagi ang kalaban ko bago pumasok bukod sa katamaran bumangon.
Nagsimula ang acne breakout ko kalagitnaan noong first year ako. I remember Camara comforting me that it was just my menstruation acting up. Kaso... matatapos ko na lang ang high school, hindi sila nawala!
Before, I used to visit a derma and indulge in skin care routines. It went okay at first. Kaso nang-aasar ang mga tigyawat ko at laging bumabalik. Until I got tired of the endless routine.
Hindi ko pa rin tanggap kaso parang mapagod na lang kasi ang natitirang choice ko.
My soul jumped out of my body, courtesy of the three consecutive loud horns from the multicab outside that interrupted my train of thoughts. Napaka-OA na naman sa busina ng service, oh!
"Ba 'yan. Diyan na agad," reklamo ko sa sarili. Iidlip pa kasi sana ako.
I went downstairs in haste, yawning several times. Kanina pa naman talaga ako nakaayos. I was just squandering the time with my newborn zit. I-welcome man lang! Welcome to the world! Sana hindi ka magtagal!
I grabbed my water-filled tumbler on the coffee table. Nakangiti akong sumulyap sa arko ng kusina.
"Thanks, Mamala!"
"Aalis ka na, Erisette?" her soft voice emerged from the kitchen.
It came along with the sound of dishes. Pinagkainan ko siguro kanina at hinuhugasan na. Originally, she was my nanny as a kid until she turned out to be our helper in the house.
"Bye, Mamala!"
Mabilis kong kinuha ang itim na sapatos sa rack. I polished it last night, reason why it appeared so matte. Sana naman hindi magdumi agad! Minsan pa naman ay natatapakan ako ng mga naghahabulan sa hallways!
I took the short cemented walkway that leads to our front gate while drinking just a little from my water tumbler. Parting the green ocean of our bermuda grass is that five strides path walk.
Hindi ko na nakita ang sasakyan ni Daddy sa labas at hindi na ako nagulat. My parents usually leave the house earlier than me for their respective jobs. Si Daddy, sa airport. Si Mommy, sa isang travel agency. Parehong dito sa siyudad namin.
The cold morning breeze attacked my skin that made my shivering worse, more so when I hopped in the vehicle and the air con greeted me. Pati ang baritonong tinig ni Frank Sinatra na hindi mawawala sa playlist ni Mang Emil at ang daldalan ng ibang ka-service.
"Eri!" tili ni Camara at agad umusog upang makaupo ako.
Nandito na rin si Ashtine, pinsan ko at kaklase, na abala sa cellphone. Nag-uusap naman kami kaso hindi madalas. It just happened that we belonged to a different circle of friends.
Dinaldal ako ni Camara tungkol sa mga ginawa niya noong bakasyon hanggang sa huminto muli ang multicab.
"Hello, schoolmates and friends!"
Simultaneously, we looked at the doorway when the door opened. Umakyat si Hadya at agad na sumiksik sa hilera namin.
Napatakip agad ako ng mukha ko nang makitang nakabukas ang camera niya at nakatutok sa amin.
"You are recording?" tanong ni Camara.
Hadya was holding her digital camera while the wrist strap was wrapped around where it's supposed to be. Her smile was wide and the energy was dripping when she confirmed with nods.
"Well, it's first day, Ate Ra!" She eyed her lens again. "Hi, everyone! So as you can see, I'm now on the way to school with my friends from the higher level. Ate Ra and Ate Eri!"
Panay lang ang takip ko sa mukha habang nagawa namang kumaway ni Camara sa lente. She even greeted Hadya's viewers which I certainly cannot do. Not in a million chances.
Kalaunan ay itinago rin ni Hadya ang camera sa bag. I sighed, dropping my unfurled handkerchief that I used to cover my face and folded it again.
It's the first day of school. Huling araw ng final exam nitong nakalipas ang huling araw na rin ng klase sa school year na iyon. Hindi rin ako kabilang sa recognition ceremony dahil wala naman ako sa top 10 at wala ring special awards.
Camara was our section's top 6 and Ashtine, as always, earned the first rank. Pumunta ako upang manood at palakpakan sila.
"Ilan na subscribers mo?" si Camara na halos lunukin ang mga salita dahil napahikab bigla.
"Almost two thousand, Ate Ra."
Namilog ang mga mata ko at maging ang mga labi. Grabe naman 'yong almost two thousand to think na kasisimula niya lang nitong bakasyon? On second thought, what's so shocking about that? Eh, hindi na rin iyon bago.
Hadya is a renowned student in our campus, even outside, and in the internet world. She's that internet famous chic garnering four-digit likes every time she changes her profile picture or uploads new photos.
Mantakin mong kahit status na simpleng 'Good morning! ^_^', libong likes at dagsang comments sa isang araw lang! Hindi siya artista sa lagay na 'yan, ah? Pareho sila ni Camara. Katulad nga ng tinutukoy ni Luis noon.
Bakit kaya nila ako kaibigan? Ni wala nga akong profile picture magmula noong namugad ang mga tigyawat sa mukha ko. It's only that female default icon of Facebook!
"Papakain ako, Ate, kapag naabot ko na ten thousand subscribers!" Hadya even clapped her hands in oozing excitement.
"No!" natatawang tutol ni Camara. "'Yung mga boys na masiba lang ang susulit niyan, eh!"
"So what do you suggest, Ate? Gusto kong manlibre!"
"Ouch!" daing ko sa halong gulat at bahagyang kirot nang tampalin ni Camara ang kamay ko. "Rara naman! Masakit!"
I was habitually pressing a finger on my bulging pimple while listening to them. Pinandilatan niya ako ng mga mata kaya ibinaba ko ang kamay ko nang nanunulis ang nguso. Ayaw kasi niyang nakikita na ginagalaw ko. Kasi nga iyon ang bilin ng derma sa akin.
"Hmm... Check in sa resort?" Camara said, sighing dreamily afterwards. "Mas relaxing kasi 'yon. But of course, you decide. Nag-suggest lang ako."
If staycation, we won't have a hard time picking a place. Marami niyan dito sa nag-iisang braso ng bansa. Given that this is one of the most-visited tourist spots in the Philippines. Kahit nga hindi naman summer ay maraming turista. Most tourists are foreigners.
"Oh, ano'ng bottomline?" singit ko.
Bumuntong hininga si Hadya. "Let's not make that a problem yet since matagal pa naman siguro bago ko maabot ang ten thousand subscribers."
"Aba! Pa-humble?!" buska ni Camara.
"Ate, of course! Down to earth tayo rito!"
Bumagal ang service dahil nasa tapat na ng school kasabay ng kahihinto lang na tricycle. Nilagpasan iyon ni Mang Emil at sa unahan nito tumigil. Dahil sa bandang dulo ng multicab kami nakaupo, nakita at nakilala ko kung sino ang mga bumaba mula roon.
Inabot ni Fern Velicaria ang bayad nila sa driver ng tricycle bago hinila ang mas batang kapatid na babae at inakbayan papasok sa gate ng school. Nauna naman sa kanila ang isa pa niyang younger sibling na lalaki.
Our campus is not that big and populous that everyone knows who's who... who's the sibling of who... who's the cousin of who... and who's the ex of who.
Also sometimes, who's the kabit of who.
I hear a lot about Fern but I don't really pay much attention. To me, he's just an another well known schoolmate.
Naalala ko lang din bigla na kinausap niya ako noong nakaraang taon.
Definitely surprising. Since I'm so close to being a nobody if not for my famous friends, I believe that being approached by him is next to impossible. Sinasabi ko na nga ba't dare lang talaga sa kaniya ng mga kaibigan. And that didn't surprise me anymore.
My eyebrows furrowed upon remembering it. Namantsahan tuloy ng inis ang maayos naman sanang umaga ko.
"Ate, galit ka sa'kin?" Hadya asked worriedly, causing me to realize that I was unconsciously directing my sharp gaze to her face.
Nanlaki ang aking mga mata. Nakababa na pala siya, hinihintay akong bumaba na rin. Nilamon ako ng konsensiya kahit hindi ko naman sinadya ang nagawa. Her flawless face, contrary to mine, is embedded with the softest features that didn't deserve that glare at all!
"Hala, sorry. Hindi." I shook my head. "May naalala lang ako. Sorry."
"Eri, bilis," si Ashtine sa likuran ko na gusto na ring makababa.
I plonked down on the ground and Ashtine followed next. I watched her hasten her way to the gates. She must be excited to meet with her friends that there's the need to run. Hindi kasi siya malapit kahit sa isa sa mga ka-service.
Pagkatapos masimot sa estudiyante ang multicab ay umandar muli ito at dumaan sa driveway gate na binuksan ng isang guard. Sa eskwelahan kasi mismo ito kaya sa kanila rin kami nagbabayad ng service fee buwan-buwan.
"Bakit dito tayo ibinaba?" tanong ni Camara, nakakunot ang noo. "May cadets na bang mangangapkap sa gate? 'Di ba first day of classes pa lang naman?"
"Oo nga, Ate, eh," segunda ni Hadya. Her camera and our gadgets were marked as safe from confiscation for the meantime because of that. "Baka nakalimutan ni Mang Emil."
Humiwalay rin ng landas sa amin si Hadya pagkapasok. She's just in her third year while Camara and I are now in our fourth year in high school.
It was already uproarious in our assigned classroom when we arrived. Napaatras nga kami ni Camara bago makapasok sa pinto dahil may mga kaklase na naghabulan palabas at muntik naming makabangga.
First day of school... and they were already trying to stain my shoes!
Masasabi kong ang suwerte ko na hindi masyadong ginugulo ang class list at lagi kong kaklase si Camara. Sa kaniya lang kasi ako malapit sa batch namin. I truly can't imagine how would I survive without her by my side.
"Camara! I saw your bikini picture on Facebook! Girl, your booty is to die for!"
"Oh, thanks, Trina!"
"Hindi ka man lang nag-tan! Sobrang kinis. Kumikinang na ang balat mo."
A bunch of compliments hindered Camara to search for vacant chairs that we could occupy so I did it instead. But someone from Trina's group decided to involve me.
"Dumami yata lalo, Eri, ah?"
Napatingin din tuloy sa akin ang iba na kanina lang ay nagpapaulan ng mga papuri kay Camara. I know them because they are also my former classmates and it's just the same faces ever since in this school.
Nagmistula silang mga transferee sa civilian attires kahit paniguradong may mga school uniform naman. Siyempre iisa lang ang uniform ng buong high school at dati na sila rito. Pero sabagay, ganiyan talaga ang karamihan kapag unang linggo ng klase.
Everyone's making the most of the school administration's lenient stage. Parang itong sitwasyon ko rin. Everyone's making the most of my tolerance. But not that... I ever felt I had a choice about this.
"Shocks! Oo nga, Eri!"
"Ano ba 'yan! Hindi ka siguro naghihilamos bago matulog!"
"Eri, that's unhygienic! Mag-skin care ka. Alam mo, ganyan din 'yung neighbor namin."
And all of the unsolicited attention directed at me. Hindi na ako nakaimik dahil nasa akin na ang spotlight! Na hindi ko naman hinangad! Kailanman!
"Bare-faced ka rin lagi, 'no? Why not try using a bb cream or concealer?"
"Pero seriously, Eri. Dumami talaga ha? Inaalagaan mo ata, e!"
"Hey, stop right there." Hinila na ako ni Camara. She knew that I was getting uncomfortable. "Hahanap na kami ng mauupuan. Eri, let's go."
Hindi ako sumagot sa naging mga komento nila at nagpatianod sa matalik na kaibigan. I was thankful for that escape. See that? Kababanggit ko lang na ang suwerte ko at nandiyan si Camara sa tabi ko.
They didn't really mean to bully me. I know that they were just joking but the thing is... hindi nila alam na na-o-offend na ako kasi akala nila, nakikisakay ako.
I appreciate the concern but I'd like the flaws freely occupying my entire face ignored and left alone.
Kasi bago nila sabihin na dumami ang pimples ko, alam ko na iyon. Of course, this is my face. Hindi ko na kailangan ng magsasabi sa akin na dumami nga sila, lalo at tila nang-iinsulto pa. Kaso iyon talaga ang una nilang pinuna sa akin, ha!
Some people are really insensitive.
Pero lahat ng saloobin ko na iyan, hanggang isip ko lang naman. Palaging hanggang sa isip ko lang talaga.
Oo, naiinis ako. Because can't they just let me be? Nananahimik naman ako, ah? Fine... if I have an ugly face, is there really a need to slap that right in my face? Kailangan talaga?
Pero walang nagagawa ang inis ko. I just bottle them up inside me. Paano ba sila sagutin? My tongue can't afford to release strong rebuttals. Hindi ko kaya. Palagi lang akong apektado. Nanunuot sa akin at gusto ko na lang tumalikod agad.
"Hello! I love your hair clips!" bungad ni Camara sa tinabihang transferee. Nalaman ko hindi dahil sa civilian attire kundi sa bagong mukha.
"Uhm. Hi... Salamat!"
Camara winked at her sideways since we just sat. "I'm Camara then she's Eri," she added in a genial introduction before she asked for the girl's name next.
I know for sure that she won't be sticking with her for the rest of the school year. Sa ibang grupo rin naman iyan mapapasama kapag nagtagal na. Camara is just like a volunteer welcome arch for the transferees.
Nanahimik si Camara kalaunan at inulit-ulit ang d-in-ownload niyang summer vlogs ni Hadya sa iPod Touch na dala. Nakinood na lang din ako sa kaniya kahit napanood ko na rin.
Most of Hadya's vlogs are tutorials of different makeup looks, wardrobe tours, her favorite designer bags and perfumes, and outfit lookbooks. I don't know where she picked up this kind of hobby and the concepts. Sa kabababad niya siguro sa internet.
Hindi nagdala ng earphones si Camara ngunit naririnig pa rin naman namin ang tunog kahit magulo sa buong room.
"Alam mo, when was the last time that we visited their house again? Parang nagbago na 'tong kuwarto ni Hads. Look..." nagtatakang saad ni Camara habang nakatuon sa video. "Pink walls dati, 'di ba?"
Susuriin ko sana kung hindi lang nagambala ng mga lalaki na dumukwang sa pinto. Camara and I were situated on the first row near the door, that's why it bothered me a bit. Kahit hindi kami ang sinisilip nitong tila mga tagakabilang section.
"Pumasok na kasi kayo." Dumiretso sa loob si Fern habang nakapamulsa sa slacks. "Sumisilip-silip pa," narinig kong dagdag niya nang nakangisi.
Napakamot naman sa ulo ang mga kasama saka sumunod dito. Mababakas ang hiya at pag-aatubili sa kanila habang si Fern ay suwabe lang na nauna maglakad na akala mo'y totoong tagarito nga sa amin.
Isang malaking grupo ng mga lalaki ang tinunton nila.
"Psst! Sina Velicaria, oh!"
"'Di ko talaga matanggap na hiwalay na tayo ng section! Kung kailan patapos na ng high school, eh!"
"Nakanampucha! Napakamalas!"
"Fern!" someone wailed and attacked Fern, hugging him tightly.
"Ano ba, Visa? Parang gago!" Fern removed Visa's arms around him. Natatawa siya nang bahagya. "Crush mo 'ko?"
"Ulol, gago!"
Fern chuckled boyishly in response.
He shamelessly dragged a chair from a row, removing it from its orderly alignment. Ginaya siya ng mga kasama kaya ang gulo na ng mga upuan. Tsk. Nakakainis na nga kapag kaklase ang nagkalat, ano pa kung tagakabilang section naman?
Binalik ko na lamang ang atensiyon sa pinanonood. But then irritation contorted Camara's face and she glowered at one specific corner of the room.
"Velicaria! Can't you lower your voices? Nangingibabaw ang ingay n'yo!"
Bumaling sa dako namin ang grupong sinita ni Camara, maging ang may-ari ng nabanggit na apelyido. Nakakunot ang noo ng lalaki noong una bago nakaintindi. His thin lips went ajar in combination of surprise and confusion.
"Ba't ako special mention? Itong si Keno 'yung sumisigaw, ah..." Fern sounded as if he was holding back a chuckle. "Hindi naman ako?"
Pumalatak si Camara.
Ako rin, sa loob-loob ko. Oh, eh, ano kung si Keno? Even if it was whoever but him, his manners from when he entered the room... and back at the court from last school year... Nakakainis!
Fern's crooked smile slowly faded when his eyes landed on me. Naramdaman sigurong may nanonood sa tabi. Kaagad kong inilipat ang tingin kay Keno.
Keno shyly brushed the back of his head. "Sorry, Camara."
Camara just rolled her eyes at them.
Manonood na sana ulit kami nang biglang natahimik ang lahat... na dulot ng pagpasok ng isang ginang. Si Ma'am Ruez! Filipino teacher namin dati. Siya na siguro ang adviser namin ngayong taon?
Napatayo rin sina Fern at ang kaniyang mga apostoles. Parang may delubyo at ang bibilis magsilikas. Ibinalik nila ang mga upuan ngunit hindi maayos na naka-align. Mga outsiders na 'to!
"Ma'am!" Nakangising lumapit si Fern. Kung makaasta ay parang tropa lang sila ng guro. "Good morning!"
Sus! Pa-good shot para hindi mapagalitan!
Ma'am Ruez looked at him with slitting eyes over the rim of her eye glasses. Kinuha pa rin ni Fern ang kamay niya upang ngiting-ngiti na magmano rito. Ganoon din ang ginawa ng tatlo niyang kasama bago sila umalis sa room namin.
"Unang araw ng klase at nangangapitbahay agad ang mga 'yon," komento ni Ma'am Ruez habang lumalakad tungo sa teacher's table. "Sino ang kaibigan ng mga 'yon dito?"
No one answered her... even the group that those outsiders were with. Only the orbit fans, a classmate who adjusted on his creaky wooden armchair, and the muffled clamor from other classrooms were what made noise. Biglang nawalan ng mga kaibigan, ah?
Ma'am Ruez squinted her eyes at each of us sitting in the first row of chairs. Ipinatong niya ang mga palad sa mesa habang isa-isa kaming minata. Kami tuloy napagdiskitahan!
"Mukhang lagi kong makikita ang mga 'yon kahit wala sa class record ko, ha." Ma'am Ruez walked towards the door. "We'll attend the flag ceremony. Pumila nang maayos."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro