Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter Eight

His Car


Hinayaan kong mauna si Jacob patungo sa kanyang sasakyan. Hindi ko maiwasang kabahan sa pagtitig sa likod niya habang matikas siyang naglalakad palayo sa'kin.

Kung bakit ba kasi kailangan niya pang mag-volunteer para ihatid ako pauwi? May mga paa naman ako e!

I should've called Harren; sigurado akong susunduin ako no'n kahit saan at anong oras. But I don't want to be such a burden to him. Masyado nang malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Huminto ako nang marating ang sasakyan niyang nakahanda sa labas ng mansion. Nagpaalam na rin ako kay Mama.

"Bumisita ka kapag may oras ka ha." Nakangiting sabi niya.

"Opo, Ma." Sagot ko na lang kahit na ang totoo ay hindi ko pa alam kung kailan ulit ako makababalik.

Niyakap ko na siya tanda ng pagpapaalam. Napasinghap ako nang makita ulit ang sasakyan ni Jacob na naghihintay sa'kin. He was leaning on his car while waiting for me. Nakahalukipkip siya doon.

I breathe out my frustrations. Siguro nga kailangan ko na lang lunukin ang lahat ng pride ko ngayon para matapos na ang araw na 'to.

Madali akong naglakad sa gawi niya. Gumalaw naman siya nang matapat na ako sa pintuan. He opened the door for me just like the old times.

Seryoso? Naisip ko pa 'yon? This is not the right time to reminisce Juliana! Wala nang tamang oras para isipin pa ang nakalipas.

"Thanks." Pormal kong sabi nang hindi siya tinititigan.

Sumakay na ako kaagad at nakahinga nang maluwag ng makita ang pagsara niya at pag-ibis sa driver's seat.

Here we go. Ilang minuto lang naman, Juliana. Lilipas din 'to, saglit lang... Think happy thoughts! Hinawakan ko ang dibdib kong nagsusumigaw na naman dahil sa kaba. Tumuwid ako sa pagkakaupo nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan at pagpasok niya roon.

Pakiramdam ko'y naubos ang hangin ko nang isara niya na nang tuluyan ang pintuan. I've never been this close to him since we broke up. Oo nga at naiiwan kami minsan sa kanyang opisina pero hindi 'yon ganito kaliit na halos mag-agawan na kami sa hanging nalalanghap.

Tahimik siya at nakatuon lang ang tingin sa ginagawa. Minaniobra na niya ang sasakyan palabas ng mansion.

As usual, this car still bores me. I zipped my mouth. Pati ang paghinga ko ay limitado dahil ayaw kong marinig ang sasabihin niya o kung may mga salita bang lalabas sa labi niya. I need to end every conversation that he might open up because I don't want to talk to him about trivial things. Unless it's work related.

Is it rude to wear my earphones now?

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga posteng nadaraanan ng sinasakyan namin. Tanging ang mga mabibigat na paghinga niya ang nagiging musika sa tainga ko. Dammit!

Sumulyap ako sa aking wrist watch. Mag-aalas diyes na ng gabi. Inilinga ko ulit ang paningin ko sa labas. Masyado pang malayo ang apartment sa lugar na 'to. Mabilis naman ang takbo niya pero hindi ko alam kung bakit parang ang tagal na naming nasa daan. O sadyang naiinip lang ako dahil sa taong katabi ko.

"Are you in a hurry?" Iritadong tanong ni Jacob na nagpatalon sa puso ko.

Napahigpit ang kapit ko sa aking bag na nasa itaas ng aking hita. What the hell? Stop talking and just drive!

Hindi ako sumagot dahil pakiramdam ko'y may malaking bara sa lalamunan ko. Sa pagbaling ko sa direksiyon niya ay mas lalong kumunot ang kanyang noo kahit na nasa daan ang atensiyon niya.

Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Jacob nang umiling ako.

"Hindi." I answered.

Huminga siya ng malalim.

"Stop looking at your watch then." Masungit niyang sabi.

Napataas ang kilay ko sa narinig.

What if I don't huh? Anong gagawin mo? At bakit ba ang init ng ulo mo e wala naman akong ginagawang masama? Sinabi ko bang ihatid mo ako? Sinabi ko ba? Bwisit!

Imbes na isatinig ang mga hinaing na nasa utak ko ay nanahimik na lang ako. Hindi ko naman sinasadyang nababagalan ako sa oras lalo pa ngayong kasama ko siya! This is too frustrating!

Kung noon ay gusto kong bumili ng oras makasama lang siya, ngayon naman ay ibebenta ko na ang oras na ganito't nasa tabi ko siya.

Sa bawat pagsulyap ko sa aking orasan nang hindi ko namamalayan ay kasabay ng mga buntong-hininga niya. My mind is cursing him so much today!

Sa muling pagtingin ko doon ay naramdaman ko na lang ang pagbagal ng takbo namin.

Seriously?!

Inis ko siyang hinarap. I have so many things to do with my life and he doesn't belong to any of it! Kailangan ko nang umuwi para mag-meditate at mag-isip nang matino.

"What are you doing?!" Pigil ang inis kong puna sa kanya.

Nakita ko ang pag-flex ng muscles sa kanyang braso na nagpalunok sa'kin.

"What?" Inosenteng sagot niya naman kahit na alam niya ang tinutukoy ko.

Umayos siya sa pagkakaupo na tila ba komportableng komportable sa ginagawa. Malakas naman ang aircon sa loob ng sasakyan niya pero para bang pinagpapawisan na yata ako dahil sa inis sa lalaking 'to.

"I need to be home right now." Sabi ko na lang.

"Juliana, I'm just being careful." Tipid niyang sagot.

"You can be careful while driving fast. Hindi ka naman sanay na ganito kabagal magmaneho." I blurted.

Tumawa siya nang bahagya sa sinabi ko kaya mas lalong nag-init ang ulo ko sa kanya.

"What else do you know about me?"

Sa pagsulyap niya sa'kin gamit ang mga matang naghahamon ay sinalakay na ako ng nakakaliyong kaba.

Napatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Palipat lipat ang tingin niya sa'kin at sa daan pero mas matagal ang bawat pagsulyap niya sa'kin.

That was a question that I shouldn't answer. I don't know about you anymore. Hindi na kita kilala at ayaw na kitang makilala pa Jacob.

Narinig ko ang pagtunog at vibrate ng aking cellphone. Natigil ang pagtitig ko sa kanya at agad na kinuha ang cellphone ko sa aking bag.

It was Harren.

Tumingin ulit ako sa direksiyon ni Jacob. Umiling lang siya.

"Harren..." I answered his call.

"Juliana, are you home?" He asked.

"Hindi pa e. Pauwi pa lang." Tipid kong sagot.

"Taxi?"

"H-Hindi." Tumingin ako sa labas.

"Nag-commute ka? You know it's dangerous right? Sana tinawagan mo na lang ako para nasundo kita." Narinig ko ang pag aalala sa boses ni Harren.

"Hindi, hinatid ako." Mas hininaan ko ang boses ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Harren sa kabilang linya. Dammit. Pati siya tuloy ay gusto ko ng sigawan ngayon!

"Oh, nino?" Nang-aasar pa ring sabi niya.

Tumawa ako nang plastik. You're so dead, Harren!

"I gotta go, Harren. I'll be home soon." Sabi ko na lang.

"I'll be waiting!" Dagdag niya.

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Nasa bahay na naman yata 'tong mokong na 'to. Parang nakikita ko na ang mukha niyang nakangisi habang inuusisa ako sa nangyaring dinner sa bahay ng mga Delaney.

"I'm on my way too. Sige na, baka nakaka-istorbo na ako." Aniya bago tinapos ang tawag.

Natigilan ako. Ilang segundo na siyang wala sa kabilang linya pero lumipad na sa kung saan ang ulirat ko. Anong maiistorbo niya? I'm just with Jacob. My boss.

Ibinalik ko na sa bag ko ang aking cellphone saka nagpakawala ng bunton-hininga. He's still driving so slow! Anong oras pa ako makakauwi sa kaka-careful niya sa daan? Wala namang masyadong sasakyan pero sobrang bagal talaga ng takbo namin! I freaking hate him!

"Jacob can you please hurry up?" I pleaded.

Gumaralgal ang boses ko sa pagbanggit ko ng pangalan niya.

Sobrang baba na ng pride ko ngayon. Halos natatapakan ko na. Nagmamakaawa na akong bilisan niya dahil parang ilang minuto pang kasama ko siya ay mababaliw na talaga ako.

"Your friend is waiting for you?" He asked.

Hindi ko alam pero mas madiin ang pagkakabigkas niya ng salitang friend. He's still not convinced about my relationship with Harren huh?

Bakit ba pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag sa kanya kung anong meron kami ni Harren. Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa naisip at pormal siyang sinagot.

"Hindi. May... May trabaho pa ako bukas. And of course, masyado na akong abala para sa'yo. You should be with your fiancé or something." Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya ng ma-realize ko ang mga sinabi ko.

I sounded so bitter! Damn...

Nararamdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko nang hindi na siya sumagot at binilisan na lang ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Madali kong kinuha ang aking earphones at walang ano ano'y sinuot na lang 'yon. I don't want to hear any words from him. Masyado nang marami ang emosyon na naglalaro sa utak ko. I think I'm going crazy!

I just pressed play. Kahit anong kanta na lang sa playlist ko ay pinagtiyagaan ko. Bahala na kung maging bastos ako kung sa ganitong paraan lang kakalma kahit paano ang puso ko.

Sa paghinto ng unang kanta ay sakto naman ay pagbulong niya.

"I'm sorry..." Aniya gamit ang kanyang husky voice.

I can see his jaw clench in my peripheral vision.

Naghuramentado kaagad ang puso ko pero pinilit kong hindi 'yon pansinin. Nagbingi-bingihan ako pero maingat kong hininto ang tugtog sa aking tainga.

Parang may nag-uudyok sa'kin na makinig at pakinggan ang buong sasabihin niya pero wala nang kasunod na mga salita ang lumabas sa labi niya.

My palms are sweating. Hindi naman ako pasmado pero sobrang kabado na talaga ako. I want to get out of this car as soon as possible. Ni ayaw ko nang igala ang paningin ko sa kotseng 'to dahil sa mga alaala namin dito noon.

Even the smell. Pati 'yon ay walang pinagbago. Siguro ang tanging nagbago lang talaga ay ako. I was replaced by his childhood friend.

Naramdaman kong muli ang pagbigat ng aking dibdib. Ibinalik ko ang kamay ko sa aking earphone para ipagpatuloy na lang ang kantang naudlot kanina.

Nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ang kanto kung saan malapit ang apartment ko. Thank God!

"Kahit diyan na lang sa tabi." Sabi ko at turo sa tapat ng apartment.

Harren's car is at the driveway. Madali kong tinanggal ang seatbelt ko.

"Salamat, Mr. Delaney. Mag-iingat ka pauwi." Sabi ko na lang bago lumabas ng sasakyan.

Ni hindi ko na hinintay ang isasagot niya. Punong puno na ng pagpipigil ang dibdib ko. Pagbaba ko pa lang ay agad na akong sinalubong ni Harren. He hugged me as usual.

"So, he's there? Bababa ba?" Tanong niya.

Lumingon ako sa sasakyan ni Jacob na nananatili sa hinintuan namin kanina.

"I don't know. Tara na." Sabi ko na lang sabay hila sa kamay niya papasok sa apartment.

Hindi na ako lumingon. I don't care. I need to forget about him kahit ngayon lang.

Humagalpak ng tawa si Harren nang dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng tubig. Mabilis kong tinungga 'yon at sinamaan siya ng tingin pagkatapos.

"Why are you laughing!" Umirap ako sa kanya.

Inilagay ko ang basong hawak ko sa sink at saka umakyat patungo sa aking kwarto.

Naririnig ko pa rin ang pagtawa ni Harren sa likuran ko habang nakabuntot sa'kin.

Pasalampak akong naupo sa harap ng aking tokador at inilugay ang aking buhok sa pagkakatali. Tinanggal ko rin ang hikaw at bracelet ko. Si Harren naman ay umupo sa aking kama at tinitingnan lang ako sa ginagawa. I removed my make up.

"So?" Aniya.

"We had dinner." Tipid kong sagot kahit na obvious naman na 'yon ang ipinunta ko sa mansion.

"Alam ko. What I mean is, may nangyari ba? You know. You and Jacob."

Ipinagsalikop niya ang kanyang mga palad habang ang kanyang siko ay nakapatong sa hita niya.

"Wala." Pagsisinungaling ko.

Marami. Maraming nangyari na hindi ko alam kung bakit nangyari. I almost cursed him in front of his family! Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay napakarami kong naisumbat sa kanya kanina.

"Okay, hindi na ako magtatanong. Are you okay though?" He asked again.

Itinigil ko ang pagtatanggal ng make up ko at hinarap siya.

"I am. I promise you." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango tango naman si Harren at tumayo na.

"Good. I'm going home. See you tomorrow?" Tumango ako.

Tumayo na ako para maihatid siya sa labas. Good thing Jacob's car was gone. Baka sinunod na niya ang sinabi kong makasama ang fiancé niya.

Matapos magpaalam ni Harren ay doon lang natahimik ang puso ko. What is happening with me?

Bakit kailangan kong kabahan kapag nandiyan na siya? Nagawa ko naman dating balewalain lang ang lahat, a. Pero bakit ngayon gusto ko na namang lumayo kahit na wala naman akong rason para layuan siya?

He's not with me anymore.

Maybe that's the reason. Dahil ano mang oras ay ikakasal na siya kay Felize. Maybe I'm too scared to burst out what I really feel for him. Dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit na hindi na dapat. Kahit na dapat iwasan ko na siya at layuan pa nang tuluyan.

Can I possibly do that?

Bumaling ako sa kabilang side ng kama ko. It's already morning. Alas dos na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi ako pinapatulog ng damdamin kong buhay na buhay pa rin.

Why is he being sorry?

Bakit? Dahil iniwan niya ako o dahil ikakasal na siya? Bakit siya magso-sorry ngayon kung noon ay hindi niya nagawa?

Maybe he's being sorry for driving slow. 'Yon na lang ang iisipin ko.














Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro