Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

 Chapter Seven

Dinner


Gumilid ako para bigyang daan ang dumating na sasakyan. Nang tumapat sa'kin ang gawi ng driver's seat ay agad na bumaba ang salamin nito.

"Juliana! Oh my gosh! I didn't mean to startle you!"

Mabilis na bumaba si Jasmine sa kanyang sasakyan at agad akong niyakap.

Napangiti na lang ako at kinalma ang sarili sa gulat.

"O-Okay lang."

Bumitiw siya at sinuri ang kabuuan ko.

"You look gorgeous! See? Matagal na nga kitang hindi nakita. I missed you!" Aniya.

Sinuri ko rin ang mga pagbabago kay Jasmine. She looks matured in a good way. Mas lalo ring gumanda ang pangagatawan at pati na rin yata ang kutis niya dahil sa pagta-travel. She looks happy too, parang walang nangyari sa kanya at sa kanilang pamilya.

"Na-miss din kita." Sabi ko.

Ngumiti siya pagkatapos ay isinukbit niya ang kamay sa braso ko at hindi na nawala ang tuwa sa kanyang mukha. Siya na ang pumindot sa doorbell.

"Did Daddy invite you or..." Natigil siya sa sunod na sasabihin.

Tumango ako.

"Si Tito Joaquin." Tipid kong sagot.

"Right!" Huminga siya nang malalim at ngumiti ulit.

Maya-maya pa ay pinagbuksan kami ng isang lalaking pumalit kay Mang Pedring. Ang kanyang apo.

"Thanks, Vaugh. Nasa loob na ba sila Daddy?" Tanong niya rito.

"Opo, Miss Jasmine."

Tumango siya.

"How about Kuya?"

Natigilan ulit si Jasmine matapos itanong ang bagay na 'yon kay Vaugh at napalingon sa akin.

"Never mind." Aniya at ibinigay na lang ang susi ng kanyang sasakyan rito.

"Juliana, hija!"

Masayang bati ni Tita Sofia sa akin nang makapasok na kami sa mansion.

Sinalakay ako ng pagka-guilty dahil pakiramdam ko ay napakatagal kong nawala at nagtago sa kanilang lahat kahit na hindi naman talaga 'yon ang intensiyon ko.

"Tita Sofia, it's good to see you po!" Niyakap ko rin siya.

"I'm glad you came! Si Joaquin lang pala ang makakapagbisita sa'yo rito." Aniya nang matapos ang yakapan namin.

Sumulyap ako kay Tito Joaquin at binati rin ito.

"Naku hindi naman po. Masyado lang po talagang busy sa trabaho kaya wala akong oras na bumisita." Nahihiya kong sabi sa kanila.

"Masama daw ang pakiramdam mo kahapon Julia? What happened?" Tanong naman ni Tito Joaquin sa'kin.

Natigilan ako nang maisip na pati ang balitang 'yon ay nakarating na rin pala sa kanila.

"Sumakit lang po ang ulo ko, but I'm okay." Nakangiting sagot ko.

"Baka masyado ka nang nagta-trabaho at wala nang pahinga ha. Sabihin mo't pagagalitan ko 'yang boss mo." Natatawang sabi ni Tito Joaquin.

It was supposed to be funny but it didn't crack me up. Naging tunog plastik tuloy ang pagtawa ko para sang-ayunan na lang ang sinabi niya.

Iginala ko ang paningin sa magarbong living room. It's still the same. Pati ang mga pwesto ng mga gamit ay gano'n pa rin naman. I guess some things never change. Kagaya ng pagtanggap nila sa'kin hanggang ngayon.

"Juliana!" Hiyaw ni Mama na nagpabaling sa atensiyon ko.

Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit.

"Mama, kumusta po!"

Napuno ng saya ang puso ko nang maramdaman ang pagka-miss ni Mama sa'kin.

"Mabuting mabuti ako lalo na ngayon anak!" Halos umiyak na siya nang maputol ang yakap na 'yon. Hinaplos niya ang mukha ko.

"Don't make me cry, Ma. Hindi naman ako galing abroad." Natatawang sabi ko dahil kahit ako ay parang gusto na ring maiyak.

"Sorry!"

Tumawa na rin siya at pinunasan ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata.

Pumunta na kami sa dining area nang maayos ang mga pagkaing naroon.

Binati ko rin ang mga kaibigan kong hanggang ngayon ay doon pa rin nagta-trabaho. Sina Masha at Jaja ay kasalukuyang nag-aaral na rin ngayon sa tulong ng mag-asawa.

"Nakakainis ka! Ni hindi ka na bumibisita!" Nakalukot ang mukhang palatak sa'kin ni Masha.

"Sorry na! Pwede mo naman akong bisitahin sa apartment e."

"Talaga? Ilang minuto lang ang biyahe no'n 'di ba?" Excited niyang sabi.

"Oo." Ngumiti ako.

Magsasalita pa sana siya pero natigil 'yon sa pagdating ng isang bulto sa dining area. Napasinghap ako nang maamoy kaagad ang pabango niya. Ni hindi ko nilingon ang tinititigan ni Masha sa likuran ko.

"Julia, Masha. Maupo na kayo." Tawag ni Tito Joaquin sa amin.

"Sandali lang po Senyor Joaquin may kukunin lang po ako." Ngumiti siya.

"Samahan na kita!" Pahabol kong sabi nang makita ang pagtalikod niya.

Tumambol muli ang puso ko. I need to get some fresh air, dammit!

"Hindi na Julia. Bisita ka rito." Ngumisi si Masha sa akin at tinapik pa ang braso ko.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya. She's still at it. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang maibabalik ang lahat sa dati kahit na hindi na talaga pwede.

Iniwan na niya ako kaya wala na akong choice kung hindi ang maupo sa kung saan at makita ang lalaking ayaw ko nang makita kahit kailan.

Napapikit ako nang mariin bago ngumiti at humarap sa mga taong nasa hapag kainan na.

Iminuwestra ni Tita Sofia ang upuan sa harapan ni Jasmine. That was my seat. Napalunok ako nang lumipad ang mga mata ko sa lalaking nakaupo doon at ngayon ay nakatitig na rin sa'kin.

Madilim ang mga mata niya. Gustuhin ko mang intindihin 'yon ay mas namutawi sa utak ko ang mga alaala sa pwesto naming dalawa.

Yung mga oras na hinuhuli niya ang kamay ko at pasimpleng hinahalikan kapag busy ang lahat sa pag-uusap.

Ipinilig ko ang ulo ko at umiling. Natigilan si Jasmine sandali pero naramdaman niya kaagad ang pagtanggi ko sa sinabi ng kanyang ina.

"Mom, we can change seats. Parang mas gusto ko do'n sa tabi ni Kuya." Tipid siyang ngumiti sa mga nasa hapag at tumango lang sa'kin.

Thank goodness! Hindi ko yata kayang mapalapit pa sa lalaking 'yon. Nakita ko ang pagkawala ng mga ngiti ni Tita Sofia at pagsulyap sa kanyang asawa. Umiling lang si Tito Joaquin at pinilit na ibahin na lang ang topic.

"Kumusta nga pala ang branch natin sa Singapore, Jacob?" Tanong ni Tito Joaquin sa anak.

Naglakad na ako palapit sa upuang iniwan ni Jasmine. I uttered a thank you to her ngunit isang malungkot na ngiti lang ang isinagot niya sa'kin.

Nakinig ako sa pag-uusap ng mag-ama. Nang mailagay na ang lahat ng mga pagkain ay naupo na rin si Mama sa tabi ko pati si Masha. Nauna nang kumain si Jaja kaya nagpaalam na ito dahil kailangan niya pang mag-aral.

Pinilit kong kumain kahit na wala naman talaga akong gana ngayon. Lalo pa't patuloy akong sinasalakay ng matinding kaba at pagkailang.

"I'm glad that Juliana is still at the company."

Halos mabulunan ako sa sinabi ni Tito Joaquin.

"Easy..." Pigil ang paghingang bulong ni Masha sa akin.

Pinilit kong ituon ang atensiyon ko sa pagkain nang maramdaman ko ang pagbaling ni Tito sa'kin.

"I don't know where I can find someone like her. Tama nga talaga ang desisyon kong ilagay siya sa pagiging sekretarya ni Jacob. Hindi ba?"

Ilang ulit na nagmura ang utak ko dahil do'n. Paano ko sasabihin ang pag-alis ko kung ganito at pinupuri niya ngayon ang mga desisyon niya sa paglalagay sa akin sa kanilang kompanya?

"Yeah." Tipid na sang-ayon ni Jacob.

"Salamat Jaoquin at hanggang ngayon ay hinahayaan mong doon magtrabaho ang anak ko." Ani Mama.

"Of course, Celia. That was my plan the first time I saw her." Nakangising sagot niya.

Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lamesang kinauupuan ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang tumatalon ang puso ko sa mga sinasabi niya.

Ngumiti si Mama. Si Jasmine naman ay hindi na rin magkamayaw sa saya.

"So pinapasakit ba ng anak ko ang ulo mo, hija?" Tanong niya ulit.

"Dad!" Natatawang umirap si Jasmine sa kanyang ama.

Tumawa naman sina Mama at Tita Sofia pero tanging namutawi ang plastik na pagtawa ni Masha.

Siniko ko siya at sinulyapan si Jacob na tila ba walang amor sa pinag-uusapan ng lahat. Nakikinig lang siya at sumasagot nang tipid kapag kailangan. Ni wala siyang sinabi o nabanggit tungkol sa trabaho ko. Kung maayos ba akong magtrabaho o dapat nang tanggalin.

I prayed for the second one. I really want to leave but how? I guess I'm stuck with the Delaney's after all.

"Hindi naman po." Sagot ko.

Nag-iwas ulit ako ng tingin nang subukan ni Jacob na hulihin ang pag-sulyap ko sa kanya. Not today satan...

"Good! Sana nga hindi na sumakit ang ulo mo."

Pinilit kong ngitian si Tito Joaquin. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siya o trip niya lang akong asarin ngayon?

Napunta ang usapan kina Trystan at Jasmine para sa plano nilang dalawa.

"We'll travel. Pinagpa-planuhan na." Masayang sabi ni Jasmine.

"That's good! Travel while you're still young and build memories to cherish." Ani Tito na hinawakan pa ang kamay ng kanyang asawa.

Ngumiti si Tita Sofia.

"Kumusta nga pala ang Buenavista Julia? Hindi ba fiesta ngayon doon?" Tanong naman ni Tita Sofia.

"Opo, maayos naman po." Tipid kong sagot.

"Masaya daw doon. Gusto nga sana naming sumama ni Joaquin kay Jacob pero may kailangan akong asikasuhin kaya hindi na natuloy. Bakit nga pala napaaga ang uwi mo? Hindi pa tapos ang fiesta hindi ba?" Tanong niya.

Gusto kong sabihin ang totoong dahilan ng maaga kong pag-uwi pero hindi ko ginawa.

"Kailangan na po kasing bumalik ni Harren sa trabaho kaya sinamahan ko na siya pauwi." I lied.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jasmine samantalang si Jacob naman ay nanatili lang sa pagkain.

"Harren?" Nalilitong tanong ni Tita Sofia.

"Oo Sofia, iyong kababata niya noon sa Buenavista naalala mo? Bumisita na 'yon dito noong nasa kolehiyo sila ni Juliana." Nakangiting sabi ni Mama.

"Oh, I remember him! Iyong kasama natin sa Fontanegra. Sa Delaney rin pala siya nagta-trabaho?" She asked.

"Oo, eh ang dalawa ay hindi na mahiwalay." Nilingon ako ni Mama at ngumiti kaya napangiti na rin ako sa kanya.

She loves Harren for me. Noon pa man ay magaan na ang loob niya rito dahil talaga namang mabuting tao si Harren.

"Are you dating that guy?" Kuryosong tanong ni Jasmine sa akin.

Natigilan ako nang mag-angat na rin ng tingin si Jacob at magtama ang mga mata naming dalawa. Samu't saring emosyon ang nakita ko sa mga mata niya habang nakatuon sa'kin. Mas lalong naghuramentado ang puso ko sa tanong na 'yon at sa pagtitig niya.

Lahat ng nasa lamesa ay hinihintay ang isasagot ko. Maski si Masha na halos madurog na ang manok na nasa plato niya sa kahihiwa habang nakatingin sa'kin. Pinilit kong ituon ang mga mata ko kay Jasmine bago sagutin ang kanyang tanong.

"Hindi." Pormal kong sagot.

Lumiwanag ang mukha niya at halos ang lahat yata ay natuwa maliban kay Mama.

"That explains the sweetness, the hugs and the kisses then." Matabang na sabi ni Jacob na nagpalaglag sa panga ko.

Parang tinambol ang dibdib ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y may dumaang anghel sa harapan namin dahil sa nakakabinging katahimikan matapos ang sinabi niya.

Ni walang gumalaw. Kahit ako ay parang nailang na huminga!

"Hindi naman basehan ang mga 'yon para maging kayo officially. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang kaming dalawa na komportable sa isa't isa?" Matapang kong sagot.

Nagpabalik balik ang tingin ng lahat sa aming dalawa. Sa pagtitig niya ulit sa mga mata ko ay mas lalong naging matalas ang mga 'yon. His jaw clenched too.

"Really?" Sarkastiko niyang sinabi.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa utak dahil sa sarkastikong ngisi sa mga labi niya at sa mga matang naghahamon.

"I'm not like you."

Pinigilan ko ang sarili kong dagdagan pa ang linyang 'yon.

Hindi ako kagaya mo na papatusin ang kaibigan. Hindi ako kagaya mong kayang mang-iwan sa ere para sa isang kaibigan o kung ano mang dahilan. Fuck!

Napahigpit ang kapit ko sa mga kobyertos na hawak ko. Pinipigilan ko ang pagsabog ko sa harapan nilang lahat.

Is he really provoking me right now?

Tumikhim si Tito Joaquin kaya natigil ang titigan naming dalawa. Hinawakan ni Masha ang braso ko para kumalma ako.

Lumunok lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Now, where are we? Oh, hon hindi ba malapit na ang birthday ni Navaeh?" Nawala ang tensiyon dahil sa bagong topic na binuksan ni Tito Joaquin.

"O-Oo!" Sagot naman ni Tita Sofia.

"Yeah Mom, Juliana sumama ka ha! I'll give your invitation." Excited na sabi ni Jasmine na tuluyan ng tumunaw sa tensiyon.

"Titingnan ko." Ngumiti ako nang tipid.

"Basta, sumama ka. 'Di ba, Dad?" Kuha niya ng atensiyon ng kanyang ama.

"Oo nga naman, Juliana. Navaeh will be so happy to see you! Kahit si Wyatt matutuwa." Masayang sabi ng kanilang ama.

Tipid pa rin akong ngumiti. Kung wala lang doon si Jacob ay pupunta talaga ako kahit na hindi nila sabihin sa'kin.

Tumango na lang ako bilang pagsuko. Dumami pa ang usapan at nagpapasalamat akong wala nang naging topic para magsagutan pa kaming dalawa ni Jacob. Payapang natapos ang dinner.

I wonder where his fiancé at? Alam ba nitong nasa mansion ako?

"Uuwi ka pa ba, hija?" Tanong ni Tita Sofia.

"Opo, may trabaho pa po bukas, e." Sagot ko.

"Gano'n ba, o sige ipapahatid na lang kita kay Vaugh." Aniya.

"Tita hindi na po. Kaya ko na pong umuwi nang mag-isa." Ngumiti ako para sabihing kaya ko naman talaga.

"No, Julia. Gabi na at baka mapano ka pa sa daan. Let Vaugh drive you." Pagpupumilit niya.

"Mom, tulog na si Vaugh. Hindi ba maaga siyang babalik sa probinsiya nila bukas?" Singit ni Jasmine sa usapan namin.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"I'll drive her home." Jacob said out of nowhere.

No freaking way! Mas gugustuhin ko pang maglakad pauwi ng gabi kaysa sa makasama ka sa ilang minutong biyahe pauwi!

"No. I can take care of myself. Tita, Tito." Ngumiti ulit ako pero wala yatang epekto sa kanila ang sinabi ko.

"Juliana, malalim na ang gabi. It's not safe for you to travel alone. Sige na." Bumaling siya kay Jacob.

"Ihatid mo na lang si Juliana, Jacob." Mariing sabi ni Tita Sofia sa anak.

Iniwasan ko ang mga mata ni Jasmine na halos kuminang na sa tuwa.

Huminga ako nang malalim. This is so unfair! Ni wala akong magawa para depensahan ang sarili ko!

"I'm not gonna bite you." Masungit niyang sabi.

Umirap lang ako sa kanya. As if I'll let you bite me! Ang kapal mo!

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango at gawin ang gusto nilang mangyari. Siguro ay bubuksan ko na lang ang cellphone ko at aabalahin ang sarili sa buong durasyon ng biyahe naming dalawa.

Umirap na lang ako sa kawalan dahil sa naisip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro