Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter Six

Letting You Go



Inabala ko ang sarili ko sa gym pag-uwi ko sa apartment. I've been working out lately. Nasanay na rin kasi ang katawan ko na araw-araw mag-exercise.

"Two more!" Hiyaw ni Glenda na siyang aking instructor.

Ginawa ko ang sinabi niya at nang matapos akong mag-squat ay inalalayan niya ako sa pagbalik ng barbell na hawak ko.

"Thanks!" Nakangiting sabi ko habang pinupunasan ang mga pawis na tumatagaktak sa aking noo.

"You already have a nice body Juls. May balak ka bang sumali sa FHM?" Seryosong sabi niya habang ibinabalik ang mga gamit na ginamit ko.

Natawa ako dahil do'n. Kinuha ko ang aking tumbler at uminom ng tubig bago siya sinagot.

"Hindi. Gusto ko lang talagang mag-exercise, Glen."

Umupo muna ako sa bench na naroon. Hinarap niya ako nang nakataas ang isang kilay.

"Eh 'di sayang naman!" Ngumisi siya.

Umiling lang ako.

"Hindi ko naman forte ang pagpapa-sexy. I just want a healthy lifestyle." Mariing sabi ko.

Tumango tango na lang si Glenda.

"Are you done for today?" She asked. Tumango ako.

I feel really good after working out. Parang nasama sa paglabas ng pawis ko ang mga sama ng loob ko sa buhay.

"I'll be here tomorrow." Sabi ko.

Kinuha ko ang aking gym bag sa ibaba ng bench na kinauupuan ko at nagpaalam na nang tuluyan sa kanya. Dumiretso ako sa shower room para makapag-ayos at makapagpahinga na. Working out really helps me to avoid everything.

Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na rin ang mga gamit ko. Palabas na sana ako sa bathroom pero narinig ko ang pagtunog ng cellphone kong nasa gilid na bulsa lamang ng aking dalang bag.

Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Mama sa screen.

"Ma." Bati ko sa kanya.

"Juliana, kumusta anak? Nakauwi na kayo ni Harren?" She asked.

"Opo Ma. Nasa gym ako ngayon pero pauwi na rin." Sagot ko naman.

"Ha? Hindi ka pumasok?"

"Pumasok. Medyo sumama kasi ang ulo ko kanina kaya maaga akong umuwi." Pagpapaliwanag ko.

Lumabas na ako doon. Kinawayan ko ang mga kakilala kong palagi kong nakakasabay sa pagwo-work out.

"Ah, gano'n ba. Oo nga pala, bukas ay iniimbitahan ka ni Joaquin dito sa mansion para mag-dinner. Pati si Jasmine ay gusto kang makita." Medyo lumungkot ang boses ni Mama.

Na-blangko naman ang utak ko. It's been months since the last time I visited their house. Masyado nang matagal dahil noon ay halos linggo linggo akong pumupunta doon kapag may oras ako o kapag alam kong wala si Jacob sa kanila.

"Titingnan ko, Ma." Sabi ko na lang.

Kinuha ko ang tablet na nasa bag ko at tinignan ang mga nakalagay na schedule doon. Schedule ko at ang kanya.

"Ako Juliana. Miss na kita." Natigilan ako sa narinig.

"Ma..."

"Anak, kung si Jacob ang iniintindi mo—"

"Ma, hindi." Maagap kong sagot.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang hawak ko.

Hanggang alas alas singko lang nasa opisina si Jacob kaya hindi ako sigurado kung gugustuhin kong pumunta sa kanila. I'm sure he'll be there.

Bumuntong hinga na lang ako.

"Sige Ma, pupunta ako." Sabi ko na lang.

Siguro naman ay hindi namin kailangang mag-usap kung naroon man siya 'di ba? Maybe this is the right time to tell Tito Joaquin about quitting my job too.

Matagal na akong niyayaya ni Harren sa kompanya ng kanyang step-father na si Rocco pero dahil gusto niyang masigurong ayos lang ako pagkatapos ng mga nangyari ay nanatili siya sa Delaney Worldwide.

Kinabukasan ay naghanda ako sa pagpunta sa kanilang mansion. Alas tres pa lang ay kating kati na akong umalis at pumunta doon kahit na alas sais pa naman ang usapang oras. Pwede naman sigurong maghapunan ng alas kwatro 'di ba? Bumuntong-hininga ako.

"Fruits?" Alok ni Harren sa akin.

Napapitlag pa ako dahil sa paglapit niyang hindi ko namalayan dahil sa paglipad ng utak ko kung saan.

"Thanks." Sabi ko.

Umupo siya sa isang upuan na nasa harapan ng lamesa ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

Tumango lang ako at kumuha sa prutas na inilapag niya sa lamesa ko.

"Kung gusto mo pwede kitang samahan? I'm sure Tita Celia will be happy to see me." Aniya.

Napatitig ako sa kanya. That's a good idea pero hindi ako sigurado kung tama bang isama ko siya sa dinner na anyaya ni Tito Joaquin.

"But I'm quitting Harren. Baka masira lang ang pagkikita niyo ni Mama kapag naging topic na yung pag-alis ko rito." Mas hininaan ko ang boses ko dahil sa sinabi.

"You sure 'bout that?" Humilig siya sa sandalan ng upuan at inilagay ang magkabilang kamay sa armchair.

"Yes. Hundred percent." Kumpiyansang sagot ko.

"So sasabihin ko na kay Rocco na lilipat na tayo?"

Umiling ako.

I'm not sure about that though. Oo nga at gusto kong umalis sa trabaho ko pero ang lumipat kaagad ay parang hindi ko pa napag-iisipan. Gusto ko munang mag-soul searching o bigyan ang sarili kong kumalma at matanggap kahit paano ang lahat. Dahil hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako.

I can't even look straight into his eyes without getting hurt because his eyes are a constant reminder how easily he gave up on me. Na kahit kailan ay hindi ko inasahan. Parang isang sakuna na basta na lang dumaan at sinira ang lahat ng bagay na pinaghirapan naming buoin. Ngayon naniniwala akong hindi naman talaga ang pagtatapos ng isang relasyon ang pinakamasakit because it's the flashback that follows that hurts the most.

Pagkatapos noong makita ko sila ni Felize ay hindi ko na siya gaanong kinausap. I want him to confess what he did but he didn't. Ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon pero wala siyang nabanggit.

He just said sorry for not going home that night and that's it. Masyado lang akong naging bulag at pilit na nagbulag-bulagan kahit na nararamdaman ko nang tuluyan siyang lumalayo. Siguro nga gano'n talaga. Kapag mahal mo, handa kang magbulag-bulagan para iwasan ang mas masakit na katotohanan.

"Jacob, may problema ba tayo?" Tanong ko isang gabi nang maabutan ko siyang nagpapakalasing sa kanilang hardin.

Kauuwi ko lang galing sa school dahil na-late ako ng uwi para gawin ang isang project namin no'n.

Tumayo siya at tinalikuran ako. Nanuot kaagad ang sakit sa puso ko at pilit na pinigilan ang pagtulo ng mga luha ko kahit na imposibleng gawin 'yon ngayon.

Lumapit ako sa kanya. I just want to hug him... Tell him that I forgave him. Pinapatawad ko siya kung ano man ang ginawa nila ni Felize dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya na kahit ano ay handa kong kalimutan para lang sa relasyon naming dalawa.

"Are you tired? Gusto mo bang magpahinga muna?" Gumaralgal ang boses ko pero naging matapang ako.

Nananatili siyang nakatalikod sa'kin. Kanina ko pa siya gustong yakapin pero natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. I felt like he wasn't my Jacob anymore.

Lumipat ako sa harapan niya. Tamad niya akong tinignan sandali pero mabilis ding nag-iwas ng tingin. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya na hindi ko alam ang dahilan. I'm too confused right now. Nasasaktan ako sa ganito. Ang sakit sakit.

Pinilit kong ngumiti at buong tapang na hinawakan ang kanyang kamay kahit na nanginginig na ang sa'kin.

"Okay lang ba tayo, baby?" Namamaos kong tanong.

Pumikit siya nang mariin at tumingala. Ni wala akong maramdamang reaksiyon na kayang palakasin ang puso ko. I felt like I was reaching an end. Sobrang sakit na ng dibdib ko dahil ni isang reaksiyon ay wala akong makuha sa kanya. My heart shattered in front of him.

I want him to tell me everything. Gaya ng dati. Gaya ng dapat niyang gawin ngayon dahil nasa isang relasyon kami.

"Jacob..." Nangilid na ang mga luha ko at sa pagpikit ko ay nag-uunahan nang tumulo ang mga 'yon sa aking mga mata.

Napalunok siya nang marinig ang paghikbi ko. Marahang bumaba ang ulo niya para titigan akong nababasag sa harapan niya.

Parang piniga lalo ang puso ko sa nakita.

He is crying.

Ngayon ko lang yata nakitang umiyak siya ng ganito. Dumoble ang sakit at kaba sa puso ko dahil sa pag-iyak niya. Hindi ko alam pero ayaw ko nang magsalita siya. The words that will come out of his mouth will kill me instantly. Natatakot ako.

My Jacob drifted away.

Ngayon ko lang napansin ang tuluyang paglayo niya sa'kin. Hindi ko naisip na darating kami sa puntong ganito. Gulong gulo ang utak ko. Pinisil ko ang kamay niya nang makita ang pag-igting ng panga niyang pinipigilan ang pag-iyak.

Namumula na ang pisngi niya at alam kong dahil 'yon sa alak. He's drunk again. Pati ang araw-araw niyang pag-inom ay ngayon ko lang tuluyang napansin. May problema nga kami pero hindi ko alam. I'm too blind to see it and too mute to confront him.

Parang sinaksak ako ng matulis na bagay nang hawiin niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. He looked straight into my eyes and said, "We need to break up." Pormal at matabang niyang sabi.

Parang huminto ang paggalaw ng mundo ko sa narinig. Hindi ako nakagalaw at mas lalong lumabo ang mga mata ko. It was as sharp as a lightning.

Tumalikod siya at kinuha ang basong may lamang alak at tinungga ulit 'yon.

Sinubukan kong kumuha ng sapat na lakas para magsalita kahit na hirap na hirap na ako at habol ko na ang aking paghinga sa paglalim ng iyak ko.

"Nagbibiro ka lang 'di ba? Jacob you didn't mean th—"

"I did and I'm sorry Juliana. I'm sorry but I have to let you go now." Mas matigas niyang sabi.

Nakita ko ang pagsinghap niya at bago pa man ako makapagsalita ay iniwan na niya ako sa garden. Ni hindi ako nakahabol dahil wala na akong lakas maglakad. Para akong isang kandila na madaling naubos.

Napakapit ako sa isa sa mga upuang naroon habang nakatitig sa likod niyang mabilis na naglalakad papasok ng mansion at palayo sa'kin.

"Ihahatid na lang pala kita." Pukaw ni Harren sa'kin.

Tumango ako. Alam ko kasing kahit na sabihin kong huwag na ay hindi na naman siya papayag.

Nang dumating ang oras ng out ko ay nakaabang na sa'kin si Harren. Nagpaalam na rin ako kay Andy.

"Ingat kayo." Aniya at sinulyapan si Harren na nasa likuran ko.

"Thanks Andy, and please kung may bago man sa schedule paki-update na lang kaagad." Tumango naman siya kaya umalis na kami ni Harren.

"Are you courting Andy?" Kuryosong tanong ko nang nasa sasakyan na kami at tinatahak ang daan pauwi sa mansion.

Napapreno nang bahagya si Harren dahil sa sinabi ko. Humalakhak ako nang makita ang lukot niyang mukha.

"I'm not!" Depensa niya.

Lalo akong natawa nang ngumuso siya.

"Bakit hindi? Andy is a nice girl, Harren."

That's true. Ilang beses ko na nga yatang tinulak si Harren sa iba pero nananatili siyang single. Being with Andy is such a good idea.

Umiling lang siya.

"She's nicer than Arya." Dagdag ko.

"I told you, hindi naging kami Juls." Inis pa ring sabi niya.

"I get that. Pero bakit hindi mo i-try kay Andy? I can be your wing woman if you like. She seems to like you anyway." Ngumisi ako at humarap pa sa gawi niya.

Alam ko nang iiwasan niya na naman ang topic naming ito. Nagkakaroon naman siya ng ka-fling pero pagdating sa seryosong relasyon ay tiklop pa rin si Harren hanggang ngayon.

"Ayoko. You know who I really want." Madiin niyang sabi at sumulyap pa sa'kin.

"Harren—"

Ngumiti siya at pinutol ang iba ko pang sasabihin.

"I know Julia. Hayaan mo lang ako. Hindi naman kita pinipilit na mahalin ako o kahit magustuhan na higit pa sa relasyon natin ngayon. Alam ko namang siya pa rin e, kaya hayaan mo lang akong gustuhin ka hanggang sa mawala na lang 'tong nararamdaman ko. Even if it's impossible." Mahabang litanya niyang kumurot sa puso ko.

"I'm sorry Harren." Nawala ang mga ngisi ko na kanina lang ay panay ang paglitaw.

Kung pwede lang turuan ang puso at ibaling ang pagmamahal nang gano'n lang kadali ay sa kanya ko ibibigay lahat.

Ngumiti siya at minaniobra ang sasakyan papasok sa village kung nasaan ang mansion ng mga Delaney.

"I told you not to say that. Parang talong-talo ako, e." Mas bumagal ang takbo ng kanyang sasakyan kaya nagkaroon siya ng pagkakataong titigan ako.

"I'm okay Juliana, alright? Gusto kong makita kang masaya at ngayong alam kong malungkot ka ay mas lalo akong mananatili rito sa tabi mo." He said.

Sa paghinto ng sasakyan niya sa harapan ng malaking gate ay niyakap ko siya. He hugged me back.

"Thank you, Harren..." Sabi ko sa gitna ng pagyakap sa kanya.

"Just be happy now Juliana. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita pa kitang umiyak." Naramdaman ko ang pagkumo ng kamao niyang nakayakap sa'kin.

Bumitiw ako sa pagkakayakap niya.

"I will." I smiled at him.

"Good! Go ahead. Baka naghihintay na si Tita Celia. Ikumusta mo na lang ako sa kanya." Aniya.

"Hindi ka na magpapakita?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Maybe next time. Marami pa namang ibang pagkakataon 'di ba?"

Inabot niya ang aking seat belt at tinanggal 'yon.

"Salamat ulit." Hindi ko na napigilan ang sarili kong gawaran ng halik sa pisngi si Harren.

Sobra sobrang tulong na ang nabibigay niya sa'kin lalo na emotionally. He's been there always. Kahit masaya ako o malungkot ay nariyan siya palagi. And I'm so thankful to have someone like him in my life. Na kahit na wala naman siyang obligasyon sa'kin ay wala siyang sawa sa pakikinig sa lahat ng mga hinaing ko.

Nagpaalam na ako kay Harren. Kumaway pa ako nang tuluyan nang umalis ang kanyang sasakyan.

Natigil ako sandali nang mawala na ang sasakyan niya sa harapan ko. Nilingon ko ang malaking bahay na ngayon ay nasa harapan ko.

Huminga ako nang malalim ng salakayin na naman ako ng kaba. Parang nag-flashback ang lahat ng mga nangyari sa'kin sa bahay na 'to. Noong unang beses akong nakapunta rito hanggang sa araw na umalis na ako nang tuluyan.

I feel my heart aching. Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Pipindutin ko na sana 'yong doorbell pero napapitlag ako nang marinig ang busina ng isang sasakyan na nasa likuran ko.

"Shit!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro