CHAPTER 4
Chapter Four
Fiesta
Laglag ang mga panga nila nang makita akong ayos na ayos ngayong gabi. Nakasuot lang naman ako ng itim na cocktail dress na kagaya ng mga suot nila pero para silang nakakita ng bagong salta.
Kumunot ang noo ko nang pasadahan ni Jecko ang kabuuan ko. Parang gusto ko tuloy magsisi dahil sa dinami rami ng damit kong dala ay ito pa ang naisipan kong isuot ngayon. I should just wear jeans and a shirt.
"Wow!" Manghang sabi ni Nesca at nilapitan pa ako para suriin.
"Wow ka diyan!" Umirap ako sa kanya.
"You look stunning, Julia!"
Umikot siya para usisain ako nang mabuti.
Gusto ko na tuloy matawa sa reaksiyon nila. Normal na lang ito sa'kin ngayon dahil kapag nasa Manila ako ay mas magara pa ang mga suot ko kumpara sa suot ko ngayon. Siguro nga hindi lang sila sanay na dati ay simple lang akong manamit.
Gusto ko na lang maniwala nang lahat sila ay namangha sa'kin ngayon. They're really my friends! Ang lalakas nilang mambola.
"Cheers!" We said in unison.
Itinaas namin ang mga hawak na shot glass at sabay sabay na tinungga ang laman nito. Agad kong kinuha ang lemon matapos tunggain ang shot ng tequila.
"Woah! More!" Hiyaw ni Ellis.
Nasundan pa ng maraming shots ang iniinom namin kasabay ng paglalim ng gabi. Sumayaw rin kami nang sumayaw sa dance floor. Tinigilan ko ang pag-iisip sa lahat ng mga bagay na dahilan ng pagkalungkot ko.
I let my demons out of my system for once. Mas mabuti nang mapagod ako sa kasasayaw sa dance floor na 'to kaysa mapagod ako sa pag-iisip tungkol sa kanya.
"Bathroom lang ako!" Maya-maya'y paalam ko kay Nesca.
Kami na lang ang naiwang tatlo nila Ellis sa couch dahil ang mga lalaki ay abala sa pangha-hunting ng chiks. Even Sheyriz and Cheyenne are talking to some random guys!
Halos lumuwa pa ang mga mata ko nang biglang hatakin ni Sheyriz ang kwelyo ng isang lalaking at halikan ito sa labi.
"Uh-oh!" Palatak ni Nesca.
Umiling na lang ako.
"I'll be back. Susunduin ko na rin yung dalawa pagkatapos ko." Ngumiti sa'kin si Nesca.
"Good. Sige." Aniya.
Maingat akong tumayo dahil natatakot akong ma-out of balance dahil sa suot kong pumps. I am tipsy already. Umaalon na nang bahagya ang paningin ko pero kaya ko pa namang maglakad nang maayos. Just slowly but surely.
Pagdating ko sa bathroom ay agad akong naghilamos at nagre-touch. Mabuti na lang din at hindi na ako naglagay ng mascara ngayon dahil kung hindi ay baka panda ang kalalabasan ko.
I gently wiped and dried my face. Pagkatapos no'n ay nilagyan ko ulit ng pulang lipstick ang labi ko.
Inayos ko pa ang dress ko bago tuluyang bumalik sa labas. My heart beats fast right after I stepped out of the bathroom. Hindi ko sigurado kung dahil lang ba sa mabilis na beat ng trance music o kinakabahan talaga ako?
Huminto muna ako para huminga hinga nang malalim. Inilibot ko ang umaalon kong paningin sa kabuuan ng bar. Lahat doon ay busy at may kanya-kanyang agenda.
Sa paglinga ko sa dulo ng bar area ay parang gusto ko na lang bumalik sa loob ng bathroom. Tumatalon ang traydor kong puso. Dammit!
He was talking to the bartender. Pinanuod ko siyang uminom ng alak na sinalin ng lalaking nasa harapan niya. Nakasuot siya ng itim na polo shirt. Simpleng simple lang pero hanggang ngayon ay hindi nagbago ang paghanga ko sa kanya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Habang tumatagal ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Napaatras ako sa katabing halaman nang gumala ang mga mata niya sa bar. I bit my lower lip. He's alone huh? O baka naman nasa hotel lang si Felize?
Of course, siguro nga ay nasa bakasyon din silang dalawa. Practice para sa honeymoon?
"Juliana! Come on, sayaw tayo!" Hindi ko na namalayan ang paglapit ni Cheyenne sa kinaroroonan ko.
Nilingon ko ulit si Jacob pero nananatili siya sa pwesto niya habang nagpapakalunod sa alak.
The silhouette of his face haunts me. Parang matagal akong nakatitig sa isang liwanag na kahit pumikit ako ay 'yon ang nakikita ko.
Hinila ako ni Cheyenne sa dance floor. Hinayaan ko siya para hindi mabaling ang atensiyon ni Jacob sa'min. Nagtago ako sa malilikot na mga ilaw na naglalaro sa dance floor at sa mga taong nagsasayaw do'n.
"Having fun, huh?" Harren's hand enveloped my waist.
Nagulat ako sa pagyakap niya mula sa likuran ko. Nanayo kaagad ang mga balahibo ko sa katawan. Pumihit ako paharap para tingnan siya. Tuluyan nang nawala ang paningin ko sa lalaking nasa bar area. Mapupungay na ang mga mata ni Harren habang nakangisi sa'kin.
"Y-Yeah..." Ngumiti ako.
"Good. Do you still want to drink o hindi na? I can get you some—"
"Hindi na! Okay na ako." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
I can't let him go to that bar! Mas okay na kami rito sa dance floor. Isa pa ay parang gusto ko na ring umuwi hindi lang dahil sa nakita ko kung hindi dahil alam kong lasing na ang mga kasama ko. Even Harren. Kitang kita ko sa namumulang pisngi niya na kailangan na naming umuwi.
Sumayaw pa kami sa dance floor at nang mahagip ng mga mata ko si Sheyriz na iba na naman ang kasama ay niyaya ko na silang umuwi. Si Rojo ang nag-drive at naghatid sa aming lahat kahit na may kasama siyang babae.
Nabunutan ako ng malaking tinik nang matanaw ko na ang bahay namin. Harren will sleep over. Lasing na lasing na kasi siya kaya dito ko na lang siya pinatulog. Inalalayan ako ni Rojo na iayos ito sa kabilang kwarto. Sa paglapag pa lang namin sa kanya ay kaagad na naging normal ang paghinga niya.
He's drunk.
"Thank you Rojo." Sabi ko nang ihatid ko na siya pabalik sa sasakyan.
"Anytime, Julia. I'll go ahead... you know." Ngumisi siya.
Hinampas ko ang braso niya at nagpaalam na lang.
"Dito na tayo!" Excited na hiyaw ni Cheyenne nang makahanap ng perpektong lugar para sa'min sa panonooring event.
Tumabi ako sa kanya. Magkatabi naman sina Ellis at Rojo sa dulo kasama sina Nesca at Sheyriz. Si Harren naman ay tumabi rin sa akin kasama sina Jecko at Greyson.
"There's our guy!" Hiyaw ni Ellis nang makita si Donovan sa field.
Parang tumalon ang puso ko nang makita ang kanyang outfit. Meron nga bang outfit na hindi bagay sa kanya?
Cobler swayed his tail when they stopped in front of us. Agad na bumaba doon si Donovan para batiin kami.
His face lightened up when he saw us. Tila ba nawala ang kaba niya dahil sa'min. Tumikhim si Harren nang matigil sa'kin ang tingin ni Donovan. Siniko ko siya.
"Good luck!" Masayang sabi ko.
"Thanks!" Ngumisi siya at binalingan naman sila Ellis na binibigyan pa siya ng mga tricks kung paano daw manalo.
"I trust Cobler." Natatawa na lang na sabi niya.
Inayos niya ang kanyang helmet pagkatapos ay tinapik tapik si Cobler.
"He trusts you too." Ani Rojo.
"Basta, alam mo na yung mga sikreto kong tricks!" Kumpiyansang sabi ni Ellis.
Nakita ko ang pagrolyo ng mga mata ni Nesca.
"Sus, takot ka nga sa kabayo e!" Pang-aasar niya rito.
"That's a lie babe! Tsk!" Umiling iling siya at dinagdagan pa ang mga sinasabi kay Donovan na parang eksperto pagdating sa pangangabayo.
Humalakhak na lang sina Rojo at Donovan. Nilapitan na siya ng isa sa mga kasama niya kaya nagpaalam na rin ito sa'min.
Kumaway na lang kaming mga babae sa kanya habang ang mga lalaki ay naghahanda na hindi para sa panunuod kung hindi para sa pagpusta kung sino ang mananalo sa race.
"Exciting 'to!" Bulong ni Cheyenne sa tabi ko.
Bata pa lang ako ay nanunuod na kami ni Papa tuwing fiesta rito sa Buenavista. Ngayon lang naiba dahil kasali si Donovan. May paglalaanan na ang boses ko kung sino ang ichi-cheer.
Sinalakay ng kaba ang puso ko nang umayos na sila sa kani-kanilang pwesto. Pigil ang aming paghinga lalo na nang tumunog ang hudyat para simulan ang race.
Sa pagtunog ng baril ay nagsimula nang tumakbo ang mga kabayong sinasakyan ng mga equestrian. Sinundan ng mga mata ko si Donovan habang sakay ni Cobler. He wasn't the first one on the track but he's running fast enough to keep up.
"Come on!" Nakita ko ang pagsulyap ni Donovan sa isang banda.
Hindi ko alam kung sino ang tinignan niya pero palagay ko ay nakatulong dahil mas bumilis ang takbo niya at naunahan ang dalawa pang nasa harapan.
Mas lalong umingay sa lugar. Halos hindi na makita ang mga nahuling kalahok dahil sa alikabok na gawa ng mga kabayong sinasakyan ng mga nasa unahan.
Nang mawala ang makapal na alikabok ay napako ang mga mata ko sa isang parte ng field. Pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko nang makita ang isang pares ng mga matang nakatitig sa kinaroroonan ko.
So it wasn't my imagination? Siya lang talagang mag-isa? What is he doing here? Hindi ba dapat ay nasa fiancé niya siya sa mga oras na 'to?
Ilang beses akong kumurap pero nananatili siyang nakatitig sa kinaroroonan ko kahit na dapat ay nanunuod siya ng race. He was just standing in the middle of the crowd staring at me.
Halos tambol na ang puso ko dahil sa paninitig niya. My palms began to sweat. Ni pati nga yata ang katawan ko ay bigla na lang nainitan sa dilim ng mga mata niyang nakatutok sa kinaroroonan ko.
Napapitlag ako nang akbayan ako ni Harren at may ibinulong sa tainga ko. Hindi na kasi kami magkarinigan dahil sa hiyawan kaya kailangan niyang gawin 'yon.
"Panalo ako. Diretso daw tayo kila Don." Aniya.
"Ah... okay." Nag-iwas ako ng tingin nang sundan ni Harren kung saan ako nakatingin.
Kumunot lang ang noo niya at bumalik ang paningin sa akin.
Bumaling ako sa kanya at ngumiti. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga taong naroon. Hindi ko na nasundan ang laban dahil sa taong nakita ko.
"He was a break maiden!" Narinig kong sigaw ng isang lalaking may katandaan na nasa aming likuran. Tumingin ako sa field at nakitang tapos na nga ang laban.
I can see Donovan being mobbed by a huge crowd.
What?! Donovan just freaking won?! Kitang kita ko ang tuwa sa mukha ni Donovan habang bumababa kay Cobler at binabati ang mga taong nakapalibot sa kanya.
Natigil siya sandali at kumaway sa'min. Sa lahat yata ay si Ellis lang ang malungkot habang si Jecko ay nagtatatalon na sa tuwa.
"Sabi ko bagalan lang e! Talo tuloy ako!" Reklamo ni Ellis.
"Traydor ka talaga." Palatak ni Rojo sa kanya.
Humalakhak ang mga lalaki sa tabi ko.
"O diretso na tayo kila Don." Masayang sabi ni Sheyriz sa aming lahat.
Tumango na lang ako.
Pinilit kong ibalik ang mga mata ko kung saan ko siya nakita pero sa pagbalik ng mga mata ko doon ay wala na ang lalaking kanina lang ay nakatitig sa'kin. Iginala ko ang paningin ko sa field ngunit bigo akong makita siya ulit.
"Tara na." Hinawakan ni Harren ang kamay ko at inalalayang makaalis.
Ako na lang kasi ang natira doon samantalang ang mga kaibigan ko ay pababa na.
"Sorry..." Sumunod na ako sa kanya.
Bago pa kami tuluyang makalabas sa lugar ay nakita ko ang logo ng Delaney Worldwide sa malaking tarpaulin na nakasabit kasama ang mga sponsor ng event.
That explains why he's here. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pinilit na huwag nang isipin kung ano man ang gagawin niya rito sa lugar namin.
Good thing we are going home tomorrow. Hindi ko na tatapusin ang isang linggong selebrasyon ng fiesta sa Buenavista lalo pa at nakita ko siya ngayon dito. Bibisitahin namin ng mga pinsan ko ang puntod nina Papa at Tiya Carmel bago kami lumuwas ni Harren pabalik sa Manila.
"Congratulations Don!" Sinalubong ko ng yakap si Donovan nang makita ko siya na kasama na ang mga kaibigan namin.
"Thank you!" Niyakap niya ako pabalik.
"O, tama na. Ngayon lang kita pagbibigyan, Abarca." Masungit na sabi ni Harren sa kanya.
Humagalpak naman ng tawa si Donovan dito pagkatapos akong bitawan.
"Dude, come on!"
Tumawa na rin si Harren. Parehas ko naman silang inirapan.
"Congrats bro." Bati niya rito.
"Thanks, let's all go home. Sa akin ba sasabay si Juliana?" Tanong niya.
"Hindi, kay Rojo kami sasabay ni Shey." Maagap kong sabi.
"Good. Sabay na lang tayo." Ani Harren dito.
Tumango na lang si Donovan at sumakay na kami para pumunta sa kanilang mansion. Halos mapuno ng mga tao doon. Lahat ng mga empleyado nila at mga residente ay welcome sa malawak nilang lupain. Malayo pa lang kami ay kumukulo na ang tiyan ko sa tuwing naiisip ko ang mga pagkain.
"Uuwi na ba talaga kayo bukas?" Usisa ni Jecko sa amin ni Harren matapos kaming kumain.
"Oo, eh. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ilang linggo na akong wala e."
Harren needs to go home too. Alam kong kapag hindi pa ako umuwi ay gano'n din siya. We are both screwed up if things get messy in the office.
Ngayon pa nga lang ay nakikita ko na ang tambak kong trabaho at ang masalimuot na aura ng opisina.
"Sayang naman. Pero babalik naman kayo 'di ba?"
"Oo naman Jecko!"
"Great. Pass pala kami ngayon sa alak. We need to go home early." Ani Harren.
"Ikaw lang. Hindi naman ako mag da-drive bukas 'di ba? So I can still drink." Natatawang sabi ko sabay kuha ng beer na nasa harapan at madali 'yong tinungga.
"Damn girl!" Hiyaw ni Ellis.
Umiling na lang si Harren at hinayaan ako sa gusto kong gawin. Ilang oras lang ang lumipas ay nagpaalam na rin kaming uuwi.
"Mag-iingat kayo ha." Niyakap ko na silang lahat.
"And be sure to visit us again, okay?"
Tumango lang ako kay Nesca. I'm gonna miss them so much. Kung pwede na nga lang mag-resign at dito na lang magtrabaho ay gagawin ko. Pakiramdam ko kasi sa tuwing nasa Buenavista ako ay panatag ang loob ko kahit na marami akong problema.
"I'm gonna miss you, Julia." Niyakap ako ni Donovan.
"Ako din. Ganado ka kanina so ibig sabihin masusundan pa ang mga laban mo?" Ngumiti ako sa gwapo niyang mukha matapos ang yakap niya.
"Let's see. Kapag na-inspire pa ako lalo ay baka masundan." Ngumisi siya.
"Paano?" Kuryosong tanong ko.
Umiling siya pero nananatili ang nakakalokong ngiti sa kanya.
"Let's go Juls." Pukaw ni Harren sa aming dalawa.
Nagpaalam na rin si Harren sa kanya.
"Mag-ingat kayo sa biyahe. Take good care of her bro." Tinapik ni Donovan ang balikat ni Harren.
"Palagi bro." He smiled at him.
Umalis na kami ni Harren sa mansion ng mga Abarca na kahit malalim na ang gabi ay punong puno pa rin ng mga taong nagkakasiyahan.
Nahinto kami sandali sa mga matatandang nakilala kami.
"Uuwi na kayo? Maaga pa Harren." Anang isang matandang lalaki na katabi ang kanyang asawa.
"Luluwas na po kami sa Manila ni Juliana bukas Lolo Paeng." Ngumiti siya at inakbayan ako.
"Ay gano'n ba? Hindi niyo na tatapusin ang fiesta?" Bumaling siya sa'kin.
"Hindi na po siguro Lolo. Marami pa pong naghihintay sa aming trabaho sa Manila." Ngumiti ako.
"O siya mag-iingat na lang kayong dalawa ha."
Nagpaalam na rin kami sa mag-asawa bago ako igiya ni Harren palabas sa malawak na bakuran ng mansion.
This is what I'm going to miss here. Yung pakiramdam na halos lahat ay parang kapamilya ang turing sa'yo. Na kahit hindi mo naman kadugo ay magaan ang pakikitungo sa'yo.
Hinatid ako ni Harren sa bahay at pagkatapos ay nagpaalam din saglit para kunin ang mga gamit niya sa bahay ng kanyang Lola. Dito na siya matutulog para bukas ay madali na lang kaming makaalis. Naayos ko na ang lahat ng gamit ko at nakaligo na rin nang makabalik siya.
"Dito na lang ako sa sofa."
"Hindi na Harren, Doon ka na lang sa kabilang kwarto. Nilinis ko na 'yon e." Sumimangot ako sa kanya.
"Oo na nga. Sige na." Sabi niya kaya ngumiti na ako.
Maaga kaming nagising kinabukasan. Maaga ring pumunta sila Xavier sa bahay para sa pagpunta namin sa sementeryo. Saglit lang ang inilagi namin do'n dahil baka ma-traffic na kami sa daan.
"Mauna na kami Papa. I'm okay. Okay lang kami ni Mama. Please guide us Pa." Lumuhod ako at hinaplos ang kanyang pangalan na nakaukit sa lapidang naroon.
"I love you." Sabi ko.
Nang maramdaman ko ang pag-ngilid ng mga luha ko ay tumayo na ako.
Nagpaalam na rin si Harren kay Papa at bumalik na kami sa sasakyan para sa mahaba-habang biyahe pabalik sa Manila. Pakiramdam ko ay babalik na ako sa realidad na pilit kong tinatakbuhan. Ang realidad na hanggang ngayon ay mahirap pa ring isipin at tanggapin.
I will let time heal all wounds. Bahala na kung kailan ko matatanggap ang lahat basta sigurado akong mawawala rin ang lahat ng sakit na 'to.
Hindi man ngayon pero balang araw. Someday, I can finally be truly happy again. Hindi lang para sa kanya kung hindi para na rin sa sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro