Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Chapter Three

Confirmation


"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya kinabukasan.

Kasama ko sila Nesca sa flower farm dahil ang mga lalaki ay mamaya pa namin kikitain para sa pagpa-party sa isang bar malapit lamang sa bayan.

Marami na nga talagang nagbago sa lugar namin. Hindi lang nagkaroon ng mga bagong pasyalan, nagkaro'n din ng night life.

"Miss Juliana, sorry." Bungad sa akin ni Andy.

Lumayo muna ako sa mga kaibigan ko para makausap si Andy. Siya ang kahalili ko sa ngayon habang wala ako sa opisina.

"Bakit Andy? May problema ba?" Tanong ko.

"Uh, kasi... Kailan po ba kayo makakabalik?"

Huminga ako nang malalim sa tanong niya. Sa tuwing tinatanong na lang kasi ako kung kailan ay parang mas lalo kong ayaw umuwi.

"Andy, we talked about this already."

"Miss Juliana please be home soon. Ang toxic dito kapag wala ka. Besides, we all miss you!" Aniya.

Narinig ko ang boses ng ilang mga ka-opisina kong nag-agree sa sinabi niya. Parang may kumurot tuloy sa puso ko.

Lumipat ako sa kabilang banda ng flower farm. I can see the sunflowers from here na tila ba pinapakalma ang damdamin ko. Suminghap ako ng sariwang hangin.

"I'll be home soon." I blurted.

"Promise?"

Mas sumigla na ang boses niya kumpara sa kanina.

Napangiti ako. Sa ilang taon kong pamamalagi sa Delaney Worldwide ay nagkaroon na rin ako ng napakaraming kaibigan.

"Oo na." Sagot ko.

"Yes! Yung pasalubong Miss Juliana ha." Humagikhik si Andy.

"Of course. I have to go Andy."

"Thank you, Miss Julia. We are all waiting for you." Aniya bago ko ibinaba ang tawag.

Napangiti ako nang mapait. Maybe she meant the employees but not all of them. Kailangan ko pa ba talaga siyang isipin sa lahat na lang ng bagay?

"Juls, tara!"

Napabalik ako sa katinuan sa pagtawag ni Sheyriz. Nakalatag na sa ilalim ng malaking puno ang isang mahabang tela. Ang mga pagkaing dala namin ay nakalatag na rin sa gitna no'n.

Naglakad na ako pabalik at naupo sa tabi ni Cheyenne.

"Sino 'yon?" Tanong niya na tinutukoy ang kausap ko.

"Sa office lang." Tipid kong sagot.

Binigyan ako ni Nesca ng wine. Ngumiti naman ako at kinuha 'yon.

"Babalik ka na ba?" Tanong niya.

Sumimsim ako sa wine na hawak ko. Do I still have a choice? Kung wala lang akong malaking utang na loob kina Tito Joaquin at Tita Sofia ay baka tuluyan na akong umalis sa kompanya nila.

Matagal na rin sana akong wala sa bansang 'to. I just wanna go far away from everyone and have a fresh start.

"Oo. Baka tapusin ko na lang ang fiesta." Pormal kong sagot.

"Okay lang bang pag-usapan natin?" Singit ni Sheyriz.

I know what she meant. Tumango ako. I guess. Siguro'y kailangan ko rin ng totoong advice na galing sa mga kaibigan ko. It's been four years after all. Masyadong matagal na ang panahon na lumipas.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita ang laman no'n.

Cheyenne and Nesca gasped in unison when they saw the post.

Isa 'yong post ng isang pahina na tungkol sa mga elites.

Matabang akong tumitig doon. I don't have anything to say. Alam ko nang darating sa ganito ang lahat pero kahit na gano'n ay tila ba may sumasaksak pa rin sa dibdib ko.

"Mr. Delaney confirms being engaged to his childhood friend, Felize Ravensbourne." Marahang basa ni Nesca sa post na 'yon.

"No fucking way!" Hiyaw naman ni Cheyenne na kinuha pa ang cellphone ni Shey.

I let them savor the news. Isang linggo na ang nakalilipas nang lumabas ang balitang 'yon. It was Andy who told me everything.

Nangyari ang lahat right after I filed a leave. Mabuti na lang at napirmahan na 'yon. Harren seems to understand what is happening kaya niya ako sinundan sa Buenavista.

I was just too exhausted from everything. Sumakto lang 'yong engagement pero hindi talaga 'yon ang rason kung bakit ako nag-leave. But maybe it was a blessing in disguise.

Simula nang umuwi kami nila Jacob sa Manila matapos malaman ng lahat ang relasyon namin ay naging masaya naman kami. Everything was just perfect. Ni hindi ko nga maisip kung ano pa kaya ang mapagdaraanan naming dalawa.

Until that day... Ang simula ng araw ng gulo sa amin.

"Busy ka ba?" Tanong ko.

Alas dose na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Halos mabingi ako sa naririnig na malakas na tugtog sa kinaroroonan niya.

He was out? Parang may kumurot sa puso ko sa naisip. Dati naman ay nagpapaalam siya sa'kin kung male-late siya ng uwi o may pupuntahan siyang iba pero bakit nakalimutan niya yata 'yon ngayon?

"Yeah. I'm sorry. I'm with the guys, tatawag na lang ulit ako mamaya." Napalunok ako pero inintindi ko siya.

Maybe he's tired being at work. Siguro kailangan niya rin ng social life. Siguro masyado lang siyang pagod at kailangang magsaya.

I convinced myself. Pinilit kong ipasok sa utak kong 'yon lang ang dahilan niya.

"Sige pala. Mag-ingat ka. Maghihintay ako." Sabi ko.

He ended the call just like that. Na ni minsan ay hindi niya ginawa. Ako ang palaging nagbababa ng tawag naming dalawa. I knew something was really off track.

Naiwan ako sa living room kahit na nakakaidlip na ako sa sofa at may pasok pa ako kinabukasan. I was patiently waiting for him to come home and even text me but he didn't.

Nakatulog na lang ako't lahat lahat pero walang Jacob na umuwi. I was so worried. I tried calling his friends but they're not answering.

I called Eros.

"Hey, Julia!"

Masayang bati niya sa kabilang linya pero nananatili ang pag-aalala ko para sa kanyang pinsan.

"Kasama mo ba si Jacob? Alam mo ba kung nasaan siya?" Walang paligoy-ligoy kong tanong.

"Hindi eh, bakit?"

"Uhm, wala naman. Sorry Eros."

"Wala 'yon. I'll ask the guys." Aniya.

"Thanks, Eros!" Kahit papaano'y nakahinga ako nang maluwag.

Hindi na siya bata para hanapin pero hindi ko mapigilan ang hindi kabahan. This is the first time he's missing in action.

Lutang ako habang nagka-klase. Ni hindi ako nakakuha ng pasadong grado sa quiz namin. I was too pre-occupied by him.

Halos ma-lowbatt na lang ang cellphone ko sa kakatingin do'n kung may texts na ba siya o wala.

"Are you with me?" Tanong ni Harren nang mapansing hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya nang nasa cafeteria kami.

"Ha? Sorry, ano nga 'yon?" Nahihiyang sabi ko.

Inayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa. Tumuwid din ako sa pagkakaupo.

"Never mind. Uwi na tayo? Ihahatid na kita." Sabi niya.

Tumango lang ako. Sabay na kaming lumabas ni Harren sa university.

"Thank you, Harren." Sabi ko saka bumaba ng sasakyan.

"Julia." Tawag niyang nagpahinto sa'kin.

Umibis siya sa sasakyan at inabot sa'kin ang mga libro ko. Shit! Masyado na akong wala sa sarili ko.

"Sorry... Thank you ulit." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. Mas lumapit pa siya sa'kin at ginulo nang bahagya ang buhok ko sabay pisil sa aking pisngi.

"Kung may problema ka, nandito lang ako. You can always talk to me alright?" He said.

Pinilit kong ngumiti para kay Harren. He knows me so much. Masyado niya ng kalkulado ang mga kilos ko. Kapag malungkot ako o masaya ay alam niya.

"Wala 'to. Sige na baka ma-traffic ka na." Ngumiti ulit ako.

This is the only thing I know to convince him to let me go. Dahil alam kong kapag nalaman niyang malungkot nga ako ay hindi niya ako iiwan nang mag-isa hangga't hindi ko sinasabi ang problema ko.

May pag-aalinlangan siyang tumango at bumalik sa kanyang sasakyan. He honked before finally leaving me. Saka lang ako pumasok sa loob nang mawala na sa panigin ko ang sasakyan niya.

Pagpasok ko sa mansion ay parang doon lang bumalik ang katinuan ko nang makita ang sasakyan ni Jacob na nakaparada na sa loob.

Madali ang mga hakbang ko para lang makita ko siya. Is he okay? Saan siya galing? Bakit hindi man lang siya nag-text o kaya naman ay tumawag na parati niya namang ginagawa araw-araw?

Napuno ng katanungan ang utak ko. Sa pagpasok ko ay tahimik lang ang bahay. Dumiretso ako kay Masha sa kitchen para itanong kung nakauwi na nga ba si Jacob.

"Oo." Kita ko sa mukha niya ang kaba.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko maintindihan pero agad akong sinalakay ng kaba dahil sa reaksiyon niya.

"Oo." Tipid pa rin niyang sagot.

"Sige, nasa kwarto ba si Jacob? Pupuntahan ko muna wait—"

"Julia!" Nagulat ako sa pagpigil niya ng kamay ko para sana umalis na.

"Bakit?" Mas lalong namutawi ang kaba sa kanya.

"Ano kasi... uhm."

"Masha, pupuntahan ko muna si Jacob. Saglit lang naman ako." Ngumiti pa ako pero mas humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko.

"Si Felize nandiyan." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano?" My heart trembles.

Alam ko namang magkaibigan sila at hanggang do'n na lang 'yon pero sa sitwasyon ngayon ay mas lalo pa akong kinabahan. Naguguluhan ako at parang gusto ko na lang tumakbo papunta sa kwarto niya at alamin kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Si Felize... kasama niya si Jacob ngayon, Julia." Pag-uulit niya.

Hindi na ako nag-alinlangang hawiin ang kamay niya at naglakad nang mabilis patungo sa kwarto ni Jacob.

Why is he with her? It's not that I don't like him to be near Felize but dammit! Kung gusto niya akong ipagdamot ay gano'n din ako sa kanya! Ilang araw na ba siyang wala sa dating siya? Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may problema siyang iniisip.

Gusto kong sabihing narito lang ako para sa kanya. Iintindihin ko siya. That's why I'm fucking here anyway! Bakit kailangan niya pang sa iba magsabi?

Gusto ko nang maiyak habang papalapit ako nang papalapit sa kwartong 'yon. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko at ng mga hakbang ko.

Huminga ako nang malalim nang matapat ako sa pintuan bago 'yon buksan. Marahan kong pinihit ang handle ng pinto. It wasn't locked. Nalaglag ang panga ko nang makita si Felize na inaayos ang kanyang damit habang si Jacob ay nasa kama at topless.

Pumihit si Felize sa'kin at ngumisi nang makita ako. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko silang saktang dalawa pero nanghihina ako. Naubos ang lakas ko sa nasa harapan ko ngayon. Napahigpit ang kapit ko sa seradura.

Tumulo na rin ang masaganang luha sa mga mata ko. So this is why he's busy. Busy siyang makipaglandian sa ibang babae! Parang pilit na pinupunit ang puso ko.

Tumawa si Felize nang matapos niyang ayusin ang kanyang blouse. Kinuha niya ang kanyang purse at naglakad palapit sa'kin.

"Careful, he's still sleeping." Aniya bago ako banggain at hawiin para makalabas siya.

"Felize..." gumaralgal ang boses ko.

My heart just shattered in front of her. Ni hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. I was glued to the ground. Tanging ang mga luha ko na lang ang nararamdaman ko. I feel so numb right now.

I've never imagined in a million years that Jacob would do such thing. Bakit?!

Pumihit siya para harapin ako. She's very proud of what she did. Nakikita ko ang pagkapanalo sa mukha niya. She smiled and said,

"Don't worry, we had fun Julia. Pakisabi na lang na umuwi na ako." Aniya bago muling ngumisi at iwan na ako ng tuluyan.

"Sabi na nga ba, eh!" Naramdaman ko na lang ang payakap ng mga kaibigan ko sa'kin na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

I was lost. Lumipad na naman sa nakaraan ang utak ko. Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa mga mata ko.

"Sorry Julia." Ani Shey na hinahagod ang likod ko.

Mas lumalim ang pag-iyak ko kahit na pigilan ko pa ang nararamdaman ko. I can't. Parang bumabalik ang lahat ng sakit pagkatapos ng ilang taon. I am still not moving forward after all these years!

Humagulgol ako sa kanila. Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito dahil gusto kong maging matapang. Gusto kong ipakitang kaya ko ng wala siya. Gusto kong maging masaya sa kabila ng lahat ng sakit dahil sa kanya.

Pero hindi ko pala talaga kayang totoong maging masaya. Ni walang nagsalita sa mga kaibigan ko. They all just hugged me until my emotions run dry.

Nakita ko ang mga luha sa mga mata nilang tatlo.

"I'm sorry. Hindi ko gustong sirain yung moment." Sabi ni Sheyriz.

Tumango lang ako.

"Mapag-uusapan din naman eh. Hindi ko naman na dapat iwasan." Ngumiti ako nang mapait bago magpatuloy. "They are getting married and I must be happy for them."

"Right. I know you can do it Julia." Ani Nesca.

"Si Juliana Arevalo pa ba?" Segunda naman ni Cheyenne.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at sinabing uminom na lang kami at kumain. I'm here to forget him not reminisce the past. Kaya nga past na 'di ba? There's a reason why it's in there.

Nang matapos kaming mag-picnic ay naglibot pa kami sa flower farm at sa kahabaan ng lupain ng mga Abarca.

"Akala ko hindi ka na pupunta e!" Natatawang sabi ni Harren pagkatapos ay niyakap ako.

I was late. Pagkatapos ng nangyari sa flower farm ay parang gusto ko na lang magmukmok sa bahay. Pero mas pinili ko pa rin ang kitain sila. I can't be ruthless to my friends. Lalong lalo na sa sarili ko. I should be happy because I deserve to be happy.

"Bakit naman hindi? 'Di ba party 'to para sa'kin?" Sabi ko pagtapos bumitiw sa yakap niya.

"Yeah. Nahirapan ka bang pumunta? Sabi sa'yo dapat sinundo na kita e." Aniya habang naglalakad na kami papasok sa bar.

I'm wearing a black cocktail dress at siya naman ay posturang postura sa kanyang puting long sleeves na nakatupi hanggang siko.

"Hindi naman. I'm just being lazy tonight Harren." Pormal kong sagot.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang mga nagkakasiyahan kong kaibigan. Lumakas ang tugtog sa loob ng bar kaya mas kailangang lumapit ni Harren sa tabi ko para magkaintindihan kami.

"Nakita mo na?" He asked.

Tumango lang ako at pinilit na ngumiti.

He sighed and stopped walking. Napahinto rin ako dahil sa ginawa niya. Hinawakan ni Harren ang magkabilang kamay ko.

"Tell me what can I do to make you happy Julia?" Lumamlam ang mga mata niya na patuloy lang sa pagtitig sa mga mata ko.

"Okay lang ako Harren. Don't worry about me, I can handle myself." Ngumiti ako.

Lahat na ginawa mo Harren. Huwag mo na akong isipin. I don't want to be a burden to anyone. Gustuhin ko mang sabihin 'yon pero mas gusto ko nang putulin ang usapan namin.

Pinisil niya ang kamay ko.

"You sure?" He asked.

Tumango naman ako.

"Good." Ngumiti siya at saka lang kami nagpatuloy sa paglalakad.











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro