CHAPTER 2
Chapter Two
With A Smile
"Juliana!"
Magkasabay na hiyaw nina Rojo at Greyson nang makita akong papasok sa kanilang bakuran kasama ng mga kaibigan namin.
"Hi!" Lumapit ako para yakapin silang dalawa.
"It is so good to see you!" Ani Rojo.
"Oo nga Julia! Welcome back!" Masayang sabi ni Greyson matapos ang yakap ko.
"Thanks! Good to see you both!" Nginitian ko silang pareho.
Nakipag-high five si Ellis kay Rojo at si Grey naman kina Jecko at Harren. Si Donovan ay sinalubong na si Kuya Kane na kalalabas lang din galing sa loob ng kanilang bahay.
"Happy Birthday Kuya Kane." Ngumiti ako at pagkatapos ay ibinigay ang regalong binili namin ni Jecko kanina.
"Naku salamat. Nag-abala ka pa."
"Ikaw pa ba Kuya Kane?" Natatawang sabi ko.
"Ikaw talaga. Pasok na kayo." Ngumiti siya at binalingan na ang iba para imbitahan sa kanilang bahay papunta sa kabilang side kung nasaan ang mga pagkain at lamesang nakahanda.
Simple lang ang bahay nila Greyson. Isang bungalow na may malawak na bakuran at iilang puno sa paligid.
Nag-renta sila ng videoke at meron pang mga pa-bandiritas si Greyson na nakasabit sa mga puno papunta sa bahay nila.
'Yon daw yung pinagkaabalahan nila ni Rojo na isabit kanina kaya hindi sila nakapunta sa bahay.
"Akala ko fiesta na." Natatawang sabi ni Ellis.
"Malapit na rin naman e, kaya isinabay na." Humalakhak na si Harren.
Umupo kami sa pinakamalaking lamesa habang ang ibang bisita naman ay naroon sa maliliit. Pagkatapos kumain ay sumunod na ang mga alak. Wala pa ring nagbabago sa lahat ng mga kaibigan ko.
Nakatutuwa lang isipin na kung hindi pa kami naghiwalay ay hindi pa ako makakauwi nang ganito katagal dito. I've missed everything here.
Kahit yung mga bagay na kinaiinisan ko noon ay hinahanap hanap ko na ngayon. Kagaya na lang ng mga kuliglig sa gabi. Sa Manila kasi ay tanging ingay ng mga sasakyan ang naghahari sa daan tuwing madaling araw.
Kung pwede lang talagang ulitin ang lahat ng mga nangyayari sa buhay.
Kung meron lang second chances sa lahat para baguhin mo ang mga pagkakamaling nagawa mo. To change it for the better.
Siguro kung nag-isip ako nang maayos at sinunod ko ang utos ng utak ko ay wala ako sa ganitong sitwasyon. But then again, nagmahal lang ako.
Nang sobra...
"Uy, shot." Humahagikhik na sabi ni Nesca habang nakayakap kay Ellis.
Hindi ko alam kung saan galing ang pamumula niya? Sa alak ba o dahil sa kilig kay Ellis? Ngumiti ako at tumango.
"Sorry." Sabi ko bago kunin ang shot glass at inumin ang laman no'n.
"Kumusta naman sa Manila, Julia?" Pormal na tanong ni Rojo.
Pinunasan ko muna ang labi ko bago siya sagutin. It's been a while since I drank alcohol. Parang nanibago kaagad ang tiyan ko. Mainit.
"Okay naman." Tipid kong sagot.
Alam ko na kasi kung saan patungo ang usapan at hindi 'yon ang gusto kong buksan. The news escalated so quickly. At kahit na nasa malayong lugar na kami ay alam kong hindi sila nakaligtas sa balita.
"Ilang araw kang naka-leave?" Nakahinga ako sa tanong ni Sheyriz.
"Oo nga, ang daya mo! Isang linggo ka na raw nandito sabi ni Harren ah!" Segunda naman ni Cheyenne.
Sinulyapan ko si Harren na abala sa pakikipag-usap kina Donovan at Jecko.
"Oo. Hindi ko naman talaga planong magtagal. Dapat tatlong araw lang." Sinalinan ko ang shot glass at inilapag sa harap ni Ellis.
Mabilis na lumipad sa akin ang malungkot na mga mata ni Nesca kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Is it true?" She asked.
Kukunin na sana ni Ellis ang shot na inilapag ko pero mabilis ko 'yong kinuha para lagukin. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang mainit na likidong gumuhit sa lalamunan ko pababa sa aking tiyan. Damn!
Laglag ang panga ni Ellis habang pinagmamasdan akong inilalapag ulit 'yon sa lamesa at sinalinan ng panibago para sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.
"Alright. Totoo nga." Bulong ni Nesca.
"Anyway, busy ba kayo bukas? Sa susunod na bukas? Maybe we can go clubbing or something." Maagap na sabi ni Harren na nagpabago sa topic.
Thank goodness for him! Siya na lang palagi ang knight in shining armor ko. Simula pa lang naman talaga noon ay siya na ang nagsisilbing tagapagtanggol ko e.
"Bukas agad? Magpapaalam muna ako sa boss ko." Natatawang sabi ni Greyson saka sinulyapan nang makahulugan si Ellis.
"No, Greyson. I need you in the office." Tumikhim tikhim pa siya at umayos sa pagkakaupo na para talagang isang kagalang-galang na boss.
"Hindi bagay." Bulong ni Donovan.
Nagsitawanan ang lahat sa sinabi niya. Maski ako ay tawang tawa sa hitsura ni Ellis na pinapasadahan pa ng daliri ang kanyang invisible na bigote.
"Sick leave ako boss." Pagbibiro ulit ni Greyson.
"Anong sakit mo? Sa puso o sa..." pinasadahan niya ng matalim na titig si Greyson.
Kumunot ang noo nito sa kanya at nanahimik na lang.
"Saan ba kasi?" Baling ni Ellis kay Harren na ngayon ay nakangisi na.
"Basta clubbing talaga ang bilis mo e." Ani Nesca kay Ellis.
"What? Eh nagyayaya si Harren, sino ba naman ako para tumanggi kay Juliana!" Depensa niya.
"Palusot mo!" Pinisil ni Nesca ang kanyang pisngi kaya niyakap na lang ito ni Ellis.
Again, I shifted my head. Parang gusto ko na lang maging bitter ngayon kahit na ang totoo ay masaya ako para sa kanilang dalawa.
Lumalim pa ang gabi. Masayang nagkakantahan ang mga kaibigan ko habang ako ay nanunuod lang sa kanila. Si Harren naman na nasa tabi ko ay sumasabay na rin sa pagkanta ni Jecko habang nagsasalin ng alak sa aming shot glass.
"Stop mo na!" Halakhak ni Ellis sa Stupid Love na inilagay ni Rojo sa videoke machine.
"'Di ba favorite mo 'to noon?!" Pang-aasar ni Rojo.
"Noon 'yon. Magkaiba ang noon sa ngayon!" Masungit niyang sagot.
Right. It's very different. We are all tipsy. Sumasayaw na si Cheyenne nang tumugtog ang isang trance music.
"Ayos ka lang?" Bulong ni Harren sa'kin sa gitna ng panunuod ko sa mga kaibigan namin.
Mas lalo akong ngumiti at inalis muna ang paningin sa mga nagsasayaw.
"Oo naman." Sagot ko.
"Good. So about clubbing, sasama ka ba?" He asked.
"May choice pa ba ako?" Itinaas ko ang kilay ko at hinintay ang kanyang sagot.
Umiling lang siya.
"Wala." Aniya kasabay ng nakakalokong ngiti.
I rolled my eyes at him.
Siguro nga kailangan ko ring magsaya kasama sila. Sabi nga, lahat ng bagay ay may katapusan.
Kapag masaya ka enjoy-in mo. Be truly happy when you have a chance to be happy. Dahil pati ang kasiyahan ay may hangganan... And be thankful when you're sad. Dahil pati ang kalungkutan ay may katapusan din. Lilipas din kumbaga.
Kaya rin naman ako pumunta rito ay para sumaya at makalimot 'di ba? I should stop being hard on myself and just enjoy this. Dahil hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman sa pagbalik ko ng Manila.
Ipinilig ko ang ulo ko ngunit tila ba nananadya ang tadhana ngayon.
"Lift your head, baby don't be scared..." Sa unang bigkas pa lang ni Donovan sa lyrics ng kinakanta niya ay natigilan na ako.
Nanayo ang lahat ng balahibo ko sa lamig at buo niyang boses.
"Of the things that could go wrong along the way..." He's singing it with feelings.
Halos lumuwa na ang puso ko nang makita ko ang pagtitig niya sa'kin habang patuloy na kumakanta. I felt like he was talking to my soul. Gustuhin ko mang ilayo ang mga mata ko sa kanya ay bigo ako.
Sa kanilang mga lalaki ay tanging si Donovan lang ang biniyayaan ng pinakamagandang boses. Naalala ko noong nag-audition siya sa isang banda para sa Universidad de Buenavista.
I was there watching him from a distance. Kahit na sobrang nabingi na ako sa mga sigawan ng napakarami niyang fans.
Mas lalong lumamlam ang mga mata niya sa pagsapit ng chorus. Hindi rin nawala ang mga titig niya sa'kin na para bang pinapakiramdaman ang reaksiyon ko.
"Babe, I'll stay through the bad times. Even if I have to fetch you everyday, I'll get by if you smile... You can never be too happy in this life."
Kasabay no'n ang mga flashback na namuo sa isip ko.
Noong araw na unang beses kong napakinggan ang kantang 'yon sa sasakyan niya. It was one of the happiest memories I had with that guy.
Hindi ko alam kung para saan ang kantang 'yon. Para pasayahin ako o mas lalong malungkot?
I cursed when I closed my eyes and saw his face staring back at me. That same look he gave me that day. Parang pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa rin yung unang beses niyang pagyakap sa'kin. 'Yon bang pakiramdam na nandiyan siya para pawiin ang lahat ng lungkot ko. Isang masayang memorya pero kapag naaalala ko ngayon ay parang gusto na lang tumulo ng mga luha sa mga mata ko.
Sa pagdilat kong muli ay siya namang pagpikit ni Donovan.
"Lift your head, baby, don't be scared..." His voice was too good that it sent shivers down my spine.
Pakiramdam ko tuloy ay alam niya ang halaga ng kantang 'yon para sa'kin. Nakinig lang ako at nakatitig sa kanya habang nagpapatuloy ang maganda niyang boses sa tainga ko.
Isang palakpakan ang umalingawngaw nang matapos ang kanta ni Donovan. Agad siyang yumuko at kinuha ang shot na nasa harapan niya saka ininom 'yon.
"Idol talaga!" Hiyaw ni Ellis na nagpailing sa kanya.
"Ihahatid na kita." Sabi ni Donovan matapos alalayan ang mga babae naming kaibigan. They're all drunk!
Siya at tanging si Harren na lang ang matino. I can't say that I can still go home without them. Masyadong marami ang nainom kong alak ngayon at umiikot na rin ang mundo ko.
"Paano sila?" Turo ko sa walang humpay na si Ellis habang kasayaw sina Rojo at Kuya Kane.
"Si Harren na ang bahala sa kanila." Aniya.
Tumango na lang ako at sumakay na sa passenger's seat. Ala una na rin pala ng madaling araw. Kaya naman pala inaantok na rin ako.
Huli naming hinatid si Nesca na muntik pang sumuka sa loob ng sasakyan ni Donovan.
"Nes, kaya mo pa?" Tanong ko kahit na dapat yata ay sa sarili ko 'yon tinatanong.
Kaya ko pa ba?
Kaya ko ba?
Kakayanin ko ba?
Humagikhik siya at umakbay sa akin.
"Where are we? Nasaan si Ellis?" Agad niyang tanong kahit na nakapikit.
Umibis sa driver's seat si Don para alalayan na itong makababa. Parehas naming isinukbit nang maayos ang mga kamay niya sa balikat namin at inalalayan siyang makapasok. Mabuti na lang at nakapaglakad pa siya nang matino.
Good thing Donovan didn't drink too much. Dahil kung hindi ay baka doon na lang kami matulog lahat kila Kuya Kane.
Natigil kaming tatlo nang biglang huminto si Nesca at humarap sa'kin.
"Julia, lilipas din 'yan lahat. Tingnan mo ako, lumipas na lahat ng sakit ko noon kay Leonne. Lahat lahat. Lilipas din 'yang sa inyo ni—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla siyang nasuka.
Good! Mabuti na lang din at mabilis siyang yumuko dahil kung hindi ay napunta na sa'kin ang lahat.
"Nesca, 'yan kasi. Don't say bad words!" Sabi ko habang hinihimas ang likuran niya.
Nakita ko ang ilang beses na pag-iling ni Donovan na nagpataas ng kilay ko.
"What?" Narinig ko ang pagbuhos ng pangalawang batch ni Nesca.
"Wala. She's right." Halos pabulong niyang sinabi.
I can literally hear the crickets surrounding us. Wala akong naisagot. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at inalalayan na lang ulit si Nesca.
"Juls, I was sayin—"
"Don't Nesca. Magpahinga ka na." Sabi ko na lang nang marating na namin ang pintuan ng kanilang bahay.
Mabuti na lang at pinagbuksan kami ng kanyang kapatid na hinihintay rin pala siya. Nagulat pa ito at hinahanap si Ellis. Nakauwi na nga ba yung mga mokong na 'yon?!
Matapos makauwi ay nakatulog ako agad. Mabigat ang ulo ko sa paggising kaya dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo at makapag-breakfast.
Ni wala akong na-receive na texts or tawag sa mga kaibigan ko dahil sa nangyaring party kagabi. I'm pretty sure they're all still asleep.
Isang ripped jeans and plain v-neck shirt ang suot ko nang lumabas ako sa bahay. I can't be home all day so I've decided to visit Rancho Rodeo.
Sa susunod na linggo ang fiesta rito sa amin at excited na ang lahat sa gaganaping major horse racing ng taon. Pati na rin ang mga activities sa buong lugar. I'm excited for the food though. Masyado na akong matagal sa Manila at gustong gusto ko nang matikman ang mga pagkain dito lalong lalo na ang fresh na bibingka.
Hindi nga ako nagkamali; kahit na hindi pa fiesta ay nag-eensayo na ang mga kalahok sa gaganaping horse racing. Marami na rin akong nakitang mga turista na naglilibot sa Buenavista.
"Juliana!" Sigaw ng isang boses kasabay ng papalapit na mga yabag ng kabayo.
I can see Aikasha gracefully walking towards me. Her ears blob slowly. Kitang kita ko ang makintab niyang kulay at ang mahaba't makinang niyang buhok.
"Donovan." Sabi ko nang huminto sila sa harapan ko.
Agad siyang bumaba roon.
"Maaga ka ah. Hindi ka ba nagka-hangover?" Natatawang sabi niya.
"Medyo masakit nga ang ulo ko kaya kailangan kong umalis. E ikaw?" Ngumiti ako at lumapit sa kabayo niya.
"I miss you Aikasha." Bulong ko. Ngumiti naman siya at hinawakan din ito.
"Nagpa-practice eh." Aniya.
"Kasali ka?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.
Oo nga at nakita ko na siyang sumakay sa kabayo pero ang sumali ito sa race? Hindi ko lubos maisip.
"Parang ayaw mo, ah?" Humalakhak siya at ipinagpatuloy ang paghimas sa alaga niya.
"Hindi... I was just surprised. Siya ba?" Sabi ko sabay tingin kay Aikasha.
"Hindi. Pumunta lang ako rito para mag-praktis. Si Cobler ang gagamitin ko." Aniya sabay turo sa isang maganda't kulay itim na kabayo na nasa hindi kalayuan.
Tumango tango ako.
"Gusto mo bang sumakay at maglibot?" Anyaya niya.
"Pwede ba?"
"Oo naman! Tara!" Masayang sabi ni Donovan at inalalayan na ako.
Thank God! Gusto ko talagang libutin ang Rancho ngayon pero mas maganda na rin na siya ang kasama ko. Pinagamit niya sa'kin si Aikasha at sa kanya naman si Cobler.
Nilibot namin ang Rancho patungo sa flower farm. Namangha ako sa ganda ng mga bagong bulaklak na namumukadkad doon. It was like a painting.
"Ang ganda!" Hiyaw ko nang libutin ng mga mata ko ang kabuuan ng kinaroroonan namin.
"Oo naman. Magandang maganda pa rin..." sabi niya habang nakatitig naman sa akin.
Natatawang umirap na lang ako sa kanya sabay patakbo kay Aikasha palayo sa kinaroroonan nila ni Cobler.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro