CHAPTER 1
Chapter One
Juliana Alicante Arevalo
Nakatulala ako habang nakatingin sa malawak na dagat. Napayakap pa ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Ang pagyakap ng tubig sa lupa na tila ba masayang musika sa paligid.
Nakaiinggit ang mga taong naglalakad sa dalampasigan habang nakapaskil ang saya sa kanilang mga labi. Samantalang ako, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sumaya nang walang bahid ng pagpapanggap.
I'm just too sad even after four years. Apat na taong may malaking uka sa puso ko na kahit sino ay hindi napunan.
Matabang akong napangiti nang nahagip ng mga mata ko ang magkasintahang masayang naghahabulan sa dagat. Nang mahuli niya 'yong babae ay agad niya 'yong niyakap.
Just when he's about to kiss her, I remembered someone. I instantly shifted my eyes on a child building sand castles.
It is better this way, right?
"Julia, maliligo ka na ba?" Tanong ni Harren sa tabi ko sabay abot ng isang refreshment.
"Thanks, maybe later." Sabi ko na lang bago ibalik ang mga mata sa dagat. Inayos ko ang aking suot na aviator.
"Okay. Pupunta ba sila Chey?" Pagkuha niya ulit ng atensiyon ko.
Umiling ako. I'm not sure. Sigurado akong busy na ang lahat ng mga kaibigan namin lalong lalo na si Donovan na siyang nagma-manage na ngayon ng kanilang hacienda. Sina Ellis at Rojo naman ay humalili na rin sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga negosyo.
Sina Nesca at Greyson ay nagtatrabaho sa kompanya ni Ellis. Sina Jecko at Shey naman ay balak nang magtayo ng isang restaurant kapag nakaipon ng sapat. Habang si Cheyenne naman ay ganap ng dentista.
At ako.
I am still his secretary.
Napangiti ako nang mapait.
"Anyway, kailan mo balak bumalik sa trabaho?" Sumandal ako sa aking lounger at uminom sa juice na aking hawak.
Pang-ilang tanong na nga ba ito ni Harren? Bakit pa kasi niya ako sinundan dito kung pwede niya naman akong hintayin na lang sa office hanggang sa handa na akong bumalik.
"I'm still on leave. Bakit mo ba kasi ako sinundan pa?"
Inubos niya muna ang laman ng hawak niyang beer bago sumagot.
"I just want to know if you're okay."
Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Will I be okay?
Tumawa ako.
"I am fine. I learned my lessons already, Harren." Paniniguro ko.
"Are you ready to see her as—"
"I think I am ready for the sea now." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Madali kong tinanggal ang aking kimono kaya agad na bumungad ang katawan kong nakasuot ng pulang two piece. Napalunok si Harren nang isabit ko ang aking kimono sa sandalan ng lounger.
Hindi ko na siya pinansin at tumungo na lang sa dagat para pakalmahin ang puso ko. Ni hindi ko rin binigyan ng atensiyon ang mga lalaking natulala sa pagdaan ko. Maski iyong mga babaeng nalaglag ang panga nang sipatin ang katawan ko.
Dumiretso ako sa dagat na hindi alintana ang mga matang nakatitig sa'kin. I'm too busy healing my wounds. Dapat mas lalo kong pag-igihan 'yon kaysa pansinin ko ang mga walang kwentang bagay.
Masyado na namang bumibigat ang dibdib ko. Para na namang nadudurog nang kusa ang traydor na puso kong 'to.
Kumalma lang ako nang maramdaman ang malamig na tubig na yumakap sa katawan ko. Lumangoy ako sa klarong tubig at sumisid pailalim.
Random thoughts hit me again. Damn it! Pati ba naman sa dagat, siya ang naaalala ko? Gusto ko na lang magmura nang paulit ulit dahil sa naisip.
I clearly remember everything. Simula nang yakapin niya ako sa Cullasaga. Sa resort ni Tita Arabella. Maski sa lugar na ito.
Sumisid ako ng isa pang beses at umahon na lang matapos ang ilang sandali dahil alam kong hindi rin nakatutulong ang pagligo ko sa dagat. Everything is just so frustrating right now.
Matapos bumalik sa lounger ay nagyaya nang kumain si Harren sa restaurant ng resort. Isang linggo na akong nasa Buenavista simula nang pumutok ang masalimuot na balita.
And I think I will be staying here longer. Hindi naman ako bitter dahil wala naman akong karapatang maging bitter. We parted ways for good and I totally understand everything. Pinilit ko na lang intindihin ang lahat ng mga nangyayari kahit mahirap.
"Sa apartment ka pa rin ba tutuloy pagbalik natin sa Manila? Hindi ka na ba bumibisita sa mansion?" Magkasunod na tanong ni Harren habang kumakain kami.
That house. Oo nga't gusto ko namang makasama si Mama at piliting huwag na siyang magtrabaho pero ayaw niya. Ang dahilan niya noon ay mas lalo siyang tatanda kapag wala siyang ginagawa.
Shortly after I graduated and worked for Delaney worldwide, I rented an apartment far away from them. Lalo na sa kanya. I wanted to move on so bad. As if naman may iba akong choice?
Kailangan ko 'yon dahil talo na ako at alam kong wala na akong dapat pang ipaglaban kung siya na mismo ang naunang sumuko.
"Hindi na masyado, tsaka anong pag-uwi natin? You go home and I'll go if I want to."
He chuckled.
"Alright. Then I'll be waiting 'til you're ready." Sabi niya.
Gusto ko na namang magsungit sa kanya kahit na hirap akong gawin ang bagay na 'yon. Mabuti na lang at binago niya ang usapan namin.
"Ah, oo nga pala birthday ni Kuya Kane bukas, iniimbita tayo. Sasama ka ba?" Tanong niya.
Nag-isip muna ako sandali bago sumagot. Ano nga ba ang plano ko bukas? As usual gigising, kakain at matutulog. My normal boring routine.
"Sige. Anong oras daw ba?"
"Mga alas siyete. Kila Grey lang naman e. Malapit lang."
Tumango ako. Kung hindi ko lang sila nami-miss ay hindi talaga ako magpapakita sa kahit na sino ngayon.
"Susunduin kita ha." Dagdag pa niya.
Tumango ulit ako.
Matapos naming kumain at maglibot ni Harren sa maliit na resort na 'yon ay hinatid na rin niya ako sa bahay.
Pagkatapos naming magkita ni Harren sa university ay bumalik na ulit paunti-unti ang closeness naming dalawa kahit na may boyfriend ako noon. He respects my relationship with that guy and only wants friendship with me.
Sino naman ako para tanggihan 'yon? Masyadong malalim ang pinagsamahan namin ni Harren kahit pa noong wala pa ang lalaking 'yon sa buhay ko.
He's like a brother that I never had. Sigurado akong hindi ako makakabangon kahit paano kung hindi dahil sa kanya.
Nag-apply si Harren at agad namang natanggap sa kompanya ng mga Delaney matapos malaman na doon ako magta-trabaho kaya halos hindi na rin kami naghiwalay ng landas.
We shared the same thoughts up until now. Hindi rin nagbabago ang ambisyon namin noon na magtatayo ng sarili naming negosyo.
We are thinking about opening a restaurant or other business na madaling pumatok sa mga tao. A motel maybe?
"Matutulog ka na ba?" Tanong niya nang makababa na kami ng sasakyan.
"Bakit? I don't know. Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko.
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Harren!" Inis kong sabi at hinampas ang braso niya.
Humagalpak siya ng tawa sa nakabusangot kong mukha. Hinawakan niya ang mukha ko.
"'Yan! Just smile!" Aniya habang hawak ang dulo ng labi ko at inaarko pa ng nakangiti.
Umiwas ako at lumayo nang bahagya sa kanya. Pero dahil sa hagikhik niya ay natawa na lang ako.
"Bwisit ka!" Natatawang sabi ko.
Inayos ko ang buhok kong ginulo niya.
"It's fine as long as I make you happy." Ngumiti siya ulit.
"Sige na, bukas na lang ulit. Sunduin mo 'ko ha, baka makalimutan ko e." I waved at him.
Tumango lang siya kaya naglakad na ako papasok ng gate.
"I will call you!" Pahabol niyang sigaw.
Itinaas ko na lang ang kamay ko kahit na nakatalikod na ako sa kanya. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang sasakyan niyang humarurot paalis. Marahan kong binuksan ang door knob ng front door.
Kaagad akong nilukob ng lungkot nang tuluyan na akong makapasok sa tahimik at luma naming bahay. Hindi naman sobrang luma pero pakiramdam ko'y napakarami ng nangyari sa bahay na 'to. Isa na doon ang pagkawala ni Papa ilang taon ang nakalipas.
I still miss him every single day. Lalo na sa panahong ganito ako kalungkot. Nami-miss ko ang mga pangaral niya sa'kin na tumutugma sa lahat ng problema ko.
All his advice and love for me. Matabang akong ngumiti. Pumanhik na ako sa kwarto at naligo. Paglabas ko doon ay siya namang pagtunog ng cellphone ko.
"Ma..." bati ko sa kabilang linya.
"Juliana, anak. Kumusta?" Tanong ni Mama.
Pati siya ay miss na miss ko na rin. Kahit na parehas na kaming nasa Manila ay bihira pa rin kaming magkita dahil hindi na ako gano'n kadalas bumibisita sa mansion. At kapag gusto niya naman akong bisitahin ay abala naman ako sa opisina.
Noong una ay hindi ako pinayagan ng mag-asawang Delaney na bumukod pero iyon ang desisyon ko kaya wala na silang nagawa.
"Okay lang naman po, Mama. Kayo po?" Umupo ako sa gilid ng kama habang pinupunasan ang basa kong buhok.
"Ayos naman ako. Balita ko ay nasa Buenavista ka?"
Pati ang bagay na 'yon ay hindi ko man lang nasabi. Wala nga akong pinagsabihan na uuwi ako rito. Tanging si Harren lang ang nagbalita sa mga kaibigan ko at siguro ay pati na rin kay Mama.
I never intended to stay long here though. Gusto ko lang talagang sumagap ng sariwang hangin at bagong environment. 'Yong alam kong malayo sa lahat ng sakit pero hindi yata sapat ang ilang araw. I felt like I need a month or even a year to cleanse every pain in my system.
"Opo Ma, bumisita lang ako. I'm on leave. Gusto niyo rin po bang umuwi? Papa misses you, Ma."
Narinig ko ang pagsinghap niya.
"Hay anak. Miss na miss na kita." Bakas sa boses niya ang lungkot.
I miss her too... so much! I should hate her for everything pero kalaunan ay naintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari. Besides, she's still my mother and she knows best, indeed.
"Miss ko na rin kayo, Ma. Bisitahin niyo po ako sa apartment kapag may oras kayo." Napangiti ako sa naisip.
"Oo sige. Basta tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka o ano. Mag-iingat ka riyan. Paki-kumusta mo na lang ako kila Xavier." Aniya.
"Opo Ma, baka sa isang araw pupuntahan ko sila. Sabay na rin naming dadalawin sina Tiya Carmel at Papa."
"Oo anak, salamat. Sige na. Mag-iingat Julia ha."
"Opo Ma. Kayo rin po. I love you." I even kissed my phone.
"I love you too, nak." Sabi niya saka naputol ang tawag.
Hindi na ako naghapunan matapos mag-ayos. Hindi naman marami ang nakain ko sa resort kanina pero pakiramdam ko ay busog na busog pa rin ako. I can hear Harren scolding me. Palagi niya kasi akong pinapagalitan sa tuwing kaunti lang ang kinakain ko o hindi ako kumakain.
Wala lang talaga akong gana. Siguro napaparami lang ang kain ko kapag umagahan dahil sariwa pa ang utak ko sa pagtulog at wala pa masyadong iniisip na kung ano-ano.
Isang tawag ang gumising sa diwa ko kinabukasan. May alarm naman ako pero masyadong maaga itong nang-iistorbo sa akin ngayon.
Tamad kong inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng aking bedside table. Halos mapapikit pa ako ulit dahil sa liwanag ng screen. It's Nesca. Sapo ko ang aking ulo nang umupo ako at sagutin ang kanyang tawag.
"Juliana, finally!" Parang nabunutan ng malaking tinik niyang sabi.
"Hello, good morning." Tamad ko namang sagot.
Narinig ko ang paghagikhik niya na nagpangiti sa akin.
"Come on! You still sound so sleepy. Baba ka na, we're here!" Excited niyang hiyaw.
"What?!" Doon lang tuluyang nagising ang diwa ko.
"Yeah, nandito kami. Actually mga twenty minutes na."
Napatayo ako sa kama at agad na dumungaw sa bintana. I can see two cars from up here. Gosh, narito nga sila! Saglit kong sinulyapan ang repleksiyon ko sa salamin. Kinuha ko ang tali ko at agad na ipinusod ang aking lagpas balikat na buhok.
Hindi na ako nag-abala pang maghilamos dahil nakakahiya sa kanilang pag-antayin ko pa nang matagal.
"Wait." Sabi ko bago ibaba ang telepono at lumabas ng kwarto.
Nagkukumahog ako pababa ng hagdan. Tumatalon din ang puso ko habang naririnig ang mga boses nilang palapit nang palapit.
Parang gusto ko na tuloy maiyak dahil do'n! I'm just too sensitive lately, ewan ko ba. Para akong isang batang kulang sa pansin pero kapag pinapansin naman ay gusto kong mapag-isa.
"There she is!" Nakangising sabi ni Cheyenne sabay yakap sa akin.
Sumunod naman sina Sheyriz at Nesca na kumawala muna sa pagkaka-akbay ni Ellis. Yes, they are marked as lovers now.
"Hey beautiful!" Ani Donovan sabay lapit at yakap din sa akin.
"Bolero ka pa rin!" Bulong ko sa gitna ng pagkakayakap niya.
"I'm just honest, you know that." Halakhak niya.
Binati ko rin ang mga lalaking naroon. Sina Rojo at Greyson lang ang wala ngayon dahil may kailangan daw silang gawin para sa birthday ni Kuya Kane. Tutal magkikita-kita rin naman kami mamaya kaya hindi na ako nagtanong pa.
"Nakatulog ka ba nang maayos?" Usisa ni Harren matapos umupo sa tabi ko.
Sila Sheyriz ay abala sa pagluluto ng breakfast habang ang mga lalaki naman ay nanunuod sa TV ng isang sci-fi movie.
Mabuti na lang at nakapamili ako ng mga pagkain noong isang araw dahil kung hindi ay wala talaga kaming kakainin ngayon.
"Oo, ikaw ba?"
"Yeah." Tumango tango ako.
"May regalo ka na ba?" Tanong ni Jecko na nasa harapan ng kinauupuan ko.
"Wala pa nga e, kayo ba?"
Tumango silang lahat maliban kay Donovan.
"Wala ka pa? Pwede ba tayong bumili habang maaga pa?" Tanong ko sa kanya.
Lumipad agad ang tingin ni Harren kay Donovan.
"Ako rin Juls, parang mali yata 'yung nabili kong size eh." Ani Harren.
Kumunot ang noo ni Donovan kay Harren. Umirap na lang ako sa kanilang dalawa.
"Sus! Medyas lang naman yung binili mo Harren. Pa-size size ka pa!" Humahalakhak na singit ni Ellis sa titigan ng dalawa.
"Ako na lang mag-isa ang bibili." Sabi ko.
"Mabuti pa samahan na lang kita Julia." Natatawa na ring sabi ni Jecko.
Ngumiti ako kay Jecko. Good! Dahil ayaw kong maipit sa dalawang 'to!
"Sige, maliligo lang ako sandali." Paalam ko.
"What? Paano ako?" Kunot noong tanong ni Donovan.
Harren smirked at him.
Tumayo na ako at naglakad patungo sa hagdan. Hindi ko na sila pinansin. Ganito naman palagi ang eksena sa tuwing magkakasama kaming lahat at sanay na ako sa ganito.
Simula kasi nang malaman ni Harren na may gusto sa'kin si Donovan noon ay parati na niya akong inilalayo rito. Hindi naman sila magkaaway, sa totoo nga ay sila ang pinakamalapit sa lahat ng lalaki pero nag-iiba ang mood nilang parehas kapag nasa gitna ako ng usapan.
"Mabuti pa kayo na lang ni Harren ang mamili, Don." Natatawang hiyaw ulit ni Ellis sa dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro