9
Magbalik
Nakatingin ako sa kaniya. Sa mga mata niyang nangungusap. Mga mata niyang minahal ko ng sobra, at minamahal ko pa rin. Basang basa siya. Tulad ko na dinadama ang bawat patak ng ulan sa aming mga katawan.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Kinagat ko ang labi ko. Tapos na kami pero heto ako kumagat na naman sa patibong niya dahil umaasa ako. Umaasa na magbalik ang dating pagmamahalan.
Nakatingin siya sa akin. Lumunok ako. Dahan dahan niyang inihakbang ang mga paa niya papunta sa akin. Ano bang problema niya?
Umatras ako ngunit nahuli niya ang braso ko. At walang pasubaling niyakap ako.
"Mahal pa rin kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro