Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

Buhay

"Langit, Lupa, Impyerno Patay buhay umalis ka sa pwesto mo!" Mula sa bintana at pinapanood ko ang mga batang naglalaro. Napangiti ako.

Pinagulong ko ang wheel chair ko at lumapit ako sa salamin. Nakita ko ang repleksyon ko. Nakita ko ang maputla kong balat. Ang payat na pangngatawan. Hinubad ko ang sombrerong nasa ulo ko. Wala akong makita kahit isang hibla ng buhok.

Ngumiti ako sa sarili ko. At sinambit ang mga salitang pinanghahawakan ko.

"Mararanasan mo rin yan kaya ipaglalaban natin, Panginoon. Ipaglalaban natin ang buhay ko sa sakit na ito. "

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro