Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45

I Love The Way You Lie

"Nasa isa kang palasyo na puno ng magagarang kasuotan at may mga serbidora na nagsisilbi sayo," mahinang bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang lamisitang nasa harapan ko.

"Prinsesa, andito na po ang hinihingi niyong kasuotan," ngunit pagmulat ng aking mga mata ay isang kamisetang sira-sira at tila pinagpiyestahan na ng mga daga.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Oo nga pala. Hindi ako prinsesa. Dahil isa lamang akong hamak na alipin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro