Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4

Anak lang

"Wala ka nang nagawang mabuti! Puro sakit ng ulo ang dulot mo dito sa bahay! Imbes na pataasin mo ang grado mo ay pinababa mo pa lalo? Anong klaseng anak ka! Di mo manlang nasuklian ang mga paghihirap ko! Walang kwenta kang anak!" Sigaw niya at umalis sa harapan  ko. Pinipigilan ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa aking mga mata habang tahimik na tinanggap ang  mga salita ng aking Ina.

Wala sa sarili kong kinuha ang lubid sa aming bodega. "Anak lang ako." Ngumisi ako sa salitang isinambit ko.

Isinabit ko ang ulo ko sa lubid. Pumikit ako. Alam kong mali. Alam kong hindi dapat. Ngunit napapagod na ako. Marahan kong sinipa ang upuan na pinapatungan ko.

'Ma, simula ngayon mawawala na ang walang kwenta mong anak.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro