3
Maskara
"Tulong!" Iba't ibang sigaw ang naririnig ko. Ang apoy ay kumakalat na sa aming lugar na kung tawagin nila ay Squatter's Area.
"Buboy! Tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili mo!" Rinig kong sigaw ng aking Ama. Nasa itaas siya ng aming bahay. Luha ay pumatak sa aking pisngi. Sinigaw ko ang 'Papa' pero hindi na siya muling sumigaw.
Sinunod ko ang sinabi ni Ama. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa nakita ko ang isang lalaking naka-maskara.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara niya. Siya! Isa siyang politikong nakikita ko sa telebisyon! Tatakbo sana ako sa kaniya upang humingi ng tulong, napatigil ako sa sinambit niya.
"Salamat sa mga boto niyo. Pero kailangan ko na kayong palayasin sa teritoryo ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro